LOGIN
Naya Diaz
Agad kong nabitawan ang hawak kong mga kubyertos nang marinig ko ang sinabi ni mama. Bagamat napupuno ng tawanan at ingay ang loob ng dinner room ay nanatili akong walang imik sa mga sandaling iyon. "Ano hong sabi niyo?" kunot-noo kong tanong. "Ipapakasal niyo 'ko kay Ash Demetrio?" "Kailangan pa bang ulitin, Naya? Malakas naman ang pagkakasabi ng mama mo, hindi ba?" anas ni tita Olga. "Bakit-" "Responsableng lalaki si Ash," pagsisimula niya. "Matino at higit sa lahat...may kaya sa buhay. Naku, kung alam mo lang kung gaano kayaman ang pamilya ng batang 'yon. Bukod pa doon ay nag-iisa siyang anak at ang ibig sabihin lang niyon ay siya rin ang tagapagmana nila." Sumabat si tita Georgina. "Tama ang mama mo, Naya. Ano pa bang hahanapin mo kay Ash? Nasa kanya na ang lahat - kagwapuhan at siyempre, yaman." Napabuga ako ng hangin sa narinig kong iyon mula sa kanilang dalawa. Umiling ako kasunod niyon ay ang pagtayo ko mula sa kinauupuan ko. "Hindi," anas ko na ikinatigil nilang tatlo. "Hindi ako papayag sa gusto niyo. Hindi ako magpapakasal sa isang lalaking hindi ko gusto at hindi ko mahal!" Tumayo si mama sa kanyang kinauupuan. "Mahal? Gusto?" Pagak siyang natawa. "Anong silbi ng pagmamahal kung nagugutom naman ang sikmura mo? Anong silbi ng pagmamahal kung wala kang mapapala at maghihirap ka lang buong buhay mo?" Marahan akong tumango. "Anong ibig mong sabihin? Pinakasalan mo lang si papa dahil sa pera niya? Dahil sa kayamanan niya at ng pamilya niya? Kaya ba nagpapakasasa ka-" Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko na agad na nagpahinto sa akin. Hawak ko ang pisngi ko ay binalingan ko ng tingin si mama na sa mga sandaling iyon ay gigil akong sinabunutan. "Wala kang karapatang kwestyunin ang pagpapakasal ko sa ama mo!" Mas lalo pang humigpit ang pagkakasabunot niya sa buhok ko. "Hindi ba't pinakikinabangan niyo rin naman ang kayamanang iyon? Meron ba kayong magandang buhay ngayon kung hindi dahil din sa apelyidong Diaz?" Matapos niyon ay itinulak niya ako na naging dahilan ng kamuntikanan kong pagkasubsob sa sahig. Tinapunan ko siyang muli ng tingin habang ramdam ko ang pagragasa ng luha mula sa mga mata ko. "Anak lang kita, Naya!" Muli niya akong sinampal. "Kaya kung anong gusto ko ay nararapat mong sundin. Wala kang karapatang umayaw! Iyon na nga lang ang maibibigay mong ambag sa pamilyang 'to, kaya wala kang magagawa kundi ang sundin ang gusto namin!" Sa narinig kong iyon ay mas lalong nagsikip ang dibdib ko ganoon din ang tuloy-tuloy na pagragasa ng mga luha ko. Marahan akong umiling sabay atras mula kay mama. Hindi ako nagsalita bagkus ay tumakbo ako patungo sa pinto. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ay nahinto ako nang marinig ko ang mga sumunod na sinabi niya. "Sa oras na lumabas ka sa pintong 'yan..." madiin niyang sambit. "Hinding-hindi ka na muling makakaapak sa pamamahay na 'to. At kapag lumabas ka riyan, wala ka na ring babalikang pamilya. You're not a Diaz anymore." Nag-angat ako ng tingin kasunod niyon ay ang pagpunas ko ng mga luha ko. Tiim-bagang kong inihakbang ang mga paa ko palabas ng pintong iyon at dali-daling tumakbo. Humahagulgol kong ibinagsak pasara ang gate at hindi kalaunan ay napaluhod na lamang ako mula sa kinatatayuan ko. Kasabay ng pagbagsak ng ulan ay ang walang tigil na pag-iyak ko. Hanggang sa hindi nagtagal ay nag-angat ako ng tingin nang isang lalaki ang lumapit sa akin. Katulad ko ay basang-basa na rin siya ng ulan. Sa puntong iyon ay salubong ang kanyang dalawang kilay habang matamang akong pinagmamasdan. "Anong nangyari?" tiim-bagang niyang anas. "Bakit umiiyak ka na naman?" Tumayo ako mula sa kinauupuan ko sabay yakap sa kanya. "Ayoko na! Ayoko na, Xavier!" Hagulgol ko. "Ilayo mo na 'ko rito. Ipinagtabuyan