Accueil / Romance / Seducing My Billionaire Stepbrother / CHAPTER 5: HANGGANG KAILAN MO AKO PAHIHIRAPAN, PHILIP?

Share

CHAPTER 5: HANGGANG KAILAN MO AKO PAHIHIRAPAN, PHILIP?

last update Dernière mise à jour: 2025-11-27 19:52:06

Nagising ako na nakahiga na ako sa hospital bed at may suwero na naman na nakakabit sa akin. Napatapik ako sa noo at napabuga sa hangin dahil sa lahat talaga ng ayaw ko, hospital.

Luminga-linga ako sa paligid para hanapin ang cellphone ko at tingnan ang oras. May usapan kami ni Philip.

Hala! 8:43 na!

Saktong magpa-panic na sana ako nang bigla naman may nag-message sa akin.

FROM: AHAS

TO: HEATHER

"Magpahinga ka muna."

Napataas ang dalawa kong kilay nang sabay dahil hindi ako makapaniwala sa message niya. Si Philip ba talaga ito?

Saktong nalulunod ako sa sariling tanong, may pumasok naman na isang nurse. Iisang nurse gaya ng dati.

"Sabi ko naman sayo," bungad niya, sabay lapag ng stainless na bowl sa mesa.

Nang makita ko kaagad ito, natakam ako dahil mukhang masarap. Pero naalala ko na baka magalit si lola.

Napangiti naman ang nurse dahil siguro napansin niya ang naging reaksiyon ko. "Sige na. Alam ko na gusto mo rin."

Agad ako nag-iwas ng tingin at tumikhim. "Hindi ako gutom," pagsisinungaling ko.

Nagtawa siya at naupo sa tabi ko. Kinuha niya ang bowl at iniabot sa akin.

"Don't worry. Hindi naman siguro pupunta ang lola mo."

Tumingin muna ako sa kaniya bago ko ito kinuha na naging dahilan para mas lalong lumawak ang ngiti niya.

"Lagi mo panatilihin ang matulog ng maaga sa halip na magdamag maglaklak. Isa pa, kumain ka ng tama. Okay lang naman na i-maintain mo body shape mo pero hindi okay na tipirin mo ang sarili mo sa pagkain. Bibili pa ako ng mga magazines mo kaya naman dapat healthy ka," sermon niya.

Kahit papaano, nag-e-enjoy ako sa kung paano niya ako tratuhin. Pero sa kabilang banda, hindi ko mapigilan na kwestiyunin kung bakit siya sa akin mabait.

"Bakit... mo ito ginagawa?" nakayuko ko na tanong.

"Miss, I'm a nurse," sagot niya.

Umiling-iling ako. "You act differently. Bakit ang bait mo sa akin to the point na ikukuha mo ako ng bowl ng pagkain at itatago para hindi makita ni lola? We both know na may reason ka," saad ko. Sinasabi ko lamang ang napapansin ko. Wala naman ako masamang iniisip.

"H-hindi ko po pwede sabihin." Napakunot ang noo ko sa naging sagot niya.

"Anong hindi—"

"Excuse me po." Nagmamadali itong lumabas at may naihulog pa siya na piraso ng papel. Dinampot ko ito at nakalagay dito ang numero ng cellphone.

Susubukan ko sana tawagan nang bigla naman nag-message si lola.

FROM: MY LOLA

"Let's talk later. Just buy some medicine. Tigilan mo kaartehan mo."

Napalunok na lamang ako habang binabasa ito. Tumingin ako sa nakasaksak na suwero sa braso ko at napansin ko na namaga pala ang parte na hinilahan ko. Hay nako naman.

Maayos na ako umalis sa hospital. Naghingi na lamang ako ng medication. Medication na hindi ko naman susundin.

Tumingin muna ako sa oras bago magdesisyon na pumunta sa balak ko puntahan. Sakto naman na maaga pa.

Nagpunta ako sa puntod nina mamá at papá. Mabigat ang pakiramdam na winahi ko ang mga tuyong dahon na nakaharang sa mga pangalan nila.

Naupo ako sa damo at nagsindi ng kandila.

Napayuko ako sa bigat ng nararamdaman ko at hindi na napigilan ang pagtulo ng luha. Halos manginig ako sa kinauupuan habang nakayuko dahil sa walang tigil na paghikbi at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa bigat.

