LOGINHindi ako lumingon.Kahit may parte sa akin na gustong tumakbo pabalik, yakapin ang maling seguridad, at magpanggap na hindi ko narinig ang lahat ng salitang bumaon sa laman ko—hindi ako lumingon.Ang paglingon, para sa akin, ay pagsuko.Mabigat ang hangin habang naglalakad ako palayo sa bahay na hindi kailanman naging akin.
Tahimik ang paligid, yung katahimikang hindi mapayapa kundi mapanganib. Parang bawat tunog ay pinalalaki ng gabi—ang sariling yabag ko, ang paghinga ko, ang pagkaluskos ng mga dahon sa gilid ng kalsada. Masikip ang dibdib ko. Hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa lahat ng hindi ko nasabi. Lahat ng tinanggap ko kahit alam kong hindi ko dapat. Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang sinabi ng babaeng 'yon. Mas lalo akong nanliit sa sarili ko. Wala akong choice kundi maging bayarang babae. Napagtanto kong tama naman siya. Ang basahan kahit bihisan ng mamahalin, basahan pa rin. At kahit kailan ang langit at lupa ay hindi magtatagpo. Kasunduang kasal lang ’to.Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko ’yon noon. Parang mantra. Parang panangga. Parang sapat na dahilan para lunukin ang lahat.Pero ngayon, habang naglalakad ako sa dilim, malinaw na malinaw sa akin—walang kasunduan ang kayang protektahan ang puso kapag pinayagan mo itong umasa, kahit kaunti lang.Higpit ng kapit ko sa bag ko. Hindi dahil may mahalaga roon—kundi dahil iyon na lang ang hawak kong sigurado.Hindi ko alam kung gaano na ako kalayo nang maramdaman kong parang may mali. Yung pakiramdam na may nakatingin sa’yo kahit hindi mo nakikita. Yung bigat sa batok na hindi mo maipaliwanag. Huminto ako saglit, pinakiramdaman ang paligid. Wala. Tahimik. Pero hindi payapa. Naglakad ulit ako, mas mabilis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko rin alam kung may pupuntahan pa ba ako. Ang alam ko lang—kailangan kong umalis. Kailangan kong ilayo ang sarili ko sa mundong paulit-ulit lang akong pinapaalala na hindi ako sapat. May narinig akong yabag. Mabilis. Hindi katulad ng sa akin. Tumigil ako. Huminto rin ang yabag. Nanlamig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung bakit, pero alam kong hindi ito guni-guni. Ramdam ko sa sikmura ko ang biglang bagsak ng takot. Naglakad ulit ako, mas mabilis pa. Halos tumatakbo na. Naririnig ko na ngayon ang paghinga—hindi akin. “Miss.” Parang sinaksak ang hangin sa dibdib ko.Huminto ang mundo.Dahan-dahan akong lumingon, kahit alam kong ayaw kong makita ang nasa likod ko. Dalawang anino. Dalawang lalaking hindi ko kilala. Hindi sila sumisigaw. Hindi sila nagmamadali. At iyon ang mas nakakatakot. Parang sanay. Parang alam nila na wala akong takas. “Gabi na,” sabi ng isa, may ngiting hindi umaabot sa mata. “Delikado para sa babae mag-isa.” Gusto kong sumigaw. Gusto kong tumakbo. Pero ang katawan ko—parang nagyelo. “Okay lang ako,” pilit kong sabi, kahit nanginginig ang boses ko. Lumapit sila ng isang hakbang. Umatras ako. “Mukhang may dala kang mamahalin,” sabi ng isa pa, tumingin sa bag ko. “Sayang naman kung mapabayaan.” Parang may humigpit sa lalamunan ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang narinig ang ganitong tono sa buhay ko. Sa club. Sa kalye. Sa mga matang akala may karapatan sa katawan ko.Hindi na, sigaw ng utak ko. Hindi na ulit. “Please,” sabi ko, bago ko pa mapigilan ang sarili ko. “Wala akong pera.” Tumawa sila—mababa, nakakadiri. “Hindi pera ang habol namin,” sagot niya. "Huwag ka ng magpakipot,Miss. Magugustuhan mo naman ang gagawin namin sa'yo," dagdag nung lalaking kasama