Share

2- Caught red-handed

Nasapo ni Mia ang dibdib pagkalabas niya ng corporate building. Tumingala siya sa langit. All those seven years she worked hard to be in his father's company have just gone to waste.

The confrontation between her and her father made her knees weak and shaky. Hindi niya alam kung paano niya kinayang sagutin nang gano'n ang kaniyang ama. Now, she knows there's no more turning back. Kailangan niyang panindigan ang naging desisyon n'ya ano man ang mangyari.

Now, she needs something to calm her. And that is her fiancé, Oliver.

Naalala niya ang pinakamasayang gabi ng buhay niya. Iyon ay ang gabi kung kailan ipinakilala siyang anak ni Vincent sa publiko kasabay ng pag-anunsiyo nitong siya na ang bagong CEO ng Blacksmith Hotels. Iyon din ang gabi kung kailan inalok siya ng kasal ni Oliver. Nang gabing iyon ay natupad ang lahat ng kaniyang mga pangarap.

Nasapo niya ang kaniyang noo nang maalalang ikakasal na sila ni Oliver in six months. Dahil sa nangyari, siguradong maraming adjustments ang kakailanganin nilang gawin. She will, however, see to it that their wedding goes through, whatever the circumstances.

She got inside her car. She took her phone from her purse and dialed Oliver's number. Nakailang dial siya ngunit unattended ang cellphone nito. But anyway, she knows where to find him. It's his day off kaya sigurado siyang nasa condo unit nito ito at nagpapahinga. She started her car and drove off.

Just fifteen minutes later, narating na niya ang condominium kung saan nakatira si Oliver. Ang condominium na iyon ay pagmamay-ari din ng Blacksmith Hotels. She has keys to Oliver's room, and she also knows the passcode. Kaya, nakapasok siya kaagad.

"Babe!" tawag niya sa kasintahan. She looked around and didn't see him. Wala rin ito sa kwarto. She's sure he's home dahil kompleto ang mga sapatos nito na nakalagay sa shoe rack.

Now, the shower is the only part of the unit she hadn't checked yet.

Inilapag niya ang kaniyang purse sa sofa. She confirmed that Oliver was in the shower when she heard the running water. Babalik na lang sana siya sa sala upang doon hintayin ang kasintahan, ngunit natigilan siya nang makarinig ng isang pamilyar na boses ng babae.

Kaagad na bumilis ang tibok ng kaniyang puso pati na ang kaniyang paghinga. Umiling siya. Nagkamali lang siya ng dinig. It's just a stressful day for her kaya kung anu-ano na lang ang naririnig niya. Ngunit muli na naman niyang narinig ang boses ng babae. She was giggling and softly moaning.

She gathered all her strength to confirm who it was. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa shower. And she saw two silhouettes confirming Oliver has company. She could feel her heart being crashed slowly. The two were too busy to notice her. Kaya gano'n na lamang ang pagkabigla ng mga ito nang hawiin niya ang pintong yari sa makapal na salamin.

"Mia?!!!" Nagulantang si Oliver nang makita siya. Dali-dali nitong tinakpan ang maselang parte ng katawan. Ang babae naman ay napayakap rito mula sa likod.

Natiim ni Mia ang kaniyang mga bagang. Tumalikod siya at naglakad patungo sa sala. She's the type of person na kayang kumalma kahit na sa pinaka-stressful na mga sitwasyon kahit na parang sasabog na siya. Umupo siya sa sala at hinintay na lumabas ang dalawa.

"Mia..." halos pabulong na wika ni Oliver. Worry was all over his face. "Mia, let me explain."

"Explain what? Explain kung paano ninyo ako ginawang tanga ni Natalia?" matabang na tugon ng dalaga. Tinapunan niya ng matalim na tingin ang kaniyang half-sister, ang bunsong anak ni Vincent. "Kailan pa, Oliver?"

Lumabas din mula sa shower si Natalia. Nakataas pa ang noo nito na animo'y proud pa na nahuli sila ni Mia.

