INICIAR SESIÓNMIREA
NAPABALIKWAS AKO MULA SA AKING KAMA, NANG MARINIG ANG MALAKAS NA ALARM NG CELLPHONE KO.
Pilit kong dinilat ang mabibigat kong mga mata. Gusto ko pa sana bumalik sa pagtulog dahil dama ko ang bigat ng aking pakiramdam, pero hindi pwede ‘pagkat kailangan ako sa golf ngayon.
Isang beses ako humikab bago kunin ang phone ko, iinat pa sana ako pero natigilan ako nang makita ang oras.
“Ha?”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Shit!” Pasado alas-otso na!
Napakagat ako sa aking ibabang labi, nang napagtanto kong hindi ito ang unang beses na nag-alarm ang cellphone ko. Kanina pa pala ito tunog nang tunog, sa lalim ng aking tulog ay hindi ako nagising.
“Shit, shit!”
Napahilamos ako sa aking mukha nang makita ang missed calls ni Dhana. Sinubukan ko siyang tawagan, pero hindi ito sumagot.
“Panigurado, busy na ‘yon.”
Hindi ako nag-aksaya ng oras, agad akong tumayo sa kama saka dumiretso sa CR.
Binilisan ko ang aking kilos. Pagkabihis ay agad akong nag-book ng motor upang makarating agad sa course.
Mukhang hindi rin maganda ang panahon kaya bago pa abutan ng malakas na ulan, dapat ay naroon na ‘ko.
Patakbo akong lumabas ng kwarto pero natigilan ako, nang marating ang sala.
“Keeth? Bakit nandito ka? Sinong bantay kay Nanay?” dapat ay nasa ospital ito ngayon.
Hininaan niya ang volume ng TV.
“Pinauwi po ako ni Ate Elly, Ate. Siya raw po muna ang magbabantay kay Nanay habang wala ako,” tugon niya.
nangunot ang noo ko.
“Bakit daw?” taka kong tanong.
“Pinasusundo ka niya sa akin. Anytime raw kasi ay pwede na lumabas si Nanay—”
“Sana tinawagan mo muna ako. Hindi ako makakapag day-off ngayon.”
“Nag-message at tumawag ako sa'yo kagabi, Ate. Hindi ka po nasagot kaya umuwi na lang ako rito.”
Natigilan ako.
“Nag-aalala po kasi si Ate Elly.”
Mag-aalala talaga siya. Takot niya lang na siya ang magbayad sa ospital.
Asa!
“May work ako ngayon.” Kumuha ako ng pera sa wallet saka inabot sa kanya, “Ito, bumalik ka ro'n ngayon. Bumili ka ng pagkain, prutas, at kung anong kailangan ni Nanay. Mamaya na tayo mag-usap. Basta't didiretso ako ng ospital pag-out ko.” Tumingin ako sa labas nang marinig ang busina ng motor. “Kailangan ko na pumasok, late na ‘ko.”
“Sige po, Ate. Ingat ka.”
Sumakay ako sa motor nang makalabas sa gate. Medyo umaambon na, pero hindi ko na ito ininda dahil kailangan kong makarating agad sa range.
Nagtipa ako ng mensahe para kay Dhana habang umaandar ang sinasakyan ko.
+639095142243: Dha, I’m sorry I'm late. But I'm already on my way.
“Kung bakit ba kasi madaling araw na ako ginising ng monggoloyd na ‘yon para ipahatid pauwi, eh. Ang layo kaya ng unit niya!”
“Ano po ‘yon, Ma'am?”
Natigilan ako nang nagsalita ang driver.
“Ako po ba ang kausap niyo?” tanong niya pa.
“H-Hindi po. Nagdadasal lang. Late na kasi ako, Kuya,” pagdadahilan ko.
Naihawak ko ang isa kong kamay sa kanyang balikat, nang bilisan nito ang patakbo. Ito ang unang beses na nag-book ako ng ganito papasok sa trabaho kaya hindi ako sanay.
“Good morning, Ms. Mirea!” bati ng guard, sabay bukas nito sa gate.
“Good morning! Thank you, Kuya!” mabilis kong sagot.
Muling pinatakbo ng driver ang motor, nang makapasok kami sa gate. Agad akong nagbayad at bumaba nang makarating sa driving range.
“Gosh,” bulong ko sa'king sarili.
Tinakbo ko ang coffee station nang mapansin kong dagsa ang tao.
“Sorry, I'm late,” bulong ko kay Dhana, na alam kong narinig din ni E-M.
“Mag-ayos ka muna, parang basa ka rin?” tugon ni Dhana.
“Sa ambon,” tipid kong sagot.