"Mamá, papá," bulong ko habang hinihimas ang kanilang mga puntod. "Balik na po kayo o kaya naman kunin niyo na ako. Ayaw ko na po dito. Lagi ako nasasaktan ni lola at napagsasalitaan. S-si Philip po, hindi ko alam kung kahit pakunwari na lang....kung itinuring ba niya akong kapatid o kahati man lang sa anong mayroon siya."

Hinawakan ko ang dibdib ko sa sobrang sakit at pinunasan ang luha.

"Ano pa ang saysay na mabuhay ako. Kung bawat butil ng bigas na kakainin ko ay bilang at bawat segundo na itinatagal ko dito ay parang awa na lamang ang dahilan?"

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 13

    Nagmadali ako na pumasok sa loob para puntahan si Philip. Nakita ko siya na nakain na."Philip!" tawag ko. Pero nahuli na ako ng dating dahil nainom na niya ang inumin na binigay ng isa sa maid.Lumingon naman siya sa direksiyon ko. "Bakit ka ba nasigaw?" Nakakunot ang noo niya. "Buti naman naisipan mo na dumulog sa pagkain."Napabuga na lamang ako sa hangin at napairap. "Aba't iniiringan mo ba ako, Heather Shine Villafuerte?"At buo ko pa talagang pangalan?"Ano naman ngayon, Philip Raven Kingsley?" balik ko.Nakatingin lamang siya sa akin sa 'di makapaniwalang ekspresyon. "Wala akong gana." At tumalikod na ako.Akmang aalis na sana ako nang hilain niya ang braso ko. Sa mga sandaling ito ko na napagtanto na tumayo na pala siya."Pwede ba? Tigilan mo na ang kamalditahan mo, Heather?" aniya sa madiin na tono na para bang ubos na ubos na ang pasensiya niya sa akin.Umirap ako at tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. "Ayoko nga."Huminga siya ng malalim at napapikit. Halata na nagtiti

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 12: ITATAKWIL KITA!

    PHILIP'S POVNapasuntok ako sa kama. Binaon ko ang mukha sa palad habang nakaluhod.Ano ba ang pinaggagagawa ko? Muntikan na.Humiga ako at napapikit ng madiin. "Hindi ko na pwede hayaan na maulit ito. Isang kalokohan ang mahalin si Heather, Philip."Kinausap ko ang sarili ko at pinipilit na kontrolin ang bugso ng damdamin. Dahil ayaw ko sirain ang pagiging magkapatid namin dahil lang sa nararamdaman ko na ito.Hindi na lumipas ang ilang minuto, napamulat ako nang tumunog ang cellphone.Tumatawag ang lola ni Heather. Ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin ngayon?"Philip, speaking," bungad ko, nakahiga pa rin at nakalatag ang katawan sa higaan.Ilang sandali pa ay tahimik lamang siya na naging dahilan para mapakunot ang noo ko. "Hello?" Pero wala pa rin siyang sagot."Philip," sagot niya, "huwag mo na sa akin ibabalik si Heather, nagkakaintindihan ba tayo?"Napabangon ako sa pagkakahiga nang marinig ang sinabi niya."We already talked about this. Hindi ko pwede panatilihin sa ak

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 11: ANO BA'NG LARO MO, HEATHER?

    Tinitigan niya ako ng matalim. "Ano ang ginagawa mo sa kwarto ko?" tanong niya sa malamig na tono. Actually, hindi ko rin alam kung bakit ako nandito. Dinala lang ako ng paa ko. Kasalanan ito ng paa ko huhu. "A-ah tatanungin ko sana kung may ipapagawa ka sa akin. S-syempre first day ko 'to bilang personal assistant mo," pagdadahilan ko, nauutal. Kanina ay malakas ang loob ko na pasukin ang kwarto niya na hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang tunay ko na pakay. Pero ngayon, hindi ko alam kung bakit ba hindi ako makaimik. "Sa kalalagayan mo na 'yan sa tingin mo may magagawa ka?" Na para bang lumpo na ako kung makapagsalita siya. Hiniklas ko sa kaniya ang kamay ko na hawak niya at pinilit na itindig ang sarili ng buong puwersa. "Ako akala mo sa akin? Lumpo?" sikla ko. Umayos na ako ng tayo at lalakad na sana nang maramdaman ko ang pamumulikat ng pilay ko, dahilan para mapatumba ako sa kaniya. "Ah!" tili ko. Mabilis siyang bumangon para alalayan ako. "Kita mo nga na hind

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 10: GINUSTO MO ITO, SHINE.

