Share

Kabanata 4

KABANATA 4 :: OFFER

Masakit sa matang sinag nang araw ang bumungad sa akin pagkamulat na pangkamulat ko ng mata.

Malayo sa kulay ginto at kayumangging victorian interior ng aking silid ang kulay puti at itim na kuwartong ito. Malaki ang espasyo dahil bukod sa minimal ng mga gamit ay halatang lalaki ang may ari. Kung hindi man, maiisip mo agad na ito ay ang taong ayaw sa lugar na masikip.

Dahan-dahan akong bumangon sa kama at pilit inalala kung bakit ako napadpad sa lugar na ito. Ang huling tanda ko ay walang-wala akong pera dahil pinalayas ako sa amin at gusto ko nang mamatay.

Natuptop ko ang bibig at inilinga-linga ang mga mata sa paligid. Puti. May liwanag. Ito na ba ang modernong bersyon ng langit?

Bumaba ang paningin ko sa aking suot. Puting night dress ang dating bulaklaking bestida.

Ang mga katanungan ko ay nasagot sa biglaang pagpasok ng lalaking nakasuot ng isang pormal na uniporme.

Mukhang nagulat siya nang makitang nakaupo na ako sa malapad na kama ngunit sa isang kurap ay naging pormal na ulit ang kanyang hitsura.

"Magandang umaga po, pasensya na sa biglaang pagpasok akala ko po kase tulog pa kayo."

Tumikhim ako dahil sa nanunuyong lalamunan at saka pilit na ngumiti kahit gustong-gusto ko nang itanong kung nasaang lupalop ako ng mundo.

"A-Ayos lamang po..."

"Ito nga po pala ang mga damit ninyo, kung may kulang po nasa library lamang ako wag kayong mahiyang mgasabi."

Tumango-tango ako kahit na walang kahit anong pumasok sa isip ko.

"Maiwan ko na po kayo."

Hanggang sa mapag isa akong muli sa silid ay para pa ring lutang ang pakiramdam ko.

Nang matauhan ay saka ko lamang nabigyang pansin ang isang malaking bag na may iba't-ibang paper bag at boxes sa likod.

Halos mapangisi ako ng matantong mga damit iyon at sapatos. Kung may hindi magandang mangyayari o kung masama man ang balak ang taong nakakuha sa akin, wala na akong pakealam. Para saan pa ang paglaban kung handa na nga akong mamaalam?

Inilatag ko ang under garments at damit na napili ko sa kama saka sinilip ang banyo.

Tulad ng silid, malawak din iyon at nang mag usyoso ako sa isang pinto ay napag-alamang konektado iyon sa jacuzzi.

May malaking salamin sa harap ng sink. Ang bathtub ay nakabukod sa toilet, gayon din ang shower room.

Walang pasintabi akong naghubad ng damit at lumubog sa bathtub na punong puno nang bula matapos iyong buhusan ng sandamakmak na pampabula. Hindi ko alam kung tama ba ang inilagay ko dahil sa mansyon ay si Nana Maring ang naghahanda ng pampaligo ko. Kung hindi naman ay hindi ako nagbababad sa bath tub.

Hinayaan kong magrelax ang katawan ko habang pinaglalaruan ang mga bula.

Ngayon mas nagsisink in na sa akin ang takot sa ginawa kong pagtalon sa tulay. Hindi pala biro iyon at kahit ayos lang na natuloy ang pagpapakalunod ko ay naninindig pa rin ang aking balahibo.

Ano kayang sasabihin nina mama kung namatay ako doon? Iiyak ba si papa? O mas tamang tanong makikita ba ang katawan ko o mananatili lang ang katawan ko sa ilog hanggang sa paglipas ng panahon.

Nawaglit sa utak ko ang isiping iyon nang walang habas na tumunog ang aking tiyan kasabay ng paghapdi noon. Ilang araw na kaya akong hindi kumakain?

Tinapos ko ang paliligo at hindi na nag abala pang ibalot sa tuwalya ang buhok. Hinayaan ko lamang na tumutulo ang tubig mula doon habang nagsusuot ng bathrobe.

Ang balak kong pagbibihis pagkalabas na pagkalabas ay naudlot dahil sa pagkaing nakahain na sa isang lamesa. Hindi pa ako nakakaupo pero natatakam na ako nang makita ang paborito kong toffu.

Mabilis akong naghila ng upuan sa puwesto kung saan tanaw ko ang papasikat na araw mula sa floor to cieling na dingding.

Halos maubos ko ang mga nakahain sa aking harapan. Pati ang ubas ay hindi ko rin napalagpas. Hindi ko kase alam kung makakakain pa ulit akp ng ganoong pagkain.

Wala akong pera. Ang lahat ng nadala ko sa pag alis ay nakuha ng buwiset na holdoper.

Kung alam ko lang na wala si Daireen sa Maynila ay nanatili na lamang ako sa Baguio kung saan mas kabisado ko. Huli na para magsisi kaya matapos kumain ay iniwan ko muna ang pinagkainan para magbihis at mag blow dry ng buhok.

Matapos mag ayos ay babalikan ko na sana ang lamesa para ligpitin pero may lalaki nang nag aayos doon. Nakauniporme ito katulad ng unang lalaking pumasok.

"Ma'am, niligpit ko lang po yung mesa. Kung may kailangan po kayo, bilin ni Boss na huwag kayong mahihiya."

"B-Boss? Sinong boss mo?" pilit kong pinatapang ang boses kahit ang totoo ay naduduwag ako.

Namutla siya sa tanong ko at dali-daling hinamig ang mga natitirang plato sa mesa.

