แชร์

SV: Kabanata 43

ผู้เขียน: Mysaria
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-10 16:17:08

Pagpasok pa lang ni Elowen sa malaking double doors ng VIP lounge, halos umurong na ang mga paa niya.

Sa gitna ng kwarto, nakaupo ang taong pinaka iniinisan niya, walang iba kung ‘di ang dati niyang kaibigan na si Hope.

At ang mas nakakainis? Masayang nakikipag kwentuhan at nakikipag tawanan ito kay Mr. Enriquez, ang mismong bilyonaryong kliyente na kailangan nilang mapapirma ngayong gabi.

“Bakit ba sobrang liit ng Pilipinas pagdating sa mga taong ayaw mong makita?” bulong niya sa isip.

Para h
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 89

    "Tungkol 'to sa resort design project natin sa Davao," seryosong panimula ni River. "May isang designer na nag-post sa social media. Kinocall-out niya ang Samaniego Group. Sabi niya, ninakaw mo raw ang idea niya at magsasampa sila ng plagiarism case laban sa kumpanya."Nanlaki ang mga mata ni Elowen. "Anong klaseng kalokohan 'yan?! Orig 'yung concept na 'yon! Paanong magiging plagiarism yun?!"Tinitigan ni River ang maaliwalas pero namumutlang mukha ni Elowen. Ilang segundo itong tahimik na nag-obserba bago tumango."Alam ko," mahinahong sagot ni River. "Alam kong hindi mo gagawin 'yon. Kaya nga ako ang nandito para kausapin ka imbes na 'yung Legal Department ng kumpanya."Kahit papaano, nabawasan ang kaba sa dibdib ni Elowen. Tipid siyang tumango. "Salamat."Nang mapansin ni River na lumambot ng kaunti ang ekspresyon ng asawa, medyo gumaan din ang aura ng lalaki. Pinasadahan nitong muli ng tingin ang buong mukha at pigura ni Elowen. "Pero, magiging komplikado 'to. Kailangan mo kasin

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 88

    Kinagabihan, nakipagkita si Elowen kay Paloma. Nasa condo sila ngayon, kasalukuyang nakaupo si Elowen sa island counter ng kusina kasama si Paloma. Ikinuwento niya lahat ng nalaman niya sa mansyon."So…" sambit ni Paloma habang umiinom ng wine. "Hindi lang pala basta scumbag meets bitch ang peg nila? Isa pala itong classic na Cinderella saves the Prince trope? Tapos nagbabayad-utang ang prinsipe ngayon?"Tumango si Elowen kung kaya’t tumawa ng mapakla si Paloma. "Ang corny ha! Ano 'to, Koreanovelas? Eh anong role mo, ikaw yung kontrabidang ex-wife na kailangang mamatay para maging masaya sila?"Hindi umimik si Elowen, kung ganun lang sana kadali pero may isang bagay na patuloy na gumugulo sa isipan niya. Biglang nag-flash sa utak niya ang kwintas na nakita niya sa leeg ni Beatrice kanina. Bakit sobrang pamilyar ng kwintas na 'yon? Saan nga ba niya yun nakita?Nang mapansin ni Paloma na tulala ang kaibigan, alam nitong may malalim na iniisip ito. "Alam mo, Elowen, ako nang bahala," s

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 87

    Nang matapos ang madramang eksena sa sala, lumapit si Beatrice kay River. Panay ang punas nito ng pekeng luha at pag-arte na parang ito ang pinaka-kawawang nilalang sa buong mundo.Nanatiling nakatayo si Elowen sa gilid. Gusto niyang matawa sa sarili. Kailan nga ba siya matututo? Ang daling maniwala noon, pero ngayon, nakakasuka na lang panoorin ang babaeng ito. Habang malalim ang iniisip, napansin niyang pilit na inaayos ni Beatrice ang gusot sa damit ni River na halos nakadikit na ang dibdib nito sa braso ng lalaki habang sinusuri ang mga sugat sa likod nito.Kahit pa sabihing manhid na si Elowen at matagal na niyang binitawan si River, iba pa rin sa pakiramdam na makitang naglalandian ang asawa niya at ang kabit nito sa mismong harapan niya.Umirap si Elowen, umiwas ng tingin at naglakad papunta sa tahimik na hallway patungo sa likurang bahagi ng mansyon.Ngunit pagliko niya, saktong nakasalubong niya si Butler Damian. Simula pa noon, mabuti na ang pakikitungo ng matanda sa kanya