"Nagpunta ako rito dahil kailangan ko ng comfort mo, Oliver. May ibang babae ka na palang kino-comfort. At sa lahat ng babae, si Natalia pa."

Mapang-uyam na ngumiti si Natalia. "Comfort? Why, my dear sister, what happened? Did Dad kick you out of the company already?" anito.

"From the looks of it, you anticipated this," tugon ni Mia. "But sorry to disappoint you. I resigned."

"Pareho lang iyon. Ibig sabihin, tapos na ang pagiging bida-bida mo sa kompanya at sa dad ko." Naglakad ito papalapit kay Oliver. "That means we got our freedom back, Hun," anito sa binata. Nagsalubong ang mga kilay ni Mia. "Oh, dear, I'm sorry for the confusion. Huwag kang mag-alala, ipapaliwanag sa iyo ni Oliver ang lahat."

"No, Mia, it is not what you think it is," wika ni Oliver.

"No, Oliver, it is what she thinks it is," mariing wika ni Natalia. "Let's stop pretending, shall we? Wala nang dahilan pa dahil nahuli niya na tayo." Nagbaling ito kay Mia. "Yes, Mia, may relasyon kami ni Oliver."

"Stop it, Natalia!" saway ni Oliver sa dalaga.

"No. Let her spill it all out," wika naman ni Mia. Tumayo siya.

Natalia smirked. "Ayaw kong purihin ka, Mia, dahil alam kong lalong tataas ang tingin mo sa iyong sarili. Pero, pagdating sa tapang mo, bilib talaga ako sa iyo." Nagbuntong-hininga siya. "Kaya sige, If you wanna know everything, I'll tell you everything." Nagbaling siya kay Oliver. "And don't you dare try to stop me, Oliver. Pinagbigyan na kita sa gusto mo. Siguro naman ngayon na napunit na ang papel ni Mia sa buhay ni Daddy, wala nang dahilan para ituloy pa ninyo ang inyong kasal."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Mia.

"Don't you get it? Akala ko pa naman matalino ka. Oliver just used you," bunyag ni Natalia. "He never really liked you. He never loved you. Ako ang mahal niya, at matagal na kaming may relasyon. Kami na bago ka pa umeksena sa mga buhay namin."

Napatingin si Mia kay Oliver. "What is she saying, Oliver? Is it true? Gusto kong sa iyo mismo marinig kung ano ang totoo. I deserve to know," aniya.

Napayuko si Oliver. "I'm sorry, Mia..." mahinang usal niya.

Pakiramdam ni Mia ay may kung anong tumarak sa kaniyang puso. "So, you just used me," mapait niyang wika. Natawa siya habang nadudurog ang kaniyang puso.

"Thanks to my brilliant idea," wika ni Natalia. "Alam ko na ang kahinaan ng mga kagaya mo, Mia. Love! Hindi nga ako nagkamali. Kahit gaano ka pa katalino, kapag nagmahal ka, magiging tanga ka. All is fair in love nga naman talaga." She smiled. "Alam kong hindi mahihirapan si Oliver na makuha ang loob mo. Sino bang babae ang hindi mahuhulog ang panty kung ganito kagwapo ang lalaki?" She kissed Oliver on the lips. "Kaunting bola lang sa iyo, kaunting concern, bumigay ka na. At iyon ang pagkakamali mo.

"Matagal na akong nanggigigil sa iyo, Mia, eh. Hindi ko matanggap na anak ka lang naman sa labas, pero ikaw ang pinili ni Dad na humalili sa kaniya imbes na ako. Sobrang laking sampal sa akin no'n bilang anak ni daddy. That's why I had to find a way to take you down. Napansin kong attracted ka kay Oliver noong unang beses na nakita mo siya. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip na gamitin siya. Nagpagamit siya sa akin. Gano'n niya ako kamahal. Narinig mo? Mahal niya ako. Ako ang mahal niya at hindi ikaw."

Nagbaling ito kay Oliver. "Tell her, Hun. Tell her how being with her benefited you. Tell her, or I'll dump you!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status