"Sige po mauna na ako—"

Mabilis pa sa alas kuwarto na pinandilatan ko siya ng mata.

"Hindi ka aalis! Nasaan tayo?"

Hinawakan ko ang kanyang braso ng mahigpit. Wala akong pakealam kung mabasag ang mga hawak niya.

"Ginagawa ko lamang po ang traba—"

"Ginagawa ko lang din ito para sa sarili ko!"

"Roy, ako na ang kakausap sa kanya. Iwanan mo kami."

Agad akong napasiksik sa gilid nang pumasok sa kuwarto ang isang pamilyar na lalaki. Tila nakita ko na siya noon, hindi ko lamang maalala kung saan at kailan.

"Mabuti naman at gising ka na."

"S-Sino ka? At bakit ako nandito?"

Halos hindi na ako makahinga sa kaba lalo pa at naglakad siya palapit sa akin.

"Yung marka, wala na" tumigil ito ilang hakbang mula sa akin matapos ituro ang kanyang pisngi, pagkuwan ay hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Pero yung nung isang gabi, hindi ko iyon makakalimutan."

Nakakapagsisi tuloy na isang dress na may flowy skirt ang aking sinuot. Sana pala mas nagsuot ako nang nakabalot para hindi ako napapaso sa tingin nya.

"A-Ano bang pinagsasabi mo? U-Uuwi na ako."

Sumilay ang isang nang aasar na ngiti sa kanyang labi kaya nangunot alalo ajg aking noo.

Ano bang problema nang lalaking ito?

"Uuwi? Hindi ba pinalayas ka sa Baguio kaya tumalon ka sa ilog?"

Nanlaki ang mga mata ko.

Alam nya? Paano?

"Stalker! Anong plano mo sa akin?"

"Matapos mo akong sampalin, ngayon mag-aakusa ka naman? Wala bang salamat dahil niligtas kita?"

Niligtas? Ako?

Ibig sabihin...

"Niloloko mo ba ako? Paano niligtas eh—"

"Alam mo yung Titanic? You jump," ngumisi siya at itinuro ako pagkatapos ay itinuro din ang sarili. "I jump."

"Hindi ako naniniwala sayo!" nagmartsya ako patungo sa direksyon ng pinto. "Uuwi na ako, hindi ko kailangan nang tulong mo! Sana di mo na ako sinagip!"

Ilang beses kong ginalaw ang seradura ng pinto ngunit nakalock iyon. Napahampas na lang ako sa inis ngunit agad napaigik nang sumigid ang sakit sa aking kamay.

Nagpupuyos ako sa inis nang bumaling sa kanya.

"Bakit nakalock? Buksan mo yun!"

"Inuutusan mo ako?" napapantastikuhan sitang tumingin sa akin.

"Oo kaya buksan mo na!"

Natahimik ako at napatulala nang tumawa siya ng malakas.

"Hindi ko ugaling sumunod sa utos ng iba, pasensya na."

Napapadyak ako sa sahig at iritadong humalukipkip sa kanyang harapan.

"Hindi porket nakuha mo ang virginity ko ay may karapatan ka nang kulungin ako dito," matigas kong tugon.

Ang kaninang maliwanag niyang mukha ay napalitan ng kung anong ekspresyon na hindi ko mabasa.

"Naalala mo naman pala."

Nanindig ang mga balahibo ko sa lamig ng titig niya sa akin kaya bahagya akong napaatras.

"P-Please naman oh... Pakawalan mo na ako."

Lumambot bahagya ang kanyang ekspresyon ngunit nanatili ang malamig na tingin sa akin.

"Ipangako mong hindi ka na magpapakamatay ulit."

"Wag mong sabihin sa akin ang gagawin! Wala kang pakealam kung magpasagasa man ako sa tren kapag nakalabas na ako dito kaya pabayaan mo ako!"

Hindi ko mapigilan ang pagiging emosyonal nang maalala ang dahilan kung bakit ako nandito.

Kasalanan niya lahat! Kung hindi sya nakuhanan ng litrato kasama ko sana hindi magagalit si mama. Pero kasalanan ko din pala dahil ginusto ko iyon.

Nanghihina akong napayuko habang humihikbi. Ayokong ipakitang mahina ako pero yun ang totoo. Kung makakalabas man ako dito wala akong pupuntahan. Wala din akong pera.

"Pakasalan mo ako."

Nanlaki ang mga mata ko at parang kusang tumigil sa pagtulo ang aking mga luha.

Tumalon sya kasunod ko, kung nagsasabi siya ng totoo. Ngayon naman ay niyayaya niya akong magpakasal. Kumbinsido na akong baliw siya. Si Atticus nga na ilang taon kong nakasama ipinagpalit ako kay Mocha, sya pa na halos hindi ko kilala.

"Tama ang narinig mo. Pakasal ka sa akin at ibibigay ko ang buhay na nakasanayan mo."

Pinukol ko siya ng nanunuring tingin at nang masigurong hindi siya nagbibiro ay saka ako nagsalita.

"A-Anong kapalit."

"Kailangan ko nang asawa para makuha ang mana ko. Ihaharap kita sa mga magulang ko hanggang makumbinsi natin silang seryoso ako sayo."

"Pagkatapos? Paano ako makakawala sayo?"

"Matapos ang anim na buwan puwede na nating ipaanull ang kasal at papakawalan na kita. Bibigyan kita ng pera, bahala ka kung magpapakamatay ka pa din o magsisimula ng bagong buhay."

Matagal kaming nanahimik at sumiksik sa isip ko ang buhay na matagal ko ng pangarap.

Sa isang beach house na malayo sa syudad. Ang katahimikan at kalayaan.

"P-Pag iisipan ko..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status