Home / Romance / Signed with Lust / CHAPTER TWO: BOSS

Share

CHAPTER TWO: BOSS

Author: Chenniiee
last update Last Updated: 2025-07-26 16:45:15

Napabalikwas ako sa tunog ng alarm clock.

Dumilat ako nang dahan-dahan habang pinipilit bumangon sa kama. Masakit pa ang likod ko, marahil dahil sa bagong higaan. Iba talaga ang kama sa hacienda, malambot, malaki, preskong-presko. Pero ngayon, masikip, medyo matigas, at malamig sa balat ang bedsheet. Napabuntong-hininga ako habang tinitigan ang kisame ng condo unit ko. Simpleng kisame lang, walang chandelier o design. Pero ito ang pinili kong buhay, simple, totoo, at ako ang may kontrol.

Unang araw ng trabaho.

Unang hakbang sa pangarap kong tumayo sa sarili kong paa.

Bumangon ako at agad na nagtungo sa banyo. Maikli lang ang oras ko. Sa dami ng iniisip ko kagabi, halos hindi ako makatulog. Naiisip ko pa rin si Mommy, si Daddy, si Zariah... at siyempre, yung lalaking sumira sa mood ko kagabi sa 7/11.

“Bad taste in fashion? Eh ikaw nga, may bad taste in manners!” bulong ko habang nagto-toothbrush.

Pagkatapos maligo, nagsuot na ako ng maayos na damit. Pinili ko ang kulay cream na blouse na may manipis na kwelyo, high-waisted black slacks, at closed black heels. Maayos ang ayos ng buhok ko, nakapusod at walang kalat. Simple lang ang make-up, light powder, kaunting lip tint, at konting mascara para naman magkabuhay yung mata kong gusto pa atang pumikit ulit at bumalik sa kama. Pero syempre, hindi pwede dahil.may trabaho na ako.

Hindi ako pwedeng magmukhang probinsyana ngayong araw. DE Group of Companies ito, ‘no. Baka kapag nainis ko ang boss, tanggal agad ako.

Pagkalabas ko ng unit, dala ko na ang maliit na handbag at isang simpleng tote bag na may lamang notebook, ballpen, water bottle, at maliit na payong. Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep, napansin kong ang daming tao, lahat nagmamadali, seryoso ang mukha, parang lahat ay may hinahabol na buhay. Ngayon ko lang naramdaman na ibang-iba talaga ang Maynila sa Tarlac.

“Good morning po, Ate.” bati ng isang batang naglalako ng sampaguita. Napangiti ako at binigyan siya ng limang piso. “Ingat ka palagi,” sabi ko bago ako sumakay sa jeep.

Habang nakasakay ng jeep ay tahimik lang ako. Pinagmamasdan ko ang kalsada, ang mga gusali, ang mga taong walang pakialam sa isa’t isa. Hindi tulad sa hacienda kung saan halos kilala ko na lahat ng tao, dito, parang nawawala ako sa dami ng mga estranghero. Pero okay lang. Ito ang gusto ko. At gusto kong mamuhay mag-isa, malayo sa pangalang aking kinagisnan.

Pagdating sa tapat ng DE Group of Companies, halos mapaatras ako. Napakatayog ng gusali. Nakakalula ang taas at ganda nito. Nag nukha akong langaw na nakatayo sa labas.

Isang matayog na building na kulay silver gray at blue, tinted ang glass windows. May mga security guards sa labas at receptionist sa loob. Lahat ay naka corporate attire. Lahat mukhang ay abala. Lahat mukhang sanay.

Parang ako lang ata ang hindi. Pero kaya ko ‘to.

“Good morning po, Ma’am,” bati ng guard habang chine-check ang ID ko. Pinakita ko ang printed copy ng email na natanggap ko. Tumango siya at itinuro ang receptionist desk.

Paglapit ko sa desk ay isang babae ang sumalubong sa akin ng ngiti. “Hi, good morning. Name po?”

“Zeira Montivelle po. First day ko today bilang Personal Assistant.”

Nagtype siya sa computer niya. “Okay, Ma’am Zeira. Please take the elevator to the 17th floor. May naghihintay na po sa inyo doon.”

Pagdating ko sa 17th floor, bumungad agad sa akin ang isang hallway na may glass walls at wooden floor. Minimalist pero classy. Tahimik ang hallway at sobrang kintab ng sahig. Parang bawat yapak ko ay may ay naririnig sa buong gusali.

