"Ano 'yan? Ayaw ko n'yan Almina!" reklamo ko kay Almina, lahat ng mga damit na ipinakita niya sa'kin ay pang losyang. Naring ko pa ang tawanan ng tatlo kong kaibigan, sina Fresha, Munique at Jersey.
"Bitch, you need to wear that. Good bye sexy outfits ka muna," sabi ni Fresha habang tumatawa. Padabog kong kinuha ang isang damit at tiningnan ito, napangiwi na lang ako sa hitsura ng damit.
"Ano bang gagawin ko?" Nakasimangot kong tanong kay Almina.
"You just need to pretend a poor lady, magiging kasambahay ka for a months at kapag tapos na ang trabaho mo puwede ka nang umalis." Nakangiting sabi niya. Hindi ko siya pinakinggan nang mabuti, alam ko naman na magagawa ko kung ano man ang ipapatrabaho sa'kin pero 'yong pasuotin ako ng ganitong damit, it's a fucking no to me.
"Pero bakit naman kasi ganito ang ipapasuot n'yo sa'kin? Masisira 'yong kurba ng katawan ko!" nakakainis lang, ang panget kasi talaga.
"Girl, mayaman naman magiging amo mo. Kapag naumay siya sa suot mong 'yan baka bilhan ka pa ng magagandang damit, bigyan mo kami ah!" segunda pa ni Munique.
"Tulongan ka na namin ayusin ang gamit mo, in a minute darating na si boss," Almina said. She's the leader, kaya nasa kaniya lahat ng plano. Minsan lang kami sumisingit kapag hindi kami sang-ayon o may naisip kaming hindi maganda sa plano but overall magaling naman mag plano si Almina.
Ano bang trabaho namin at may mga mission pa kaming ginagawa? We are part of syndicates, lahat kami ay mga babae. Kaming limang magkakaibigan ay magkakasama, pareho kaming wala ng pamilya. Simula bata pa lang ito na ang trabaho namin, ang magnakaw sa kalye pero noong nagkamalay kami at hindi pa rin kami nahuli ng kapulisan, nag level up ang ginagawa namin.
Palihim kaming nagnanakaw at pumapatay, we have different faces para ipakita sa iba't iba naming biktima. Nagpapalit anyo o pagkatao kami para magawa namin ang trabaho. Alam naman naming mali ang ginagawa namin pero rito kami nabubuhay, pinag-aral din naman kami ng boss namin dati kaya minsan nakakapagsalita kami ng English at nakakasabay sa mga tao, may pinapadala siya rati na naging tutor namin. Marami kami sa organisasyon na ito pero kaming lima lang ang pinakamatalik na magkakaibigan, kaming lima lang ang nagkakaintindihan.
"Nariyan na si boss," Fresha said kaya agad kaming kumilos at umayos ng tayo. Naka linya kaming lima habang nakaharap kay boss Alejara.
"Good evening ladies," she said. Yes, babae ang boss namin. Wala kaming lalaking kasama. "Handa na ba kayo sa bago n'yong mission?" she asked. We all nodded and smiled. Minsan kasi natutuwa kami sa mga mission namin, delikado pero natatagumpayan naman namin.
May inilatag si Boss Alejara sa mesa, we formed a circle at hinanap namin ang folder na nakapangalan para sa'min. Kinuha ko agad ang folder na para sa akin. Kaunting information lang ang sinabi sa'kin ni Almina kanina tungkol sa gagawin ko. Dito ko malalaman ang kabuoang plano.
Klailea Lyndsy Gatdula, iyan ang pangalan na nakalagay sa hawak kong folder. I opened it at bumungad sa'kin ang mukha ng lalaki.
"Tucker Burton?" banggit ko, tumingin naman sa'kin si Boss at ngumiti.
"Yes, that's your next mission my dear daughter," she said. Inilipat ko sa kasunod na pahina, nakasaad dito ang information tungkol sa lalaki.
He's 6'7 tall, 29 years old. A businessman. CEO ng sikat na kompanya sa bansa at sa New York. E'di nawa'y lahat.
