"LET'S talk, Leighana." ani Ziv sa malamig na tinig.
"W-wala tayong dapat na pag-usapan." malamig din niyang sagot na pilit na binabawi ang kamay niyang mahigpit pa rin nitong hawak.Halos marinig niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. "Alam mong meron, Lexie." idiniin nito ang pagbanggit ng pangalan niya sabay lingon sa kapatid niyang naroon pa rin at tila nagtataka sa pinag-uusapan nila.
"Wait, Lexie? Wow, ate, kailan ka pa naging Lexie?" nakangiti nang singit ng kapatid niya.
Inirapan niya lang ang kapatid at muling binalingan si Ziv ng matatalim na tingin. Tila hindi naman ito natigatig na tumayo na'ng hawak pa rin ang kamay niya.
Narinig niya ang mahinang pagsipol ng kapatid niya. Nang lingunin niya ito ay sa magkahawak na mga kamay nila ni Ziv nakatuon ang mga mata nito.
Naiiling na tumayo na rin siya at nagpa-akay sa binata palabas ng dining area. Hindi niya na pinansin ang nanunuksong mga ngiti ng kapatid.
"
"HEY..."Wala sa loob na nag-angat ng tingin si Leighana kay Ziv. "Relax, will you?" huminto ito sa paglalakad at hinawakan siya sa braso. Lumipat ang mga kamay nito sa magkabilang balikat niya at pilit siyang iniharap dito. "It's not, as if, dadalhin kita sa opisina ni Mommy at ipakikilala kita bilang girlfriend ko." anitong may pinipigil na ngiti sa mga labi.Sukat sa narinig ay pinalis niya ang mga kamay nito at inirapan ito.Totoong kinakabahan siya. Sa hindi niya mawaring kadahilanan ay hindi niya mapigilan ang pagkabog ng dibdib niya. Alam niyang mabait ang Tita Gigi niya, at hindi nito kokondenahin ang walang abog na pagtanggap agad sa kanya ng anak nito sa ospital na iyon.Aba, eh, ni hindi siya dumaan sa second and final interview, ah. Oh, she did and pass the exams, for filing purposes, according to Ziv. Para daw hindi siya mahanapan ng butas ng mga kasamahan niya sa trabaho.Pero, ewan ba niya. Talagang kinakabahan siya sa pagharap sa Mo
"DAVAO?! Leighana, ang layo n'on! Oh my God, i'll call your Tita Gigi, baka sakaling mapakiusapan ko pa siyang huwag kangi-assign doon." ani ng Mama niya nang sabihin niya rito ang tungkol sa pagkaka-assign niya sa Davao."Ma, 'wag na po, nakakahiya.""Pero anak, ang layo ng Davao. Mag-isa ka lang d'on, hindi ko yata kakayaning mawalay ka sa paningin ko ng ganoon katagal.""Ma, malaki na po ako. Hindi na ako bata. Kaya ko na po. And besides, trabaho naman po ang ipupunta ko r'on. Pipilitin kong maka-uwi t'wing may pagkakataon ako. And, puwede n'yo rin naman po akong dalawin d'on anytime you want." pagpapalubag niya sa kalooban ng ina.Kung sakali ay ito ang unang pagkakataon na mawawalay siya rito. At inaasahan niya nang hindi magiging madali ang pagpayag nito."Pero iba pa rin yung nandito ka. Iyong nasusubaybayan kita. Paano kung pagod ka na sa trabaho? Sino ang magluluto ng kakainin mo? Sino ang mag-aasikaso ng mga damit mo? Paano ku
"GOOD morning, Doctors." nakangiting sabi ni Dra. dela Vega nang pare-pareho na silang naka-upo sa harap nito.Nilinga nito ang tatlong brown envelopes na nakapatong sa lamesa nito at dinampot. Nakasulat sa likod noon ang pangalan nilang tatlo."Your flight will be this coming Saturday. You can have Thursday and Friday off, to preapre your things and also to be with your families." nakangiti pa rin nitong sabi. "Inside, are your tickets, and some papers na kakailanganin n'yo para sa pag-transfer sa inyo sa Dela Vega Doctors, Davao." anito at isa-isang ibinigay sa kanila ang envelope na nakapangalan sa kanila, na tahimik naman nilang tinanggap.Nang maibigay na ng Doktora ang lahat ng mga kakailanganin, pati na rin mga instructions sa paglipat nila sa Davao branch at masigurong na-i-indorse na ng maayos ang kanilang mga pasyente ay pinayagan na sila nitong umuwi."Goodluck, Doctors."malapad ang ngiting huling sinabi nito bago sila lumabas ng opisina nito.