Hanggang sa may lumapit na isang babae na tinataya kong nasa late 20s. Matangkad, slim, naka all-black corporate attire, at may hawak na tablet.

“Miss Montivelle?” tanong niya.

“Yes po, ako po ‘yun.”

“Hi, I’m Layla. Ako ang Senior Executive Assistant. Ako rin ang mag-o-orient sa’yo ngayon. Welcome to DE Group.”

Nginitian ko siya. “Salamat po.”

Habang naglalakad kami papunta sa loob, nagsimula na siya sa orientation. Ipinakita niya sa akin ang mga departments, mga conference rooms, pantry, at lounge. Tila mas lalo lang akong ninerbyos. Lahat ng tao ay mukhang sanay sa corporate world. Ako lang ang mukhang bagong salta.

Pagkatapos ng tour, pinaupo niya ako sa isang maliit pero eleganteng opisina.

“Dito ka muna. Tatawagin ka na lang kapag ready na si Sir.”

Sir?

Napakunot-noo ako.

“Ah, sino pong boss ko mismo, Ma’am Layla?”

Ngumiti siya. “Ang personal boss mo ay si Kaiven Del Estrada. Siya ang CEO ng DE Group. Medyo... may pagka-strict, pero once sanay ka na, madali na.”

Kaiven Del Estrada?

Oh my God!! Yung CEO mismo ang boss ko?!

Ilang minuto na ang lumipas. Parang aatakihin ata ako sa kaba. Parang nakalimutan ko ata sandali kung ano ang sasabihin ko. Habang nag-aayos ako ng gamit, biglang bumukas ang pinto.

“Miss Montivelle, you may now proceed to the Executive Office.”

Tumango ako at kinuha ang notebook ko. Lumakad ako ng maayos, nakatindig nang tuwid, at pinipigilan ang kabog ng dibdib ko.

Pagbukas ko ng pinto ng Executive Office...

Ay parang nanginig ang tuhod ko at parang kakapusin ako ng hininga.

Siya.

Ang lalaking tinawanan ang suot ko kagabi. Ang adonis sa 7/11. Ang antipatiko. Ang judgemental.

Siya si Mr. Kaiven Del Estrada? Anong ginagawa ng isang sikat, mysteryoso, cold at strikto na company CEO sa isang 7/11?

Nanlaki ang mata ko. Pero agad akong bumawi sa ekspresyon. Hindi pwede. Baka isipin niya hindi ako professional.

Pero sya? Nakakunot ang noo habang nakaupo sa leather chair at nakatingin sa screen ng laptop niya.

“You’re late.”

Napatingin ako sa relo. 8:03. Tatlong minuto lang! Tatlong minuto lang ako late!

“Pasensya na po, Sir. Traffic po kasi—”

“Common excuse. Don’t let it happen again,” malamig niyang sagot, hindi man lang ako tiningnan.

Hindi ko alam kung kakabahan ako, maiinis, o matatawa. Anong klaseng araw ba ‘to?

Tumango nalang ako at tahimik na pumuwesto sa upuan sa harap ng mesa niya. Ano pa bang magagawa ko eh andito na ako. Hindi naman ako pwedeng basta nalang umalis dahil kailangan ko ng trabaho.

At saka kapag umalis ako, ano ang sasabihin ko? Na kinakabahan ako at ayaw kong makita ang CEO kasi sya ang lalaki kagabi sa 7/11? Nakakahiyang excuse.

“You will handle my schedule, coordinate with clients, filter emails, and manage my personal errands. Understood?”

“Understood, Sir.”

Ngumiti siya ng konti. No, let me make it right, ngumisi sya sa akin na parang may alam siya na hindi ko alam.

“You look familiar, by the way.”

Kinabahan ako. “Ah.... Marami lang po siguro kayong nakikitang mukha.” alanganin akong ngumiti sa kanya

“Oh, I remember now...” Tumayo siya, lumapit, at tumigil sa gilid ko. “Bad taste in fashion, remember?” mahinang mahinang bulong nya sa tenga ko bago naglakad pabalik sa upuan nya

Tang*na.

Pinigil ko ang sarili kong hindi mapamura sa harap niya. Umigting ang panga ko pero ngumiti ako.

“Small world pala talaga, Sir.”

“Too small, Miss Montivell," sagot nya habang nakasandal sa swevail chair at naka Cross arms “But don’t worry. I don’t mix personal impressions with work. Unless you give me a reason to.”