niya. Mas lalong nanlamig ang katawan ko. Binilisan ko ang paglalakad. Taimtim na nagdadasal na sana may dumaan man lang at may makatulong sa akin. "Sige na, Miss. Hindi ka naman namin sasaktan, sarap lang ang ipaparanas namin sa'yo ngayong gabi.” Doon ko naramdaman ang tunay na takot. Yung takot na umaakyat mula sikmura papuntang lalamunan, na parang gusto kang isuka palabas. Wala akong oras para mag-isip. Inihagis ko ang bag ko sa gilid—hindi sa kanila, kundi palayo—at tumakbo ako.Hindi ko alam kung saan. Hindi ko na iniisip kung saan. Basta diretso. Basta palayo. Naririnig ko ang mga yabag nila sa likod ko—mas mabigat, mas mabilis. Mas sanay.Humahapdi ang dibdib ko. Nasusunog ang baga ko. Pero hindi ako humihinto.Hindi dito, paulit-ulit sa isip ko. Hindi ganito matatapos. Tumawid ako sa kalsada nang hindi tumitingin. At doon— isang ilaw ang bumungad sa akin. Maliwanag. Paparating. Walang preno. Isang malakas na busina ang pumunit sa hangin.Wala na akong oras para umatras.May tumama sa akin—malakas, marahas. Parang tinanggal ang bigat ng katawan ko at saka ibinalik nang mas mabigat. Lumipad ako. Hindi ko alam kung gaano kataas. Ang alam ko lang—pagbagsak ko, may narinig akong parang may nabasag sa loob ko. Sakit. Hindi ordinaryong sakit. Hindi yung kaya mong tiisin.Ito yung sakit na nagdidilim ang paningin mo. Yung sakit na ninanakaw ang hininga mo. Bumagsak ako sa kalsada. Malamig. Matigas. Hindi ako makagalaw. May dugo sa bibig ko. Nalalasahan ko ang bakal.Naririnig ko ang mga sigaw, pero parang nasa ilalim ako ng tubig. Lahat malabo. Lahat malayo. “Tumawag ng ambulansya!” “Diyos ko, may babae—!” Sinubukan kong gumalaw. Ayaw sumunod ng kaliwang binti ko. Ang braso ko—parang hindi na akin. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw.Pero walang lumalabas. Ang langit sa itaas ko ay itim. Walang bituin. Walang ilaw. Parang sakto lang—ganito rin ang pakiramdam ko sa loob.Ito na ba ’yon?Ganito ba nagtatapos ang kwento ng isang babaeng hindi kailanman naging sapat?Parang bumigat ang talukap ng mga mata ko. Pilit kong nilalabanan ang antok—hindi antok, kundi pagkawala.Hindi pa, bulong ko sa sarili ko. Hindi pa ako pwede mamatay. “Miss, huwag kang gagalaw!” sigaw ng isang lalaki—ang driver. Nanginginig ako,luha ang umaagos sa gilid ng aking mga. Pilit kong hinahanap ang dalawang lalaking humahabol sa akin, pero wala na sila. Parang naglaho. Parang hindi kailanman ako hinabol. Parang guni-guni ko lang ang lahat. Para akong nananaginip ng gising. “Miss, gising ka ba?” tanong ng driver, nanginginig din ang boses. “Tumawag na ako ng ambulansya.” Tumango ako, mahina. “Opo…” Sinubukan kong gumalaw pero napangiwi ako sa sobrang sakit. “Okay lang,” sabi ng lalaki. “Huwag ka munang gagalaw. Paparating na ang tulong.” Habang nakahiga ako sa kalsada, doon bumuhos ang emosyong kinikimkim ko. Takot. Pagod. Panghihinayang. Bakit ako umalis? Bakit akala ko kaya ko mag-isa?At sa gitna ng ingay—sirena sa malayo, mga bulong ng mga tao—isang pangalan ang pumasok sa isip niya. Havoc. Hindi galit. Hindi sisi. Kundi tanong. Alam niya kayang umalis ako? Hinahanap niya ako sa ganitong oras? Lowbatt ang phone ko, sinubukan niya kaya akong tawagan? Tumulo ang mga luha ko, hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito. Hindi dapat ako nasasaktan kasi choice ko 'to. Choice ko ang umalis sa puder niya. Sa loob ng ambulansya, maliwanag ang ilaw. May mga kamay na gumagalaw, may boses na nagtatanong. “Anong pangalan mo?” "Aithne...." mahina kong usal. "Aithne....?" Matagal akong nagsalita. Paano ko ba