Share

SV: Kabanata 6

Author: Mysaria
last update publish date: 2026-06-02 11:09:26

Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. 

Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At ngayong gabi, mas napatunayan niyang mas nakakatakot ang mismong presensya at galit ni River kaysa sa anumang pananakit na kaya nitong gawin sa kanya. 

Pagkatapos ng lahat, malamig itong tumayo at nagbihis. Gusot-gusot ang kaluluwa at pagkatao ni Elowen, nanginginig ang mga binti at halos hindi makatayo mula sa malamig na sahig ng banyo. Samantalang si River? Perpekto pa rin ang pagkakasuot ng mamahaling suit nito, ni walang bahid ng gulo.

Habang nangyayari iyon, sa kabilang kwarto ng exclusive VIP club, puno ng tawanan ang mga taong naroon. 

"I'm telling you, Pare, ibang klase 'yang si Elowen!" malakas na halakhak ni Mr. Del Hamor habang hawak ang mga baraha, ang matabang mukha nito ay namumula sa kalasingan at kalaswaan. "Nakita niyo ba 'yung katawan na 'yon? Tangina, ang lambot tingnan. Yung baywang niya, yung dibdib niya... tsk! Akin 'yan. Sisiguraduhin kong titikhim ang babaeng 'yan sa akin mamayang gabi—” 

Hindi pa man natatapos ni Mr. Del Hamor ang pangbabastos nito, isang malakas na pagbasag ang umalingawngaw sa buong kwarto. Ang makapal na glass wall sa likuran ng lalaki ay biglang nagkadurog-durog, at isang malaking piraso ang direktang bumagsak sa likod ng kanyang ulo!

"Aray! Put—" Natigilan si Mr. Del Hamor. Kapakapa niya ang likod ng kanyang ulo at nang ibaba niya ang kamay, nanlaki ang mga mata niya sa nakitang malapot na dugo. "Dugo... may dugo!"

Nagkagulo ang lahat ng mga bilyonaryo sa table. Napatayo sila at nag-unahan para alalayan ang nag-iinarte at nahihilong si Mr. Del Hamor palabas para dalhin sa ospital. Sa totoo lang, mababaw lang ang sugat nito, pero sapat na ang gulat para mag-panic ang lahat. Walang nakaintindi kung paano basta-basta na lang nabasag ang tempered glass na iyon.

Nang makabalik sina Paloma at Elowen mula sa restroom—kung saan inabutan ni Paloma si Elowen na nakasandal sa pader at parang lantang gulay na walang lakas at wala na silang inabutang tao. Puro basag na salamin na lang ang nasa sahig.

"Ano'ng nangyari rito?" takang tanong ni Paloma, hawak pa rin ang isang baso ng red wine na sana'y ibabato niya sa mukha ng baboy na si Mr. Del Hamor.

Sakto namang paglabas nila ng hallway, nakita nilang naglalakad palabas ng men's room si River. Pinupunasan nito ang mga kamay bago malamig na ibinulsa ang mga ito, dumiretso sa VIP elevator nang hindi man lang sila tinatapunan ng tingin.

Huminto si Paloma at hinarang ang braso kay Elowen. "Tingnan mo 'yang River na 'yan. Hayop talaga! Nagkakagulo na sa private room, dinala na sa ospital 'yung mga tao, tapos siya naghugas lang ng kamay at aalis na? Ganyan ba ang tinatawag nilang business god? Asal kalye ampta!"

Sanay na si Elowen sa pagtawag ni Paloma ng asal kalye sa asawa niya. Wala siyang naramdaman dahil manhind na mahind na siya. Patay na ang puso niya para sa lalaking 'yon.

"Umuwi na tayo, Elowen. Sumama ka muna sa akin sa bahay. May kailangan akong sabihin sa'yo," seryosong aya ni Paloma sa kanya. 

Makalipas ang kalahating oras, nakarating sila sa isang marangyang villa sa Forbes Park na binili ng bilyonaryong si Hans Salvador para kay Paloma.

"Ugh... bwisit..."

