Ada POV Handa na ako para sa photoshoot ngayon. Isa itong malaking project—luxury hats na bagong labas sa market kaya masasabi kong malaki na naman ang kikitain ko. Napili ako bilang isa sa mga ambassador, at hindi ko hahayaang masira ang momentum ko, lalo na ngayong nagiging mas kilala na ako sa industriya ng husto. Nasa loob ako ng walk-in closet ko, tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Makinis ang ayos ng aking buhok, simple lang pero elegante naman ang makeup, at naka-casual yet classy outfit para sa biyahe ko papunta sa shoot. Napansin ko na ang fresh ko ngayon. Ganito pala kapag nadidiligan na. Natatawa ako, parang gusto ko na ulit magpakama kay Mishon. Nami-miss ko na agad marinig ang mga ungöl niya. Ngayon, gets ko na kung bakit ang ibang tao ay adïk na adïk sa pakikipag-sëx, masarap naman pala. Pagkatapos ay lumabas ako at bumaba patungo sa dining area para mag-almusal. Alam kong mahaba ang araw na ito, kaya sinigurado kong hindi ako aalis nang gutom. Wala akong ganang m
Ada POV Pagod man ako sa buong araw ng photoshoot, hindi ko maitatangging nag-enjoy ako. Kahit paano, nakapagpahinga rin ako sa bigat ng drama sa bahay. Pero pagdating ko sa mansion ulit, agad akong napahinto sa tapat ng pinto. May naririnig akong paghikbi mula sa loob.Pagpasok ko sa sala, nadatnan kong umiiyak ang mama ko habang yakap-yakap ni Verena. Tumulo ang luha niya nang makita niya ako, pero hindi ko alam kung totoo ba o parte lang ng drama niya.Nagtama ang tingin namin ni Verena. She scoffed and rolled her eyes. “Oh look, the queen has arrived,” aniya na may sarkasmo ang boses. Buwisit talaga.Tinaasan ko siya ng kilay. “What’s going on?” tanong ko at saka hinubad ang coat ko at nilapag iyon sa armrest ng sofa.Biglang tumigil sa pag-iyak ang mama ko. Halos sabay silang nagtinginan ni Verena bago ako nilapitan ng mama ko nang mabilis. Bago pa ako makagalaw, hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko.Napairap ako sa sakit. “Mom, what the hell—”“Listen to me, Ada.” Lumalim
Ada POVWalang hangin na pumapasok sa silid ko. Pakiramdam ko, kahit may bintana, kahit nakabukas ang ilaw, kahit may espasyo para huminga—parang hinihigpitan ang leeg ko ng isang invisible na tanikala. Mula nang magsimula akong magmodelo, ito ang unang beses na hindi ako pinayagang lumabas. Hindi dahil may sakit ako, hindi dahil may emergency. Kundi dahil ayaw ng mama ko.At hindi ko alam kung kailan ako makakalaya ngayon. Masama pa na nawala na si Papa rito sa bahay kasi lalong lumala. Akala ko pa naman ay ako na ang maghahari-harian sa sarili kong pamamahay, pero baliktad kasi talagang demonyita na itong ina at kapatid ko. Ginagawa nila akong tangan.Kagabi, sinubukan kong magpaalam. Sa mall lang, saglit lang. Pero diretsong tumanggi ang mama ko. Akala ko, kagaya lang ito ng dati, na may mood swings lang siya. Pero hindi. Nang sabihin niyang hindi na ako puwedeng lumabas, hindi niya ako binibigyan ng rason. Parang gusto niya na lang akong ikulong dito habang buhay.At ngayong gabi,
Mishon POVTatlong araw na ah. Anong nangyari?Tatlong araw na simula noong huling beses akong nakatanggap ng message mula kay Ada.Tatlong araw na rin akong nagtataka kung bakit bigla siyang nawala na parang bula.Sinubukan ko siyang tawagan pero wala naman siyang sagot.Nagpadala ako ng messages—walang reply.Ilang beses na rin akong nagpunta sa mansiyon nila, pero sa tuwing makakaharap ko ang mama niya, iisa lang ang sinasabi nito:“She’s on a five-day shoot for a music video.”Bullshit. Ganito si Ada. Hindi siya magkakaligta ng update niya sa akin sa mga nangyayari sa kaniya.Isa pa, hindi rin aabot na tatlong araw na hindi siya magpapakita sa akin. Minsan nga, kapag galing sa trabaho ay tutuloy pa siya sa mansiyon ko para mag-ayang kumain sa labas, pero ngayon ay wala.Wala rin naman akong natatandaan na pinag-awayan namin. Hindi siya galit sa akin at hindi rin ako galit sa kaniya kaya nagtataka na talaga ako sa nangyayari.Kailan pa siya nagkaroon ng ganitong klaseng proyekto na
Ada POVIsang mahinang katok ang gumising sa akin mula sa malalim kong iniisip.Ilang araw na akong nakakulong sa kwartong ito at ang tanging hudyat na buhay pa ako sa mundong ito ay ang pagpasok ng kasambahay namin para dalhan ako ng pagkain.Pinakinggan ko ang paggalaw sa labas. Ilang segundo lang, bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa mga kasambahay namin, bitbit ang isang tray ng pagkain. Walang imik itong lumapit sa lamesa at marahang inilapag ang tray. Tumango lang siya sa akin bago mabilis na lumabas muli, iniwang naka-lock ang pinto. Maging ang mga kasambahay namin ay takot kay mama. Kahit anong pakiusap ko na tulungan nila ako ay wala rin silang magawa.Napatingin ako sa tray. Cake na naman, buwisit. Umaga, tanghali, hapon at gabi ay paulit-ulit na lang na cake ang pinapakain sa akin. Nakakabuwisit na rin talaga.Napangiwi ako sa inis. Hindi na ba sila naubusan ng cake? Ilang araw na akong puro cake ang pinapakain nila, parang sinasadya nilang patabain ako para hindi na ako
