Share

CHAPTER 8

"SORRY, I'M LATE." Basa pa ang buhok ni Luken nang pagbuksan ng abangan niya ito sa gate. Napalunok si Sinnerita at hindi mapigilang hagudin ng tingin ang lalaki.

Simple lang ang suot nitong asul na polo at black pants. Kumikinang pa ang sapatos nitong itim. Simple pero nakakaagaw pansin pa rin.

"Good evening, Sinnerita." Nakagat niya ang dila sa lambing ng boses nito.

"G-Good evening din sa'yo. Ayos lang. Pasok ka."

"Thank you..."

Naglalakad na sila sa may harden nang mapansin ni Sinnerita nang titig na titig sa kanya si Luken.

"B-Bakit? May dumi ba ako sa mukha?"

He breathed.

"I'm sorry. Ang ganda mo kasi. You can take my breath away even by just looking at your simplicity. Kahit hindi ka nagpapakita ng balat ay nakakaakit ka pa rin na tingnan sa mga mata ko, Sinnerita." Namula ang pisnge ni Sinnerita sa narinig. Sanay siyang purihin ng ganoon pero bakit iba ang epekto kapag si Luken ang nagsabi?

Isang bulaklakin na turtleneck neck dress na kulay puti ang suot niya. Longsleeve iyon. Umabot naman ang haba nito hanggang talampakan.

Malapit na sila sa pintuan ng convention nang lumabas mula roon ang kanyang mommy at daddy. Nag-uusap ang dalawa pero agad din natigilan nang makita siyang may kasama.

"Sorio, nakikita mo ba ang nakikita ko? Malinaw pa naman ang mga mata ko 'di ba?" Nanlaki ang mga mata ng kanyang mommy.

Nagtatagis naman ang bagang ng kanyang daddy habang nakatingin sa kanyang tabi. "Yes, darling. Malinaw kong nakikita.

"Lalaki ba ang kasama ng anak natin?"

"Yes, lalaki." Matigas na sabi nito habang nakakuyom ang mga kamao.

Natigil sila sa harapan ng mga ito saka ngumiti. Kumikinang naman ang mga mata ng mommy niya habang titig na titig ito kay Luken.

"Mommy, daddy, si Luken nga pala. School mate ko."

Kumunot ang noo ng daddy niya. "School mate, ha?"

Bahagyang yumukod si Luken sa mga mgulang niya. "I'm Luken Ashford, ma'am, sir." Tumingin saglit si Luken sa kanya. "Ang totoo po niyan ay nanliligaw po ako kay Sinnerita. Nandito po ako para kunin ang blessings niyo."

Nanlaki ang mga mata ni Sinnerita sa narinig. Hindi niya inaasahang sasabihin iyon ng binata. Seryoso talaga siya?

"W-What?" Her father's lips parted and gazed on her before back to Luken.

"H-Hoy, bata! Hindi ko pa pinapaligawan iyang anak ko! Kaya ngayon pa lang umalis ka na!" Matigas na sigaw ng daddy niya. He step forward until his face inches from Luken. "Kung ayaw mong tatadtarin ko iyang katawan mo ng bala! Tigilan mo ang anak ko!"

"Daddy!"

Lumapit ang mommy ni Sinnerita sa kanyang daddy at hinawakan ang kamay nito. "Sorio! Huminahon ka! Nandyan na ang mga bisita baka marinig ka nila. Mamaya mo na kausapin ang mga bata."

"Pero ang dalaga ko... nililigawan na..." Naiiyak na sumulyap ang daddy niya sa kanya bago sa asawa. "Ang baby ko..."

Nanlambot ang puso ni Sinnerita sa nasaksihan. Her father is always protecting her at all cost. That's why she love him so much.

Napailing si Helia sa asawa at hinawakan ang mukha nito. "Nililigawan pa lang, hindi pa magpapakasal." Aniya saka hinalikan ito. Lumambot naman ang ekspresyon ni Sorio at malambing na tumingin kay Sinnerita.

"Mag-uusap tayo mamaya, anak ha."

"Opo," Nakangiting lumapit sa ama at yumakap dito. "I love you, daddy."