Nakasandal si Elowen sa malambot na sofa habang nakakunot ang noong pinagmamasdan ang kaibigan. Kanina pa nakayuko si Paloma sa sink ng kusina, suot ang isang silk bathrobe at walang tigil sa pagduwal.

"Paloma," mahinang puna ni Elowen, "Kung hindi kita kilala, iisipin kong buntis ka sa lagay na 'yan."

Nagpunas ng bibig si Paloma, humarap kay Elowen at pilit na ngumiti bago malamig na sumagot. "Buntis nga ako."

"Ha?" Napatayo si Elowen habang nanlalaki ang mga mata.

Si Paloma ang pinakamayaman sa kanilang tatlong magkakaibigan. Bilang kasintahan ng tagapagmana ng pamilya Salvador na si Hans, nakakatanggap ito ng seven-figure na allowance buwan-buwan. 

May sarili rin itong beauty salon chain. Pero alam ng lahat na walang balak magpakasal si Hans. Kung iluluwal niya ang bata, magiging isang illegitimate child lang ito.

"Paloma... Paano si Hans? Papayag ba siyang buhayin mo ang bata?" bakas ang takot at pag-aalala ni Elowen sa kanyang kaibigan subalit kalmadong naglakad si Paloma at bumagsak sa tabi niya sa sofa. 

"Titingnan natin. Pero wag kang mag-alala, Elowen. Kung sabihin niyang ayaw niya, edi ayaw ko rin! Ipapalaglag ko 'to. Hindi ako tanga at desperada para ipilit ang sarili ko at ang anak ko sa isang lalaking ayaw sa'min."

Bago pa makasagot si Elowen, biglang tumunog ang cellphone niya.

Nang makitang ang ama niya ang tumawag nag-iba ang timpla ng mukha niya. Ayaw sana niyang sagutin ang tawag mula sa bahay na matagal nang walang init para sa kanya pero pinindot niya ang answer button.

"Hello, Pa?"

"Elowen, hija! Umuwi ka rito ngayon din!" boses iyon ng ama niya na garalgal dahil sa labis na paninigarilyo.

"Bakit na naman, Pa?" malamig niyang tanong.

"Yung magaling mong kapatid, nabugbog na naman sa labas! Ilang araw nang naka-confine dito sa ospital. Wala kaming pambayad! Magpadala ka ng pera, bilisan mo!"

Hindi na siya sumagot. Pinatay niya ang tawag at agad na ini-set ang phone sa Airplane Mode. Simula nang ma-bankrupt ang pamilya nila, laging ganito ang eksena. Ang spoiled brat niyang kapatid ay laging naghahanap ng gulo at siya lagi ang taga-linis nun. Bibisitahin na lang niya siguro bukas para kausapin.

"Pamilya mo na naman?" inis na tanong ni Paloma. "Nanghihingi na naman ng pera?"

Napayuko si Elowen, pilit pinipigilan ang panginginig ng mga labi. Bago pa siya makapagsalita, inabutan siya ni Paloma ng isang makapal na brown envelope.

"May isang daang libo diyan. Cash, gamitin mo muna. Ita-transfer ko 'yung isang daang libo sa account mo mamaya. Gastusin mo, 'wag kang magtipid sa sarili mo."

Napaangat ng tingin si Elowen at unti-unting namumuo na ang mga luha sa mga mata niya.

"Oh, wag kang iiyak!" mabilis na tumabi si Paloma at niyakap siya nang mahigpit. "Sis, barya lang 'yan! Sayang ang luha natin, hindi deserve ng mga bwisit na tao sa mundo ang pag-iyak mo!"

Napangiti nang mapait si Elowen, pilit na isinisiksik pabalik ang mga luha. Mayamaya pa’y kumuha ng kape si Paloma at inilapag sa table sa tapat niya. 

"Magiging maayos din ang lahat, Elowen. Yung nangyari kay Beatrice, hindi mo 'yon kasalanan. Siya ang nagpumilit na sumama sa trip na 'yon. Wala kang kontrol sa nangyari. Focus ka lang sa trabaho natin. Kapag nakuha natin 'yung lupa ng Del Hamor na iyan, babalik na sa normal ang career mo. Babangon tayo!"