Ang kasunod na pahina ay ang nagpatigil sa'kin nang mabasa ko 'to. Alam ko naman na sanay na akong gumawa ng mali pero bakit sa pagkakataong ito nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ba o hindi.
"Nabasa n'yo na lahat ang maaari ninyong gawin, I trusted you girls. Kayo na bahala ang gumawa ng paraan kung paano ninyo sila mapapabagsak," she said and winked at us, by that umalis na siya agad nang hindi nagpapaalam.
Para akong nanghina nang basahin ulit ang planong nakalagay sa papel. Parang hindi ko kaya.
"Cool, sa ibang bansa ko pala gagawin 'yong sa'kin." rinig kong sabi ni Jersey. Tuwang-tuwa pa ito.
"Sa'kin naman sa probinsiya, taga bundok yata 'tong lalaking 'to," reklamo naman ni Fresha.
"Mine, sa ibang bansa rin, ano Jersey sabay na ba tayo mag book ng flight?" tanong naman ni Munique. Hindi talaga sila pinaglalayo 'no? Tumingin kaming apat kay Almina, nag-aantay kung ano ang mission niya. She smiled at us and she shrugged her head. Napakunot naman ang noo ko sa kaniya, wala ba siyang gagawin?
"I will guide you girls, make sure hindi kayo mahuhuli. I will give your things para makausap natin ang isa't isa." eh? hindi na naman siya gagawa ng mission? Lagi niya itong ginagawa, kaming apat lang ang sumasabak sa trabaho.
"Umiiwas ka ba sa trabaho, Almina?" biglang tanong ni Fresha.
She sighed, "Iyon ang utos ni boss, kailangan ko lang kayong bantayan at siguraduhing gagawin ninyo ng tama ang trabaho n'yo," seryosong sabi niya, nagkatinginan kaming apat at hindi alam ang sasabihin.
"Mag-isa ka rito?" I asked, tumango naman ito. Sabay kaming tatlong napabuntong hininga.
"Tatawagan ko kayo anytime at kumustahin. Don't worry, may nakasaad naman sa trabaho n'yo na feel free to do anything para pabagsakin sila kaya 'wag kayong ma-pressure kung mabagal man ang progress," paliwanag niya.
Good thing nga ay walang nakalagay kung ilang araw o buwan naming gagawin ang trabaho, kapag nagawa lang namin kailangan na naming tumigil.
"Mag-sikilos na kayong apat," she said.
"Teka, ikaw Klai saan ang misyon mo?" tanong naman ni Jersey. Lahat sila ay nakatingin sa'kin, inaantay ang isasagot ko.
"Dito lang," I answered. Pinakita ko sa kanila ang information maliban kay Almina, mukhang alam niya na kung sino-sino ang naka-assign sa'min.
"Ang gwapo shit!" react agad ni Munique.
"Siguro masarap 'to." Napairap nalang ako kay Fresha.
"Gusto ko sana makipagpalit Klai kaso masarap din 'tong akin eh," si Jersey naman.
Napakagaling talaga ng mga comments ng mga babaeng 'to, pero totoo naman masarap si guy.
"Girls." Natigilan kaming apat at tumingin kay Almina nang magsalita ito. Seryoso siyang nakatingin sa'min, alam ko na agad ang tumatakbo sa isip nito. Our numbers one rule na dapat magawa namin, kasi kung hindi. Kami ang agribyado.
She smiled at us at tumango. "Don't fall in love."
Nakasimangot ako rito sa loob ng kotse, una naming hinatid sina Munique at Jersey sa airport, sumunod naman si Fresha sa sakayan ng bus papunta sa lugar kung saan siya naka-assign. Ako ito, pabalik na kami ni Almina sa Manila dahil ako na ang susunod niyang ihahatid. "Mukha kang patong iniwan ng jowa niya," she said. Tumawa pa ito at umiling. Sino namang hindi maiinis, pinasuot na agad ako ng losyal na damit. "Wala ka talagang taste sa mga damit 'no?" sabi ko pa at padabog kong hinawi ang paldang suot ko. "Ang ganda kaya n'yan." Tuwang-tuwa pa talaga ang gaga. "Para akong nagkaroon ng sampung anak dahil sa suot ko eh," reklamo ko ulit, hindi ko kasi talaga gusto ang pinili niya.