SA MISMONG bar kung saan sila unang nagkita ni Ziv, sila nagpunta. Napalunok siya nang mag-salimbayan sa isip niya ang mga nang huling beses na hindi sinasadyang mapadpad siya sa bar na iyon. Ang lugar kung saan ipinangako niyang hinding-hindi na siya tatapak.Tila plakadong bumabalik sa ala-ala niya ang mga pangyayari... na nagpabago ng tahimik na buhay niya.Clide's DenIlang sandaling nakatitig lamang siya sa malaking signage sa harapan ng bar. Pakiramdam niya ay nanunuyo ang lalamunan niya.Nagulat pa siya nang bumukas ang pintuan sa tabi niya. Nang luminga siya ay nakita niya ang nakalahad na kamay ni Ziv."Hey.. are you okay?""Y-yeah.. sorry."Alanganin niyang inabot ang kamay nito at lumabas ng sasakyan."You're cold." nang mapatingin siya rito ay hindi niya mawari kung pag-aalala nga ba ang nababasa niya sa mga mata nito.Tumikhim muna siya bago makuhang sumagot. "I'm... i'm fine."Alang
"YOU see... Atticus and his friends has this crazy game," tila amuse pa nitong ipinaikot ang mga mata. "When attractive women caught their attention, they'll rate her. Whoever has the highest rate, will win." walang anumang pagkukwento nito.Maang siyang napatanga rito. "A-and the p-prize?" aniya nang makabawi. Kahit tila nahuhulaan na niya ang sagot sa tanong niya.She paused, then smiled at her. Smiling as if, she's some kind of stupid, not to know the obvious. "The winner, of course, will be the one who'll pursue her." umiling-iling pa itong parang sinasabing ang slow niya.That explains what happened earlier. Pinag-kasunduan ng mga ito kung sino ang lalapit sa babae.Nang may biglang pumasok sa isip niya ay mariin siyang napalunok. May pilit na gumigiit sa utak niya, ngunit pilit niya rin namang pinapalis.No.They can't do that to her.He can't do that to her.Ayaw niyang isipin na isa siya sa mga babaeng tila isd
NAGISING si Leighana na mabigat na mabigat na naman ang pakiramdam. Pakiwari niya ay kulang na kulang na naman ang itinulog niya. Halos ay lagpas hating-gabi na nang makatulog siya ng nagdaang gabi.Isang buwan na mula nang mailipat siya ng destino sa Davao branch ng Dela Vega Doctors.Noong mga unang araw niya ay medyo excited pa siya, na sa wakas ay tila nakawala siya sa renda ng ina. Nagagawa niya ang lahat ng naisin niya ng wala ang Mama niya upang manaway at manermon sa kanya. Pakiramdam niya ay nakalaya siya. Pakiramdam niya ay nakatayo na siya sa sarili niyang mga paa.Ngunit panandalian lamang pala iyon. Panandalian lamang ang saya. Habang lumalakad ang mga araw ay nami-miss niya ang ina, pati na rin ang kapatid niya.Nami-miss niya ang panggigising sa kanya ng ina tuwing umaga. Ang paghahanda nito ng almusal niya. Ang mga sermon nito na noon ay nakakakulili sa tainga niya, ay himalang hinahanap-hanap niya. Ang pag-aasikaso nito sa lahat ng mga ka
SHE'S always on my mind,Napaunat ang likod ni Leighana nang marinig pa lamang ang unang linya ng kanta.That's her favorite song.From the time I wake up, 'til I close my eye,She's everywhere I goShe's all I knowAnd though, she so far awayIt just keeps gettin' stronger, everyday...And even now she's goneI'm still holdin' onSo tell me where do I startCause it's breakin' my heartDon't want to let her go...As always, hindi niya maiwasang mapasabay kapag naririnig niya ang kantang iyon.She's not really into music. Mas prefer niya ang tahimik. Mas nakakapag-isip siya kapag tahimik. Madalas nga siyang sabihang KJ ng kapatid niya sapagkat bago pa lamang nag-iinit ang cd sa player ay ipinapapatay niya na rito. Ayaw niya kasi talaga ng maingay.Ironic. Sapagkat sa bar niya nakilala si Ziv.But with this song,
"GOD, I missed you, my Lexie." narinig niyang anas ni Ziv nang sandali nitong ilayo ang mga labi mula sa mga labi niya.Kaiba sa mga naunang panaginip niya, ay tila totoong-totoo ang isang ito.Kapiling niya raw si Ziv at buong kasabikang inaangkin ang mga labi niya, habang ang mga kamay nito ay buong pagsambang dinadama ang katawan niya."I missed this." muling anas nito bago niya naramdamang bumaba ang mga labi nito sa dibdib niyang wala nang saplot."Oh, Ziv... I missed you, too... so much." ganting bulong niya rito na hindi malaman kung saan ibabaling ang ulo sa sensasyong nadarama.Pinanatili niyang nakapikit ang mga mata. Nais niyang manatiling tulog. Ayaw niyang matapos ang masarap na kilabot na inihahatid ng bawat paghalik at pagsipsip ni Ziv sa mga sensitibong parte ng balat niya.Naramdaman niyang sandali itong natigilan at nag-angat ng ulo. Napapaliyad na pilit niyang isinunod ang katawan dito. Ramdam na ramdam niya ang kahungkaga