“SIGURADO ka na ba sa desisyon mo, Anak?” Tanong ni Mommy sa akin. Tiningnan ko sya ng deretso sa mata. Alam kong ayaw nya sa gusto ko at nag aalala sya sa akin pero nakapag desisyon na ako.
“My naman. Napag-usapan na na'tin ‘to ‘diba? Alam nyung matagal ko ng gustong lumuwas ng Maynila para mag trabaho. Hayaan nyu na ako, My. Uuwi naman ako dito kapag holidays eh” sagot ko sa kanya. Malungkot syang ngumiti sa akin. Ayaw ko silang iwan kasi alam kong mamimiss ko silang lahat pero gusto kong tumayo sa sarili kong paa. Gusto kong mamuhay na hindi naka asa sa yaman ng pamilya. “Nag-aalala lang ang Mommy mo sa iyo, Zeira. Ayaw ka naming umalis. Malaki naman ang hacienda. Pwede ka ring mag trabaho dito. Hahayaan ka namin” Tiningnan ko si Daddy at nginitian. Sya ang unang lalaking minahal, minamahal at mamahalin ko habambuhay. Kahit kailan ay hindi ko sila narinig na nag aaway ni Mommy. Siguro may tampuhan pero iniiwasan nilang marinig namin iyon ng mga kapatid ko. “Dad, alam kong ayaw mo rin akong umalis. Unang prinsesa mo ako eh. Pero hayaan nyu po ako. Uuwi ako kapag nahirapan ako doon. Promise po” matamis ko silang ngitian dalawa. Napabuntong hininga sila saka ako sabay na niyakap. Alam kong suko na sila. Nakapag desisyon naman na ako at hindi talaga ako papapigil “Ate, iiwan mo na talaga ako?” nilingon ko si Zariah sa likuran ko. Bunsong kapatid ko sya. Kaka desi otso nya lang noong isang buwan. “Za, mag kikita pa naman tayo kasi luluwas ka naman ng Maynila kada bakasyon para doon manatili. Bisitahin mo nalang ako. Pwede naman siguro ‘yun ‘diba? Saka may social media naman. Pwede mo akong tawagan kapag namimiss mo ako” malambing na sagot ko sa kanya. Kahit limang taon ang agwat namin ay magkadikit kaming dalawa. Sa totoo long lahat kaming magkakapatid ay magkadikit. Bihira sa amin ang away. “Paano sila Kuya? Hindi ka nakapag paalam” “Tatawagan ko nalang sila. Matagal ko naman ng nasabi sa kanila ‘to kaya alam kong maiintindihan nila” NANG araw din na ‘yon ay hinatid nila ako sa sakayan ng bus. Gusto pa sana nila akong ihatid hanggang Maynila pero tumanggi na ako. Bukod sa tatlo hanggang apat na oras ang byahe at baka mapagod lang si Daddy ay iniiwasan ko rin na kulitin nila akong manatili nalang May sasakyan naman ako pero iniwan ko na sa mansion sa hacienda dahil bukod sa ma traffic ay agaw atensyon din ang isang Audi A6 ay wala rin akong pag paparkingan sa nakuha kong mumurahing condo unit. Kaya nga ako luluwas ng Maynila para mag trabaho tapos dadalhin ko yung sasakyan na ‘yun? Malungkot ako at iiwan ko ang hacienda pero desidido na akong mag trabaho para sa sarili ko. Sayang rin ang napag aralan ko kung hindi ko gagamitin. Oo, anak mayaman ako pero gusto kong gumawa ng sarili kong pangalan. Gusto kong mamuhay na hindi naka depende sa pangalan ng pamilya ko. Nang makarating sa condo unit ay agad kong inayos ang mga gamit ko. Kahit pagod sa byahe ay pinilit kong ayusin lahat. Hindi din naman ako makakatulog kapag alam kong may trabaho pa akong hindi natapos. Ayaw ko rin ng kalat. Matapos mag linis ay humiga na ako sa kama. Hindi kasing lambot ng kama ko sa hacienda ang kama ko dito at hindi kasing laki ng silid ko doon ang nakuha kong condo unit pero pwede na. Kailangan kong sanayin ang sarili ko kung gusto kong mabuhay mag isa. Kinuha ko ang cellphone at binuksan ang email. Nag babakasakaling may nag reply na sa mga kompanyang pinag applyan ko Dear Ms. Zeira , Good day. We are pleased to inform you that, after careful evaluation of your application, qualifications, and interview, you have been officially selected for the position of Personal Assistant at DE Group of Companies.......... Napatalon-talon ako sa tuwa ng mabasa ko ang laman ng isang email. Marami pang kompanyang tumanggap sa akin pero ito talagang DE ang minamata ko. Sino ba naman ang mag aakalang matatanggap ako sa isa sa pinakamalaking kompanya sa buong bansa. Nakalagay na sa email ang lahat ng kailangan kong gawin at ipasa at kung kailan ako pwedeng mag simula. And guess what! Bukas na bukas din ay pwede nang mag simula ang babae na ito. Dahil ala una na nang umalis ako mula sa hacienda ay alas kwarto na ng hapon ako nakarating dito sa Maynila. Dalawang oras akong nag ayos ng gamit kaya gabi na ako natapos. Wala akong stocks ng pagkain dito kasi bukas pa sana ako mag go-grocery, na alam kong hindi mangyayari kasi mag tatrabaho na ako bukas na bukas din. Kaya kailangan kong lumabas para maka bili ng pag-kain. Suot ang isang lumang t-shirt at isang maikling short ay lumabas ako ng condo dala ang perang na withdraw ko sa banko kanina bago ako lumuwas dito. May nakita akong malapit na 7/11 dito sa condo kaya doon ko nalang balak kumain. Hindi na ako makakapag luto dahil anong oras na at kailangan kong matulog ng maaga para maaga akong magising bukas. Ayaw ko naman na ma late sa trabaho sa unang araw ko at baka ma sesante ako bigla ano. Nang makarating sa 7/11 ay kumuha lang ako ng isang siopao at isang coke in can bago ito binayaran at umupo sa isang bakanteng upuan. "Excuse me, can I sit here, Miss?" isang baritonong boses ang aking narinig habang abala ako sa pagngunguya ng kinakain. Nilingon ko sya at nginitian pero agad nalusaw ang aking ngiti nang makita ko ang mukha nya. Holy freaking mother! Who's this adonis? hindi ako mahilig sa mga may balbas pero kung ganito naman ka gwapo, aba! bakit hindi 'diba? "You're not deaf, are you?" Parang natauhan ako at biglang nahiya. Bakit ba bigla bigla nalang akong natulala eh nakakita lang naman ako ng gwapo. Hindi ako madaling mahumaling pero bakit sa isang 'to? bakit ba naman kasi ang ganda ng labi, ang kinis ng balat, nakakaakit ang mata, at makapal ang kilay ng isang 'to na bumagay naman sa kanya. Nung ginawa ata sya ay pitong araw na pinaghandaan iyon ni lord. "Ahm, sorry about that, but you can sit there. I don't own this place anyway, " buti nalang at hindi ako na bulol nang sabihin ko 'yon sa kanya. Maikli syang tumango bago umupo "And I am sure, you dont" namula ata ang mukha ko sa sagot nya. Abay antipatiko pala 'to eh. Sayang ang ka gwapuhan at ang sama ng ugali Hindi ko napansin na naubos ko na pala ang aking kinakain. Niligpit ko ang aking pinagkainan bago tumayo at itinapon ang basura sa malapit na basurahan "Sayang ang ka gwapuhan, Sir" saad ko bago tuluyang lumabas doon. Abay hindi nya ako madadala sa kagwapuhan niya no. Hindi ko nalang pinansin ang pagiging antipatiko nya at naglakad nalang ako pauwi sa condo. Wala na akong mapapala doon. Bago pa man tuluyang makalayo ay napatalon ako sa malakas na busina ng sasakyan. Huminto ito sa harap ko at sumilip mula sa loob ang isang lalaki "You know what, You're beautiful. Too bad you have a bad taste of fashion" napanganga ako sa sinabi nya. EXCUSE ME?! Bago pa man makabawi ay nginisihan na nya ako at pinaharurot ng mabilis ang sasakyan nya. Abay antipatiko na nga judgemental pa!ZEIRA'S POV KAHIT nang makapasok na ako sa restroom ay nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Nang masigawan ako ng boss kanina ay natakot ako. I'm not used to being yelled at. I grew up in a healthy home. Kahit kailan ay wala pang nangahas sumigaw sa akin. Iniiwasan din ni Mommy at Daddy noon na mag-away sa harap naming magkakapatid. Kahit ang mga tao sa hacienda ay mahinahon kung mag salita. I'm not sure, but my mind suddenly went blank all of a sudden when I heard him yelled at me. Hindi din ako sigurado kung saan talaga ako natakot. Sa pagsigaw nya ba o sa isiping baka mag iba ang pakikitungo nya sa akin. "Ang importante ay nag sorry sya, Zeira," pagpapakalma ko sa sarili ko. Sinabi din naman nya na hindi nya sinasadya Nag retouch lang ako saglit bago naghugas ng kamay at lumabas na para sumunod sa VIP room. Thirty minutes na pala ako sa restroom. Hindi ko man lang namalayan. Baka tapos na sila. Nagmamadali akong naglakad. Hindi na ako kumatok at basta nalang binuksan