Habang ginagawa ko ang mga tinuro ni Manang kanina, nagmamasid na ako sa buong bahay. Gusto kong magawa nang mabilis ang trabaho ko para naman hindi ko na gawin 'yong bagay na 'yon. Iyon ang huling choice para makuha ko ang kailangan namin. Ang sabi sa impormasyon, isa sa pinakamayamang businessman si Tucker. Ini isa-isa ko ang mga kwarto rito, 'yong iba may naglilinis na kaya agad akong umaalis. Siguro nasa kwarto ni Tucker ang hinahanap ko, pero hindi ko alam kung nasaan ang kwarto niya. Ito kayang magandang design ng pinto? Bumuntong hininga muna ako bago hawakan ang doorknob. I was about to open the door nang may biglang nagsalita sa likod ko, gulat akong lumingon sa kaniya. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking kanina ko pa binabanggit sa isipan ko. "Hindi ba nila ininform na bawal kayo pumasok sa kwarto ko?" hindi agad ako makapagsalita, ang sama ng tingin niya sa'kin, kulang na lang kainin niya ako ng buhay. Okay sana kung ibang kain g
"Do you think, my friends will like those?" tanong sa'kin ni Tucker. Grabe talaga ang isang 'to, ang dami niyang binili hindi man lang kayang tumulong. Mas nauna pa siyang maglakad sa'kin, bakit ba kasi ang dami kong kinuha para sa sarili ko, tapos siya unti lang naman talaga ang binili niya para sa mga kaibigan nito. "Kaya mo pa ba?" rinig kong tanong. Tanging tango na lang ang naisagot ko. "Magugustohan naman po siguro ng mga kaibigan mo sir," sabi ko. Sana pala walo na lang ang kamay ko. "Eh ikaw nagustohan mo naman ang mga kinuha mo?" he asked. Aba syempre naman kahit hindi mo ako tinulongan magdala. "Oo naman sir, pasensya na po kung marami. 'Yong iba kasi para sa mga kapatid ko, pakibawas na lang po sa sweldo." pero 'wag naman sana ibawas talaga. "Sige, mahigit binayad ko sa mga 'yan ay kalahati ng sweldo mo." Bigla akong nanlumo sa sinabi niya. Baka sa isang buwan wala akong sweldohin. Nakarating na kami sa kotse, nauna itong su
Isang buwan na ako rito sa mansyon pero hindi ko pa rin nahahanap ang bagay na 'yon. Sa laki ba naman kasi ng bahay na 'to paano ko 'yon mahahanap. "Ilang kwarto ulit nandito, Len?" tanong ko sa kasama kong naglilinis dito sa sala. Hindi naman siya huminto sa paglilinis at sinagot lang din ang tanong ko. "Kung kasama sa bilang ang mga kwarto natin, 25 lahat." grabe, ang yaman talaga, kahit isang buwan na ako rito hindi ko pa rin maiwasan mamangha sa katayuan nila Tucker. "May kwarto pa ba tayong hindi napapasukan maliban kay sir Tucker?" pasimple kong tanong. "Napasukan na natin lahat, kay Sir lang talaga hindi pa. Siya mismo ang naglilinis ng kwarto niya," sagot nito. "Bakit?" tanong niya pa. Umiling lang ako sa kanya bilang sagot.Kung gano'n, nasa kwarto niya ang hinahanap ko. Nang matapos ko ang trabaho ko, pumunta muna ako sa kwarto ko para tawagan si Almina. Baka kasi may isa na ang nakatapos sa trabaho. "Yoh bitch, how are yo
