Ang unang araw ni Anessa R. Lacosta bilang executive secretary ng CEO ng Divinagracia Interprises ay hindi ordinaryo.
Mukha siyang kalmado habang nakatingin sa salamin ng elevator. Maayos ang suot, banayad ang ayos ng buhok, at mahinhing nakapulupot ang ID sa leeg. Pero sa ilalim ng kanyang ivory silk blouse, binabayo ang dibdib niya ng kabang hindi maawat. Ang kamay niya, mahigpit ang kapit sa folder na puno ng schedules, company protocols, at notes.
Lahat ng kailangan niya para maging perpekto ang unang araw ay dala na niya. Pero may isa pang papel na hindi niya maaaring ibunyag.
Hindi lang siya bagong hire. Hindi lang siya sekretarya.
Asawa siya ng boss. Asawa siya ni Barton “Bart” Divinagracia.
Pero wala dapat ni isang makakaalam niyon.Pagbukas ng elevator, sinalubong siya ng malamig na ambience ng 15th floor. Floor-to-ceiling glass walls, minimalistong mga mesa, at katahimikang tila nang-aamoy ng intruder. Lumingon sa kanya ang ilang empleyado. May bahagyang bulungan, mabilis ding naputol. Pero ramdam niyang pinag-uusapan siya.
Sanay na siya. Mula pa lang interview, tinusok na siya ng matang mapanghusga. Lalo na nang matanggap siya kahit walang experience sa sekretarya position. Position na binigay sa kanya ni Bettina Martino-Divinagracia—ina ni Bart.
“Sayang kung magmumokmok ka lang sa bahay,” sabi Bettina. “Gamitin mo ‘yang pinag-aralan mo.”
Pinilit siya nitong magtrabaho. Sa kumpanya ni Bart. Sa piling ng kanyang asawa na sa loob ng isang taong kasal, halos hindi pa siya natititigan nang diretso.
Huminga siya nang malalim. Nilunok ang lahat ng nerbyos, at tinungo ang pinto ng opisina ng CEO. Kumatok nang marahan.
“Come in,” malamig na boses mula sa loob.
Ilang beses na niyang narinig ang boses na ‘yon. Sa bahay. Sa mga dinner. Pamilyar na siya sa lamig at distansya niyon. Pero ngayon, sa trabaho… mas ramdam niya ang layo. Mas malamig.Pagpasok niya, bumungad si Bart. Nakatayo sa tabi ng desk, hawak ang tablet at ballpen. Suot ang white polo na naka-rolled up ang sleeves at gray slacks. Ang linis tingnan. Ang gwapo. Ang tindig nito ay parang monumento. Matikas, perpekto, hindi kayang lapitan ng kahit sino. Kahit siya na asawa niya.
“Mr. Divinagracia,” pormal niyang bati.
Tumingala si Bart, bahagya lang. Saglit nagtama ang kanilang mga mata. Walang pagkilala. Wala ni bahid ng pagiging mag-asawa.
Para siyang... estranghero sa paningin nito.“Start with the schedule. Don’t interrupt me unless it’s urgent. No chit-chat. Just do your job.”
Tumango siya. “Yes, sir.”
Pormal. Walang emosyon. Gaya ng bilin nito.Sa loob-loob niya, unti-unting nabura ang huling bakas ng pag-asa na baka… ngayong magkasama na sila sa trabaho, mapansin man lang siya nito. Pero mukhang malabo.
Isa lang siyang empleyado. Isa sa maraming tauhang pinapasweldo.
Sa kanyang desk sa labas ng opisina, sinimulan niyang asikasuhin ang mga email, meeting requests, at tawag. Ilang empleyado ang dumaan, nag-abot ng papeles, at nagpatuloy sa kani-kanilang trabaho.
Siya, tahimik. Naka-upo lang. Naghihintay kung kailan siya kakailanganin.
Tulad ng nakasanayan niya sa bahay.
Ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya kayang lokohin ang sarili. Nasasaktan siya.
