Simula nailibing ang ama ni Sofia naging tahimik ang kanilang tahanan .Isang linggo na ang nakaraan nang matapos ang lahat .Wala na rin ang mga taong nagpupuyat para sa kanila .Dahil sa kanilang lugar kahit wala na ang bangkay kailangan may mga tao parin sa bahay ng namatayan hanggang sa mag siyam na araw ito.
Malalim na ang gabi ng biglang may pumasok sa bahay nila Janeth nakatakip ang mga mukha ng mga ito at may dalang baril . Sa takot niya tumakbo siya kaagad sa kwarto ng mga anak niyang tulog na rin . Nagising lang ang mga ito dahil sa kalabog ng mga bagay na siyang sinisira ng mga taong pumasok sa kanilang bahay . Ilang sandali may ngbukas ngkwarto at nang hindi mabuksan ay binaril ang lock ng pintuan kaya nabuksan.. ''anong kailangan niyo sa amin ?" yakap niya ang dalawa niyang maliliit na anak dahil takot na takot ang mga ito sa mga armadong mga lalaki .Nagising din ang mga ito kanina dahil balak niyang patakbuhin pero hindi sila kumalas sa kanya at niyakap siya kaya wala siyang nagawa kundi yakapin din ang mga ito .Ang inaalala niya si Sofia na natutulog sa kabilang kwarto. '' ilabas niyo ang pera '' napailing siya habang umiiyak .Anong pera naman ang hinahanap ng mga ito gayong ni piso hindi nag iwan sa kanila si Sony . '' anong pera naman ang pinagsasabi niyo ?" matapang niyang tanong sa mga ito . '' halughugin niyo ang bauong loob ng bahay at baka nandyan lang iyan at tinatago nila '' hinayaan lang ni Janeth ang mga lalaking nagkakalat dahil lahat ng laman ng kabinet ng mga anak niya ay tinapon sa sahig .Kapante siya na walang pera sa bahay dahil hindi nila alam kung saan nga ba nilagay ni Sony ang sinasabi nilang ninakaw nito .Nagcheck din siya sa banko ngunit ni piso walang laman ang account nilang dalawa. '' kahit maghanap kayo walang pera dito '' buong tapang niyang sigaw .Umiiyak na rin ang mga anak niya dahil sa takot ,hindi naman sila makahingi ng tulong dahil medyo nagkakalayo ang mga bahay sa kanilang lugar at kung may makarinig man siguradong matatakot ang mga ito lumapit dahil mga armado ang mga pumasok sa kanilang bahay . Pinagmasdan niya ang dalawa niyang anak at lalong hinigpitan niyang niyakap ang mga ito para hindi sila matakot dahil nandyan lang siya para sa kanila .Ang inaalala niya si Sofia baka gawan ng masama ang kanyang anak lalo't natutulog na iyon . '' bitawan niyo ako .Mga demonyo kayo ano bang kasalanan namin sa inyo '' hila hila nila si Sofia papasok sa kwarto kung saan sila ngayon .Pagkalapit ni Sofia agad na hinila ni Janeth ang kanyang anak para hindi na ito magsalita pa . '' ano ba hinahanap niyo .Kung pera wala kaming pera !!'' sinagad na ni Fia ang lakas ng kanyang boses para marinig ng mga kapitbahay at makahingi sila ng tulong pero mali ata ang kanyang hakbang dahil nakatutok na sa ulo ng isa niyang kapatid ang baril ng lalaki. ''manahimik ka kung ayaw mong basag ang bungo ng batang ito '' napalunok nalang siya at hinila ang kapatid niyang natutukan ng baril .Bigla siyang natakot at baka totohanin ng lalaki ang banta nito . '' tama na Fia huwag ka ng magsalita pa hayaan mo silang mag hanap '' tumango nalang siya sa kanyang ina at natahimik na rin .Pinanood niya ang paulit ulit na pagbuklat at pagtapon ng gamit ang mga lalaki .Napapiling nalang siya kung may pera man na inuwi ng kanyang ama ibabalik niya ito .Pero bakit wala at hindi pa nakauwing buhay ang kanyang