Share

Chapter Twenty-Three- Officially Hired

Eliza POV

"This is it; this is really it," usal ko sa aking aking sarili habang naliligo sa banyo.

Minadali kong tapusin lahat ng gawain sa bahay bago lakarin ang mga dapat kung isumiti sa aking unang araw ng trabaho

sa lunes. Mabuti na lang pagkagising ko ay tapos ng nagagahan sila Inay Linda at Rica. Ayon pa kay Inay, maagang umalis ng bahay si Rica. Nagpaalam itong uuwi muna sa kanila dahil may importante daw itong gagawin.

Ewan ko ba sa babaeng iyon. Hindi na ako updated sa ganap sa kanyang buhay. Ganun din naman siya sa akin. Kahit magbestfriend kami ay may mga bagay na hindi ko sinasabi sa kanya tulad na lang ng totoo kung pagkatao. Mas open pa ako kay Anton, siguro dahil malaki ang tiwala ko sa kanya dahil na rin sa tagal ng aming pinagsamahan. Isa rin sa dahilan kung bakit atubili akong isiwalat ang aking sikreto kay Rica ay dahil likas itong madaldal at ayaw kong mabulyaso ang aking mga plano.

Pasado alas diyes na ng umaga akong nakaalis ng bahay. Ibinilin ko na lang si Inay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status