Masakit ang pagtrato sa kanya na parang invisible ng taong buong puso niyang minahal.Bandang tanghali ay nagpunta siya sa conference room, inihahanda ang lahat para sa 3 PM meeting ni Bart. Maayos ang pagkakalatag ng bottled water, presentable ang documents, organized ang chair placements. Lahat ay mitikuloso niyang inayos, dahil kailangan niyang patunayan na karapat-dapat siya sa position na binigay sa kanya. Hindi bilang asawa, kundi bilang sekretarya man lang niya.
Habang bumabalik siya sa opisina, narinig niya ang mga bulungan ng ilang kasamahan.
“Bagong secretary ni Sir Bart?”
“Oo. Ganda, ‘no?”
“Pero parang mailap. Hindi nga namamansin.”
“Malay natin, mukhang suplada lang, pero friendly pala…”
Hindi niya pinansin. Hindi niya puwedeng pansinin. Dahil isang maling hakbang lang, baka mabuko ang sikreto nila ni Bart.
Mas mabuti na ‘yong suplada siya sa mata nila. Kay sa malaman nila kung gaano siya ka-rupok kapag siya lang mag-isa.
Pagbalik niya sa desk, sumilip siya sa opisina ni Bart.
Abala pa rin ito. Hindi man lang siya napansin.
“Miss Lacosta. Coffee…” utos nito, hindi man lang tumingin sa kanya. Wala man lang… please.
“Noted, sir.”
Tumayo siya, tinungo ang pantry. Hindi na niya kailangang itanong kung ano ang gusto nitong timpla. Kabisado na niya. Dark. No sugar. Gaya ng pagsasama nila, madilim. Walang tamis.
“Sir, coffee mo po,” mahinang sabi niya. Nilapag ang kape sa mesa.
Gaya kanina. Wala pa ring salamat. Wala ni tipid na ngiti.
Tumalikod siya. Bumalik sa desk niya.
Napa-iling siyang napangiti ng mapait.Akala niya, magiging mas madali ang buhay ngayong magkasama sila araw-araw.
Pero mas mahirap pala kapag magkalapit kayo, pero mas malala pa sa estranghero ang trato sa’yo.
Bandang alas-dos, lumapit si Bart sa desk niya. Nagulat si Anessa. Biglang tumayo.
“Sir…”
“Cancel the meeting with the marketing team. Move it tomorrow.”
“Yes, sir.”
At tumalikod na ito. Wala man lang explanation. Walang sinabing dahilan.
Ang lungkot… napakapamilyar na ng ganitong pagtrato sa kanya ni Bart, pero parang pinipiga pa rin ang puso niya sa sakit. Pero sinunod pa rin niya ang utos nito.
Bandang alas-singko. Oras nang uwian. Hindi sadyang nagkasabay sila sa elevator. Walang ibang tao.
Siya sa kanan. Si Bart sa kaliwa. Ilang pulgada lang ang pagitan nila.
Pero ang katahimikan sa pagitan nila? Parang isang buong kontinente.
Pagbukas ng elevator, siya ang unang lumabas. Walang lingon. Walang paalam. Mabilis ang hakbang palayo sa kanya.
Sa staff parking, pumasok si Anessa sa sariling kotse. Ngunit ilang minuto na siyang nakaupo roon, hindi pa rin niya magawang paandarin ang makina. Tahimik siyang nakatitig sa manibela, habang pilit pinipigilan ang mabigat na pakiramdam sa dibdib.
Sa di kalayuan, natanaw niya si Bart. Papalapit ito, may kausap sa telepono. Nakangiti. Relaks ang tindig. May siglang hindi niya naramdaman kailanman kapag magkasama sila.
At doon niya napagtanto—baka kaya kinansela ang meeting ay dahil may ibang mas mahalaga itong pupuntahan. O may mas gusto itong kasama.
Pag-uwi sa bahay, walang nagbago. Ang tahimikan, malamig na sala ang bumungad sa kanya. Wala si Bart. Hindi niya alam kung nasaan ito, at wala rin siyang natanggap ni isang mensahe.
Mag-isa siyang kumain. Mag-isa ring naghugas ng pinggan. Naligo. Nagbihis. Humiga. Laging gano’n. Lagi siyang mag-isa.