ama dahil sa bintang ng kompanya. '' boss wala naman '' kahit anong halughog nila sa mga gamit wala silang nakitang pera . Nakatanggap naman ng mensahe ang pinaka bigboss nila kaya tahimik lang ito nakatingin nagkukumpulang mga bata at ang ina ng mga ito .Naawa man siya ay wala siyang magagawa dahil utos ng boss nila . '' tara na dalhin ang asawa '' nataranta bigla si Janeth .Ayos lang naman na siya nalang ang papahirapan ng mga ito kung wala silang anak ni Sony . '' huwag ang mama ko !'' umiiyak na pagmamakaawa ni Sofia sa kanila .Kaagad naman lumapit ang dalawang lalaki ang tinutuok ulit ang mg baril ng mga ito kila Sofia ang dalawa niyang kapatid . Maririnig ang iyak at pagmamakaawa nilang huwag silang saktan lalong lalo na si Janeth na natatakot para sa kanyang mga anak . Dahil walang pinapakinggan ang mga lalaki .Hinila nila si Janeth at kinuha ito palabas ng kwato . '' bitawan niyo ako ,sige dalhin niyo nalang ako huwag niyong idamay ang mga anak ko '' nakiusap siya na hahayaan nalang mabuhay ang mga itong ligtas .Ayos na sa kanya ang lumayo kung siya lang naman ang kailangan. '' dalhin silang lahat '' hindi pwedeng may maiwan dahil magiging saksi ang mga ito pag nagsumbong sila sa pulis .Kahit hawak ng boss nila ang batas hindi sa lahat ng pagkakataon ay walang matatakot sa kanila . Kung magtanong man ang boss nila kung bakit pati mga bata ay dinala niya ay doon na lamang magiisip ng irarason . '' ano ba kailangan niyo sa amin?" naiiyak na tanong ni Janeth alam niyang may awa ang mga ito pero sana hindi nalang nila dinala ang mga anak nya .Ayos na sa kanya ang pahirapan siya huwag lang ang mga bata . '' malalaman niyo pag nakarating na kayo sa pagdadalhan namin sa inyo '' '' mama !!'' bulong ni Sofia sa ina niyang tahimik na umiiyak .Nasa loob na sila ng van at madilim dahil gabi parin .Ni hindi man lang nila iilaw ang loob ng van .Hindi niya rin nakikita ang daan dahil may mga itim na kurtina ang mga bintanan ng van . ''sshh huwag na kayong umiyak ayos lang tayo '' nasabi niya lang iyon para matahimik na ang kanyang anak . '' hindi niyo naman siguro kami sasaktan ?" tanong ulit ni Janeth sa mga lalaki ngunit ni isang sagot wala siyang narinig . '' mama !! natatakot ako '' saad ng isang bata na nakayakap sa kanya .Mabuti nalang at wala doon ang sanggol niyang anak at ang sumunod kay Sofia na babae.Hiniram muna ng kanyang hipag ang mga ito at binigay naman niya dahil masyado na siyang abala sa burol ng kanyang asawa . .Bawal sa kanya ang magpakagatas gamit ang dalawa niyang dede dahil may cancer siya sa dibdib .Kaya hiniram muna ng kanyang hipag ang dalawa para medyo gumaan ang kanyang gawaing bahay .Kung may ibibigay man na pera ang kanyang hipag sapat lang iyon sa pang isang buwan nila at sa pag aaral ni Sofia. '' kawawa si Matmat at Loraine madadamay pa mama ?" hindi lang naman ang dalawa niyang anak ang inaalala .Pati na rin si Sofia dalaga na ito at baka maging demonyo ang isip ng mga lalaking dumukot sa kanila ay madadamay ang anak niyang dalaga . Humihingi siya ng tulong sa taas para iligtas sila kahit ang mga anak niya lang ayos na kanya . Pero mukhang walang tugon kaya nawalan na siya ng pag asa .Tahimik parin ang paligid at mukhang malayo ang kanilang pupuntahan dahil kanina pa sila na nasa byahe . '' shit boss sira ata ang preno ng van ?" napatingin sa harapan si Janeth ng marinig ang