Misha’s POVKumalabog ang dibdib ko habang dahan-dahan akong bumababa sa hagdan ng malaking event hall na pina-rent-ahan ni Jaye para sa bridal shower ko. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na ganito magiging reaksyon ko. Hindi ako kinakabahan dahil sa gaganapin ngayong gabi, kundi dahil alam kong marami sa mga imbitado ay mga taong may malalalim na koneksyon sa akin—mga dating kaibigan, mga kaklase sa college, at ang ilan sa kanila ay dating mga basher ko.Ang buong lugar ay punung-puno ng eleganteng dekorasyon. Siyempre, hindi pa rin mawawala ang napakaraming bodyguard para lang maprotektahan ako.Ang bawat sulok ay kumikislap sa liwanag ng mga crystal chandeliers na tumutulay mula sa kisame, habang ang mga lamesa ay binalutan ng mga puting tela na may halong pink na tela. Sa gitna, may isang malaking mesa ng pagkain, puno ng mga masasarap at mamahaling putahe—mula sa mga gourmet cheese hanggang sa mga pinakamagandang prutas na dinala pa mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ibang kla
Misha’s POVIto na ang araw na pinakahihintay ko. Isang araw na hindi ko inakalang mangyayari, ngunit heto na. Sa loob ng mahabang panahon, pinangarap kong makasal sa isang taong tulad ni Everett Tani—isang bilyonaryo, matagumpay, at higit sa lahat, mapagmahal. Ngayon, ang araw na iyon ay dumating na talaga. Ramdam ko ang kaba at saya sa dibdib ko habang tinitingnan ko ang aking repleksyon sa salamin. Napakaganda ng glam team na kinuha ni Everett para sa akin. Hindi ko na halos makilala ang sarili ko sa sobrang ganda ng makeup at hairdo ko.“Napakaganda niyo po, Ma’am Misha,” sabi ng isang stylist habang inaayos ang buhok ko. Eleganteng nakapulupot ang mga wavey ng buhok ko sa isang intricate na bun, at may mga maliliit na perlas na isinisingit bilang detalye. Perfect ang bawat strand, bawat anggulo pasabog talaga.“Thank you,” sagot ko habang nanginginig pa ang boses ko sa dahil excitement. Hindi ko maialis ang tingin ko sa sarili ko—ang bawat piraso ng damit, ang mga detalye ng wedd
Misha’s POVAt dahil kasal ito ng magiging CEO ng mga luxury car, ‘yung pinakamaganda at pinakamahal na kotse ang ginamit ko. Habang papunta kami sa simbahan, nakikita ko ang mga kalsada na puno ng mga tao—lahat sila ay nakatingin at nagpapalakpakan dahil sa gara ng sasakyan ko. Sabi ni Everett sa akin nung isang gabi, pinasadya niya raw na walang kamukha itong sasakyang lulan ko. Ito talaga ay para lang sa araw ng kasal naming dalawa. At ito na rin daw ang isa sa mga regalo niya sa akin. Kaya naman kitang-kita ko ang bawat pagningning ng mga mata ng tao habang tinitignan ang sasakyan na lulan ko. Nakikita ko ang mga flashing lights ng media at mga photographer na abala sa pagkuha ng bawat detalye.Pagdating sa simbahan, bumungad sa akin ang St. Benedict Chapel—ang perpektong lokasyon para sa kasal namin. Ito ay isang napakalaking simbahan na gawa sa puting marmol at may malalaking stained glass windows. Ang buong paligid ng simbahan ay puno ng mga makukulay na bulaklak, bawat sulok a
Misha’s POVPagbaba namin mula sa magara kong sasakyan, bumungad agad ang engrandeng ballroom ng isa sa mga pinakasikat na luxury hotel sa Pilipinas. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ang entrance pa lang ay puno na ng mga puting rosas, peonies, at orchids na parang bumubuo ng isang arko ng kaluwalhatian. Tila isang paraiso na iniligay sa harapan ko, na bawat detalye ay masusing inayos upang maging perpekto ang araw na ito. Lahat ng gusto ko ay nasunod kaya tuwang-tuwa ako.Habang lumalakad kami ni Everett papasok sa ballroom, isang grand piano ang tumutugtog ng malumanay na melody, at ang mga kristal na chandelier ay kumikislap na parang mga bituin sa kalangitan. Ang mga ilaw ay malumanay na bumababa, nagbibigay ng romantikong ambiance sa paligid. Ang bawat mesa ay may centerpiece na mga bulaklak na ipinadala pa mula sa ibang bansa, at ang mga plato’t kubyertos ay gawa sa gintong lining.“Galing nung pagkakaayos dito, ang galing mong magplano, tiyak na manghang-mangha ang mga bisi