Tumango si Elowen, pero sa loob-loob niya, iba ang plano niya.

Hindi niya kailangan ng career. Kailangan niya lang ng  sapat na pera para makaalis. Aalis siya sa lugar na 'to, aalis siya sa pamilyang 'to at higit sa lahat, lalayo siya kay River.

Samantala, sa loob ng isang umaandar na itim na Maybach sa kalagitnaan ng EDSA, napansin ng assistant ni River ang kanina pang tumutulong dugo sa palad nito. May malalim na hiwa ito na mukhang galing sa isang matalim na salamin.

"Mr. Samaniego, paano po kayo nasugatan?"

Nakasandal lang si River sa backseat, nakapikit ang mga mata at parang walang pakialam sa sakit ng kanyang kamay.

"Mr. Samaniego, kailangan natin dumaan sa hospital at gamutin iyan. Baka ma-tetanus po kayo diyan," pamimilit ng assistant niya.

Dahil sa walang tigil na kakulitan ng assistant niya, napilitan si River na pumayag na huminto sa St. Luke's para magpalinis at magpabenda ng sugat. 

"Mr. Samaniego, tumalsik po ba sa inyo 'yung salamin sa private room?" inis na tanong ng assistant niya. "Idedemanda po natin 'yung club na 'yon! Delikado 'yung nangyari!"

Malamig na iminulat ni River ang mga mata niya. "Walang dedemandahin. Ako ang bumasag ng salamin."

"P-Po?!" Napanganga ang assistant niya. Pumasok sa isip niya ang imahe kung saan buong lakas na hinampas ni River ang makapal na glass wall. Para mabasag 'yon, kailangan mong maging halimaw o may sapat na lakas para gawin yun. Bakit naman gagawin 'yon ng isang kalmado at perpektong CEO-ng boss niya?

Sa totoo lang, kahit si River ay pakiramdam niya nabaliw siya kanina.

Nangyari ang lahat sa isang iglap. Bago pa man niya maproseso ang nararamdaman niya, lumipad na ang kamao niya sa salamin. Kung hindi siya nakapagtimpi, baka ang mismong bungo na ni Mr. Del Hamor ang binasag niya.

Dahil namayani ang natitirang katinuan, sa salamin niya ibinuhos ang galit. Bumagsak ito kay Mr. Del Hamor.

Kahit siya, nagulat sa ginawa niya. Pero noong nakita niyang dumudugo ang ulo ng matandang baboy na iyon na mambabastos sa asawa niya? Nakaramdam siya ng matinding ginhawa. Huminga ng malalim si River. Kinuha niya ang cellphone niya at nang hindi namamalayan, binuksan ang chat window nila ni Elowen.

Ang huling mensahe roon ay eksaktong isang taon na ang nakakalipas.

[Elo: Nasaan ka?]

[River: Sa labas ng City Hall.]

Wala siyang tulog kagabi dahil sa trabaho. Nang umuwi siya kaninang umaga, agad siyang pumunta sa kwarto nito para saktan ito. Pero nang maalala niya ang mga malalaswang sinabi ni Mr. Del Hamor kanina tungkol sa asawa niya, muling nag-init ang dugo niya. Walang kamalay-malay, bumalik sa isip niya ang imahe ng makinis at kaakit-akit na katawan ni Elowen habang nasa ilalim niya ito kanina.

"Shit."

