로그인Sa ilalim ng sumasayaw at nagpapalit-palit na liwanag ng neon lights—mula sa malalim na asul, marangyang lila, hanggang sa kumikinang na ginto—tuluyang huminto ang takbo ng mundo para kay Chrisha. Ang malakas at umuugong na bass ng musika sa paligid ay tila ba unti-unting naglaho, naging isang malayong bulong na lang sa kaniyang pandinig. Ang tanging natitirang tunog na gising na gising sa kaniyang sistema ay ang mabilis at marahas na tibok ng kaniyang sariling puso, na sumasabay sa mabigat at pantay na pintig ng dibdib ng lalaking nakasalo sa kaniya.
Nakatitig pa rin siya. Hindi niya magawang iatras ang kaniyang tingin kahit na sumasakit na ang kaniyang ulo dahil sa matinding kalasingan. Ang mga matatalas, malalalim, at kulay abong mga mata ng lalaki ay nakapako nang mariin sa kaniyang mukha. May kakaibang tindi ang titig na iyon—isang klaseng tingin na tila ba binu-buwal ang lahat ng pader na maingat niyang itinayo sa kaniyang sarili sa loob ng mahabang panahon. Malamig ang mga matang iyon, walang kahit anong emosyon na madaling mabasa, pero nagtataglay ng isang mapanganib na awtoridad na nakaparalisa sa kaniyang buong katawan. "Are you planning to stay like that for the whole night, Miss?" mababa at baritonong boses ang bumasag sa katahimikan ng kanilang pagtitinginan. May konting gasgas ang boses nito na tila ba nanggagaling sa pinakamalalim na bahagi ng kaniyang lalamunan, na lalong nagpadala ng kakaibang kuryente sa likod ng mga tainga ni Chrisha. Bahagyang napakurap si Chrisha. Ang kaniyang mga labi ay nanatiling bahagyang nakabukas habang pilit na ibinabalik ang katinuan ng kaniyang isip. "I... I'm sorry." Sinubukan niyang iangat ang kaniyang katawan para tumayo nang maayos, pero sa unang subok pa lang niya ay muling umikot ang kaniyang paligid. Ang kaniyang kaliwang paa ay nadulas nang bahagya sa makinis na semento, dahilan upang mas lalo pa siyang mapasubsob sa dibdib ng lalaki. Ang kaniyang dalawang kamay na kanina pa nakakapit sa mamahaling tela ng suit jacket nito ay napahigpit ang pagkakahawak, nilulukot ang walang kapintasang plantsa ng damit ng estranghero. Isang mahinang ungol ang lumabas sa lalamunan ng lalaki nang maramdaman ang bigat ni Chrisha. Sa halip na bitawan siya o hayaang matumba, mas lalo pang humigpit ang kapit ng malalaki at maiinit nitong palad sa kaniyang baywang. Hinila siya nito nang mas malapit, hanggang sa maramdaman na ni Chrisha ang init na nanggagaling sa katawan nito, tumatagos sa kaniyang manipis na itim na silk dress. Sobrang lapit nila sa isa't isa na kahit ang banayad na paghinga ng lalaki ay humahaplos na sa kaniyang noo at nakabukas na leeg. "You're completely wasted," seryosong sabi ng lalaki, habang ang kaniyang kulay abong mga mata ay dahan-dahang bumaba mula sa naguguluhang mga mata ni Chrisha patungo sa kaniyang mapupulang labi na may bahagyang gulo na pulang lipstick. Lumalim ang titig nito roon, tila ba may kinakalkulang bagay sa kaniyang isipan na hindi kayang abutin ng lasing na utak ng dalaga. "Hindi ako... hindi ako lasing," pilit na pagtanggi ni Chrisha, bagaman ang kaniyang boses ay naging marahan at paos, malayo sa kaniyang normal na pananalita. Humarap siya rito, sinusubukang patunayan na kaya niya ang kaniyang sarili, ngunit ang kaniyang namumulang mga pisngi at ang