LOGIN"Kuya River?!" tili niya’t tuluyan nang nawala ang pagpapanggap. "Gagamitin mo ako para sa babaeng 'yon?! Itatapon mo ako dahil lang kay Elowen?! Anong bang meron sa kanya, ha?! Isang malanding ahas naman ang babaeng yun! Isang desperadang babaeng ipinagsiksikan ang sarili sa kama mo! Ipagpapalit mo ako sa isang pokpok na tulad niya—"Hindi na kinaya ni River ang marinig ang pangalan ng asawa mula sa maruming bibig nito. Sumenyas siya sa isang tauhan na may hawak ng isang malaking timba sa gilid."Anong... anong gagawin niyo?!" natatarantang sigaw ni Beatrice nang makitang papalapit ang lalaki. "Bawal 'to! Pulis! Ididemanda ko kayo! Illegal 'to—"Subalit hindi pa man siya tapos na magsalita, buong timba na ng malamig na tubig na ang ibinuhos sa buong katawan ni Beatrice.Napasigaw siya nang malakas bago nabilaukan. Tumagos ang lamig hanggang sa mga buto niya kaya’t nagsimula siyang manginig nang matindi. Ang hangin sa basement ay sapat na para mangatog siya pero ang yelong dumikit sa
Pagdating sa condo unit sa BGC, hindi halos makapaniwala si Elowen nang buksan niya ang isang mamahaling velvet box. Nanginginig ang mga kamay niya nang damputin ang lumang bracelet. Nilinis na ito at pinakintab kaya naman kumikinang at parang bagong tingnan."Paloma, p-paano niyo nagawa 'to?" naiiyak na tanong ni Elowen habang marahang isinusuot ang bracelet sa kanyang pulso.Naka-loudspeaker ang phone niya habang kinakausap ang kaibigan. "Naku, may connection ako diyan sa black market, bakla! Tanga lang kasi 'yung mang-aagaw na 'yon! Buti nga nakuha natin, kung hindi naku, baka nabenta na niya 'yan sa iba!"Tumulo ang luha ni Elowen. Ito ang tanging alaala ng namayapa niyang ina, ang pamana ng pamilya Quinn na ninakaw ni Beatrice noon. Ngayon, nakabalik na ito sa kanya."Salamat, Paloma," umiiyak ngunit nakangiting sabi ni Elowen. "Akala ko hindi ko na 'to makikita...""Wag ka nang umiyak diyan," malambing na sagot ni Paloma. "By the way, Elowen, anong balak mo dun kay Beatrice? Nak
Nasa isang coffee shop si Beatrice, nakasuot ng apron ng cafe habang nagse-serve sa mga customer nang may marinig siyang usapan sa kabilang table. Dalawang lalaki ang nag-uusap. Ang isa ay naka-trench coat at ang isa ay naka-business suit."Maganda 'yang bracelet mo, pero peke eh," seryosong sabi ng lalaking naka-trench coat. "Ang hinahanap ko, antique. 'Yung lumang-luma.""M-Magkano po ba kapag antique ang ibibigay ko sa inyo?" nag-aalangang tanong ng lalaking naka-suit.Itinaas ng lalaking naka-trench coat ang dalawang daliri kaya naman nanlaki ang mata ng naka-suit. "Dalawang milyon?!"Umiling ang nakacoat."S-Sampung milyon?!"Umiling ulit ang nakacoat."W-Wag mong sabihing... dalawang daang milyon?!"Narinig ni Beatrice ang salitang dakawang daang milyon kaya awtomatikong napatigil siya sa pagpupunas ng mesa."Tama ka," ngiti ng lalaking naka-trench coat. "Kung makakahanap ka ng authentic na antique jewelries, dalawang daang milyon ang ibibigay ko sa’yo. Malaki ang market value n