sinabi ng driver ,dito na siya nakaramdam ng pag asa kung sakaling mawalan ng preno ang van at maaksidente sila may pag asang makatakas ang mga anak niya .Pero natatakot din siya dahil kung mangyari ang nasa isipan niya baka pati silang mag iina ay madamay at mamatay dahil sa aksidente. '' anong sira walang hiya Ricky bakit ngayon mo lang napansin .'' nagtatalo ang dalawa habang pababa na ang daan dahil hindi na maiayos ng lalaki ang preno ng van .Hindi niya rin naitigil kanina dahil huli na lalo't ang daan ay pababa . '' mamatay na tayo dito '' sigaw ng isang lalaki .Natatakot din itong mamatay sa aksidente kaya akma niya sanang bubuksan ang pintuan ng van ngunit hindi mabuksan dahil nakalock kahit anong sigaw niya na pindutin ang lock ay hindi na naririnig ng driver dahil sa takot . '' iliko mo '' sinunod naman niya ang utos ng boss nila pero mali ang dereksyon na kanyang nilikuan kaya patuloy ang pag pagtakbo ng van dahil malawak ang natungo niyang parte at talagang walang pagkakalsuhan na bato man lang . Dahil sa kaba at takot niyakap nalang ni Janeth ang mga anak niya at siniksik niya ang mga ito sa ilalim para kung mabangga ang van ay hindi gaano masasaktan ang mga bata .Ngunit dahil sa takot ng dalawang bata hindi sila sumunod sa gusto niyang mangyari at bumalik sila saka yumakap .Tanging si Sofia lang ang nakasuksok sa mag upuan at inipit niya gamit ang hita .Hindi mahirap ang pag alis agad nila Sophia sa kanilang bahay .May sumundo sa kanilang itim na sasakyan at nagpakilalang boss nila si Martin .Dahil gusto niya ng kumpirmasyon tinawagan niya si Martin at totoo ang sinasabi ng tatlong lalaki . Nagmadali silang lumabas at binigay ang mga maleta nila . ''angkle Martin salamat sa pagtulong sa amin '' naiiyak na siya.Akala niya hindi sya matutulungan nito pero mukhang tama ang kanyang nilapitan na tao . '' walang anuman Sophia kinagagalak kong makatulong '' sobrang nagagalak siya dahil magkakasama ulit ang mga magkakapatid plus may dumagdag pang isa . Siguradong masaya na ang Don pag nakikita niya ang mga ito . '' pakiusap lang angkle huwag niyong sabihin kay Zimon ''alam niyang magagalit iyon dahil sa iba siya humingi ng tulong pero ano magagawa niya kung si Martin ang bukod tanging makakabigay agad sa kanya ng tulong ngayon . '' don't worry Sophia tayo lang ang nakaakalam nito .Masaya ako na doon mo ilalagay ang anak mo sigurad
Dahil hindi mapakali si Angela tinawagan niya ang ina ni Zimon para tanungin kung ano nga ba ang ginagawa nito sa America at hindi kasama si Zimon . ''what bakit nandyan si Sophia.Akala ko ba assistant ito ng anak ko '' kahapon lang sila meron sa bahay nila at ang buong akala niya mag hohoney moon pa ang mga ito para naman mapadali ang pagkakaroon nila ng anak at makaalis na ang babaeng iyon sa kanilang buhay . '' assistant saan tita ?" ilang minuto na ang nakalipas pero parang ang sinabi ng ina ni Zimon parin ang nasa kanyang isipan . '' ang anak ko ang bagong chairman ng kompanya ni mister Guevara at assistant nito si Sophia kaya nagtataka ako bakit nandyan ang babaeng iyan '' kung si Zimon ang bagong chairman ng kalaban nilang kompanya mas lalo siyang mahihirapan sa paglapit kay Zimon .Bakit ito ang tinalagang bagong chairman gayong taga labas at walang alam sa ganung negosyo si Zimon .'' I don't know tita according to her nabaksyon lang '' sagot nalang niya sa tnong nito .
