Share

Kabanata 43

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-08-19 14:55:07
Kira’s POV

Kababalik ko lang galing banyo nang bumungad sa akin si Bianca at si Anthony na magkasama. May ilang investors din silang kausap at abala sila sa pagtatalakay tungkol sa itatayong hotel dito sa Cebu. Nang matapos ang usapan, nagpalakpakan silang lahat na para bang may naabot na malaking kasunduan.

“Congratulations, Arch. De Leon. Welcome to Salvatore Holdings!” masayang bati ng isa sa matandang investors.

Napatingin ako agad kay Anthony. Hindi niya maalis ang tingin niya kay Bianca. Nakangiti siya. Hindi ko alam kung para saan ‘yong ngiti na ‘yon—para bang may mas malalim na ibig sabihin.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila. Umayos ako ng tindig at nang nasa tabi na ako ni Anthony, agad kong pinulupot ang kamay ko sa baywang niya. Ramdam ko ang pagtigil ng usapan at pagtingin ng lahat sa ginawa ko.

“Mrs. Salvatore,” nakangiting bati ng isa pang investor.

“Arch. Navarro na lang po,” sagot ko, may magaan na tono pero malinaw.

Dumir
Deigratiamimi

Stay tuned for more updates.

| 30
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 2

    Pagkauwi ni Audrey sa apartment nila ni Trina, agad niyang naramdaman ang bigat sa dibdib. Hindi niya akalaing mas lalo pa siyang masasaktan sa gabing akala niya’y tapos na ang lahat ng bangungot. Pagbukas pa lang ng pinto, nakita niya si Trina na nakangiti habang nagbibilang ng pera sa mesa. Sa tabi nito, nakakalat ang mga gamit niya—mga damit, sapatos, at laptop bag na parang tinapon lang.“Trina?” garalgal ang boses ni Audrey. “Ano ‘tong ginagawa mo? Bakit mo nilalabas ang mga gamit ko?”Hindi man lang siya nilingon ni Trina. Patuloy lang ito sa pagbibilang ng pera, habang sumasayaw pa sa tuwa. “Oh, Audrey! Nandiyan ka na pala. Perfect timing. Pwede mo na rin dalhin ‘yang mga gamit mo, ha? Hindi na kita pwedeng patirahin dito.”“Anong ibig mong sabihin?” nanginginig ang boses niya. “Bakit mo ako pinaalis? Ako ang nagbabayad ng kuryente rito, Trina!”“Sus!” tumaas ang kilay nito, saka tumawa nang mapanlait. “Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Alam ko na ang nangyari kagabi. Don’t a

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 1

    "Audrey, may bago akong raket para sa iyo!"Napalingon si Audrey kay Trina na abala sa pag-aayos ng buhok sa salamin. Nasa maliit silang apartment na pinagsasalo nila sa Quezon City, at halatang excited si Trina habang nagme-makeup.“Raket?” tanong ni Audrey habang nagta-type sa laptop. “Trina, baka naman katulad ‘yan noong huli mong sinabi na ‘simple dinner lang,’ tapos bar pala sa Makati.”“Grabe ka naman,” sabay tawa ni Trina. “Hindi ito bar! Legit to, girl. May private event daw mga businessmen, may foreign investor pa nga raw. Ang kailangan lang nila ay mga babae na mag-a-assist, parang hostess lang. Simple lang, smile-smile, konting pakikipag-usap. You’ll get twenty thousand for one night.”Napakunot ang noo ni Audrey. “Twenty thousand? Sa isang gabi lang?”“Oo. Easy money! Hindi mo na kailangan maghintay ng next project mo. Pwede mong pambayad sa hospital bills ni Tita.”Napahinto si Audrey sa pagta-type. Bumigat ang dibdib niya sa narinig. Isang linggo na niyang iniisip kung s

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Book 3 — Midnight Salvatore (Second Generation)