KAIVEN'S POV SA dinami-rami ng secretaryang dumaan sa akin eh eto palang ang sekretaryang malakas sumagot. I don't know what's with her, but I find her cute when she's talking back to me. I don't like someone who can talk back to me. Hindi ko gusto yung mga taong inaasar ako na para bang tropa lang ako sa kanila pero pag dating sa kaya ay hinahayaan ko nalang. Naaailw ako kung paano umikot ang mga mata nya kapag hindi nya nagustuhan yung naririnig nya. Kung paano sya sumimangot kapag malapit na syang mapikon. Kung paano kumunot ang noo nya kapag hindi sya naniniwala. At aminin ko man o hindi ay maganda talaga sya lalo na kapag tumatawa. Don't get me wrong, ha. Hindi ko sya gusto! Period! Natutuwa lang talaga ako sa kanya. Actually, she's more pretty than Celestine kung hindi nga lang sya baduy manamit. Okay naman talaga ang kasuotan nya. Sexy nga syang tignan eh pero mas naaattract ako sa babaeng sophistikada at sosyal. If I were to describe her, she's tall. I think nasa 5'8 an
ZEIRA'S POV SA loob ng ilang buwan kong pag ta-trabaho dito ay nakabisado ko na ang ugali ng boss ko. Ayaw nya sa mabaho, makalat, maingay at mabagal. Gusto nya ng itim na kape sa umaga. Ayaw nyang nag-aalmusal. He wants a heavy luch. Kapag may hindi sya naintidihan at ayaw nya sa trabaho mo ay palaging nakakunot ang noo nya. Mahilig din sya sa music. He loves Ed Sheeran and his songs Sa labas sya palagi nag di-dinner at ewan ko kung bakit sinasama nya ako. Hindi naman ako maaaring tumanggi at sayang ang pa bunos nya. Bukod pa doon ay nalilibre na din ako ng kain. Kahit pa parang tanga ako minsan kapag malapit sya sa akin "Coffee, sir" inilapag ko ang kape sa gilid ng mesa nya bago niligpit ang mga papeles na tapos na nyang permahan Personal Assistant lang naman sana ako dito pero dahil nag resign ang dati nyang secretary ay ako na ang ipinalit nya. Ang rason? Nakakapagod ng maghanap ng bago. "What are my schedules for today?" tanong nya matapos humigop ng kape "You have a meeti
Napabalikwas ako sa tunog ng alarm clock. Dumilat ako nang dahan-dahan habang pinipilit bumangon sa kama. Masakit pa ang likod ko, marahil dahil sa bagong higaan. Iba talaga ang kama sa hacienda, malambot, malaki, preskong-presko. Pero ngayon, masikip, medyo matigas, at malamig sa balat ang bedsheet. Napabuntong-hininga ako habang tinitigan ang kisame ng condo unit ko. Simpleng kisame lang, walang chandelier o design. Pero ito ang pinili kong buhay, simple, totoo, at ako ang may kontrol. Unang araw ng trabaho. Unang hakbang sa pangarap kong tumayo sa sarili kong paa. Bumangon ako at agad na nagtungo sa banyo. Maikli lang ang oras ko. Sa dami ng iniisip ko kagabi, halos hindi ako makatulog. Naiisip ko pa rin si Mommy, si Daddy, si Zariah... at siyempre, yung lalaking sumira sa mood ko kagabi sa 7/11. “Bad taste in fashion? Eh ikaw nga, may bad taste in manners!” bulong ko habang nagto-toothbrush. Pagkatapos maligo, nagsuot na ako ng maayos na damit. Pinili ko ang kulay
“SIGURADO ka na ba sa desisyon mo, Anak?” Tanong ni Mommy sa akin. Tiningnan ko sya ng deretso sa mata. Alam kong ayaw nya sa gusto ko at nag aalala sya sa akin pero nakapag desisyon na ako. “My naman. Napag-usapan na na'tin ‘to ‘diba? Alam nyung matagal ko ng gustong lumuwas ng Maynila para mag trabaho. Hayaan nyu na ako, My. Uuwi naman ako dito kapag holidays eh” sagot ko sa kanya. Malungkot syang ngumiti sa akin. Ayaw ko silang iwan kasi alam kong mamimiss ko silang lahat pero gusto kong tumayo sa sarili kong paa. Gusto kong mamuhay na hindi naka asa sa yaman ng pamilya. “Nag-aalala lang ang Mommy mo sa iyo, Zeira. Ayaw ka naming umalis. Malaki naman ang hacienda. Pwede ka ring mag trabaho dito. Hahayaan ka namin” Tiningnan ko si Daddy at nginitian. Sya ang unang lalaking minahal, minamahal at mamahalin ko habambuhay. Kahit kailan ay hindi ko sila narinig na nag aaway ni Mommy. Siguro may tampuhan pero iniiwasan nilang marinig namin iyon ng mga kapatid ko. “Dad, alam kong