Misha’s POVHabang nagkakainan, isa-isang tumayo ang mga kaibigan at pamilya namin para magbigay ng mga salita ng pagbati. Ang maid of honor ko, si Jaye, ay hindi nakapagpigil sa kanyang emosyon. “Misha, masaya ako sa inyo ni Everett. Congrats sa inyong dalawa. Bagay na bagay kayo. Maganda at pogi. Pero, simula pa lang, nakikita ko na ang pagmamahal niyo para sa isa’t isa. Hindi lang kayo magkasama dahil sa kasikatan o kayamanan, kundi dahil totoo ang nararamdaman niyo para sa isa’t isa.”Tumawa ako, sabay punas ng luha sa sulok ng aking mata. “Salamat, Jaye. Mahal na mahal kita."Sunod na tumayo si Conrad, ang nauna kong naging bestfriend. “Misha, Everett, congrats. Uhmm, Everett, mahalin mo ng todo ang bestfriend ko. Ikaw na ang bahala sa kaniya, ingatan mo siya palagi at huwag mong ipaparamdam na hindi siya mahalaga sa iyo. Misha, suwerte ka kasi mabait at mapagmahala si Everett. Suwerte ka kasi napunta ka sa mabuting tao. At doon palang ay masayang-masaya na ako para sa inyo.”Lal
Misha’s POVPagkatapos ng ilang minutong paglipad mula sa reception, tanaw na namin ni Everett ang mala-paraisong private island na inihanda niya para sa aming honeymoon. Mula sa taas, ang isla ay tila isang piraso ng paraiso—napapalibutan ng turquoise na tubig, pinong puting buhangin, at mga matatayog na puno ng niyog na parang nagsasayaw sa hangin. Ang mga villa ay naka-set up sa tabi ng buhanginan, lahat ay gawa sa glass at wood na may modernong arkitektura ngunit may halong rustic na charm.Paglapag namin sa isla, sinalubong kami ng isang team ng mga staff na handang maghatid sa amin sa villa. Ang bawat isa sa kanila ay nakasuot ng linen uniforms na parang parte ng isang high-end na resort. May mga flower leis na agad nilang isinabit sa aming mga leeg, at ang simoy ng dagat ay parang nagbigay ng bagong sigla sa akin.“Welcome, Mr. and Mrs. Tani,” bati ng head butler habang binibigyan kami ng malamig na mga inumin na may mga sariwang prutas at herbs. “Everything has been prepared j
Misha’s POV“Are you happy, Misha?” tanong ni Everett habang hinahawakan ang kamay ko.“More than happy,” sagot ko habang ramdam ko ang saya sa puso ko. “Lahat ng ito... it’s more than I could ever dream of.”Hinaplos niya ang tiyan ko at ngumiti. “And soon, it will be the three of us. I can’t wait to meet our baby.”Napangiti ako lalo ng masaya. “I know, Everett. I can’t believe we’re finally here... married and starting a family.”Hinaplos niya ang pisngi ko at hinalikan ako ng malambing. “You’re going to be the best mom.”Nakakainis, naiyak ako lalo sa sinabi niya. Sana nga maging best mom ako sa anak namin. Pero, isu-sure ko iyon kasi talagang mamahalin ko ang anak namin. Mamahalin ko siya kung paano rin ako minahal ng papa at mama ko.**Nung pumasok na kami sa room namin, hindi puwedeng wala kaming mainit-init na honeymoon. Nasa banyo kami kapwa, hubu’t hubad habang nagkakainan sa isa’t isa. Subo-subo ko ang titë niya habang nakatapat siya sa shower. Maugat na naman ang ari nito
Misha’s POVHindi ko inakala na ganito kabilis ang mga pangyayari. Parang kailan lang, nakaluhod si Everett sa harap ko, hawak ang engagement ring na halos magpahinto sa tibok ng puso ko. Ilang buwan lang ang nakalipas, ikinasal na kami. Ngayon, eto kami—mga bagong kasal na nagse-celebrate ng isa pang milestone: ang house blessing ng bagong mansion namin. Ang napakalaking mansion na halos dalawang buwan pa lang simula nang matapos.Tila palasyo ang bawat sulok. White marbles ang sahig, may malalaking chandelier na parang mga hiyas na kumikinang sa bawat silid, at ang mga glass walls ay nagbibigay ng perfect view ng mga bundok sa likod ng property. Para kaming nasa bakasyon lang. This was more than just a house—it was a symbol of Everett’s success and, somehow, of our union. I have to admit, even though I tried to keep it cool, I still felt a rush of excitement. Sino ba namang hindi kikiligin kapag alam mong ang buhay mo ay ganito kalaki ang pagbabago?“Good morning, sweetheart,” bati
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d