Masuk“Sorry? Anong silbi ng sorry mo kung patay na ang tao? Saka Mr. Samaniego, bakit ka nagso-sorry sa akin? Kung gusto mong humingi ng tawad, doon ka sa sementeryo o sa puntod ng asawa mo mag-drama!"Akmang tatalikod na si Elowen subalit bago pa man siya makahakbang marahas siyang hinila ni River. Isang napakalakas at agresibong pwersa ang humapit sa bewang niya. At sa isang iglap, dumapo ang mainit, mapilit at desperadong mga labi ni River sa kanyang bibig!Nanlaki ang mga mata ni Elowen. Putangina! Agad siyang nagpumiglas, hinampas niya ng malakas ang dibdib ni River kung kaya’t tuluyang nahulog ang itim na scarf niya sa sahig, kasabay noon ay ang kanyang mask. Bumungad ang napakaganda, maputla at malamig na mukha ni Elowen!Si River naman ay parang mababaliw nang makita niya ang mukha ng babaeng limanng taon niyang iniyakan kaya naman mas lalo itong naging agresibo. Naging mapusok ang halik nito na parang gusto siyang kainin nang buo!Subalit isang malakas na sampal ulit ang pinakaw
Kung ibang tao lang ito, pwede pa sanang magdahilan si River. Pwedeng sabihing namalikmata lang ito. Pero kay Elowen? Imposible.Napalunok ng mariin si River, punong-puno ng kaba, desperasyon at pag-asa ang kanyang sistema subalit napaka kalmado lang ni Elowen. Tiningnan niya si River na parang hindi niya ito kilala. "Excuse me, Sir," malamig na panimula ni Elowen.Dahil sa nasirang vocal cords nang tumalon siya sa dagat limang taon na ang nakakalipas, nagbago ang boses niya. Naging mababa ito at kapag masyadong emosyonal o nanlalamig, halos paos na bulong na lang ang lumalabas dito.Kinusot ni Elowen ang kanyang mga mata at tumingin ng deretso sa binata. "Sir, m-mali po yata kayo ng taong niyakap."Natigilan si River, ang matinding kumpyansa sa mga mata nito kanina ay napalitan ng pag-aalinlangan. Dahan-dahan nitong niluwagan ang hawak sa pulso niya. Pero bago pa man tuluyang makabitiw, biglang may sumiklab sa mga mata ng lalaki. Parang isang demonyong nabuhay mula sa kailaliman ng
Sa kabilang banda, hindi inaasahan ni Elowen na babalik sa upper deck si River. Nang mag-umpisa nang magkainan ang mga bisita, tahimik na naglakad si Elowen papunta sa railings ng barko habang pinagmamasdan ang madilim na dagat.Ilang sandali pa, isang lalaking naka-blue suit ang tumabi sa kanya. Si Dino, hawak nito ang namamaga at namumulang pisngi habang nakangisi."Selina! Kumusta ang acting ko? Pwede na bang pang-Oscar Award?" natatawang tanong ni Dino.Sumilip si Elowen sa kanya, tipid na ngumiti at sumagot, "Not bad. Bilang pabuya, pwede kang pumili ng kahit anong overseas warehouse ng Quinn Group na gusto mong gamitin at free lang yun for the next six months."Nanlaki ang mga mata ni Dino sa tuwa. Mabilis nitong hinapit ang bewang ni Elowen at hinalikan ito sa pisngi! "You're the best, Selina!"Hindi pumalag si Elowen at natawa na lamang siya. Matagal na silang magkaibigan ni Dino simula nung nasa France pa siya. Alam din niyang ginawa lang ito ni Dino bilang pasasalamat. At sa