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 86

    Kinabukasan, araw ng sabado, gusto sana ni Elowen na tumakas at mag-stay ng dalawang araw sa condo ni Paloma para makahinga pero biglang tumawag ang Lolo ni River. Pinapauwi silang mag-asawa sa ancestral mansion ng pamilya. Higit isang buwan na ang nakalipas simula nang huli siyang pumunta rito. Napakaraming nangyari at ngayon, ibang-iba na ang pakiramdam niya habang naglalakad papasok sa malalaking pinto ng mansyon.Pagpasok niya, sinalubong siya ng isang nakakabinging katahimikan. Wala ang matanda sa pinto para salubungin sila, isang bagay na palagi nitong ginagawa para sa kanya noon. Pansin niyang mabigat ang aura ng bahay na ito.Pagdating niya sa main living room, nanlaki ang mga mata ni Elowen sa eksenang naabutan niya.“Walang kwenta! Mga walang utang na loob!"Nakatayo ang matanda habang nanginginig ang buong katawan sa galit at walang-awang inihahampas ang baston nito sa likod ni River. Nakaluhod ang lalaki sa malamig na marmol at tahimik na tinatanggap ang bawat palo.Sa gi

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 85

    Pagkapasok na pagkapasok sa kwarto, pabagsak na ibinaba ni Elowen ang baso ng tubig sa bedside table niya. Tumalsik pa nga ang ilang patak ng tubig sa sahig.Akala niya kaya na niyang maging manhid. Akala niya wala na siyang pakialam pero nang marinig niya ang mga salitang iyon na ayaw ni River na gumawa ng pamilya kasama niya, bumalik lahat ng sakit ng pagkawala ng anak niya. Ang unang anak niya at baka ang huli na.Dahil sa mga lason na inilagay ni Mitena sa katawan niya noon, alam niyang unti-unting nasira ang matris niya. Hirap na siyang magbuntis pero lumaban pa rin ang bata at dumating iyon sa kanya. Kaso nga lang hindi niya ito naprotektahan.“FUCK!”Napasabunot si Elowen sa sarili niyang buhok, ramdam na ramdam niya ang pag-init ng sulok ng kanyang mga mata. Sukdulang galit ang nararamdaman niya sa sarili at sa mga demonyong nasa paligid niya.Pero makalipas ang ilang minuto ng paghikbi, biglang may sumagi sa isip niya. Naalala niya ang sinabi ni Manang Delia kanina… ‘Ang rel

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 84

    Pagbalik ni Elowen sa mansyon, dumiretso muna siya sa kwarto para magpalit ng simpleng pambahay bago bumaba sa dining room.Kahit na galing siya sa isang dinner meeting kasama sina Mrs. Del Hamor, wala siyang nakain doon dahil sa sobrang tensyon. Idagdag pa na wala rin siyang inabot na tanghalian kanina dahil sa walang-kwentang drama ni Beatrice kung kaya’t sobrang gutom-gutom na siya.Pagkaupo niya sa mahabang hapag-kainan, hindi na siya nag-inarte. Dire-diretso siyang sumubo ng kanin at ulam, walang pakialam sa poise o sa kung anong iisipin ng dalawang taong nakaupo sa kabilang dulo ng mesa.Kunot-noong pinagmamasdan siya nina River at Beatrice."Dahan-dahan," hindi napigilang sita ni River, halatang naiirita sa kawalan ng manners ng asawa.Hindi man lang nag-angat ng tingin si Elowen. "Gutom ako. Bahala kayo diyan kung gusto niyong magtitigan," walang emosyon niyang sagot, sabay subo ulit ng malaking hiwa ng karne.Sa totoo lang, habang ngumunguya, malalim ang iniisip ni Elowen. Al

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 62

    Limang minuto pa lang matapos ang eskandalo sa loob ng Room 88. Nakapagbihis na si Elowen ng damit na ipinadala ni River sa kanya. Isang simpleng puting t-shirt at maong pants. Pero kahit nakasuot siya ng malinis na damit, hindi nito nabura ang dumi na iniwan ni Raymund sa balat niya, at lalong hin

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 61

    Nang mawala sina Assistant Mateo, sobrang tahimik na ng silid. Gulong-gulo ang buhok ni Elowen, punit-punit ang blusa at duguan ang gilid ng leeg saka may mga pasa pa sa kanyang balikat.Madilim siyang tiningnan ni River, nang makita ang nakalantad na balat ng asawa agad na kinuha nito ang ang tele

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 60

    Walang awa ang pagbuhos ng ulan sa isang hotel pero mas nakakabingi ang pagkabog ng dibdib ni Elowen.Nanginginig ang buong kalamnan niya. Ang malamig at matalim na kutsilyo ay nakadiin sa kanyang leeg. Isang maling galaw lang, alam niyang dadanak ang dugo niya sa maputing carpet.“B-Bakit nangyaya

  • Shattered Vows: The CEO's Hidden Wife   SV: Kabanata 1

    “Ohh… River, parang awa mo na. Alisin mo na itong—” “Oh shut up! Manigas ka diyan!” inis na sabi ni River sa kanya. Lagi na lang ganto, parang pinipiga ang puso niya dahil sa sobrang sakit. Patuloy lang sa pag-agos ang malamig na tubig mula sa showerhead, dumadaloy sa kanyang buhok habang pumapa

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status