Sinuot ko agad ang apron ko matapos magpunas.
“Pahintay na lang po sa table nila,” rinig kong sabi ni Dhana.
“Sure!”
“One espresso, please! Isang bottled water na rin.”
Hindi pa nakakaalis ang isang customer, may panibago na namang um-order.
“Copy, Ma'am. May idadagdag pa po sila?” tugon ni Dhana.
“Wala na.”
Tinulungan ko si E-M ihanda ang mga order. Konti lang ang lumalapit sa station pero makapal ang order slip na nasa harapan nito.
Nagmadali kami sa pagkilos ‘pagkat dagsa na ang guests. May ilan na rin ang nagpapaalala ng kanilang in-order.
Nagpalitan kami sa pag-serve ni E-M. Hindi ko alam kung bakit, pero tila naubos ang mga waitress sa dining.
“Hay, salamat. Medyo humupa na rin ang tao!” sabi ni Dhana.
Inabot ko ang huling order na ginawa ko sa customer bago humarap dito.
“Bakit parang dalawa lang ang naka-duty sa dining?” tanong ko.
Napairap si Dhana.
“Tinanggal ni Ms. Viela,” sagot ni E-M.
Nangunot ang noo ko.
“Halos lahat? Bakit?” muli kong tanong.
“Alam mo na . . . nandiyan na kasi ang love of my life niya. Malamang ay nagselos ‘yon dahil kumekerengkeng ‘tong mga waitress,” ani Dhana.
Ganu'n kababaw? Dahil lang nagselos, nagtanggal siya ng sabay-sabay?
“Wala tayong magagawa kundi ang mag-adjust,” ani E-M.
“President card ba naman ang ginamit,” halos pabulong na sabi ni Dhana.
Nagtataka ko siyang tiningnan.
“Sino bang jowa niya? Guest ba? Sabihin niyo sa'kin para malayuan,” tudyo ko sa kanilang dalawa.
Hindi ko alam kung bakit nagtinginan sila.
“Si Sir Rex,” bulong ni Dhana sabay kindat sa akin.
Napatingin ako sa kanya. Seryosong tingin.
Si Rex? Sila ni Ms. Viela?
Isang taon mahigit na ‘ko rito sa course pero bakit hindi ko ito agad nalaman?
“Iba ugali niyan ni Madam kapag galit. Nagiging tigre,” sabay tawa nito.
“Stop, Dhana Zee. Baka may makarinig sa'yo,” saway ni E-M.
“Kailangan talaga may last name?” tugon ni Dhana.
Natigil ang dalawa nang may lumapit na customer. Tulad kanina, si Dhana ang nag-assist dito kaya't kinuha ko na lang mga nakakalat na order slip at inayos ito.
Wala sa ginagawa ko ang aking isip. Kundi sa nalaman ko.
Two months ago nang dumating dito si Rex from New Zealand. Ayon kay Dhana ay galing itong business trip. Inasikaso na rin daw nito ang iba pa nilang business doon.
Hindi ako interesado sa kanya no'ng una, hindi ko na rin maalala kung saan at kailan nagsimula ang komunikasyon naming dalawa. Ang malinaw lang sa akin ay pinautang niya ‘ko sa halagang alam niyang malabo ko mabayaran, nang nangailangan ako dahil nasanla ng magaling kong ama ang bahay namin at naospital si nanay.
Hindi ko maintindihan kung bakit . . . bakit gano'n ang trato niya sa'kin kung may Viela naman siya?
Iisa lang talaga ang galawan ng mga lalaki. Kailanman ay hindi sila makuntento sa isang putahe!
“Hoy, Mirea Devastro!”
Napabalik ako sa kasalukuyan, nang tapikin ni Dhana.
“Okay ka lang ba? Parang namumutla ka yata?” anito.
Kinagat ko ang aking labi saka ito binasa ng laway.
“O-Okay lang ako. Baka dahil wala pa'kong kain, tapos puyat pa,” pagdadahilan ko.
“Kaya ka pala na-late . . . sa'n ka ba kasi galing?” nakangiting tanong ni E-M.
“Malamang sa ospital!” sabay irap ni Dhana. “Pahinga ka mamaya ‘pag uwi mo,” anito.
Tipid akong ngumiti sa kanya.
Ewan ko kung bakit biglang sumakit ang ulo ko. Siguro, dahil sa ambon kanina.
“Nga pala, kayo na muna rito, ah? Naka-assign kasi ako sa pagde-decorate para sa pa-welcome party mamaya.”
Umalis si Dhana matapos magpaalam sa amin ni E-M.