na ako ng pamilya ko. Ayoko na! Sawang-sawa na 'ko. Pagod na pagod na 'ko. Buong buhay ko, ganito na lang palagi! Ayaw ko na." Ginantihan din niya ako ng yakap. Mahigpit iyon - yakap na sa puntong iyon ay kailangang-kailangan ko. Hindi kalaunan ay kumalas siya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko. Bagamat pareho kaming naliligo sa ulan at nilalamig ay ramdam ko pa rin ang init ng bawat haplos niya. Sa paglapit niya ng kanyang mukha sa akin ay pumikit ako. Hindi nagtagal ay naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng kanyang mga labi sa labi ko. I kissed him back - hungrily and passionately. Sa puntong iyon ay siya lamang ang natatanging taong nananatili at kahit kailan ay hindi umalis sa tabi ko. Bago pa man ako makapagsalita ay natigil ako nang may ilabas siyang maliit na box mula sa kanyang bulsa. Napalunok ako at agad siyang tinapunan ng tingin. "Xavier..." "Marry me, Naya," aniya at muli akong hinalikan sa labi. "I'll give you everything you need and everything you want. Sumama ka sa 'kin at ipaparanas ko sa 'yo ang buhay na hindi naibigay sa 'yo ng mga magulang mo." Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko sa narinig kong iyon mula sa kanya. Hindi ako sumagot bagkus ay binuksan ko ang box na iyon at kinuha ang singsing doon. Agad kong isinuot iyon sa ring finger ko at muli ay binalingan siya ng tingin. "I do," anas ko. Xavier didn't respond instead he kissed me one more time. Dali-dali niya akong hinila paalis sa lugar na iyon at isinakay sa kotse niya.Third Person's POV"Ano? May ex-girlfriend si Mr. Xavier?" kunot-noong tanong ni Noel sa pinsan na si Calix. "Saan mo naman nadampot ang impormasyon na 'yan?"Imbes na sumagot ay iniabot ni Calix ang kanyang cellphone sa pinsan. Sa kabilang banda naman ay mabilis pa sa alas-kuatrong kinuha ni Noel iyon at binasa ang nakasulat na article doon."Ellisa Belleza? Ang may-ari ng sikat na beauty company? Wow! Ang sosyal naman pala ng ex ni Mr. Xavier." Hagalpak nito at ibinalik ang cellphone ng pinsan. "Hindi lang mukhang sosyal kundi maganda pa."Tumango lamang si Calix bilang pagsang-ayon sa pahayag na iyon ng pinsan.Hindi kalaunan ay muli niyang tinapunan ng tingin ang litrato ng dalaga na nakalakip sa article."Pero sa tingin mo, ano kaya ang dahilan at naghiwalay silang dalawa?"Umangat ang kilay ni Noel."Bakit sa 'kin mo tinatanong? Malay ko ba sa relasyon nilang dalawa. If you want to ask, just go directly to Mr. Xavier." Iling nito.He shook his head. "I'm just curious. Malay nati
Naya DiazHindi ko mapigilan ang hindi mapangiti habang mataman kong pinagmamasdan si Xavier na mahimbing na natutulog. Mabuti nga at hindi masyadong traffic ngayon kaya mabilis kaming nakarating sa apartment ko.Sa katunayan ay gusto ko sana siyang dalhin sa bahay nila pero malayo-layo iyon kumpara sa tinutuluyan ko. Isa pa, kailangan ko na namang ipaliwanag sa kanyang mga magulang kung ano ang nangyari sa kanya.It's a hassle.Hindi naman sa ayaw kong harapin ang mag-asawang Iglesias, baka kasi magkataon na hindi ko maharap si Xavier. Paniguradong aabutin na naman kami ng ilang oras na kwentuhan.Maya-maya ay naputol ang pagmumuni-muni ko nang gumalaw si Xavier. Hindi kalaunan ay iminulat niya ang kanyang mga mata at tinapunan ako ng tingin.Not long after that ay unti-unting gumuhit ang matamis na ngiti sa dulo ng kanyang mga labi. I smiled at him as well kasunod niyon ay ang paghaplos ko sa kanyang pisngi."Tama ba ang narinig ko kanina?" Bumangon siya sa pagkakahiga at sumandal s
