Maulan na hapon everyone!
Neil's POV Umusad ako palabas ng kotse at napabuga ng hangin. Napahawak ako sa manibela nang mahigpit dahil sa galit na hindi ko maipaliwanag. Tumingin ako kay Ella sa passenger seat; namumula ang mga mata niya at kitang-kita ang pagod at panghihina. Naisip ko kaagad: hindi ko siya puwedeng iuwi sa condo nila ni Rowan. Hindi pa ako handa makita silang magkasama, lalo na pagkagising niya.“Ihahatid na lang kita sa bahay ng kapatid mo. Huwag ka nang babalik sa condo ninyo,” sabi ko. Binuhay ko ang makina at tumahak sa direksyon ng bahay ni Kira.Tahimik lang siya buong biyahe. Paminsan-minsan humahagod ang kamay niya sa kaniyang leeg, nagpapakita ng pag-aalinlangan. Gusto kong sabihin sa kaniya na lumaban para sa sarili niya, pero alam kong mahirap iyon sa kanya. Kaya pinili kong manahimik at planuhin ang susunod na hakbang.Pagdating namin sa gate, bumukas agad ang pinto nang makita ng guard ang plate ng kotse. Nagpaalam ako, kinuha si Ella at iniangat ko siya palabas. Halata sa mga k
Ella's POV Nakahinga ako nang maluwag nang makarating kami sa penthouse ni Neil. Tahimik lang akong nakaupo sa couch habang siya naman ay busy sa kusina. Naririnig ko ang pagkalansing ng mga gamit, pati na rin ang pag-igik ng ref nang buksan niya iyon.“Let’s just stay here, Ella. Mas peaceful. Walang istorbo,” aniya habang inaayos ang mga sangkap.Tumango lang ako kahit ang dami kong gustong sabihin. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Ang dami kong iniisip. Na-trauma pa ako sa ginawa nina Tita Catherine kanina. Ang hapdi pa rin ng pisngi ko.Umupo ako sandali at tiningnan ang paligid. Napatingin ako sa pool at biglang bumalik sa akin ang mga alaala namin noon. Naramdaman kong nanginginig ang kamay ko. Ayaw ko na sanang maalala, pero kusa silang bumabalik.Para maibsan ang bigat ng dibdib ko, naghubad ako ng cocktail dress at lumusob sa pool.Pagkatapos kong lumangoy ng ilang minuto, tumambay ako sa gilid at pinanood si Neil. Naka-shorts at topless siya, hawak ang kawali. N
Ella’s POVKatatapos ko lang magbihis nang mapansin ang mag-asawang papasok din sa banyo. Namilog ang mga mata ko nang makita ang mga magulang ni Rowan. Napakagat-labi ako at mabilis na pumasok sa cubicle nang maalala ang panlalait nila sa akin noong mismong araw ng kasal namin ni Rowan. Ang mga salitang iyon, hindi ko na kailanman makakalimutan.Naupo ako at mahigpit na hinawakan ang palda ng suot kong dress. Halos hindi ako makahinga sa kaba. Nang marinig kong may tinawagan si Tita Catherine, agad kong dinikit ang tainga ko sa pintuan para marinig ang usapan.“Bakit ba hindi mo maiwan-iwan ang pokpok na babaeng ’yon, Rowan? Sisirain niya ang pamilya natin!” sigaw ni Tita Catherine, puno ng inis ang boses.Nanlaki ang mga mata ko. Nakapigil-hininga akong nakikinig. At saka ko narinig ang boses na pinakaninanais ko at pinakanatatakutan ko ring marinig.“Mom, just wait. Iiwan ko rin naman ’yan.”Nanigas ako. Hindi ako makagalaw. Para bang bumigat ang dibdib ko sa bigat ng sinabi niya.
Ella’s POV Katatapos ko lang maligo nang marinig kong may tumatawag sa cellphone ko. Basa pa ang buhok ko at balot pa ng tuwalya ang katawan ko. Agad kong kinuha ang telepono sa ibabaw ng kama. Pagtingin ko sa screen, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Pamilyar na number iyon. Si Neil. Mabilis kong pinindot ang end call button. Ayoko siyang sagutin. Pero ilang segundo lang, nag-vibrate ulit ang phone ko. This time, may text na pumasok. “Ella, don’t forget our deal. The date, or the hospital goes down. I’m not kidding.” Para akong pinipiga ng kaba at galit. Dumilim ang paningin ko. Binuksan ko agad ang call log at tinawagan siya. Pagkarinig ko pa lang ng boses niya, halos pasabog na ang tono ko. “Neil, putangina mo! Tigilan mo na ako. Hindi mo ba ako titigilan kahit isang beses?!” Narinig ko siyang tumawa, mababa at nakakairita. “Relax, Ella. I’m only reminding you. You don’t want to see St. Augustine fall, do you? Lalo na’t nandun ang fiancé mong si Rowan.” “Bwisit ka!
Ella’s POV Kumakain ako mag-isa sa isang fast-food restaurant. Gusto ko lang ng mabilis na pagkain para makabalik agad sa opisina. Habang nagbubukas ako ng fries, bigla kong napansin ang isang pamilyar na lalaking papasok sa loob. Namilog ang mga mata ko nang makumpirma kong si Blake De Leon iyon. Parang humigpit ang dibdib ko. Ang dami kong naalala. Siya ang lalaking minsan kong nakasama sa isang madilim na bahagi ng buhay ko. Dati siyang addict, may sakit sa puso, naoperahan na, at naging sobrang aggressive at possessive sa akin noon. Hindi ko makakalimutan ang mga sigawan, ang mga pilit na hawak, at ang scandal na kumalat dahil sa amin. Pero ang lalaking nakita ko ngayon ay ibang-iba. Maayos ang suot, formal, parang galing sa opisina. Malinis ang gupit, halatang alaga ang katawan, at may aura ng propesyonal. Para bang hindi ko na siya makilala. Biglang kinabahan ako. Nanginig ang mga kamay ko sa takot. Gusto ko sanang tumayo at lumabas, pero huli na—nakatagpo na ng tingin ang m
Ella’s POV Nakatanggap ako ng email mula sa Archangel Group. Pinapapunta nila ako. Ayoko sanang pumunta pero dahil isa sila sa mga pinakamalaking investor ng Vantare Creative Studios, wala akong choice. Pagdating ko sa building, sinalubong ako ni Michael, ang secretary ni Neil. “Good afternoon, Ms. Navarro,” bati niya. “This way, please. Naghihintay na si Mr. Archangel.” Tahimik lang akong sumunod. Diretso kami sa conference room. Pagbukas ng pinto, tumambad sa akin si Neil. Nakaupo siya mag-isa sa dulo ng mahabang mesa, may hawak na dokumento. Nang tumingin siya sa akin, agad akong nagsalita. “Sabihin mo nga, Neil,” madiin kong tanong. “May kinalaman ka ba sa pag-pull out ng Archangel Group at ng iba pang investors ng St. Augustine Hospital?” Tiningnan niya si Michael. “Leave us.” Tumango lang si Michael at lumabas, isinara ang pinto. Tumayo si Neil at humakbang papalapit sa akin. Hindi siya nagtagal sa mesa, diretsong tumapat sa akin. “Yes,” proud niyang sagot. “Ako ang nagd