Share

She's Back
She's Back
Penulis: Cecille Kudogawa

Prologue

last update Terakhir Diperbarui: 2022-07-06 16:12:36

Prologue

"Ate...." Napayakap siya ng mahigpit sa akin habang patuloy ang kaba na nararamdaman niya na tila sasabog na ang kanyang dibdib.

Malungkot na tumingin ito sa kanya habang pinipigilan nitong tumulo ang kanyang luha, "Wag kang magalala di tayo pababayaan ng Diyos." Niyakap niya rin ito ng mahigpit saka pumikit, "Magdasal tayo."

Inabot niya ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit habang binaon niya ang mukha niya sa dibdib ng kanyang kayakap, "Wag muna ngayon. Hinihintay niya ang pagbabalik ko." Maluha nitong bulong sa kanyang sarili.

Tahimik ang kasama nitong nagdasal. Kabado man ngunit pinaubaya niya na sa Panginoon ang magiging kapalaran ng kanilang buhay.

================================================================

"Jc.. Jc. Gumising ka na. Magsisimula na."

Isang boses ang bumulong sa tenga ko para maging dahilan ng unti-unting pagdilat ng aking mga mata. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at napatingin sa kung saan galing ang boses.

"Magsisimula na.." Tugon ng isang babaeng may suot na reading glass at may dalang ilang papel sa kanyang kamay.

Matamlay na tumango ako saka tumayo at nilagay sa tenga ang headphones na kanina pa na nasa aking leeg habang ako'y naiidlip.

Nauna nang umalis ang babaeng gumising sakin habang ako naman ay walang kabuhay-buhay na sumunod sa kanya.

Pinagmamasdan ko ang bawat hakbang ng aking mga paa habang nalulunod sa alala ng aking napanaginipan kanina lang.

Hindi ko maintindihan kung bakit nagkaroon ako ng ganung panaginip. Hindi ko man lang makilala ang mukha ng mga taong napanaginipan ko. Ni hindi ko masabi kung ito ba'y lalaki o babae.

Ngunit ramdam ko ang takot na kanilang nararamdaman. Tila may isang nakakatakot na mangyayari na tila ayaw nilang maganap. Pilit nilang hinahanda ang kanilang sarili sa maaaring mangyari ngunit andon parin ang pag-asa sa kanilang luha na sana, may milagrong mangyari kahit alam nilang ito'y malabo na.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • She's Back   Author's Gratitude

    Author's GratitudeMaraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa pangalawang buhay ni Rhea. Salamat sa lahat ng add sa kanilang libraries at sa lahat po ng nagbigay ng gems. sobrang na-appreciate ko po. sobra-sobra po akong nagpapasalamat. mas lubos ko pa pong mapapaganda at maiimprove ang second life ni Rhea kapag nag-share kayo ng thoughts tungkol sa buhay niya thru commenting at the comment section.and to know more about my stories, find and follow me in Facebook.https://www.facebook.com/profile.php?id=100068410103778thank you so much and I'm looking forward for your support on my next and upcoming stories. have a good time reading.

  • She's Back   Forty-Eight (48)

    FORTY-EIGHT (48)-Rhea’s POV –Agad kong sinundan si Jc nang tumagos siya sa ulap na kanyang kinatatayuan. At bago pa man siya muling tumagos sa isa pang ulap, agad kong inabot ang kanyang kamay habang ang aking mga pakpak ay pumapagaspas sa hangin. Konti nalang talaga at lalapag na ang kanyang mga paa sa ulap.Ang lamig ng kanyang kamay at sobrang pamumutla niya na parang walang dugo sa kanyang mukha. Nagmistulang papel ang kanyang mga labi. Agad naman siyang tumingin sa akin nang mahawakan ko ang kanyang kamay.“Kailangan mong magtiwala sa iyong sarili at maniwala sa Panginoon upang maging possible ang impossible,” saad ko sa kanya.Napatitig siya sa akin ng ilang minuto saka niya binalik ang kanyang tingin sa ulap na nasa kanyang ibaba. Dahan-dahan siyang bumatiw sa aking kamay hanggang sa lumapag ang kanyang paa sa ulap. Napabungisngis siya ng matagumpay niyang naitapak ang kanyang dalawang paa sa ulap. At ako naman ay lumapag sa kanyang tabi kasabay ng pagtiklop ng aking pakpak.