Xavier IglesiasMatapos ang isa at kalahating oras ay tuluyan ko na ring nilisan ang NGCCE. Wala akong balak na magtagal sa kompanya ngunit may mangilan-ngilan akong mga bagay na kailangang asikasuhin.Other than taking back my position as the leader of the Black Lotus Cartel, marami akong dapat na ayusin. I'm not saying that Ares is not doing his job well, pero mas marami akong koneksiyon kumpara sa kanya.Kung tutuusin ay ayos na rin ang bumalik ako sa grupo dahil kahit paano ay mabibigyan ko ng proteksiyon ang pamilya ko lalong-lalo na si Naya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang alisin sa isip ko ang narinig kong usapan nila.Isa sa mga rason kung bakit wala akong tiwala sa mga taong nakapaligid sa akin ay dahil ang ilan sa kanila ay may masamang motibo.Hindi lamang isa kundi ilang beses ko nang naranasan ang masaksak sa likod ko at maiputan sa ulo ko. Unang-una na roon ay ang babaeng buong akala ko ay mahal ako, iyon pala ay pinaglalaruan ako nang hindi ko namamalayan.I
Xavier Iglesias "Talagang pinatay mo siya?" gulat na tanong ni Ares. "Saan? Where did you do that? Wag mong sabihin na ginawa mo 'yon sa harap ng maraming tao?" "Please!" Pagak akong natawa. "Anong tingin mo sa 'kin tanga? Kung gagawin ko 'yon, baka wala ako rito ngayon sa harapan mo. And to answer your question, I did it inside of his apartment. Don't worry, no one will know dahil ipinalinis ko na ang kalat kay Uno." Tumango ito at pabagsak na inihiga ang sarili sa couch. On the other hand, I sat on the couch opposite of him. Matapos ang naganap na eksena sa apartment ni Vladimir ay agad na akong nagtungo sa condo ni Ares. For about a year, masasabi ko na wala pa ring nagbago sa kanyang lugar. Hindi rin siya lumipat at wala siyang isang binago sa loob ng kanyang bahay. Maya-maya ay tinapunan ko siya ng tingin na sa mga sandaling iyon ay hindi ko alam kung tulog na ba o nakapikit lang. Umiling ako at lihim na natawa. Ngunit agad din naman akong natigil nang mahagip ng paningin k
Naya DiazNapakamot na lamang ako sa ulo ko habang mataman kong tinititigan ang mga hawak na shopping bags ni Ms. L. For about half an hour of roaming around the mall, naparami na rin ang bili at dampot niya ng mga gamit na 'alam' niyang magugustuhan ko.Sa puntong iyon ay wala akong maramdaman kundi hiya, hindi lamang tungo sa kanya kundi na rin maging sa sarili ko. Kung mayroon lang sana akong mapagpipilian ay hindi na ako pumayag na sumama pa sa kanya. Kung nakaisip kaagad ako ng paraan upang painitin ang ulo ni Sebastian ay ginawa ko na kaagad.Pero ang masaklap ay hindi ko nagawa.Now that I am here, ang kailangan kong gawin ay ang makipagsabayan at tanggapin na lamang ang katotohanan ng kinahinatnan kong sitwasyon sa mga sandaling ito."I think...this is too much," anas ko na ikinatigil niya sa pagrerekisa ng mga damit sa rack kung saan kami tumapat. "Ms. L, naa-appreciate ko ho kung ano 'yong mga ibinigay niyo sa akin lalong-lalo na ang panlilibre niyo sa 'kin ng dinner. Pero h
Naya DiazBagamat abala akong nakikinig kay Ms. L sa mga sandaling iyon, tila ba lumilipad naman ang utak ko tungkol sa narinig ko mula kay Sebastian kanina. Hindi ko alam kung nagkamali lang ba ako ng dinig o sadyang lutang lang ako nang mga oras na iyon dahil sa kabang nararamdaman ko.Muli ay binalingan ko siya ng tingin mula sa katapat kong upuan.Kung tutuusin, magmula pa noong harapin namin si Ms. L ay hindi na ako natigil sa pagsulyap-sulyap ko sa kanya. Kung nandito lang si Xavier ay paniguradong sagad sa buto na naman ang nararamdamang inis at pagseselos niyon.Gustuhin ko mang tanungin siya tungkol doon ay hindi ko magawa sa kadahilanang mas kailangan kong unahin ang kliyente ko. She's far more important than anyone or anything else right now."Are these the wedding dresses you chose for her?" nakangiting anas ni Ms. L.Tumango ako. "Yes. Actually, I chose more than ten wedding gowns. Pero sa lahat ng mga napili 'ko ay ang limang 'yan ang sigurado ako na mas babagay sa kanya