Sa kwarto, binuksan niya ang cellphone at binuksan ang hidden album. Doon, tinitigan niya ang isang larawan.
Isang wedding photo. Siya, naka-simple white dress, pilit ang ngiti. Si Bart, naka-polo... walang emosyon sa mukha. Walang kislap sa mga mata. Walang kaunting pagmamahal sa kanya.
Ibinaba niya ang phone sa tabi ng kama at humarap sa bakanteng bahagi ng higaan na wala ni kaunting init mula kay Bart.
At sa katahimikang iyon, isang bagay lang ang malinaw kay Anessa.
Masaklap na ang kasal nila. Pero mas masaklap ang unang araw niya bilang sekretarya ng sariling asawa.
Dahil ito ang araw na opisyal siyang naging asawa… sa lihim.Parang isang kisap-mata, agad naglaho ang emosyong sumilip sa mata ni Bart kanina—'yong emosyon na saglit nagbigay-buhay sa puso ni Anessa. Pero nang bumaba ang tingin nito sa hawak niyang folder, naintindihan niya agad. Hindi iyon emosyon. Curious lang ito sa dokumentong dala ng intern.Inabot niya ang folder. “File from Sales Marketing, sir,” mahinahong sabi niya, pinilit panatilihin ang propesyonal na tono. Tinanggap ni Bart ang folder. Walang tanong. Wala ring pasasalamat. Tumingin lang ito kay Gabriel, na tahimik pa ring nakatayo sa tabi ni Anessa. “Anything else, sir?” tanong ni Anessa. Hindi ito sumagot. Tumalikod lang at diretsong pumasok sa opisina. Napatitig lang si Anessa sa likod ni Bart na deretsong naglakad sa table niya at binagsak ang folder. Hindi maiwasan ni Anessa na mapakunot noo. Ang hirap talaga pakisamahan ang taong malamig na nga, bugnutin pa. Isang mahinang ubo ang pumunit sa katahimikan. Napalingon si Anessa. Si Gabriel. Nakatitig din sa opisina ni
Ang mga dingding ng opisina ay gawa sa salamin—hindi lang literal, kundi pati damdamin. Sa bawat tingin, sulyap, at bulungan, hindi mo kailangan ng mikropono para marinig ang panghuhusga.At si Anessa, araw-araw, humaharap sa salamin ng panghuhusga."Bart, here’s the marketing proposal you asked for."Boses iyon ni Kyline. Masigla, pino, punong-puno ng extra effort.Kitang-kita ni Anessa mula sa labas ng opisina ang bawat galaw ni Kyline. Sadyang iniangat pa nito ang mini pencil skirt habang inilalapag ang folder sa mesa ni Bart. Kumindat pa ito at ngumiting may malisya.Walang imik si Bart. Saglit lang na tiningnan si Kyline at tahimik na kinuha ang folder. Walang emosyon.Hindi alam ni Anessa kung talaga bang hindi gusto ni Bart ang ginagawa ni Kyline o nagkukunwari lang na hindi, dahil alam niyang nakikita sila sa labas. Pero si Kyline walang paki. Para siyang spring season sa taglamig. She bloomed—with intention."Bart, kung may gusto kayong ipabago, I can personally walk you thr
Ang mag-asawa, dapat may pagmamahalan. Kahit kaunti lang, sapat na sana na simulan ang araw.Pero sa pagitan nina Anessa at Bart, ni walang pormal na kasunduan sa setup ng kanilang lihim na kasal. Ang tanging malinaw lang ay ang katahimikang unti-unting pumapatay sa pag-asa ni Anessa.Sa opisina, si Bart ay perpektong CEO—professional, sleek, commanding. Sa kanya, walang espasyo ang drama. Lalo na ang personal na emosyon. Lalo na kung tungkol sa asawa niyang si Anessa, na sa paningin ng buong kumpanya ay isa lamang ordinaryong empleyado.“Miss Lacosta, recheck the minutes from last week’s board meeting. I don’t want a single typo,” malamig na utos ni Bart, hindi man lang siya tiningnan.At halatang wala rin itong balak magpaliwanag kung anong late meeting ang inatenan niya o kung bakit isang linggo na siyang hindi umuuwi.“Yes, sir,” mahinang sagot ni Anessa. Kagat niya ang dila, pinipigil ang sarili. Dahil kahit asawa siya nito, wala siyang karapatang magtanong. Bawal makialam. Bawal