mapupungay niyang mga mata ay nagsasabi ng kabaligtaran. "Kaya ko. Kaya kong tumayo." "Talaga?" Isang manipis at tila mapang-uyam na ngiti ang sumilay sa sulok ng mga labi ng lalaki. Ang kaniyang panga ay mas lalong naging matalas sa ilalim ng asul na ilaw ng bar. "Kung kaya mo, bakit nakakapit ka pa rin sa akin nang ganyan kahigpit?" Napatitig si Chrisha sa kaniyang sariling mga kamay na nakakapit pa rin sa dibdib ng lalaki. Agad na dinaluyan ng hiya ang kaniyang buong mukha, dahilan upang mas lalo pang magbaga ang kaniyang mga pisngi. Dahan-dahan niyang binitawan ang tela ng suit nito, pero nanatiling malapit ang kaniyang katawan dahil ang kamay pa rin ng lalaki ang sumusuporta sa kaniyang baywang. Sa pagkakataong ito, habang nakalapat ang kaniyang paningin sa mukha ng estranghero, napansin ni Chrisha ang bawat detalye nito. Ang lalaki ay may napakatangos na ilong, makasalanang mga labi na tila ba hindi marunong ngumiti nang tapat, at ang kaniyang tindig ay nagpapahiwatig ng isang taong sanay na sinusunod ng lahat. Ang kaniyang amoy—ang pinaghalong bango ng mamahaling kahoy, sariwang mint, at ang natitirang amoy ng matapang na alak—ay patuloy na umaakit sa kaniyang mga pandama, na parang isang uri ng droga na unti-unting pumapatay sa kaniyang natitirang takot. Hindi alam ni Chrisha, ngunit sa mga sandaling iyon, ganoon din ang nararamdaman ng lalaki habang nakatitig sa kaniya. Pinagmamasdan nito ang kaniyang magulong buhok na may ilang hibla na nakadikit sa kaniyang pawisang leeg, ang kaniyang maputing balat na nagliliwanag sa ilalim ng dim lights, at ang kaniyang hitsura na tila ba isang sugatang ibon na naghahanap ng masisilungan sa gitna ng bagyo. May kakaibang atraksyon na namagitan sa kanilang dalawa sa gitna ng kadiliman ng bar—isang atraksyon na hindi nangangailangan ng pangalan, isang ugnayan ng dalawang estranghero na nagtagpo sa maling oras ngunit sa tamang pagkakataon. "Salamat... salamat sa pagsalo," mahinang sabi ni Chrisha, habang ang kaniyang boses ay tila ba naging isang bulong na lang sa gitna ng malakas na tugtugan. "Sino ka ba?" Hindi agad sumagot ang lalaki. Nanatili lang itong nakatitig sa kaniya, ang kaniyang mga mata ay tila ba pinalalalim pa ang pagsusuri sa mukha ng dalaga. Pagkatapos ng ilang segundong katahimikan, dahan-dahang gumalaw ang kaniyang kanang kamay mula sa baywang ni Chrisha pataas sa kaniyang likod, ramdam ang lambot at init ng balat nito sa bahaging mababa ang tabas ng dress. "Isang estranghero lang," sagot ng lalaki, ang kaniyang boses ay mas lalong naging mababa at puno ng misteryo. "Isang estranghero na nakakita sa isang babaeng sinusubukang lunurin ang sarili sa alak." Naramdaman ni Chrisha ang matinding pag-init ng kaniyang likod sa bawat pagdaan ng mga daliri ng lalaki doon. Ang kaniyang hininga ay naging mabilis, at ang kaniyang dibdib ay marahas na paitaas-pababa habang nakikipaglaban sa kakaibang pakiramdam na unti-unting bumabalot sa kaniyang buong katawan. Isang pakiramdam ng pagnanasa, ng matinding pangangailangan na makaramdam ng init ng ibang tao matapos ang mahabang panahon ng panlalamig at pangungulila dahil sa kaniyang nakaraan. "Hindi ko sinusubukang lunurin ang sarili ko," sagot ni Chrisha, habang ang kaniyang mga mata ay unti-unti nang pumupikit dahil sa bigat ng espiritu ng alak. "Gusto ko lang... gusto ko lang makalimot kahit isang gabi lang." "At sa tingin mo ba, epektibo ang paraan mo?" tanong muli ng lalaki, habang ang kaniyang mukha ay dahan-dahang lumalapit sa mukha ni Chrisha, sapat na para maramdaman ng dalaga ang init ng kaniyang hininga na may amoy ng mamahaling scotch. "Ang alak ay pansamantala lang, Miss. Pag-gising mo bukas, ang sakit na tinatakbuhan mo ay naroon pa rin. At mas masakit pa ang mararamdaman mo dahil sa hangover." Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Chrisha sa narinig. "Alam ko... alam ko naman 'yun. Pero kahit ngayon lang... kahit sa mga sandaling ito lang, ayaw ko munang maging ako. Ayaw ko munang maramdaman 'yung sakit." Napatitig ang lalaki sa kaniyang mga labi nang sabihin niya ang mga salitang iyon. May isang mabilis na emosyon na dumaan sa kulay abong mga mata nito—isang emosyon na tila ba nakakaintindi sa kaniyang sinasabi, isang emosyon na may bitbit ding sariling dilim. Ngunit bago pa man lubusang makuha ni Chrisha ang kahulugan ng titig na iyon, mas lalo pang inilapit ng lalaki ang kaniyang katawan sa kaniya. Ang kanilang mga balat ay halos magkabit na, at ang bawat bahagi ng katawan ni Chrisha ay sumisigaw ng matinding pangangailangan na magpasakop sa presensya ng estrangherong ito. "Kung ganoon, hahayaan kitang makalimot ngayon gabi," bulong ng lalaki sa kaniyang tainga, ang kaniyang mainit na hininga ay nagpadala ng matinding kilabot sa buong katawan ni Chrisha. Hinigpitan ng lalaki ang kaniyang hawak sa baywang ng dalaga, tila ba tinutulungan itong panatilihin ang kaniyang natitirang lakas. Sa ilalim ng madilim na sulok ng bar, malayo sa paningin ng ibang mga taong abala sa kani-kanilang pagsasayaw, ang kanilang mga mata ay muling nagtagpo. Isang tahimik na kasunduan ang nabuo sa pagitan ng dalawang magkaibang mundo na pinagtagpo ng tadhana sa gabing iyon—isang kasunduan na walang salita, isang kasunduan na pinatatakbo ng labis na alkohol, ng matinding lungkot, at ng nag-aalab na apoy ng atraksyon na unti-unti nang lumalamon sa kanilang dalawa nang hindi nila namamalayan. Naramdaman ni Chrisha ang dahan-dahang pag-angat ng kaniyang mukha nang hawakan ng lalaki ang kaniyang panga gamit ang kaniyang mga daliri. Malamig ang hawak nito pero nag-iiwan ng nagbabagang marka sa kaniyang balat. Habang ang mukha ng lalaki ay tuluyan nang bumababa patungo sa kaniya, naramdaman ni Chrisha ang kaniyang cellphone sa loob ng kaniyang sling bag na biglang nag-vibrate nang sunod-sunod, lumilikha ng isang mahinang tunog sa gitna ng ingay, ngunit ang kaniyang isip ay tuluyan nang nilamon ng presensya ng estranghero sa kaniyang harapan,.Sa pag-usad ng mga sumunod na oras, ang madilim na kalangitan sa labas ng penthouse ay unti-unting napalitan ng kulay abong liwanag ng madaling-araw. Sa loob ng silid, ang katahimikan ay tila ba nagkaroon ng sariling bigat. Ang galit na matagal nang kinuyom ni Chrisha sa kaniyang dibdib—ang matitigas na pader ng kaniyang poot at pride na itinayo niya bilang panangga laban sa lalaking sumira at bumuo sa kaniyang mundo—ay tuluyan nang nagpapakita ng mga lamat. Ang tindi ng kanilang mga emosyon, ang bawat salita ng pagsisisi ni Wesley, at ang mga nagbabagang haplos na naganap sa pagitan nilang dalawa ay tila ba naging isang malakas na martilyo na unt-unting nagpapabagsak sa kaniyang mga depensa.Humarap si Chrisha kay Wesley na kasalukuyan pa ring gising at nakatitig sa kaniya nang may seryoso at malalim na pananaw. Ang kinalalagyan ng kaniyang puso ay wala nang espasyo para sa anomang pag-aalinlangan. Ang bawat natitirang bakas ng kaniyang galit ay tuluyan nang gumuho, natunaw sa ilalim
