Share

Chapter 7

"HEY..."

Wala sa loob na nag-angat ng tingin si Leighana kay Ziv. "Relax, will you?" huminto ito sa paglalakad at hinawakan siya sa braso. Lumipat ang mga kamay nito sa magkabilang balikat niya at pilit siyang iniharap dito. "It's not, as if, dadalhin kita sa opisina ni Mommy at ipakikilala kita bilang girlfriend ko." anitong may pinipigil na ngiti sa mga labi.

Sukat sa narinig ay pinalis niya ang mga kamay nito at inirapan ito.

Totoong kinakabahan siya. Sa hindi niya mawaring kadahilanan ay hindi niya mapigilan ang pagkabog ng dibdib niya. Alam niyang mabait ang Tita Gigi niya, at hindi nito kokondenahin ang walang abog na pagtanggap agad sa kanya ng anak nito sa ospital na iyon.

Aba, eh, ni hindi siya dumaan sa second and final interview, ah. Oh, she did and pass the exams, for filing purposes, according to Ziv. Para daw hindi siya mahanapan ng butas ng mga kasamahan niya sa trabaho.

Pero, ewan ba niya. Talagang kinakabahan siya sa pagharap sa Mo

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status