Nang makarating sa kama ay agad kong tinawagan ang kanyang numero.
Kinagat ko ang daliri sa hinlalaki.
Tinitigan ang kisame habang pinapakinggan ang patuloy na pagriring sa kabilang linya.
I tried for the third time.
Wala akong planong tumigil kahit alas tres pasado na ng madaling araw!
Talagang tinatapos ko ang tawag at hahayaang mamatay dahil cannot be reach daw.
Pagkatapos ay muling pipindutin ang kanyang numero.On the eighth ring sinagot niya pero..
"Hello.."
Dumilat ako ng maigi dahil muntik na akong makatulog sa tagal niyang sumagot.
Ngumisi ako nang marinig ang boses.
Napaupo ako sa kama.
"Where's Idris?" pinalandi ko ang aking boses.
Matagal bago muling sumagot ang nasa kabilang linya.
"Who's this?"
Tumawa ako at pumalatak.
Talagang hindi niya sine-save ang numero ko ha.
"Tell him I enjoyed the night. Sa uulitin! Goodnight-ops, I mean good mornight!"
Pagkatapos ay ibinaba ko na.
Ngumisi ako habang tinititigan ang nakailaw na cellphone.
I'm sure magiging mahaba ang umagang ito para sa kanila.
Hindi na ako nagpalit ng damit at sumubsob na sa aking kama.
What a night!
Kinabukasan ay ginising ako ng mga katok.
Sinabayan pa ng maingay na ring ng aking cellphone.
Kinapa-kapa ko iyon sa aking kama pero hindi ko makapa.
Natawa ako at nagmura.
Lasing na lasing Atharie, ha!
"Athie!" boses ni Cede. Kasama ko sa trabaho kaya kasama ko na rin dito sa inuupahang unit. "May tao sa labas!"
"Sino?!" sigaw ko habang patuloy ang pagkapa sa ayaw matigil na cellphone. "Damn it!"
"Si Kuya Deo."
Saktong pagkuha ko ng cellphone at pagsagot basta sa tawag.
Nilunod ng boses ni Idris sa kabilang linya ang boses ni Cede.
"Don't make me wait! Because, I'll drag you outta there!"
Namatay ang tawag kasabay ng pagtigil ng katok sa aking pinto.
Imbis na kabahan ay excited pa akong nagtungo sa banyo.
Naligo para makapagbihis na.
In my usual get up when I'm home, racerback sando and a cotton pajama, sinalubong ko ang mabangis na titig sa akin ni Idris.
My hair is still damp.
Mainipin kasi ang isang 'to, eh. Tsk.
"Hm, so eager to see me? Good morning."
Nagkatinginan kami ni Cede.
Nasa kusina siya at may bakas ng ngisi sa kanyang labi.
Umiling ako sa kanya, nangingiti.
Umalis siya hawak ang toasted bread at pumasok sa kanyang kwarto.
"Hindi mo ba ako titigilan?!"
Kunyaring nabigla ako sa mariing sabi ni Idris
Umatras ang mukha ko at tinaasan ko siya ng kilay.
Sinikop ko ang buhok sa kabilang balikat at humalukipkip.
"Ano ba 'yon?"
Inilahad niya ang cellphone sa akin na tinitigan ko lang.
"You called me last night. Huwag mo nang itanggi! Si Shannon ang nakasagot!"
Kinunot ko pa ang noo.
Dinukot ang cellphone sa bulsa ng pajama at kunyaring may tinignan.
"Oh!? Shoot!"
"Stop it, Atharie! I know you know it!"
Ngumiwi ako.
"Pwede bang 'wag kang sumigaw ng sumigaw. It's just eight in the morning!"
Lumapit siya sa akin at halos panggigilan muli ang aking braso.
Muli kong naramdaman ang sakit na iniwan ng hawak niya sa akin kagabi.
Baka magpasa na ito!
"Stop whatever you're doing, or else-
"Hindi ko nga maalala! Lasing ako kagabi. Hindi ko alam!" pumiglas ako.
Gusto kong haplusin ang braso, but no.
Not until he's gone.
"Fuck you! Stop your lies, I won't buy it. Patahimikin mo na nga ako!"
Ngumisi ako at binalingan ang lamesa naming may agahan na.
Kalmado ko siyang tinignan habang namumula na ang kanyang tainga at gilid ng mata.
Ang kanyang ugat sa leeg ay umaaliw sa aking paningin.
He's mad but it drawn me more to him.
The rage in his eyes sent fires inside me and I want more.
I always want more of him.
"Why would I? Told you I like you-
"I hate you! Don't you get it? Hanggang kailan mo ipipilit 'yang sarili mo?! Magkaroon ka naman ng delikadesa."
"Oh. Ask your bitch first-
"Huwag mong matawag ng ganon si Shannon!"
Yeah, of course.
Tumawa ako at umiling. Pinuntahan na ang lamesa.
"Fine. Tell her, I'm sorry."
Pero bago pa ako makalapit ng husto ay hinila niya na ako paharap.
Hindi ko na naiwasang dumaing.
Tsk, magpapasa na talaga ito.
Bahagya siyang natigilan at tinignan ang namumula kong braso.
Binitawan niya iyon ngunit mariin ang tingin sa akin.
Tinagilid ko ang ulo ng makitang may dumaang guilt sa kanyang mata na agad nawala.
"Tigilan mo na kami. Ikakasal na kami!"
Nagtitigan kami.
Two months from now, baby.. easy.
May dalawang buwan pa ako para sirain ang pangarap niyo.
Magugustuhan mo din ako.
Igting ang kanyang panga
Halatang kino-control ang pagsabog.
Maybe they had a bad, bad fight last night.
Pumalatak ako at seryoso siyang tinitigan.
Bakit ba ayaw kumawala ng lalaking ito doon?
Mukha naman iyong pumutok na tigyawat!
"That's why I'm doubling my time, hun. Ayoko ko kayong makasal."
Kumunot ang noo niya na parang first time niya itong narinig.Tumawa siya nang hindi nakayanan kabaliwan ko para sa kanya.
"Dahil gusto mo ako? Why don’t you try with those men who's after you. Let them scratch your itch! Sila ang guluhin mo huwag ako!"
Ngumisi ako. "Hindi kayo pareho ng kamay eh."
Pumikit siya ng mariin.
Alam kong punong-puno na siya.
Sunod ang tingin ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay magbabasag siya ng gamit dito.
Kalmado kong hinalo ang kape na alam kong para sa akin.
Nakatingin pa rin ako sa kanya.
"Don't marry her, Idris."
Mabilisan ang tingin niya sa akin.
Halos itulak niya ako ng humakbang siya palapit sa akin.
Hindi ako natinag sa kinatatayuan kahit kanina pa kumakabog ang dibdib ko.
Taas noo ko siyang tinignan.
I'm not really scared of something.
Kung meron man ay mabilisan lang ang kaba dahil pinapatay ko agad ang mga emosyon sa aking utak.
"She doesn't deserve you."
"At ikaw ang nababagay sa akin?" he laughed darkly.
"Mas lalong hindi ka deserving, Atharie. You don’t deserve any love from me. Walang magmamahal sa katulad mo dahil hindi mo kayang respetuhin ang sarili mo, ibang tao pa kaya? You're nothing but a spoiled bitch, whoring herself to every man you'd bumped into!"
Dinig ko ang tunugan ng kanyang ngipin habang sinasabi ang lahat.
Mas lalo ko siyang tinitigan na nilalabanan niya din.
Ngumisi ako na lalo niyang ikinainis.
Dinuro niya ako.
"Huwag na huwag ka nang tatawag at lalapit sa akin. Isa pa, Atharie.. isa nalang." banta niya bago umalis sa harap ko at pabagsak na sinarado ang aming pintuan.
Umirap ako nang sa ika-pitong pagkakataon ay hindi sinagot ni Idris ang tawag ko.“Save you, save you ka pang nalalaman. Wala ka pala eh.” kausap ko sa cellphone.Tinigilan ko na ang pagtawag.Buti at hindi pa rin ako naka-block sa kanya.Tatlong araw na ang nakakaraan at hindi pa kami ulit nakakapag-usap.Na-busy na rin ako sa trabaho.Isang buwan nalang ay graduation na ni Cede kaya halos hindi na siya pumapasok sa trabaho.Ako lahat ang sumasalo sa mga naiwan niyang gawain.Hinahatian niya nalang ako sa gabi kahit sinabi ko nang ako na ang bahala.Mas gusto kong makapagpahinga siya para mas makapag-focus siya sa pag-aaral niya.Bumalik ako sa computer.Buong araw akong nakaharap doon.Nakalimutan ko na ring mag-tanghalian.Hapon nang bumaba ako sa opisina.Lumabas ako para mag-drive thru nalang.Pagtapos ay bumalik ako sa aking opisina.Hinarang ako ng isang empleyado bago ako makapasok.“Ma’am, nasa email niyo na po ‘yung pang next month na storyboard. Paki-check nalang po.”“Ah g
Umatake agad ang kanyang pabango sa aking ilong.I know it’s Idris.Halos kaladkarin niya ako nang makaalis kami sa dancefloor.Tumawa ako.Umaakyat muli ang tama ng alak sa akin.Ang sakit sakit na ng paa ko kaya naman sinubukan ko iyong tanggalin.Agad niya akong nilingon.Narinig ko ang mura niya.“Akala ko matutumba ka na.”Binitawan niya ako at alam niyang inaabot ko ang strap ng aking heels.Sinandal niya ako sa wall ng hallway papunta sa fire exit.Pinatayo niya ako ng maayos pagkatapos ay lumuhod siya.Na-out balance ako nang dungawin ko siya sa aking paanan at halos matumba.Tumawa ako habang siya ay nagmumura.“Damn, Atharie. Umayos ka. Tatanggalin ko ang sapatos mo!” galit niyang sabi.“Nahihilo ako.” tawa kong muli.Sinilip ko siya ulit at muli akong nahilo.Kaya tumingala ako at pumikit.Hinihintay siyang matapos.Narinig ko pa ang bulung-bulong niya.“Why do you love these damn shoes? Ang pula-pula na ng talampakan mo.”Naramdaman ko nalang ang muling pag-akay niya sa ak
Matinding panenermon ang inabot ko kay daddy nang makapasok siya sa bahay.Iyak na ako nang iyak habang yakap ako ni Shanne Baylon.“Kung aalis ka, umalis ka nalang! ‘Wag ka nang maninira ng mga hindi mo naman gamit.”Galit na galit si daddy nang madatnan ang kwarto ng kanyang anak.Mas lalong nagpapatong ang galit ko para sa kanya.Hindi na mailigtas ng pagmamahal ko para sa kanya ang disappoinment na nararamdaman ko.“Bakit galit ka? Buti nga hindi ko sinunog ‘tong bahay niyo!”Isang lumalagitik na sampal ang binigay niya sa akin.Agad na napasigaw si Shanne.“Greg! Ano ba?!”Agad siyang humarang sa amin ni daddy.Niyakap niya ako at itinulak si daddy.Bumuhos ang luha sa aking mga mata.Ang sikip sa dibdib ko ay nagpapahirap sa aking huminga.“Hindi ako papayag na ginaganyan mo ang anak mo! At ano gagawin mo rin kay Shannon ‘pag may nagawa siyang hindi mo gusto?!” sigaw nito.Dinuro ako ni daddy.“Hindi niya katulad si Shannon! Malala ang batang ito. Kung sino pa ang may kinalakiha
Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang mga kasama ko.Ang iba ay hindi ko kilala.Si Wyna lang ang talagang close ko rito.Pero lahat naman ay common friends na rin.Malaki ang circle ko.Pero wala akong itinuturing na bestfriends o kung anuman na pinaka malalapit na kaibigan.Si Cede lang ang maituturing ko na pinakamalapit na kaibigan. Maingay na ang mesa namin.Ang iba ay lasing na nang dumating.Galing daw sila sa isang bar bago pumunta rito.“Nagpa-party rin pala ‘yang loser na ‘yan?”Narinig ko sa isa sa mga babaeng nasa table namin.Medyo tipsy na ito dahil nakahilig na siya sa kausap niyang babae rin.Sinundan ko ang tingin nila at nakita si Idris na may kausap na isang lalaki.Pareho ng suot niya kanina ay iyon pa rin ang suot niya.The thing is hindi na niya kasama si Shannon.Bumalik siya?“You’re so mean. Ni-reject ka lang eh.” tawa naman ng kausap niya.Umirap naman ang babaeng lasing.“He is such a loser. Siguro ginayuma niyan si Shannon. Hindi sila bagay.”Tumaas
Hindi pa rin ako makapaniwala.Pumayag agad siya?Paano?Bakit?Naisip na ba niyang hindi niya na mahal si Shannon?Lutang akong tumitig sa aking repleksyon sa malaking vanity mirror ko.Hindi natuloy ang kung anumang bumubugso sa damdamin namin kahapon.Biglang tumawag ang sekretarya niya at sinabing ilang minuto nalang ay magsisimula na ang meeting nila.Pinatalsik agad ako ni Idris sa kanyang opisina.Masama pa ang tingin sa akin ng sekretarya nang sabay kaming lumabas ng amo niya.Ngumisi lang ako ng matamis sa babae.I wonder if she will report that to Shannon.Pero parang hindi naman sila close ‘non.Unti-unting sumilay ang ngisi sa aking labi.Does Idris still love me?Hindi pa ba siya nakaka-move on sakin?Sobrang tagal ‘non!Ang ngisi ay unti-unting naging tawa.Hanggang sa naging halakhak iyon.Pinulot ko ang brush upang simulan ang pagme-make up.I’m going to my friend’s party.Para makapag-unwind na rin mula sa tambak na trabaho noong mga nakaraang linggo.Biglang pagtatap
“Talagang hindi ka marunong sumunod sa utos, ‘no?”Nakangiti akong lumapit sa kanya.“Ang aga pa pero pang tanghaling tapat na ‘yung init ng ulo mo.”“Ano na namang kailangan mo sa akin?”Kahit hindi niya sabihin ay umupo na ako sa upuang nasa harap ng kanyang table.Galit niya akong tinignan pero hindi ko na iyon binigyang-pansin pa.The hell I care.“I have a business proposal for you.”Tumaas ang kilay nito.“As if I need you to boost my business. I am already at the peak, for your information.”Ngumisi ako. “This one is definitely your peakest.”Kumunot ang noo niya at tinitigan akong mabuti.“What is it?”“Date me for a month. You will be my cover and content for a month.”Nakita ko ang dumaang interes sa kanyang mata.Alam kong hindi pa masyadong boost ang kumpanya nila.Kulang pa sa promotion at commercials.Kahit sabihin niyang successful na sila ay hindi ako kumbinsido.Kailangan kong baguhin ang isip niya nang sa ganon may magawa ko ang plano ko.“Are you dumb? Talagang hind