Isa pang tang*na. Tang*na talaga.

Sa sumunod na oras ay naging abala ako sa pag-aayos ng mga meeting niya, pag rereply sa mga email, at pag-aaral sa company calendar. Nakakapanibago pero kaya ko naman. Gusto kong patunayan sa kanya, sa sarili ko, at sa buong mundo, na hindi lang ako anak mayaman. Ako si Zeira. At kaya kong tumayo sa sarili kong paa.

Nang mag lunch break, akala ko makakahinga na ako. Pero dumungaw si Layla sa pinto.

“Miss Montivelle, Sir Kaiven wants you to join him for lunch. May meeting daw siya with a client and he needs you to take notes.”

Great. Another meal with Mr. Antipatiko.

Sa restaurant ay todo porma si Sir. Ako? Simple lang. Pero bahagya kong inayos ang blazer ko habang nakaupo sa gilid niya. Habang hinihintay ang client, hindi ko napigilang mapatingin sa kanya.

Magandang lalaki talaga siya, in fairness. Pero sobrang suplado. Suplado na, mapanghusga pa. Pero hindi ko dapat hayaang sirain niya ang unang araw ko.

“I heard you graduated top of your class?” tanong niya habang nakatitig sa menu.

“Opo, Sir. Business Administration po sa Tarlac University.”

“Impressive. Kaya lang baduy magdamit.”

Ano na naman 'to, Lord? Test of patience ba ‘to?

Pero ngumiti pa rin ako. “But at least hindi po ako rude.”

Tumawa siya—unang beses ko siyang nakitang tumawa ng totoo. Akala ko ba bihira lang tumawa ang isang 'to?

“You’ll do just fine, Miss Montivelle.”

Sa mga sumunod na araw, naging routine ko na ang lahat. Sobrang bilis ng oras kapag wala kang ginagawa at sobrang bagal naman kapag marami. Minsan nakakasuya si Sir, pero hindi ko maitatangging matalino siya at alam niya ang ginagawa niya. Minsan naiisip ko, bakit kaya siya ganon? Parang laging may tinatago. Parang may pader.

Pero hindi ko na problema ‘yon.

Ang mahalaga, nagsisimula na akong maging ako.

At ito pa lang ang simula.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Signed with Lust   CHAPTER FIVE

    ZEIRA'S POV KAHIT nang makapasok na ako sa restroom ay nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Nang masigawan ako ng boss kanina ay natakot ako. I'm not used to being yelled at. I grew up in a healthy home. Kahit kailan ay wala pang nangahas sumigaw sa akin. Iniiwasan din ni Mommy at Daddy noon na mag-away sa harap naming magkakapatid. Kahit ang mga tao sa hacienda ay mahinahon kung mag salita. I'm not sure, but my mind suddenly went blank all of a sudden when I heard him yelled at me. Hindi din ako sigurado kung saan talaga ako natakot. Sa pagsigaw nya ba o sa isiping baka mag iba ang pakikitungo nya sa akin. "Ang importante ay nag sorry sya, Zeira," pagpapakalma ko sa sarili ko. Sinabi din naman nya na hindi nya sinasadya Nag retouch lang ako saglit bago naghugas ng kamay at lumabas na para sumunod sa VIP room. Thirty minutes na pala ako sa restroom. Hindi ko man lang namalayan. Baka tapos na sila. Nagmamadali akong naglakad. Hindi na ako kumatok at basta nalang binuksan

  • Signed with Lust   CHAPTER FOUR: THE ASSITANT AND THE BOSS

    KAIVEN'S POV SA dinami-rami ng secretaryang dumaan sa akin eh eto palang ang sekretaryang malakas sumagot. I don't know what's with her, but I find her cute when she's talking back to me. I don't like someone who can talk back to me. Hindi ko gusto yung mga taong inaasar ako na para bang tropa lang ako sa kanila pero pag dating sa kaya ay hinahayaan ko nalang. Naaailw ako kung paano umikot ang mga mata nya kapag hindi nya nagustuhan yung naririnig nya. Kung paano sya sumimangot kapag malapit na syang mapikon. Kung paano kumunot ang noo nya kapag hindi sya naniniwala. At aminin ko man o hindi ay maganda talaga sya lalo na kapag tumatawa. Don't get me wrong, ha. Hindi ko sya gusto! Period! Natutuwa lang talaga ako sa kanya. Actually, she's more pretty than Celestine kung hindi nga lang sya baduy manamit. Okay naman talaga ang kasuotan nya. Sexy nga syang tignan eh pero mas naaattract ako sa babaeng sophistikada at sosyal. If I were to describe her, she's tall. I think nasa 5'8 an