    My Arrogant Boss is My Baby Daddy (SPG)BLURB: Si Audrey Claveria ay isang simpleng babae na lumaking sanay sa hirap at sakripisyo. Bilang isang dalubhasang software engineer, ang tanging pangarap niya ay magkaroon ng tahimik na buhay at maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya. Ngunit isang gabing puno ng takot at pagkakamali ang tuluyang nagbago sa direksyon ng kaniyang buhay—ang gabing nakilala niya ang lalaking magpapabago sa kaniya sa paraang hindi niya kailanman inakala.Si Midnight Salvatore, ang cold-hearted at perfectionist na heir ng Salvatore Group, ay isang lalaking walang alam kundi kontrol at disiplina. Para sa kaniya, ang kahinaan ay kasalanan, at ang emosyon ay sagabal sa tagumpay. Ngunit nang muling magtagpo ang landas nila ni Audrey sa loob ng kaniyang kompanya, bumalik ang mga alaala ng gabing matagal na nilang pilit kinakalimutan.Mula sa pagiging istriktong boss, unti-unting nabasag ang pader ni Midnight nang malaman niyang nagdadalang-tao si Audrey—ang babaeng

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   WAKAS — Book 2

    Emosyonal sina Ella at Neil sa araw ng kanilang kasal. Si Neil ay halatang tuwang-tuwa at hindi mapakali, kasi sa wakas ay asawa na niya si Ella. Ilang taon din niyang pinangarap na mangyari ang araw na ito, at ngayong narito na, parang hindi pa rin siya makapaniwala.Tahimik siyang nakatayo sa harap ng altar habang inaayos ni Anthony ang necktie niya.“Hey, relax. Parang ngayon ka lang ikakasal,” biro ni Anthony sabay tapik sa balikat ni Neil.Ngumiti si Neil pero halata sa mukha niya ang tensyon. “Hindi ako kinakabahan. Excited lang ako. Ilang taon ko ring hinintay ‘to, kaya hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.”Napatawa si Anthony. “Kita naman sa mukha mo. Para kang batang binigyan ng laruan. Pero seryoso, proud ako sa’yo, Neil. After everything you went through, deserve mo na ‘tong happiness.”“Salamat,” sagot ni Neil. “Kung hindi rin dahil sa inyo ni Kira, baka hindi ko pa rin siya nahanap ulit. You two helped us get back together.”Nakangiting umiling si Anthony. “Wa

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 105

    Ella's POV Masaya ang paligid, puno ng tawanan at halakhakan. Nasa gitna ako ng venue kung saan ginaganap ang bridal party, at hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ang mga taong naging bahagi ng buhay namin ni Neil. Ang mga empleyado ko sa Vantare, mga business partners, pati mga kaibigan ko sa college — lahat sila naroon, nakikihalubilo at nag-e-enjoy.“Ella! Bride-to-be!” sigaw ni Luna, isa sa mga senior architects sa firm ko. Niyakap niya ako agad paglapit. “Grabe, hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal ka na. Parang kahapon lang, stress na stress ka sa project natin sa Hong Kong.”Napangiti ako. “Oo nga, Luna. Dati puro plano lang at overtime, ngayon wedding plans naman ang inaatupag.”“Pero deserve mo ‘to, Ma’am Ella,” sabat ni Mario, isa sa mga engineers namin. “Sobra kaming proud sa’yo. Isa kang inspirasyon. Ang dami naming natutunan sa kuwento mo at ni Ma’am Kira.”“Salamat, Mario,” sagot ko. “Hindi madali ‘yong pinagdaanan namin ni Ate. Pero kung hindi kami nag

  • Signed to Marry My Ruthless Boss (SPG)   Kabanata 104

    Ella's POV Nakatitig ako sa salamin habang sinusukat ang wedding gown na pinili ni Neil para sa akin. Tahimik lang ako habang hinahaplos ko ang tela, pinagmamasdan kung gaano ito kasimple pero napakaganda. Hindi ko lubos maisip na ilang araw na lang, ikakasal na ako. Matagal ko ‘tong inisip—kung darating pa ba talaga ang araw na ganito ako kasaya, na wala nang iniintindi kundi ang pagbuo ng bagong buhay kasama si Neil.“Ella, grabe! Ang ganda mo,” sabi ni Ate Kira habang umiikot sa paligid ko. “Parang hindi ka na pwedeng pakawalan ni Neil n’yan. Sigurado akong maiiyak ‘yon sa altar.”Napangiti ako. “Ate, huwag mo nga akong takutin. Baka ako ‘tong maiyak sa kaba.”Umupo siya sa sofa at tumawa. “Kaba? Ano ka ba, ilang taon mo na siyang kilala. Alam mo na lahat ng ugali niya, pati ‘yong mga pinakamasungit niyang araw.”“Alam ko,” sagot ko, sabay tingin sa sarili sa salamin. “Pero iba kasi ‘yong pakiramdam ngayon, Ate. Alam mong malapit na ‘yong araw, tapos biglang mare-realize mo na… it

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status