Muli niyang kinuha ang cellphone at muling tinitigan ang larawan nila ni Bart. Larawang hindi man lang sila nakaharap sa camera. Nakaw na kuha lang Bettina pero hindi niya kayang i-delete, kahit kailan. Kahit wala ni konting ngiti sa labi o kislap sa mata si Bart mahalaga pa rin ito sa kanya. Pero habang tinititigan niya ang litrato. Lalo siyang nadudurog sa katutuhanang ang kasal nila ay walang saya. Isang kasal na hindi selebrasyon.Napangiti si Anessa. Mapait. Sa likod ng larawang ‘yon, buhay pa rin sa isip niya ang bawat detalye ng araw na 'yon—araw na pinangarap niya buong buhay niya, pero naging araw ng tahimik na pagtanggap.Sariwa pa sa alaala niya ang pagpasok nila sa maliit na opisina ng civil registrar. Sa halip na red carpet, ay linoleum floor. Sa halip na bulaklak, ay lumang stand fan ang umiikot sa gilid. Isang lamesa, ilang plastik na upuan, at isang mayor na halatang minamadali ang seremonya.“Do you, Barton Martino Divinagracia, take Anessa Lacosta to be your lawful
Ang unang araw ni Anessa R. Lacosta bilang executive secretary ng CEO ng Divinagracia Interprises ay hindi ordinaryo.Mukha siyang kalmado habang nakatingin sa salamin ng elevator. Maayos ang suot, banayad ang ayos ng buhok, at mahinhing nakapulupot ang ID sa leeg. Pero sa ilalim ng kanyang ivory silk blouse, binabayo ang dibdib niya ng kabang hindi maawat. Ang kamay niya, mahigpit ang kapit sa folder na puno ng schedules, company protocols, at notes.Lahat ng kailangan niya para maging perpekto ang unang araw ay dala na niya. Pero may isa pang papel na hindi niya maaaring ibunyag.Hindi lang siya bagong hire. Hindi lang siya sekretarya. Asawa siya ng boss. Asawa siya ni Barton “Bart” Divinagracia.Pero wala dapat ni isang makakaalam niyon.Pagbukas ng elevator, sinalubong siya ng malamig na ambience ng 15th floor. Floor-to-ceiling glass walls, minimalistong mga mesa, at katahimikang tila nang-aamoy ng intruder. Lumingon sa kanya ang ilang empleyado. May bahagyang bulungan, mabilis d
Divinagracia Interprises, 15th Floor – CEO’s OfficeAng tunog ng stiletto heels ni Anessa Lacosta-Divinagracia ay parang tibok ng pusong buo na ang desisyon. Matibay. Determinado.Dalawang dokumento ang hawak niya. Isang resignation letter.Isang annulment petition.Dalawang papeles, pareho ang nilalaman. Paglaya.Huminga siya ng malalim. Nasa pintuan na siya ng opisina ng CEO. Isang pamilyar ngunit malamig na silid na parang salamin ng relasyon nila. Walang emosyon, walang init.Kumatok siya. Isang beses. “Come in,” malamig na tugon mula sa loob. Boses na pagod na siyang pakinggan. Sawa na siyang marinig.Bumukas ang pinto. At naroon siya. Si Bart Divinagracia. Ang CEO niya. Ang Kanyang asawa, ngunit kailanman hindi siya minahal.Nasa harap siya ng desk, tiklop ang mga kamay, nakatitig sa laptop. Hindi man lang tumingin sa kanya. “Sir,” mahinahon ngunit matatag ang boses ni Anessa.Tumigil sa pag-type si Bart. Dahan-dahang tumingala. Ang malamig niyang mata, bahagyang nagulat, pero