  • Signed with Lust   CHAPTER THREE: CELESTINE MARGUAX IMPERIAL

    ZEIRA'S POV SA loob ng ilang buwan kong pag ta-trabaho dito ay nakabisado ko na ang ugali ng boss ko. Ayaw nya sa mabaho, makalat, maingay at mabagal. Gusto nya ng itim na kape sa umaga. Ayaw nyang nag-aalmusal. He wants a heavy luch. Kapag may hindi sya naintidihan at ayaw nya sa trabaho mo ay palaging nakakunot ang noo nya. Mahilig din sya sa music. He loves Ed Sheeran and his songs Sa labas sya palagi nag di-dinner at ewan ko kung bakit sinasama nya ako. Hindi naman ako maaaring tumanggi at sayang ang pa bunos nya. Bukod pa doon ay nalilibre na din ako ng kain. Kahit pa parang tanga ako minsan kapag malapit sya sa akin "Coffee, sir" inilapag ko ang kape sa gilid ng mesa nya bago niligpit ang mga papeles na tapos na nyang permahan Personal Assistant lang naman sana ako dito pero dahil nag resign ang dati nyang secretary ay ako na ang ipinalit nya. Ang rason? Nakakapagod ng maghanap ng bago. "What are my schedules for today?" tanong nya matapos humigop ng kape "You have a meeti

  • Signed with Lust   CHAPTER TWO: BOSS

    Napabalikwas ako sa tunog ng alarm clock. Dumilat ako nang dahan-dahan habang pinipilit bumangon sa kama. Masakit pa ang likod ko, marahil dahil sa bagong higaan. Iba talaga ang kama sa hacienda, malambot, malaki, preskong-presko. Pero ngayon, masikip, medyo matigas, at malamig sa balat ang bedsheet. Napabuntong-hininga ako habang tinitigan ang kisame ng condo unit ko. Simpleng kisame lang, walang chandelier o design. Pero ito ang pinili kong buhay, simple, totoo, at ako ang may kontrol. Unang araw ng trabaho. Unang hakbang sa pangarap kong tumayo sa sarili kong paa. Bumangon ako at agad na nagtungo sa banyo. Maikli lang ang oras ko. Sa dami ng iniisip ko kagabi, halos hindi ako makatulog. Naiisip ko pa rin si Mommy, si Daddy, si Zariah... at siyempre, yung lalaking sumira sa mood ko kagabi sa 7/11. “Bad taste in fashion? Eh ikaw nga, may bad taste in manners!” bulong ko habang nagto-toothbrush. Pagkatapos maligo, nagsuot na ako ng maayos na damit. Pinili ko ang kulay

  • Signed with Lust   CHAPTER ONE: PAALAM HACIENDA MONTIVELLE

    “SIGURADO ka na ba sa desisyon mo, Anak?” Tanong ni Mommy sa akin. Tiningnan ko sya ng deretso sa mata. Alam kong ayaw nya sa gusto ko at nag aalala sya sa akin pero nakapag desisyon na ako. “My naman. Napag-usapan na na'tin ‘to ‘diba? Alam nyung matagal ko ng gustong lumuwas ng Maynila para mag trabaho. Hayaan nyu na ako, My. Uuwi naman ako dito kapag holidays eh” sagot ko sa kanya. Malungkot syang ngumiti sa akin. Ayaw ko silang iwan kasi alam kong mamimiss ko silang lahat pero gusto kong tumayo sa sarili kong paa. Gusto kong mamuhay na hindi naka asa sa yaman ng pamilya. “Nag-aalala lang ang Mommy mo sa iyo, Zeira. Ayaw ka naming umalis. Malaki naman ang hacienda. Pwede ka ring mag trabaho dito. Hahayaan ka namin” Tiningnan ko si Daddy at nginitian. Sya ang unang lalaking minahal, minamahal at mamahalin ko habambuhay. Kahit kailan ay hindi ko sila narinig na nag aaway ni Mommy. Siguro may tampuhan pero iniiwasan nilang marinig namin iyon ng mga kapatid ko. “Dad, alam kong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status