sasabihin? Sasabihin ko ba ang apilyedo niya? "Montillano..." "Okay, Ms. Montillano. May number ka ba ng pamilya mo na makakausap namin para ipaalam sa kanila ang nangyari sa'yo? "Meron po..." Binigay ko ang number ni mama. Hindi ko lang alam kung pupuntahan niya ako rito. Hindi kay Havoc ang binigay ko. Ayaw ko muna siyang makita. Hindi muna ngayon. Maiisip ko lang ulit ang sinabi nung babae sa akin. “Saan ka nasasaktan?” “May hilo ka ba?” “Hindi po… masakit lang,” mahina kong sagot. “Okay, stable ang vitals mo,” sabi ng medic. “Minor injuries lang. Possible bruises, pero conscious.” Minor. Pero sa loob ko, parang may nabasag. Habang nakahiga ako sa loob ng ambulansya, nakatitig lang ako sa kawalan at doon ko naintindihan—hindi lahat ng sugat nakikita sa X-ray. Minsan, ang pinaka-masakit ay ‘yung mga desisyong ginawa mo dahil akala mo wala kang ibang choice. At habang lumalayo ang ambulansya sa lugar na iyon, isang bagay ang malinaw sa akin. Ang paglayas ko ay hindi lang pagtakas kay Havoc. Pagtakas din iyon sa sarili kong takot na umamin:Na kahit kontrata lang ang kasal namin, may parte ng puso ko na umaasa.AITHNE'S POVTahimik ang loob ng sasakyan. Hindi 'yong klase ng tahimik na nagbibigay ng kapayapaan, kundi 'yong klase ng katahimikan na parang may nakatagong sigaw sa bawat segundo. Walang tugtog. Walang kahit anong ingay maliban sa mahina ngunit tuloy-tuloy na ugong ng makina at sa sariling paghinga kong hindi makontrol.Hindi ako makatingin kay Havoc.Nasa driver's seat siya, diretso ang tindig, ang parehong kamay ay mahigpit na nakahawak sa manibela na para bang kung bibitaw siya kahit sandali, may masisira o may mawawala. Hindi ko alam kung galit ba siya, pagod o pareho. Basta alam ko mas mabigat ang presensya niya ngayon kaysa noong una kaming nagkakilala.Ngayon, para akong boluntaryong bumalik sa hawla. Ito ba talaga ang mas ligtas?Huminto ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking gate. Itim. Makintab. Matangkad. Parang pader na humahati sa dalawang mundo—at sa sandaling bumukas ito, alam kong wala na akong babalikan.Nung una kasi sa hotel niya lang ako pinatira.Pumaso
AITHNE'S POVMalabo ang paningin ko nang magising ako. Ang katawan ko, parang winasak ng isang bagyong hindi ko alam kung paano ko naranasan. Ang ulo ko, pulikat at parang may matinding martilyo na nagpapabagsak sa utak ko. Mabaho ang paligid—amoy disinfectant, may halo pang antiseptic, parang lahat ng amoy ng hospital ay gustong ipaalala sa akin kung nasaan ako.Napakalabo ng lahat. Hindi ko alam kung tulog pa ba ako o gising na, pero ramdam ko agad ang bigat ng pagkakasaklay ng katawan ko. Inilibot ko ang ulo ko sa kwarto, halatang takot sa kung ano ang makikita ko. Doon ko nakita ang dalawang pares ng matang nagbabaga sa galit—matang dati kong kinatatakutan sa papel, sa kontrata, sa buhay ko mismo.Napalunok ako ng laway, napakapit sa hospital sheets. Ramdam ko kung gaano kalakas ang pintig ng puso ko, parang sasabog.“H-havoc....” halos bulong ko lang, hindi sigurado kung boses ko ay maririnig niya o mawawala sa gitna ng kaba ko.“You just can't leave....” malamig, mabigat, parang