Mariin siyang napapikit, pinisil ng mariin ang phone at marahas na ibinato ito sa kabilang upuan ng sasakyan. Nababaliw na talaga yata siya!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 211

    "Kuya River?!" tili niya’t tuluyan nang nawala ang pagpapanggap. "Gagamitin mo ako para sa babaeng 'yon?! Itatapon mo ako dahil lang kay Elowen?! Anong bang meron sa kanya, ha?! Isang malanding ahas naman ang babaeng yun! Isang desperadang babaeng ipinagsiksikan ang sarili sa kama mo! Ipagpapalit mo ako sa isang pokpok na tulad niya—"Hindi na kinaya ni River ang marinig ang pangalan ng asawa mula sa maruming bibig nito. Sumenyas siya sa isang tauhan na may hawak ng isang malaking timba sa gilid."Anong... anong gagawin niyo?!" natatarantang sigaw ni Beatrice nang makitang papalapit ang lalaki. "Bawal 'to! Pulis! Ididemanda ko kayo! Illegal 'to—"Subalit hindi pa man siya tapos na magsalita, buong timba na ng malamig na tubig na ang ibinuhos sa buong katawan ni Beatrice.Napasigaw siya nang malakas bago nabilaukan. Tumagos ang lamig hanggang sa mga buto niya kaya’t nagsimula siyang manginig nang matindi. Ang hangin sa basement ay sapat na para mangatog siya pero ang yelong dumikit sa

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 210

    Pagdating sa condo unit sa BGC, hindi halos makapaniwala si Elowen nang buksan niya ang isang mamahaling velvet box. Nanginginig ang mga kamay niya nang damputin ang lumang bracelet. Nilinis na ito at pinakintab kaya naman kumikinang at parang bagong tingnan."Paloma, p-paano niyo nagawa 'to?" naiiyak na tanong ni Elowen habang marahang isinusuot ang bracelet sa kanyang pulso.Naka-loudspeaker ang phone niya habang kinakausap ang kaibigan. "Naku, may connection ako diyan sa black market, bakla! Tanga lang kasi 'yung mang-aagaw na 'yon! Buti nga nakuha natin, kung hindi naku, baka nabenta na niya 'yan sa iba!"Tumulo ang luha ni Elowen. Ito ang tanging alaala ng namayapa niyang ina, ang pamana ng pamilya Quinn na ninakaw ni Beatrice noon. Ngayon, nakabalik na ito sa kanya."Salamat, Paloma," umiiyak ngunit nakangiting sabi ni Elowen. "Akala ko hindi ko na 'to makikita...""Wag ka nang umiyak diyan," malambing na sagot ni Paloma. "By the way, Elowen, anong balak mo dun kay Beatrice? Nak

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 209

    Nasa isang coffee shop si Beatrice, nakasuot ng apron ng cafe habang nagse-serve sa mga customer nang may marinig siyang usapan sa kabilang table. Dalawang lalaki ang nag-uusap. Ang isa ay naka-trench coat at ang isa ay naka-business suit."Maganda 'yang bracelet mo, pero peke eh," seryosong sabi ng lalaking naka-trench coat. "Ang hinahanap ko, antique. 'Yung lumang-luma.""M-Magkano po ba kapag antique ang ibibigay ko sa inyo?" nag-aalangang tanong ng lalaking naka-suit.Itinaas ng lalaking naka-trench coat ang dalawang daliri kaya naman nanlaki ang mata ng naka-suit. "Dalawang milyon?!"Umiling ang nakacoat."S-Sampung milyon?!"Umiling ulit ang nakacoat."W-Wag mong sabihing... dalawang daang milyon?!"Narinig ni Beatrice ang salitang dakawang daang milyon kaya awtomatikong napatigil siya sa pagpupunas ng mesa."Tama ka," ngiti ng lalaking naka-trench coat. "Kung makakahanap ka ng authentic na antique jewelries, dalawang daang milyon ang ibibigay ko sa’yo. Malaki ang market value n