Sa loob ng dambuhalang silid, ang tanging maririnig na lamang ay ang banayad at regular na paghinga nina Wesley at Chrisha. Ang malamig na simoy ng aircon ay pilit na nilalabanan ng matinding init na nagmumula sa kanilang magkadikit na mga balat sa ilalim ng makapal na duvet. Sa kabila ng katahimikang bumabalot sa buong penthouse, ang isip ni Chrisha ay hindi pa rin tuluyang makahanap ng kapayapaan. Ang kaniyang mga mata ay nanatiling nakadilat, nakatitig sa kisame habang ang kaniyang puso ay dinadaluyan ng bawat alaala ng kanilang nakaraan—ang mga sakit, ang mga luha, at ang mga sugat na natamo niya noong mga panahong pinili niyang magtago sa Zambales upang protektahan ang kanilang anak.Dahan-dahan niyang binaling ang kaniyang tingin sa natutulog na bilyonaryo. Sa ilalim ng mahinang liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana, ang mukha ni Wesley ay mukhang mas banayad, malayo sa ruthlessness at bangis na madalas nitong ipakita sa mundo ng negosyo. Ang kaniyang matikas na panga ay baha
Ang gabi ay patuloy na lumalim sa loob ng marangyang penthouse. Habang ang buong lungsod ng Bonifacio Global City ay dahan-dahang natutulog sa ilalim ng kumukutikutitap na mga ilaw ng mga dambuhalang gusali, isang kakaibang pakiramdam ang biglang gumising sa nagrerebeldeng sikmura ni Chrisha. Matapos ang sunod-sunod at nagbabagang engkwentro na naganap sa kanila ni Wesley mula pa kanina, naramdaman ng dalaga ang matinding pagod at labis na gutom. Ang kaniyang katawan ay tila ba naubusan ng lakas dahil sa walang humpay at mapang-angkin ng bilyonaryo.Dahan-dahan siyang gumalaw sa ilalim ng makapal na kumot, pilit na iniaalis ang mabigat na braso ni Wesley na nakapulupot pa rin nang napakahigpit sa kaniyang baywang. Subalit sa kaunting paggalaw pa lamang niya, mas lalo pang humigpit ang hawak ng lalaki, humihila sa kaniya pabalik sa matigas at mainit nitong dibdib."Saan ka pupunta, Chrisha?" ang paos, mababa, at inaantok pang bulong ni Wesley, ang kaniyang mukha ay isinusubsob sa likod
Ang hangin sa loob ng marangyang penthouse ay tila ba naging urong-sulong sa bigat. Ang sikat ng araw na pumapasok mula sa dambuhalang glass walls ay hindi sapat upang tunawin ang malamig at madilim na titig na nagmumula sa mga mata ng bilyonaryo. Si Wesley, habang nakasandal sa kaniyang swivel chair, ay walang anomang ibang tinitingnan kundi ang bawat galaw ni Chrisha. Mula sa paraan ng pagtataas ng dalaga ng kaniyang mga bisig upang ipon ang mahaba at mabangong buhok, hanggang sa marahang pag-indayog ng kaniyang balakang habang naglalakad patungo sa kabilang bahagi ng silid—walang nakaliligtas. Ang bawat kurap ng mga mata ni Wesley ay may dalang tindi ng pag-angkin na tila ba binuo upang maging isang permanenteng rehas na magkukulong sa dalaga sa kaniyang tabi habambuhay.Nararamdaman ni Chrisha ang tindi ng titig na iyon. Kahit hindi niya lumingon, ramdam ng kaniyang balat ang init ng mga gray na mata ni Wesley na nakabaon sa kaniyang likuran. Ito ang titig ng isang lalaking tapos
