Share

Sleep with the Boss - Chapter 18

May kumatok sa pinto ni Mina kaya nahinto ang pagmumuni-muni niya.

"Ate? Gising ka na ba? Alas nuwebe na," tawag ni Sam mula sa labas.

"O-oo, gising na ako," tugon niya sa pinalakas na boses. Lumapit siya sa pinto upang pagbuksan ang kapatid. May iniabot itong isang tasa ng umuusok na kape. "Salamat. Mauna ka na sa paggamit ng banyo. Iinumin ko muna ito."

Tumango ang binata. "Sandali lang akong magsa-shower, ate," anito bago tumalikod sa kanya.

Inilapag ni Mina ang puswelo sa ibabaw ng tokador upang mailabas ang bestidang isusuot niya.

Lyon wanted a frothy creation for her wedding dress pero tumanggi siya. Hindi niya tipo ang mga ruffles and chiffon. Mas gusto niya ang mga simpleng tabas.

Pinili niya ang isang disenyo na mayroong straight cut at yari sa white silk. May mga palamuting maliliit na perlas ang kasuotan. Bumili rin siya ng mga puting lace gloves at isang dress hat. Parang mas maliit na version ng sumbrero ni Kate Winslet sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status