Lumipas ang oras, muling dumagsa ang mga tao sa dining area.
“Panigurado, late na naman kami makakapag lunch nito,” bulong sa aking sarili.
Habang ina-asistihan ang mga customer ay panakaw akong sumusulyap sa idinidisenyo ni Dhana, kasama ng mga taga opisina.
Magaling siya. Parang professional event designer. Kaya pala parang paborito siya rito, bukod sa iba ito makisama ay napaka-talented pa.
Naging abala kami sa pag-assist sa guests at customers. Si E-M ang humaharap at kumakausap, habang ako naman ang gumagawa ng mga in-order. Kung minsan ay ako ang nagse-serve, pero si E-M ang kadalasang nagdadala n’yon sa mga 'to.
“Nakakauhaw,” ani Dhana. “Okay lang ba kayo rito?” tanong nito matapos kunin ang tumbler niya. “Napakaraming tao, ‘no? Kaloka!”
Napabuga ako ng hangin.
“Sinabi mo pa. Wala namang tournament ‘di ba? Bakit nga ba parang biglaan naman ang pagdagsa ng players ngayon?” salita ko habang gumagawa ng liquid sugar.
“For sure, dahil sa event mamaya. Nag-announce kasi ang management na maaga magsasara para makapag-ready ang lahat. Kasama raw kasi uuwi ng half brother ni Sir Rex ang father nila. May special announcement din daw, eh,” paliwanag niya.
Hindi ako kumibo.
“Iba talaga kapag mayaman,” salita ni E-M.
“Oh, sige na! Babalik na muna ako ro'n,” paalam muli ni Dhana.
Nagpaalam ako kay E-M na kakain muna matapos kong linisin ang mga nagamit na kasangkapan.
Hindi ko alam kung bakit biglang sumama ang pakiramdam ko. Siguro ay gutom lang ako.
Tahimik kong kinuha ang free meal ko sa kitchen. Palabas na'ko nang mahagip ng aking mga mata si Rex, habang kausap ang presidente ng course na ito— si Ms. Viela.
Bahagya kong ipinilig ang aking ulo. Ayoko munang mag-isip ng kung ano. Hindi ko pa nga alam kung may koneksyon siya kay Addam, dumagdag pa kung anong meron sa kanilang dalawa ni Ms. Viela . . .
REXI violently threw the hard copies of the resignation papers that Garry had emailed me in the middle of the meeting on the floor. My eyebrows crossed as my nerves trembled as my raw brother barely reacted. Viela followed that up by folding her arms. Fuck! They are freaks. I just came from a business meeting in Cebu when we got home the other day from Batangas. I'm tired and I want to rest, but here I am, fixing the mess they're making. Who are they to conduct a meeting without my permission? Only fools will follow what they want to happen. Agad ko silang binulyawan nang maiwan kaming tatlo rito sa FR kung saan nila tinipon ang bawat visor at line leader nang bawat departamento. “Ano sa tingin niyo ang kahahantungan ng mga ginagawa niyo?” I grinned. "You think you will ruin my reputation by messing around here?”“Ayaw namin nang gulo, alam mo ‘yan. Pero hindi tama na ikaw lang ang nasusunod sa lahat. Viela and I just want to prove ourselves, gusto namin tumulong sa pagpapatakbo
MIREAAgad akong lumabas ng restroom nang makapagbihis. White V-neck shirt at black cotton short ang sinuot ko— simple at komportable.Mag-aayos pa sana ako sa aking sarili, pero hindi ko na nagawa, dahil wala ang bag ko kung saan ko ito iniwan kanina. Dalawa lang naman siguro kami rito ni Rex, kaya walang ibang magliligpit n’yon kundi siya. Inayos ko ang gulu-gulo kong buhok bago naglakad, pagkatapos ay tahimik kong iginala ang aking mga mata sa paligid. Sa lawak ng bahay na ito, hindi ko alam kung ano ang una kong pupuntahan. Napahinto ako sa paglalakad, nang may narinig ako na kung ano. Tinalasan ko ang aking pandinig, hanggang sa napagtanto ko kung ano iyon. “Palakas nang palakas ang volume…” bulong ko sa aking sarili. Tinuloy ko ang paglalakad hanggang sa matanaw ko ang isang malaking flat screen na TV. I guess it's a living room… “Ano? Tatayo ka na lang diyan?” Naistatwa ako, nang mahanap ang pinagmulan ng tinig na iyon. All the lights are off. Tanging ilaw lamang mula s