Mishon POV Maaga akong dumating sa coffee shop. Sinadya kong piliin ang lugar na ito dahil tahimik at malayo sa mata ng publiko. Alam kong magiging mabigat ang pag-uusapan namin at mas mabuti nang walang makialam. Umupo ako sa isang mesa malapit sa bintana, pinagmasdan ang pag-agos ng mga tao sa labas at hinintay ang unang darating. Hindi nagtagal, nakita kong pumasok sa pintuan si Tito Ronan, ang papa ni Ada. Matangkad siya, maayos ang tindig at mukhang palaging composed kahit sa mga hindi inaasahang sitwasyon. Agad niya akong napansin at lumapit sa mesa ko. “Mishon, good to see you, son.” Nakangiti siyang bumati at iniabot ang kamay niya. Mahigpit ko itong tinanggap. “Good to see you too, sir. Please, have a seat.” Umupo siya sa tapat ko at bahagyang inayos ang manggas ng coat niya. Napatingin siya sa akin na tila may gustong itanong. “So, what’s this about? You sounded serious on the phone.” Ngumiti lang ako. “You might want to order coffee first. We’re waiting for one more
Ada POVMabigat ang bawat hakbang ko pababa ng hagdan. Desidido na akong tumakas ngayon. Oo, isu-sure kong makakatakas na ako ngayon at hindi ko na kaya na puro cake na lang ang kinakain ko, magkakasakit pa ako sa diabetes kapag nagpatuloy ito.Mahigpit ang hawak ko sa baril na nakuha ko sa kwarto ni Papa. Pakiramdam ko, kahit malamig ang metal sa palad ko, parang nag-aapoy ang buong katawan ko sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa ibaba. Pero isa lang ang sigurado ko—kailangan kong makaalis.Tahimik sa ibaba.Napahinto ako sandali at pinakinggan ang paligid. Walang ingay, walang galaw.Lumingon ako sa kaliwa at kanan, tinatantiya kung may ibang tao sa paligid. Nang masiguro kong wala, mabilis akong gumalaw, dumaan sa gilid ng sofa at tuluyang nakalapit sa pinto.Kailangan ko na lang itong buksan.Pero bago ko pa magawa iyon—"Where do you think you’re going, sweetheart?"Nanlaki ang mga mata ko. Mula sa lapas ng pinto, lumitaw ang Mama ko. Kasama niya si Verena at pareho
Ada POVNanginginig pa rin ang buong katawan ko.Para akong lumulutang, hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Ilang saglit lang ang lumipas mula nang bumagsak ako sa sahig, sugatan at halos wala nang lakas, pero ngayon…Yakap-yakap na ako ni Mishon. Mahigpit. Mainit. Para akong sinagip mula sa isang bangungot.“Ada, I’m here,” bulong niya sa akin. “You’re safe now.”Kasunod noon, lumapit sa akin si Papa at si Aling Franceska. Pareho nila akong niyakap, walang pakialam kahit gusot at duguan ang suot ko. Hindi nila inalintana ang pawis at luha sa mukha ko—ang mahalaga sa kanila ay nandito ako at ligtas.Halos matulala lang ako habang nakayakap sa kanila. Ang daming nangyari. Ang bilis. Para pa rin akong nasa panaginip.Pero hindi pa tapos ang lahat.Biglang…“Aray! Ang sakit, tulungan ninyo ako!"Napalingon ako.Si Mama Sora—nakaluhod sa sahig, umiiyak nang parang kawawa. Nanginginig siya habang tinuturo ako na parang ako pa ang kumawawa sa kaniya.“Napakawalangya mo, Ada, paano mo nag
Samira POVPagkatapos kong linisin at gamutin ang sugat ni Ahva, hinawakan ko ang kamay niya saglit. “Dito muna kayo ni Mama Ada, okay? Don’t worry, we’ll be back soon,” sabi ko. Tumango lang siya, hawak pa rin ang tela sa sugat niya habang si Mama Ada ay umupo na sa tabi niya, kita sa mukha nito ang pagod at pati na rin ang takot dahil sa nangyaring pag-atake ng mga tauhan ni Vic.“Let’s go,” sabi ni Miro nang masiguro naming sapat na ang mga soldiers niya na maiiwan dito kina Mama Ada at Ahva.Paglabas namin, agad kaming sumakay sa sasakyan. Pinatakbo ito ng driver ni Miro sa pinakamabilis na paraang kaya niya para mabilis kaming makarating sa kinaroroonan nila Ramil.Pero sure akong hindi sila pababayaan ng mga tito namin kahit ma-late kami. Pero para ma-sure, kailangan pa rin naming pumunta dahil baka marami silang sumugod doon.Habang umaandar ang sasakyan, tumahimik muna kaming dalawa ni Miro. Pero, siyempre, dapat alisto pa rin, parehong matatalas ang mga mata namin, nakaabang
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga