Share

21- The kiss that feels right

Tahimik ang buong kwarto nang biglang may kumatok sa pintuan. Dali-daling tumayo si Mia upang buksan iyon. "Isabel..." halos pabulong niyang wika.

"O, nandito ka pa pala!" wika ni Isabel.

"Ano ang ibig mong sabihin na nandito pa pala ako?" tugon ni Mia. Naningkit ang mga mata niya. "Sandali. Ikaw ba ang nagturo kay Oliver kung nasaan ako?"

"Oo, bakit?" Tumaas ang kilay ni Isabel. "Dapat magpasalamat ka sa akin. Gusto ko lang tulungan ka na makabalik sa inyo," aniya.

"Sino ang nagsabi sa iyo na gusto kong bumalik sa amin? At higit sa lahat, sino ang nagsabi sa iyo na kailangan ko ng tulong mo?"

"Nangyari na ang nangyari. Wala nang silbi pa kung magagalit ka sa akin."

"Atat na atat ka yatang mawala ako," wika pa ni Mia. Napabuntong-hininga siya.

Lumapit sa kanila si Jacob. "Ikaw pala ang nagsabi kay Oliver kung nasaan si Mia. Bakit mo ginawa iyon?" aniya.

Napalunok si Isabel. "Sir Jacob, gusto ko lang naman makatulong," tugon niya.

"Sino'ng maniniwala sa iyo?" Umigting ang kaniyang panga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status