'' mom gusto ko mamasyal sa mall '' minsan lang mag request ang anak niya kaya pagbibigyan niya ito . Gustong gusto nito sa mall dahil nakakagala ito at minsan doon nagagawa niyang pagpawisan dahil sa paglalaro sa arcade. '' sige kasi kailangan mo ng makakapal jacket habang hindi pa gaano malamig '' may pag aalala siya sa kanyang isipan . Isang buwan parang ang iksi na makasama niya ang anak nito . '' yeheyyy '' kitang kita ni Sophia ang tuwa sa kanyang anak .Kaya hinawakan niya ito sa kamay at niyakap ulit .Hindi siya magsasawang yakapin si Zilux . '' sama ka din manang para makapili ka din .Ipapaayos ko pa ang bahay para safe sa lamig '' gusto niya din ito bilhan ng maayos na winter clothes dahil may edad na si Rosenda at lalamigin na ito . Pagkarating nila sa mall nagtungo sila agad sa bilihan ng winter clothes. Habang namimili sina Rosenda at Zilux naging abala din si Sophia sa cellphone nito . ''Sophia is that you ?" napatingin siya sa taong nagsalita mula sa kanyang l
Nagulat si Rosenda habang tinitikman ang niluluto nitong ulam nila ni Zilux sa tatlong beses na nagdoorbell.Pag ganun si Sophia lang ang may ganung pag doorbell pero impossible para sa kanya dahil kausap lang niya ito kanina at kahapon . '' Zilux Look who our guest is before you open the door. I can't leave what I'm cooking behind, it might burn." ''yes lola .'' pumunta naman si Zilux habang hawak nito ang isang kuting na napulot niya lang kahapon mula sa isang creek . Naawa siya kaya inuwi ito at laking pasalamat niya dahil nagustuhan din ng kanyang lola ang kuting kaya kanina galing sila vet . Sinilip niya muna mula butas ng pintuan kung sino ang nagdoorbell at laking gulat niya ng makita ang ina nito .Agad niyang binaba ang kuting sa sahig at nagmadaling binuksan ang pintuan.'' hmmm mommy ?" Nakangiti namang tumango si Sophia.Medyo naluluha na siya dahil finally mayayakap na niya ang uniko iho nito . '' mommy ?" '' I miss you baby '' niyakap niya ito ng mahigpit at hinali
'' ayos ka lang ba namumula ang pisngi mo ''hinaplos nito ang pisngi ni Sophia ngunit umiwas lang ito sa kanya . Halatang galit na galit ang kanyang asawa sa ina niya . Alam niyang nasaktan ng mommy niya si Sophia dahil sa pamumula ng pisngi nito . '' paano sinampal ng mommy mo .Sabi ko sayo hindi na tayo pupunta dito pero matigas ang ulo mo '' kailangan hindi na muli magtagpo ng landas nila ng ina ni Zimon hindi sa ayaw niya ito pero gusto niyang makaiwas sa gulo lalo't narinig nito na may kausap siyang iba . ''ano ba kasi ang dahilan .Hindi ka sasaktan ni mommy kung walang rason ?" hindi naman niya masisisi si Zimon kung kampihan niya ang ina nito . Mas lalo pa siyang sumimangot para halatang naiinis siya . '' paano narinig niyang may kausap ako .Namali siya ng akala .Kausap ko lang naman ang anak ko namiss niya kasi ako kaya ayon naglambing .Bilang ina na malimit lang ang pagtawag ng anak ko syempre sweet akong makipag usap sa anak ko '' totoo na ang luhang lumabas sa kanyang
Maaga silang umalis sa kompanya ng Guevara dahil wala pa naman siyang gagawin doon.Inuwi nalang niya ang mga dapat pag aralan tungkol sa parte ng mga kompanya na dapat niyang matutunan bilang isang chairman.Isa itong hamon para sa kanya at tatanggapin niya ito dahil mas marami pa siyang matutunan pag oras na maging chairman siya ng kompanya . ''saan mo gusto pumunta ?" tanong nito kay Sophia na kanina pa tahimik .Mukhang iniisip nito ang tungkol sa pag aaral niya. '' ikaw kung saan mo gusto .Hindi ako gaano pamilyar dito '' tama naman na hindi siya pamilyar dahil wala siyang alam tungol sa syudad .Mas sanay pa nga siya sa america noon kaysa dito .. '' ganun ba sige dadalaw muna tayo sa hacienda'' bigla siyang natigil sa pag iisip ng marinig ang sinabi nito . Hindi siya pwedeng magpakita sa hacienda at baka makilala siya ng mga tao doon . Isa lang ang wala sa kanyang mukha ang nunal na maliit na nasa gilid ng kanyang labi . Hindi niya ito sinasadyang natalsikan noon ng mantika k