Sa kabilang banda, hindi inaasahan ni Elowen na babalik sa upper deck si River. Nang mag-umpisa nang magkainan ang mga bisita, tahimik na naglakad si Elowen papunta sa railings ng barko habang pinagmamasdan ang madilim na dagat.Ilang sandali pa, isang lalaking naka-blue suit ang tumabi sa kanya. Si Dino, hawak nito ang namamaga at namumulang pisngi habang nakangisi."Selina! Kumusta ang acting ko? Pwede na bang pang-Oscar Award?" natatawang tanong ni Dino.Sumilip si Elowen sa kanya, tipid na ngumiti at sumagot, "Not bad. Bilang pabuya, pwede kang pumili ng kahit anong overseas warehouse ng Quinn Group na gusto mong gamitin at free lang yun for the next six months."Nanlaki ang mga mata ni Dino sa tuwa. Mabilis nitong hinapit ang bewang ni Elowen at hinalikan ito sa pisngi! "You're the best, Selina!"Hindi pumalag si Elowen at natawa na lamang siya. Matagal na silang magkaibigan ni Dino simula nung nasa France pa siya. Alam din niyang ginawa lang ito ni Dino bilang pasasalamat. At sa
"Ayan, nakaganti ka rin," nakangiting sabi ni Paloma sa kanya. "Nakuha rin niya ang nararapat sa kanya.""Maliit na bagay pa lang 'yan," malamig na tugon ni Elowen. "Ganti ko pa lang 'yan para sa ginawa niyang pananakit sa akin noon.""Ganyan dapat!" sang-ayon ni Paloma. "Kung ako 'yan, hindi lang sampal ang aabutin ng babaeng 'yan sa akin!"Sa gitna ng crowd, nagpapanic na ng sobra si Beatrice. Nagtatakip siya ng tainga habang umiiyak at nagsisisigaw sa gitna ng mga taong nagtatawanan sa kanya.Saktong sa sandaling iyon, dumaan ulit si River. Nang marinig nito ang kaguluhan, nakipagsiksikan ang binata sa karamihan."Anong nangyayari dito?!" sigaw ni River.Ang boses na iyon ay parang isang liwanag sa gitna ng impyerno para kay Beatrice! Sumikip ang dibdib nito, mabilis na dumaan sa dalawang taong humaharang sa kanya at walang alinlangan na isinumpak ang sarili sa dibdib ni River!"Kuya Riveeer!" hagulgol na sigaw ni Beatrice habang yakap-yakap ng mahigpit ang bewang ng binata.Napati
Mula sa madilim na sulok ng lounge, tahimik na nanonood sina Elowen at Paloma. Kumuha si Paloma ng isang pistachio nut mula sa platito at kinagat ito."My god, Elowen," natatawang iling ni Paloma. "Ang cheap ah. Ang cheap-cheap ng galawan. Paano ka natalo ng ganyang klaseng babae noon? Eh mukha siyang manika na nabibili sa bangketa na uhaw sa atensyon ng mayayaman!"Kumuha rin si Elowen ng nut at marahang inihagis sa bibig."Kapag ang isang tao gusto magbulag-bulagan, Paloma. Kahit bigyan mo pa ng magnifying glass, wala siyang makikita," malamig at seryosong sagot ni Elowen. "Noong mga panahong 'yon, ang nakikita ko lang ay si River. Paano ko makikita ang katotohanan kung nakatali ang buong mundo ko sa kanya?"Bumagsak ang balikat ni Paloma at tiningnan ang kaibigan nang may awa. "Sabagay~ Tama ka."Akmang magsasalita pa sana si Paloma nang biglang makarinig sila ng malakas na kalabog mula sa exit door ng VIP bar sa ibaba. Bumukas ng marahas ang pinto at isang lalaki ang halos madapa
Nasa iisang ospital lang sila ni Beatrice. Matapos mag-alinlangan, natagpuan na lang ni Elowen ang kaniyang mga paa na naglalakad papunta sa VIP Ward.Bago mangyari ang aksidente, sobrang malapit sila ni Beatrice. Hindi man kasing-lalim ng pagkakaibigan nila ni Paloma pero madalas silang kumain sa
Pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Paloma, nakaramdam ng kaunting ginhawa si Elowen. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nakatulog siya nang mahimbing, malayo sa malamig na presensya ng kaniyang asawa at sa impyernong tinatawag niyang bahay.Ngunit kinabukasan, maaga siyang bumango
Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At
Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan







