LOGINNgunit ang hindi nila alam na ang ama ng kanyang anak ay ang pinakapunong tagapamahala ng kanilang kumpanya.
Pagkatapos ng trabaho noong gabi, pumunta si Mauren sa pamilihan at bumili ng ilang gulay at ilang halamang itatanim na iuwi.
Pagkatapos kumain ng hapunan, naghanap at nagbasa siya sa internet ng mga balita tungkol sa pagtatanghal ng mga makabagong teknolohiya.
Matapos itong tingnan, tumawag siya sa telepono at sinabing: "Maaari po bang maglaan ng tiket para sa akin sa pagtatanghal ng teknolohiya sa susunod na buwan?"
"Sigurado ka ba?" malamig na tugon mula sa kabilang linya. "Dalawang beses ka na ring humiling na magtabi ako ng tiket para sa iyo noon, ngunit hindi ka naman dumating. Marami ang nagnanais na makakuha ng mga tiket na iyan, at sayang lamang ang mga iyon dahil sa iyo."
Ang taunang pagtatanghal ng teknolohiya sa Valencia ay isang malaking pangyayari sa larangan ng teknolohiya, at hindi ito nakukuha ng sinuman lamang.
Nakakuha rin ang kanilang kumpanya ng ilang puwesto sa nasabing pagtatanghal, at marami sa kanilang mga pinakamahusay na empleyado ang nagnanais na makasama rito.
Para sa kanila, napakahalaga ng bawat puwestong iyon.
"Kung hindi pa rin ako makakadalo sa pagkakataong ito, hinding-hindi na ako tatawag muli sa iyo kailanman." mariing tugon ni Mauren.
Walang sagot na narinig mula sa kabilang linya; naputol na lang ang tawag.
Alam ni Mauren na ibig sabihin nito ay pumayag na siya.
Ngumiti si Mauren.
Ang hindi niya nabanggit ay nais niyang bumalik sa kanyang dating kumpanya.
Bilang isa sa mga kasapi at nagtatag ng kumpanya, pinili niyang magpakasal at magkaroon ng anak noong nagsisimula pa lamang ito. Umalis siya sa kanyang tungkulin upang magtuon ng pansin sa pamilya, na lubos na nakagulo sa mga plano ng pagpapaunlad ng kanilang samahan, at naging dahilan upang makaligtaan nila ang maraming magagandang pagkakataon.
Dahil dito, parehong galit at inis ang naramdaman ng lahat sa kanya.
Sa nakalipas na mga taon, halos wala na silang naging ugnayan o komunikasyon sa isa’t isa.
Totoong nais niyang bumalik sa kumpanya, ngunit mula noong siya ay nagpakasal, ang kanyang atensyon ay nakatuon na lamang sa kanyang pamilya.
Masyado na siyang matagal na nawalay sa larangang iyon.
Nag-aalala siya na kung babalik siya nang walang sapat na paghahanda, hindi siya makakasabay sa bilis ng kanilang pag-unlad at gawain.
Kaya nagplano siyang maglaan muna ng panahon upang mas lubusang maunawaan ang kasalukuyang kalagayan ng larangan bago gumawa ng anumang tiyak na hakbang.
Sa mga sumunod na araw, buong atensyong ginampanan ni Mauren ang kanyang trabaho sa oras ng paglilingkod, at inasikaso naman ang kanyang mga sariling gawain pagkatapos ng oras ng trabaho.
Hindi rin siya kusang nakipag-ugnayan sa kanyang anak o kay Samuel.
Siyempre, hindi rin naman sila nakipag-ugnayan sa kanya.
Hindi na ito nakakapanibago sa kanya.
Dahil mahigit kalahating taon na ang nakalilipas, ang pakikipag-ugnayan sa kanila ay naging bagay na siya na lamang ang gumagawa at nag-aayos.
Sila naman ay tumatanggap na lamang nito nang walang gaanong pakikilahok.
Sa Lungsod ng Buenavista.
Nakasanayan na ngayon ni Aleya na tawagan si Monica tuwing umaga pagkagising niya.
Noong araw na iyon, pagkagising, tinawagan niya agad ito gaya ng dati.
Ngunit bago pa man sila makapag-usap nang matagal, bigla na lamang siyang napaluha.
Sapagkat ibinahagi sa kanya ni Monica ang isang napakasamang balita.
"Uuwi na po si Tita Monica sa Valencia!"
Nadurog ang puso ni Aleya. Pagkatapos nilang mag-usap, agad niyang tinawagan si Samuel: "Daddy, alam mo po ba ang tungkol dito?"
Nasa kanyang tanggapan habang binabasa at tinitingnan ang mga dokumento, sumagot ng mahinahon si Samuel: "Alam ko."
"Kailan mo pa nalaman?" inis na boses ng bata.
"Matagal na." maikling sagot ni Samuel.
"Nakakainis ka naman, Daddy..." umiiyak na sambit ni Aleya habang niyayakap ang kanyang malambot na laruan na kulay rosas na baboy.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ayaw kong mahiwalay kay Tita Monica. Kung wala na si Tita dito, ayaw ko nang pumasok sa paaralang ito. Gusto ko nang umuwi sa Valencia, huuuh~" humahagolgol na boses ng bata.
Mahinahong sumagot si Samuel: "Inaayos na iyan."
Hindi naintindihan ni Aleya: "A-Ano po ang ibig ninyong sabihin?"
"Uuwi tayo sa Valencia sa susunod na linggo." sumunod na sabi ni Samuel.
Biglang napabangon si Aleya mula sa kama, "Talaga?" masiglang tanong niya sa kanyang ama.
"Kung ganon, bakit hindi sinabi sa akin ni Tita Monica kanina?" dagdag pa niya.
Mahinahong sinagot ni Samuel ang kanyang anak, "Oo, ngayon palang naging malinaw ang sitwasyon at hindi ko pa ito nababanggit sa kanya."
Labis ang pagkatuwa ng batang si Aleya dahil sa sinabi ng kanyang ama, "Sige po Daddy, wag niyo nalang po munang ipagsabi kay Tita Monica, sosopresahin nalang natin siya pag-uwi natin, okay po ba?" masiglang wika ng bata.
Maayos namang tumango si Samuel sa munting kahilingan ng kanyang anak.
"Ang galing-galing mo talaga Daddy, mahal na mahal po kita." dagdag pa niyang sinabi.
Matapos ang pag-uusap sa telepono, ang batang si Aleya ay halos mapatalon sa tuwa, kumakanta at sumasayaw pa sa ibabaw ng kanyang kama.
Ilang sandali, bigla na lamang niyang naisip ang kanyang ina. Dahil sa hindi pagtawag sa kanya nitong mga nakaraang araw, ay mas gumaan ang pakiramdam niya.
Sa katunayan, sinasadya pa nitong hindi makontak ang telepono niya, at ang hindi maagang pag-uwi galing sa paaralan nitong mga nakaraang araw, minsan pa'y inilalayo niya at sinasadya niyang patayin ang telepono pagkagaling niya sa eskwelahan.
Makalipas ang ilang araw, nag-aalala siyang mapagalitan siya ng kanyang ina kapag nalaman ang mga pinag-gagagawa niya, kaya't hindi na niya ito muling inulit pa.
Ngunit laking gulat niya na hindi siya tinawagan ng ina niya sa mga sumunod pa na araw. Akala niya'y alam na ng ina niya na sinasadya niyang hindi pagsagot sa mga tawag nito.
Pero nang mag-isip siya ng mabuti, naramdaman niya na batay sa nakaraang karanasan, kung alam ng kanyang ina na may nagawa siyang isang mali, tiyak na hinahayaan siyang iwasto ito sa lalong madaling panahon, sa halip na magalit at hindi tumawag sa kanya.
Bukod pa rito, siya lang ang laman at pinakamamahal sa puso ng kanyang ina. Hindi siya makapaniwalang ayaw na talaga siyang tawagan ng kanyang ina dahil galit ito sa kanya.
Nang maisip niya iyon, bigla niyang naramdaman ang pagkamiss ng kaunti sa kanyang ina.
Pagkaalis nila sa Nueva at pagpasok palang sa sasakyan, halatang galit pa rin si Diego.Naalala niya ang isang bagay kaya agad niyang tinanong si Mauren, "Uy, sino nga pala yung babaeng nakasuot ng business suit na nasa likod ni Monica kanina? Parang ang sama ng tingin niya sa’yo. Kilala mo ba siya?" anito."Ah, siya ba? Pinsan iyon ni Monica." malamig na sagot ni Mauren.Si Diego ay napailing na may halong inis: "Si Samuel, hindi lang si Monica ang pinapasok sa Nueva, pati pamilya nito kinukupkop pa? Sa ganyang asal niya, hindi na ako magugulat kung balang araw Nueva na mismo ang magpalit ng apelyido, maging Santiago." matigas niyang usal.Tahimik lang na nakinig si Mauren, pero sa isip niya, pareho lamang sila ng iniisip.Sumagot si Mauren, "Oo, mukhang ganon na nga." Sa tindi ba naman ng pagmamahal ni Samuel kay Monica, hindi na siya magugulat kahit ibigay pa nito ang buong Nueva sa babae.Ano pa nga ba ang malaking bagay kung pinapasok rin niya ang pamilya Flores sa Nueva? Ramda
Hindi lamang si Samuel ang mag-isang pumunta, kundi kasama niya sina Jeriko at Ralp.Nang makarating sila doon, kapwa nagulat ang dalawa nang makita nila si Mauren,, hindi nila inakalang naroon rin siya.Napatingin sila sa kanya nang may pagtataka.Si Mauren naman, walang gaanong ipinakitang emosyon. Sandali lang siyang tumingin sa kanila, pagkatapos ay inilingon na ang paningin.Lumapit si Samuel sa kanila at magalang na bumati, "Salamat sa inyong pagsisikap." aniya.Sabi naman ni Frank,, "Heneral Samuel, maaari na po ba tayong magsimula…" “Sandali lang,” sagot ni Samuel habang inaangat ang kamay upang tingnan ang relo. "May hinihintay pa tayong isa. Aakyat muna ako para silipin. Pakiusap, maghintay muna kayo sandali."Pagkakatapos niyang magsalita, agad din siyang umalis.Wala namang balak si Mauren na mag-isip pa tungkol dito.Pero alam niyang ang sinabing hinihintay nang lalaki ay walang iba kundi ang pinakamamahal niyang si Monica.Ibig sabihin, hindi pa sila puwedeng magsimula
Kinabukasan, pagsapit ng tanghali.Agad na nagmaneho si Mauren para puntahan ang villa ni Ismael upang sunduin ito.Pagkasakay ni Ismael sa sasakyan, maayos na nagtanong si Mauren, "Guro, saan po tayo pupunta?"Ibinigay lamang ni Ismael. ang isang address bilang sagot.Makalipas ang kalahating oras, nang makarating sila sa isang restawran ay agad silang inihatid ni Ismael sa isang pribadong silid-kainan.Pagbukas nila ng pinto, dalawang lalaki na nasa gitnang edad na ang naroon na, kapwa may matitinding presensya at karismang kapansin-pansin.Pagkakita palang sa kanilang pagpasok, agad tumayo ang dalawang lalaki. "Andito na sila." bulalas nito.Ipinakilala sila ni Ismael nang may malamig na tono, "Mr. Fredo Agudo, Mr. Richard Gamez Ang estudyante ko si Mauren Piñeda.." Ngunit kahit batid ni Mauren na ang isa ay may mataas na posisyon sa militar at ang isa naman ay kilalang personalidad sa mundo ng pulitika, nanatili pa rin ang magaan nilang pakikitungo sa kanya.Ngunit nang makita ni
Pagkababa ng telepono, bumalik si Mauren sa trabaho.Bandang alas-nwebe ng gabi, matapos mapuno ng kaalaman ang kanyang isipan, ay mas gumaan na rin ang kanyang pakiramdam.Sa mga oras na iyon, si Diego naman ang tumawag sa kanya."Nais mo bang lumabas at maglibang?" anyaya nito.Makalipas ang kalahating oras, dumating si Mauren sa isang bar.Sinalubong siya ni Diego sa pintuan at magiliw na nagtanong, "Iinom ka ba?"Saglit pang tumigil si Mauren, saka mahinahong tumugon, "Sige, inom tayo, pero kaunti lang." aniya.Yumuko nang bahagya si Diego at tiningnan siya: "Mukhang masama ang loob mo?""Mas maayos na ngayon," sagot ni Mauren.Hindi na siya tinanong pa ni Diego. Sa halip, nag-order ito para sa kanya ng isang asul na cocktail na may katamtaman at di-kalakasang alcohol content.Tahimik na nakaupo si Mauren, hawak ang kanyang baso habang marahang humihigop ng alak. Sa paligid niya, masaya ang kuwentuhan nina Diego at ng mga kaibigan nito, ngunit nanatili siyang tahimik, nakikinig la
Pagkapasok sa banyo, mahigpit na binigti ni Mauren ang kanyang mga kamao.Halos wala na siyang nararamdaman sa tuwing naririnig niya ang kabaitan ni Samuel kay Monica.Mas lalo pa nang marinig niyang sinusuyo ng lalaki ang ina ni Monica, hindi pa rin niya napigilan ang sarili sa pagkabigo.Nang mga sandaling 'yon, bigla nalang narinig niya mula sa labas ng pintuan ang boses ng isa sa mga tauhan sa sales office: "Magaling si Mr. Samuel pumili, ang ganda ng nobya niya." anito."Oo, elegante rin ang nanay ng nobya niya at maganda ang tindig. Ang mahalaga pa, hinahayaan siya ng asawa at biyenan niyang gawin ang gusto niya, lahat ay ayon sa kagustuhan niya, sobrang spoiled siya. Tignan mo sila, tapos ikumpara mo sa asawa at biyenan ko, nakakainis talaga!" sambit ng isa pa."Hindi ba? Ang suwerte talaga ng nobya ni Mr. Samuel. Hindi pa nga sila kasal, pero binilhan na niya ito ng villa na mahigit anim na daang milyon ang pamilya nito. Hay, pareho lang namang babae, pero ang nobya ni Mr. Sam
Pagkapasok sa loob ng bahay, maingat na ibinaba ni Jeriko si Mauren.Lumapit agad ang doktor na naghihintay sa gilid at sinuri ang kanyang paa. Mabuti na lang at bahagyang pagkadislocate lang ito. Agad niyang inayos ang bali ni Mauren at mabilis rin itong bumuti.Tinanong siya ni Jeriko, "Mag-iisking ka pa ba ulit?" aniya."Ayos lang ako, puwede pa akong magpatuloy," sagot ni Mauren.Dahil naroon na rin siya, ayaw niyang masira pa ang kasiyahan.Nang marinig ni Mauren mismo mula sa doktor na wala naman talagang seryosong pinsala sa kanyang binti, hindi na rin siya tumutol pa.Sa hindi kalayuan..."Ritha? Anong tinitingnan mo?" tanong ng kasamahan.Ritha, "Parang may nakita akong isang kakilala." aniya, may bahid ng pagtataka.Ang tagiliran ng mukha ng lalaking nasa unahan ay talagang kahawig ni Jeriko Cortez.Pero may kasama siyang bata at isang babae… imposible sigurong siya 'yon, diba? Bulong nito sa sariling isip.Nang balak na sana niyang lumapit ng kaunti para makita nang malinaw