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 208

    Hindi mawala sa isip ni River ang nalaman niya mula sa anonymous caller. Simula nang sumabog ang lihim sa isang sikat na blind item forum ilang linggo na ang nakakalipas, tahimik na nag-iimbestiga si River kung sino ang pasimuno ng paglalantad ng totoo. Masyado siyang nabulag sa pag-aasikaso sa pag-step down niya sa kumpanya, sa paghahanap kay Elowen at sa guilt na pilit siyang nilulunod gabi-gabi, kaya nawaglit ito sa isip niya.Ngunit ngayong nalaman niyang si Beatrice pa rin ang nag-orchestrate para mapapasok si Eric sa banquet na may dalang kutsilyo, hindi niya mapigilan na magalit at mainis. Ang babaeng mukhang inosente at mahina noon, isang demonyong kayang pumatay pala."Mateo, ihanda mo ang mga tauhan natin. Hahanapin natin ang mga lintik na 'yon," malamig at madiin na utos niya.Mabilis siyang pinigilan ni Mateo. Hinawakan nito ang braso ni River. "Boss, sandali! Baka set-up lang 'to! Baka sinisiraan lang nila si Beatrice para mag-away-away ang pamilya niyo! Kailangan muna n

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife    SV: Kabanata 207

    Pagkababa ng telepono, agad na binuksan ni Logan ang laptop para ipagpatuloy ang pagmamanipula sa media. Hahayaan niyang ang pamilya Samaniego mismo ang magpatayan mula sa loob.Sa kabila ng pagsuka niya ng dugo sa basement parking kagabi, tinanggihan ni River na magpadala sa ospital. Sa halip, dumiretso siya sa head office ng Samaniego Group. Magulo ang kumpanya, madaming papeles ang kailangang i-turn over dahil sa balak niyang pag-step down bilang CEO. Ang mga board of directors at mga shareholders ay nag-aabang sa labas ng opisina niya, halos magmakaawang wag siyang umalis. Sa ilalim ng pamumuno ni River, umabot sa bilyun-bilyong dolyar ang halaga ng kumpanya. Sino ba namang tanga ang papayag na umalis ang golden goose nila?Pero wala ng pakialam si River. Pagpasok niya, dire-diretso siya sa kanyang opisina, pabagsak na isinara ang pinto, at kinulong ang sarili mula sa buong mundo.Nang kumatok si Mateo at binigyan ng pahintulot na pumasok, naabutan niya ang kanyang Boss na nakata

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 206

    Ramdam na ramdam ni Elowen ang malamig na simoy ng hangin habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ni Logan. Ang kamay niyang may hawak na baso ng alak ay nanginginig nang bahagya. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi habang nakatitig sa mga ilaw ng siyudad."Logan, na-realize ko lang, tuluyan na pala talaga akong nawalan ng kapatid. Wala na akong pamilya. Wala na rin akong uuwian."Unti-unting nanikip ang dibdib ni Logan nang marinig iyon sa babae. Napatingin siya kay Elowen, ang mukha nitong bakas ang labis na pagod at kalungkutan. Gusto niyang yakapin ito nang mahigpit, angkinin ang lahat ng sakit nito pero alam niyang hindi pwede. Hindi pa pwede.Hindi niya alam kung anong emosyon ang nagtulak sa kanya, pero bigla na lang lumabas sa bibig niya ang mga salitang babago sa hangganan nilang dalawa."Ako, Elowen," malumanay na sambit ni Logan, "Gusto mo bang… Ako na lang ang maging kuya mo?"Dahan-dahang inangat ni Elowen ang kanyang paningin. Tinitigan niya ang lalak

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 7

    Pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Paloma, nakaramdam ng kaunting ginhawa si Elowen. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nakatulog siya nang mahimbing, malayo sa malamig na presensya ng kaniyang asawa at sa impyernong tinatawag niyang bahay.Ngunit kinabukasan, maaga siyang bumango

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 5

    Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 4

    Nang mag-angat ng tingin si Elowen, saktong nagtama ang mga mata nila ni River.Sa kabilang dulo ng dimly lit na VIP room, nakaupo ito na parang isang hari. Walang kahit anong emosyon sa pamilyar at gwapong mukha nito, maliban sa isang nakakapasong panunuya sa mga mata. "Inumin mo 'yang alak," mal

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 3

    Nang makarating sila sa entrance ng exclusive clubhouse, hinarang sila ng mga bouncers. Isa itong members-only club at kung wala kang black card hanggang labas ka lang.Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang best friend niyang si Paloma. Si Paloma ang kasintahan o mas tamang sabihin, isa sa mg

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status