Hindi mawala sa isip ni River ang nalaman niya mula sa anonymous caller. Simula nang sumabog ang lihim sa isang sikat na blind item forum ilang linggo na ang nakakalipas, tahimik na nag-iimbestiga si River kung sino ang pasimuno ng paglalantad ng totoo. Masyado siyang nabulag sa pag-aasikaso sa pag-step down niya sa kumpanya, sa paghahanap kay Elowen at sa guilt na pilit siyang nilulunod gabi-gabi, kaya nawaglit ito sa isip niya.Ngunit ngayong nalaman niyang si Beatrice pa rin ang nag-orchestrate para mapapasok si Eric sa banquet na may dalang kutsilyo, hindi niya mapigilan na magalit at mainis. Ang babaeng mukhang inosente at mahina noon, isang demonyong kayang pumatay pala."Mateo, ihanda mo ang mga tauhan natin. Hahanapin natin ang mga lintik na 'yon," malamig at madiin na utos niya.Mabilis siyang pinigilan ni Mateo. Hinawakan nito ang braso ni River. "Boss, sandali! Baka set-up lang 'to! Baka sinisiraan lang nila si Beatrice para mag-away-away ang pamilya niyo! Kailangan muna n
Pagkababa ng telepono, agad na binuksan ni Logan ang laptop para ipagpatuloy ang pagmamanipula sa media. Hahayaan niyang ang pamilya Samaniego mismo ang magpatayan mula sa loob.Sa kabila ng pagsuka niya ng dugo sa basement parking kagabi, tinanggihan ni River na magpadala sa ospital. Sa halip, dumiretso siya sa head office ng Samaniego Group. Magulo ang kumpanya, madaming papeles ang kailangang i-turn over dahil sa balak niyang pag-step down bilang CEO. Ang mga board of directors at mga shareholders ay nag-aabang sa labas ng opisina niya, halos magmakaawang wag siyang umalis. Sa ilalim ng pamumuno ni River, umabot sa bilyun-bilyong dolyar ang halaga ng kumpanya. Sino ba namang tanga ang papayag na umalis ang golden goose nila?Pero wala ng pakialam si River. Pagpasok niya, dire-diretso siya sa kanyang opisina, pabagsak na isinara ang pinto, at kinulong ang sarili mula sa buong mundo.Nang kumatok si Mateo at binigyan ng pahintulot na pumasok, naabutan niya ang kanyang Boss na nakata
Ramdam na ramdam ni Elowen ang malamig na simoy ng hangin habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Logan. Ang kamay niyang may hawak na baso ng alak ay nanginginig nang bahagya. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi habang nakatitig sa mga ilaw ng siyudad."Logan, na-realize ko lang, tuluyan na pala talaga akong nawalan ng kapatid. Wala na akong pamilya. Wala na rin akong uuwian."Unti-unting nanikip ang dibdib ni Logan nang marinig iyon sa babae. Napatingin siya kay Elowen, ang mukha nitong bakas ang labis na pagod at kalungkutan. Gusto niyang yakapin ito nang mahigpit, angkinin ang lahat ng sakit nito pero alam niyang hindi pwede. Hindi pa pwede.Hindi niya alam kung anong emosyon ang nagtulak sa kanya, pero bigla na lang lumabas sa bibig niya ang mga salitang babago sa hangganan nilang dalawa."Ako, Elowen," malumanay na sambit ni Logan, "Gusto mo bang… Ako na lang ang maging kuya mo?"Dahan-dahang inangat ni Elowen ang kanyang paningin. Tinitigan niya ang lalak
Pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Paloma, nakaramdam ng kaunting ginhawa si Elowen. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nakatulog siya nang mahimbing, malayo sa malamig na presensya ng kaniyang asawa at sa impyernong tinatawag niyang bahay.Ngunit kinabukasan, maaga siyang bumango
Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At
Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan
“Ohh… River, parang awa mo na. Alisin mo na itong—” “Oh shut up! Manigas ka diyan!” inis na sabi ni River sa kanya. Lagi na lang ganto, parang pinipiga ang puso niya dahil sa sobrang sakit. Patuloy lang sa pag-agos ang malamig na tubig mula sa showerhead, dumadaloy sa kanyang buhok habang pumapa