"Kapag nagising na siya pakainin mo na lang ha?" "Opo Manang, ako na po bahala sa kaniya." Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang makarinig ng ingay. Ang sakit ng ulo ko. Para akong galing sa hang-over na matagal mawawala. "Ay nako, Alora. 'Wag ka munang tumayo." Tiningnan ko ang babaeng nagsasalita. Si Lina. Tumingin din ako sa paligid at nagtataka kung bakit nasa kwarto na ako. Naalala ko ang nangyari kagabi, pinalayas ako at nakatulog sa ilalim ng malaking puno habang umuulan. "Kinuha niyo ako sa labas?" tanong ko. "Si Sir ang kumuha sayo." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Imposible! "M-masakit lang ang ulo ko Lina pero hindi ako lasing. Huwag mo akong lokohin." "Hindi kita niloloko, Alora. Siya nga ang kumuha sa'yo. Magpagaling ka na para pagbayaran mo ang ginawa mo sa kaniya." Mas lalong napakunot ang noo ko. Anong bayad? Ako na nga ang pinalayas at nabasa sa ulan ako pa ang magbababayad. Baka sa damit na sinabi niya o
"Good morning, Sir!" masayang bati ko nang makita siyang bumaba at bihis na bihis. Time to work niya na yata. "Breakfast po," aya ko pa pero hindi niya ako pinansin. Dire-diretso lang ang lakad niya na para bang wala ako sa harap nito. Sungit sa umaga! Sinundan ko pa rin siya, hindi ako nakapunta sa kwarto niya kahapon para raw alagaan kuno. Tinatamad ako maglambing, hindi ko naman siya jowa. "Sir, baka po may nakalimutan ka bago mag work?" malambing kong sabi. Wow Klai, ayaw mo maglambing ha! "What?" he coldly said. "Hindi ko po alam, baka lang naman po may nakali-" "Wala akong nakalimutan, umalis ka sa harap ko." Napahinto ako dahil sa biglaang paglingon niya sa akin,
"So, you have an additional mission? Exciting, isn't?" Hindi ako sumagot sa nakangiting Jersey. After the meeting with the organization, umalis kaagad kami. Why would boss will give us a mission na konetkado rin sa una kong mission? At bakit sinasabi niyang sila Tucker ang magpapabagsak sa amin in the future? Gano'n ba ka delikado si Tucker. "Hey, huwag mo muna isipin 'yon." Lumingon ako kay Fresha. I smiled at her. Of course, basic ang pumatay. Hindi na dapat isipin kung paano namin patayin si Tucker kasama ang mga kaibigan nito. "O to the M and to G, fucking OMG!" Napakunot ang noo ko nang tumili si Munique. We looked at her, waiting her to say something. "Look! Gosh!" Pinakita niya sa amin ang litrato ng mga lalaki. Napa-awang ang bibig ko at halos manlaki ng mga mata. Ulam, tangina! "Sure ba tayo na kaya nating patayin mga 'yan? Parang gust ko muna magpalahi bago putulin ang pangpalahi nil---" "Jersey!" "
"Where have you been?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses niya. Dahan-dahan akong lumingon, kinakabahan. Nang makaharap na siya, ngumiti ako ng napaka-tamis. "Magandang araw Sir. Umuwi lang po ako sa amin dahil kailangan po ako ng pamilya ko. Pasensya na po." sambit ko at yumuko. Ayaw ko siyang kaharap ng matagal, naiisip ko lang ang mission ko. "Really?" Nanlaki ang mga mata ko sa tono niya, tonong hindi naniniwala. Bakit niya ba ako pinapakaba lalo. "O-opo," sambit ko nalang. "Pasok na po ako." dagdag ko at mabilis nang naglakad. May kakaiba sa kanya ngayon. Dapat na ba talaga akong matakot sa kanya? Hindi, hindi dapat ako matakot. Dapat lang mag-ingat pa lalo. Kinabukasan, maaga kaming nagising lahat dahil kagabi ay sinabihan na kaming dapat kaming maghanda para sa welcome party ng isang tao na hindi ko kilala. Aligaga kaming lahat sa pag-aasikaso. Mamayang 7 PM pa