MIREAI knew it…My hunch was right, but it still hurts to hear the truth. Kung sa bagay, ano nga ba’ng hindi kayang tapatan nang pera ng mayayaman. It's all my fault. Pera lang naman talaga ang kailangan ko sa kanya, pero nahulog ako sa bitag niya at inaamin ko ‘yon. I was already aware that he only wanted my body, but I still assumed. “I still love you, Rea.” I was stunned. Wala ako sa sariling tumingin sa mga mata nito. Nobody wants to come out of my mouth. Hindi ko alam— hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ayokong paasahin si Addam, pero gusto kong maghanap ng puwang sa puso ko para sa kanya. Ngunit, paano? Bukod sa malalim ang sugat na iniwan niya sa akin noon ay magkapatid pa sila ni Rex. Kapatid niya ang lalaking dahilan kung bakit magulo ang isip ko ngayon. “Please, give me a chance to prove myself. Marami akong pangarap na gusto kong matupad nang kasama ka—”“Addam, tapos na tayo. Matagal na tayong tapos…”Hindi siya nakapagsalita. Minuto ang nagdaan, ngunit hindi na n
3rd person's POVPinabalik ni Rex sa kani-kanilang trabaho ang mga empleyadong nakasaksi sa pakikipagdiskusyon nito kay Addam at Viela. Everything he heard from the beginning of the meeting was clear and understandable. The motive of the two became clear to him— to hurt him and the regular employees who had been trusted at the golf course for a long time.Alam ni Rex na ang nais ni Viela ay makaganti lamang sa kanya dahil sa pagtanggi niya sa ama nito na ipakasal silang dalawa. Si Addam naman ay walang ibang nais kundi si Mirea— ang babaeng pinakaimportante sa buhay niya. Naging komplikado ang lahat nang malaman ni Addam ang tungkol sa lihim na pagkikita ni Rex at Mirea. Sinabi nito kay Viela ang lahat, kaya alam ni Rex na posibleng pag-initan nito si Mirea. He doesn't want anyone else to be involved in the mess created by people who are not different from him. He didn't want to be angry, but the people he thought were his allies were too harsh on him. Tulad ni Rex ay umiiwas di
MIREAAgad kaming umalis ni Dhana upang puntahan ang meeting na nabanggit sa amin ni Ms. Viela. “Oh, ba't nandito kayo sa lobby? Dito daw ba ang meeting?” tanong ni Dhana sa isang kumpol na kababaihan na nakaupo sa mahabang couch. “Waiting for Ms. Viela. Sabi nang secretary niya dito raw muna maghintay.”“Ah, okay. Akala ko sa office niya ang meeting?” Nagkibit-balikat na lamang ang kausap nito. Bahagya akong yumuko nang mapansin ang mga babaeng nagbubulungan ‘di kalayuan kung saan nakatayo si Dhana. Hilaw pang ngumiti ang isa habang nakatingin sa akin. Ayokong mag-isip nang kung ano. Na ako ang pinag-uusapan ng mga ‘to, pero masyado silang halata. Hindi ko kilala isa man sa kanila, pero kung tingnan nila ako ay para bang meron akong atrasong nagawa sa kanila. “Okay ka lang?” bulong sa akin ni Dhana. Tumingin ako sa kanya, “Ayos lang naman,” tipid kong sabi saka yumuko ulit. Alam kong alam niya na hindi maayos ang pakiramdam ko. Mula pa kanina, hindi nababawasan ang kaba at tako
MIREA“Sigurado ka bang gusto mo pumasok? Ayos lang naman kung a-absent ka muna ngayon, eh. Ako nang bahala kumausap sa admin.”“Kaya ko naman. Papasok na lang ako, sayang din kasi ‘yung araw,” tugon ko habang inaayos ang sintas ng sapatos ko. Isang beses siyang pumalatak, “Halata kasi ‘yang mga pasa mo sa mukha, eh. Pati sa braso mo. Iniisip lang kita. Alam mo naman ang mga tao sa golf, dakilang mga tsismoso at tsismosa!”I tsked, “Wala naman akong pakialam sa kanila. Hindi ko na iniisip ‘yan… I care about my work.”“I know. Pero kasi—”“Akong bahala, Dhan.”She breathed deeply, “Is there anything else I can do?” Nagkibit balikat ako saka ngumiti sa kanya. “Tara nga dito, try na lang natin takpan ng make-up ‘yan,” aniya. Lumapit ako sa kanya matapos kong ayusin ang buhok ko. “Aray…” mabilis kong inda nang may kung ano siyang in-apply sa mukha ko gamit ang maliit na make-up sponge. “Hindi talaga kaya takpan ang iba. Grabe ‘yang Tatay mo.” Bakas sa tono nito ang galit. Tiningnan







