Share

Kabanata 29

KABANATA 29 :: VITALS

Isang magarang sasakyan ang sumundo sa amin at inihatid kami sa isang tower na may malaking simbolong LVGN. Pag mamay-ari ng pamilya ni Kleindro.

"May ime-meet ka dito?" tanong ko habang inaalalayan niya ako pababa sa sasakyan.

Inilingkis niya ang braso sa aking bewang at saka hinarap ang entrada ng gusali.

"This is our new home."

Laglag ang panga ko habang pilit pinaparehistro sa utak ko ang sinabi niya.

"Pero diba may bahay ka sa…"

"It's more convenient here, mas malapit sa trabaho. Hindi na kita kailangang iwanan sa bahay palagi, I can work from here."

Para akong nakalutang habang nilalagpasan ang mga empleyadong nadadaanan namin. Lahat sila ay panay ang pagbati sa amin.

Halos malula ako sa engrandeng disenyo sa bawat sulok ng pasilyong nilalakaran namin.

Napalunok ko ng makita ang repleksyon naming dalawa sa salamin ng elevator. Siya ay nakasuot ng button down gray long sleeves at kulay itim na pants habang ako ay nakasuot ng isang kulay pulang pant suit ter
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status