Kasabay ng paglipas ng gabi at ang pagdating ng panibagong umaga, isang maliwanag ngunit may dalang kakaibang bigat na sikat ng araw ang pumasok sa malalawak na bintana ng master bedroom. Unt-unting nagising si Chrisha mula sa kaniyang mahimbing na tulog, ramdam ang bigat ng dambuhalang bisig ni Wesley na nakapulupot pa rin sa kaniyang baywang sa ilalim ng makapal na kumot. Dahan-dahan siyang bumangon upang hindi maistorbo ang bilyonaryo, isinuot ang kaniyang robe, at nagtungo sa sala upang tingnan ang kaniyang laptop para sa mga ulat mula sa kaniyang restaurant sa Zambales at ang mga bagong kaganapan sa kaniyang industriya.Habang nagbabasa ng mga email si Chrisha, isang pamilyar na pangalan ang lumitaw sa kaniyang inbox. Ito ay mula kay Ethan, ang kaniyang matalik na kaibigan at kasamahan sa culinary industry na matagal nang may lihim na pagtingin sa kaniya noong nandoon pa siya sa probinsya. Nagpadala ito ng isang mahabang mensahe, nagtatanong kung kamusta na siya sa Maynila at nag
Habang ang sikat ng araw ay unti-unting nagpapakulay ng kahel at lila sa kalangitan, nagpasya silang bumalik na sa penthouse. Bitbit ni Wesley sa kaniyang kanang braso si Tyra Jasmine na kasalukuyan nang dahan-dahang napapasandal ang ulo sa kaniyang balikat dahil sa pagod mula sa pagtakbo sa parke. Sa kaniyang kaliwang kamay, nanatiling nakakabit ang mga daliri ni Chrisha. Ang paglalakad nila pabalik sa malawak na lobby ng residential tower ay tahimik ngunit puno ng isang kakaibang tensyon na hindi maipaliwanag ng anomang salita. May kuryente na tila ba dumadaloy sa bawat pagtama ng kanilang mga balat—isang enerhiya na matagal nang natulog sa loob ng sampung taon ngunit ngayon ay mas nag-aalab pa kaysa sa anomang bagay sa mundo.Pumasok sila sa loob ng pribadong elevator. Sa sandaling sumara ang mga pintong ginto at nagsimulang umakyat ang elevator patungo sa pinakamataas na palapag, binalot sila ng isang mabigat at nagbabagang katahimikan. Tanging ang marahang tunog ng makina ng elev
Ang dahan-dahang paglapat ng mga daliri ng lalaki sa kaniyang panga ay tila huling mitsa na nagpasiklab sa nag-aalab na atraksyon sa pagitan nilang dalawa. Sa gitna ng gumagalaw na ilaw ng bar, hindi na nag-isip si Chrisha. Ang matinding hilo, ang amoy ng mamahaling alak, at ang desperadong pagnana
Gumaralgal ang gabi kasabay ng malakas na bass na tila yumayanig sa mismong semento sa ilalim ng mga paa ni Chrisha. Nakatayo siya sa tapat ng malaking salaming pinto ng bar, ang neon lights na kulay lila at ginto ay sumasayaw sa kaniyang mukha. Huminga siya nang malalim, hinawakan ang strap ng kan
Napakunot ang noo ni Chrisha habang dahan-dahang ibinababa ang hawak niyang paring knife sa ibabaw ng wooden cutting board. Pinanood niya ang kaniyang manager na si Mr. Santos na lumalapit sa kaniya na may hawak na maliit at parang napakamahal na piraso ng papel. Bihira itong pumasok sa mismong pro
Ang sakit pala talaga kapag 'yung taong akala mo siya na, biglang magiging estranghero ulit sa isang kurap lang. Nakatitig si Chrisha sa hawak niyang chef's knife, pero blangko ang kaniyang isip. Nasa gilid siya ng busy at maingay na kusina ng Le Petit Laurent, isang sikat at mamahaling fine dinin