    Naglakad si Philip papunta sa direksiyon namin, dahilan para mapatigil si Stephanie at Tita Hilda. Binitawan din nila ang pagkakahawak sa akin. "Oh! Nand'yan ka na pala. Itong babae na 'to sinabi niya na kaya siya nandito ay dahila gusto niya agawin sa'yo ang kumpanya. Kaya iyan, tinuruan namin ng leksiyon," panguna ni Tita Hilda na proud pa. Dahan-dahang naglakad si Philip papunta sa kinaroonan namin. Hindi ko masabi ang emosyon na meron sa mukha niya. Lahat kami ay nagulat nang bigla niya sampalin si Tita Hilda. "Ano bang—" "Hold them! Tight," utos niya sa mga lalaking naka-black na suit. Agad naman siya nitong sinunod. Hinawakan nila ng mahigpit ang dalawa at hindi na nakapalag pa. "Philip, gusto niya kunin sa'yo ang kumpanya. Gusto ka niya akitin, tingnan mo nga ang suot niya papunta dito. Magkakampi tayo dito, Philip," pagmamakaawa ni Tita Hilda. Si Stephanie naman, hindi nagpaawat. Nagpilit siyang lumuhod sa harapan ni Philip. "Philip, siya ang nauna. Sinaktan niya kami d

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 9: TITA HILDA, STEPHANIE, TAMA NA PAKIUSAP!

    "Miss Heather, tama ba po ba ang narinig namin? Nagbibiro lang naman po siguro kayo di'ba?"Nakatitig lamang si Tip sa akin at para bang hindi siya makapaniwala. Nakakunot ang noo. "Kaya siguro bigla ka bumait sa amin. Tama ba?" aniya."Oo. Tama kayo. Pero hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa inyo, Tip. Hindi ko alam. May dahilan ako." Buo ang loob ko na sabi na walang pag-aalinlangan. "At hindi naman kaya intindihin ang dahilan na 'yon?""No...alam ko maiintindihan niyo pero...""Pero ano? Hindi kami worth it pagsabihan?" Inunahan na niya ako.Hindi ko alam kung bakit ako ang nasaktan sa sinabi niya. Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit hindi ko sa kanila masabi e."Hinde, Tip. Dahil alam ko na pipigilan niyo ako. Ayaw ko na mag-modeling. Napapagod na ako na araw araw na ganito. Gusto ko na gumawa ng sarili ko na buhay malayo sa media. Ayaw ko na. Okay na?" Tuloy-tuloy ko na paliwanag. Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na kausapin ako. Kinuha ko na ang gamit ko at

  • Seducing My Billionaire Stepbrother   CHAPTER 8: ANO BA ANG PAKAY MO SA AKIN, PHILIP?

    "Heath!" bungad sa akin ni Tip nang makita niya ako pababa ng sasakyan na para bang kanina pa niya ako inaabangan.Nilapitan niya ako at kinuha ang bag na bitbit. "I'm sure magugulat ka sa nandito ngayon," tuwang-tuwa niyang saad."Let's see. Baka kung sino na namang..."Napahinto agad ako nang masilayan ko mula sa malayo si Philip na nakatayo sa harapan ng stage at para bang may kung ano siyang kinukutingting sa cellphone. Kahit nakatalikod siya, sure ako na siya 'yon. Pero ano naman ang gagawin niya dito?"Wait. Wait. Wait," pagpigil ko kay Tip sa paglalakad.Nagkunot siya ng noo. "Bakit?"Ramdam ko na naman bilis ng tibok ng dibdib ko. Ano ba naman 'yan. Bakit kasi hindi ko alam ang gagawin basta nandiyan siya? "Feeling ko masama ang pakiramdam ko ngayon. Absent muna ako?" Hindi ko na alam mga pinagsasabi ko dahil hindi ko alam bakit ko siya tinatakbuhan."Ha? E nandito si Sir Philip. Kanina ka pa niya hinihintay. Pa'no 'yan?""Then just—""Sir Philip!! Si Ma'am Heather po nandito

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status