  • She's Back   Forty-Seven (47)

    FORTY-SEVEN (47)-Jc’s POV –(flashback from 2 years ago)Pagkatapos ng bonding ay magkasabay kaming naglakad papunta sa abangan ng jeep. Nakatitig akong sa maamong mukha niya habang siya naman ay parang iniiwasan ang aking tingin. Mukha siyang naiilang na akong ang kasabay niyang umuwi. Si Boss Ganda kasi kadalasan niyang kasabay. Kaso nga lang, napasobra ang inom niya kaya lasing siya at hinatid na nila Lil_Ron sakay ng taxi. Pero hindi naman ito ang unang pagkakataon na magkasabay kaming umuwi. Parang hindi siya nasanay.“Ang tahimik mo jan. Ano bang pinagluluksaan mo?” biro ko.Mukha siyang napilitan ngumiti, “Wala. May gusto sana akong sabihin eh,” sa sobrang hina ng boses niya, hindi ko siya halos marinig.Pero meron din naman akong gustong sabihin sayo. At dahil inunahan mo na ako, mauna ka na.Kinakabahan naman ako sa kung ano ang gusto niyang sabihin.Sinubukan niyang tumingin sa akin pero hindi niya magawang tumingin ng deretso, “Ano kasi, Four… pupunta kami ng Japan ni at

  • She's Back   Forty-Six (46)

    FORTY-SIX (46)-Rhea’s POV –Pakiramdam ko ay umiikot ang buong bahay habang naglalakad ako papunta sa banyo para maligo. Ang tindi ng hangover ko pagkatapos naming mag-inuman nila Mj at Almira hanggang madaling araw. Syempre kasama sila Lorenz, Jc at Ceejay. Parang triple date, ganun. Ideya kasi ito ni Mj. Kaya ang ending absent ako ngayon. At ang malala pa, Bourbon ang ininom namin. Pare-pareho ng tama ng Scotch. Halos sa banyo na nga ako matulog sa kakasuka. At si Mj naman? Beteranong-beterano na sa inuman. Hindi man lang tinablan. At salamat sa taas ng alcohol tolerance niya, nakauwi pa kami. Dahil kung ako lang, malamang sa guest room na naman ako ng party house matutulog.Pinaandar ko ang sink saka naghugas ng kamay. Pagkatapos ay naghilamos na rin upang mawala kahit paano ang aking antok. Matapos kong basain ang mukha ko ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Grabe yung eyebags ko oh. Mukha na tuloy akong zombie nito.Napansin ko ang ilang parte ng aking buhok sa bandang

  • She's Back   Forty-five (45)

    FORTY-FIVE (45)-Third Person’s POV –“Sa mga hindi pa nakakapunta, welcome to party house.” Pahayag ni Jc habang naunang pumasok sa loob. Nasa kanyang likuran naman nakasunog sila Rhea.“Bakit walang tao?” Pagtataka ni Almira habang iniikot ang kanyang paningin sa paligid, “Wala kang show ngayon, pinsan?”“Cancelled para exclusive natin ang buong area.” Sagot naman ni Jc habang naglalakad papunta sa mini bar.“Nag-effort talaga siya oh.” Bulalas pa ni Almira.Nagtungo naman ang lahat sa mini bar kung saan naroroon ni Jc. Tinulungan nila ang kanilang mga sarili na umupo sa counter at binuhat naman ni Almira si Cesha upang umupo sa kanyang tabi.Si Rhea naman na nasa kaliwa ni Almira nakaupo ay mukhang hindi mapakali. Naalala niya ang gabi na nag-inuman sila ni Jc habang nakabaon ang tingin sa Scotch shelves. Sinusubukan niya itong alisin sa kanyang isipan upang hindi maging awkward sa kanya ang paligid.“Anong gustong inumin ng lahat?” Tanong ni Jc kasabay ng pagsulyap niya sa lahat,

  • She's Back   Forty-Four (44)

    FORTY-FOUR (44)“Ang haba naman ng pila.” Reklamo pa ni Rhea habang nakasimangot na nakatingin sa ticket booth ng Rollercoaster.“Wag ka na magreklamo.” Wika pa ni Mj habang hila-hila ang kamay ni Rhea papunta sa ticket booth.Gustuhin mang magreklamo ni Rhea ngunit hinayaan na lamang niyang masunod ang gusto ng kanyang kapatid. Gusto niya rin kasing mag-enjoy ang kanyang kapatid kaya hindi na siya komontra. Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng pagkakataon na maka-bonding si Mj.Sila Rhea na at Mj ang pumila sa ticket booth. Kahit mahaba man ang pila, mahaba naman ang pasensya ng dalawa upang pumila. Makalipas ang ilang minuto ay nagkaroon na sila ng ticket para sa Rollercoaster. Agad namang nagtungo ang dalawang dalaga sa entrance kung saan naghihintay ang lahat. Magkakasabay na silang lahat na pumasok sa loob habang iniabot ni Mj ang ticket sa nag-aabang sa entrance.Nagtatakbong nagtungo si Cesha sa seats at naunang umakyat. Umupo agad siya sa pinakaharap. Sumunod naman sila Ceejay a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status