Hinalikan nito ang gilid ng kanyang noo. "I love you too, anak." Humiwalay ang ama niya sa kanya.

"Mamaya, ha?" Tumango ako. Bumaling siya kay Luken at matalim itong tiningnan

"Kasama ka."

"Y-Yes sir." napapalunok na sumagot si Luken.

"Mauuna na ako."

Hinalikan ulit siya sa noo ng ama bago na ito tumalikod at naunang pumasok sa convention. Nakangiting sinundan naman ito ng tingin ni Sinnerita.

"Pasensya ka na sa daddy mo, Rita." Malambing na sabi ng mommy niya. "Over protective lang talaga iyang daddy mo. Alam mo namang ayaw nong nasasaktan ka."

"Okay lang po, mommy. Naiintindihan ko po si daddy kung bakit gano'n ang reaksyon niya."

Humarap ang mommy niya sa katabi. "Luken, right?" Malambing na usal nito at pinasadahan ng tingin ang kabuoan ng katabi. "Breathe iho."

Malakas na napabuga ng hangin si Luken saka sumagot.

"Y-Yes, ma'am..."

"Ang guwapo mo. Sigurado akong maganda ang lahi niyo."

Ngumiti si Luken. "Thank you ma'am. Marami na pong nagsasabi niyan kaya sanay na ako."

Natawa ang ina niya.

"Ma'am is too formal, iho. Just call me tita Helia, okay?" Tumango si Luken sa mommy niya.

"Okay po, tita..."

"Iho, pasensyahan mo na ang asawa ko, ha. Nag-iisang prinsesa namin kasi itong si Rita kaya ganoon na lang kaprotektib ang daddy niya sa kanya." Hinaplos ng mommy niya ang pisnge niya. "Kahit lamok ay hindi non hinahayaang makadapo sa balat ni rita. Ayaw lang non na makitang masaktan at umiyak ang anak niya dahil mas masasaktan siya. Sobrang mahal na mahal niya si Rita. Gusto lang non protektahan ang anak niya."

"Naiintindihan ko po, tita Helia."

Napatingin si Sinnerita sa katabi. "Kung ako din naman po ang na sa katayuan ni sir ay ganoon din po ang magiging reaksyon ko. I could kill without a heart beat if she hurt by someone."

"I like you, iho."

"Approve na po ba ako?" Nanlaki ang mga mata ni Luken nang marinig iyon sa mommy niya.

Sabay silang natawa ng kanyang ina. Parang bata kasi si Luken sa naging reaksyon niya.

"Oh, tara na magsisimula na ang prayer meeting. Sumesenyas na ang daddy mo sa akin."

"Susunod po kami, mommy."

"Sige, sumunod kayo agad!" Hinatid ng tingin ni Sinnerita ang mommy niya hanggang sa nakapasok ito sa convention.

Humarap siya kay Luken.

"Tara?"

Nakatulala si Luken. Siniko niya ito.

"Ayos ka lang?"

Ilang beses na kumurap si Luken saka nagsalita.

"P-Prayer m-meeting... dito sa i-inyo?" Nauutal na tanong nito. Tila hirap oa itong sabihin iyon.

Ngumiti siya sa lalaki.

"Yes. Araw-araw tuwing alasais ng gabi ang prayer meeting namin dito."

Hindi makapaniwalang tumitig ang lalaki sa kanya. "S-So you inviting m-me... to this p-prayer m-meeting?"

"Hindi din." Kumunot ang noo ni Sinnerita. "Hindi ba ikaw mismo nagsabi na gusto mong dumalaw sa bahay para ipaalam ako sa mga magulang ko? Pero kailangan mong sumali sa prayer meeting kasi mamaya mo pa naman sila makakausap pagkatapos ng isang oras." Aniya.

"S-Seryoso?"

"Oo..."

Namumutlang napatingin sa kanya si Luken. Namuo agad ang pawis sa magkabilang noo nito. Para itong natatae na ewan.

"Fuck! Scam! Scam!" Bulong nito.

'Ano bang nangyayari sa lalaking 'to? May sinabi ba akong nakakatakot para mamutla ng ganito ang mukha niya?'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status