Hindi ako lumingon.Kahit may parte sa akin na gustong tumakbo pabalik, yakapin ang maling seguridad, at magpanggap na hindi ko narinig ang lahat ng salitang bumaon sa laman ko—hindi ako lumingon.Ang paglingon, para sa akin, ay pagsuko.Mabigat ang hangin habang naglalakad ako palayo sa bahay na hindi kailanman naging akin. Tahimik ang paligid, yung katahimikang hindi mapayapa kundi mapanganib. Parang bawat tunog ay pinalalaki ng gabi—ang sariling yabag ko, ang paghinga ko, ang pagkaluskos ng mga dahon sa gilid ng kalsada. Masikip ang dibdib ko. Hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa lahat ng hindi ko nasabi. Lahat ng tinanggap ko kahit alam kong hindi ko dapat. Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang sinabi ng babaeng 'yon. Mas lalo akong nanliit sa sarili ko. Wala akong choice kundi maging bayarang babae. Napagtanto kong tama naman siya. Ang basahan kahit bihisan ng mamahalin, basahan pa rin. At kahit kailan ang langit at lupa ay hindi magtatagpo. Kasunduang kasal lang ’to.Pau
AITHNE’S POVAkala ko kaya ko.Akala ko sapat na ang katahimikan, ang pagod, ang paghinga nang malalim para matulog at kalimutan ang lahat.Pero mali ako.Pagkaalis ni Havoc sa kwarto—kahit sandali lang—doon bumigay ang lahat.Umupo ako sa sahig, likod ko nakasandal sa kama. Dahan-dahan kong hinubad ang mga alahas na suot ko kanina. Isa-isa. Parang bawat pagtanggal, may kasamang alaala ng mga matang tumingin sa akin na parang hindi ako kabilang.Basahan.Tumawa ako—mahina, basag.“Basahan,” bulong ko sa sarili ko. “Oo nga naman.”Tumingin ako sa salamin sa harap ko. Hindi ko nakita ang asawa ng isang Marchetti. Sabagay, hindi naman ito totoong kasalan. Kailangan ko ng pera para sa kapatid ko, kailangan niya ng asawa para hindi na siya kukulitin ng pamilya niya. Hindi ko nakita ang babaeng ipinaglaban niya sa harap ng lahat.Ang nakita ko—ako pa rin.Yung babaeng sanay husgahan.Yung babaeng mababa ang lipad.Yung babaeng madumi na nagtatrabaho sa club at kung sino sinong lalaki ang hu
AITHNE’S POV Hindi ako sanay sa salitang ASAWA. Pero heto ako nasa loob — nasa loob ng pinakamalaking ballroom na napasukan ko sa buong buhay ko. Kristal na chandelier sa kisame, mamahaling mga damit, mayayamang mga tao. 50TH ANNIVERSARY OF MARCHETTI GROUP OF COMPANIES At ako, nakakapit sa braso ni Havoc — parang maling piyesa sa perpektong larawan. “Relax,” mahinang sambit ni Havoc sa akin. “You’re doing fine.” dagdag pa nito. Bago pa ako makasagot may matandang babaeng lumapit sa amin. Elegante, dignified, may mga matang matalim pero mainit. “Havoc, iho! I thought you’re not coming. Magtatampo talaga ako,” sambit ng matandang babae. “I promised you, mom. By the way, this is my wife, Aithne.” Halata sa mata ng mama niya ang pagkagulat. Tumingin ito sa akin at niyakap ako. “I’m so glad to meet you, Aithne. Hindi man lang kami sinabihan ni Havoc, yang bata na yan talaga masyadong malihim. Bisita kayo minsan sa bahay ha, para maipagluto kita ng masasarap na specialty
AITHNE’S POVHindi ko alam kung paano ako nakarating sa ospital. Parang huminto ang mundo nang marinig ko ang pangalan ng kapatid ko na sinisigaw ng nurse. Dugo. Sigawan. Ilaw na masyadong maliwanag. At si Junjun—nakahiga, walang malay, nakakabit sa kung anu-anong tubo.“Miss, kailangan po nating operahan agad ang kapatid niyo,” sabi ng doktor, seryoso ang mukha.“Kritikal ang kondisyon niya.”“M-magkano po?” nanginginig kong tanong.Sandaling nag-atubili ang doktor bago sumagot.“₱500,000 po ang kailangan—paunang bayad.”Parang binagsakan ako ng langit.₱500,000.Halagang hindi ko alam kung paano hahagilapin. Wala akong ipon.Wala akong kahit anong pwedeng isanla—maliban sa sarili ko.Nanlambot ang tuhod ko. Umupo ako sa bangko sa hallway at doon ko naramdaman ang bigat—ang takot na baka mawala ang kapatid ko dahil lang wala akong pera.At sa gitna ng kaguluhan sa isip ko , isang pangalan lang ang pumasok.Havoc.Hindi ko alam kung bakit siya. Hindi kami magkaano-ano. Isa lang siyang







