LOGINTANGHALING tapat ngunit hindi masisilayan ang araw dahil sa makapal at maitim na ulap sa kalangitan. Nagpakawala ito ng malakas na buhos ng ulan na sinabayan pa ng kulog at kidlat.
Sa kabila ng nakababahalang panahon at nakakatakot na talim na gumuguhit sa kalangitan ay tumungo pa rin si Belleza sa kagubatan. Tinawid niya iyon para humingi ng tulong sa sinumang makakatulong sa kaniya. Lumala ang pamamaga sa paa ng kaniyang ama. Sinubukan nitong gamutin ang sugat gamit lang ang mga dahon-dahon na nakikita sa paligid pero lalo lamang iyon namaga. Hanggang sa dumating sa punto na nilagnat na ito nang mataas at ngayon nga ay kinumbulsyon. Natatakot siyang baka may mangyaring masama rito. Paano na siya? Pinahid niya ang luha nang sa wakas ay nakarating na siya sa highway. Hindi siya mapakali, paroo't parito siya sa kalsada habang nag-aabang ng sasakyang dadaan doon. Kahit sino pa 'yan, hindi siya mangingiming parahin para hingan ng tulong. Pumihit ang hangin. Napayakap siya bigla sa sarili nang makaramdam ng ginaw. Sa isang malaking puno ay kumubli siya. Nilalamig na siya pero hindi siya uuwi hangga't hindi siya nakakakuha ng tulong. Mayamaya'y isang itim na magarang sasakyan ang umagaw ng kaniyang pansin. Huminto iyon, 'di kalayuan mula sa kinatatayuan niya. Kumabog ang dibdib niya sa nakikitang pag-asa. Kaagad nagsibabaan ang mga lulan. Dalawang lalaki na naka-itim na jacket, matatangkad at malalaki ang mga katawan. Sunod na lumabas sa back seat ang isa pang matangkad na lalaking nakasuot ng abuhing polo na nakarolyo hanggang siko ang mga sleeve, naka-shades at kumikinang ang suot na relong pambisig. Kahit medyo malayo mula sa kaniya ay nahahalata niya pa ring may dugong dayuhan ang mga ito. Matatangos ang mga ilong at kapansin-pansin ang mapupulang mga labi. Gwapo. Agad siyang tumakbo sa direksyon ng mga ito, nagbakasakali na makahingi ng tulong pero bigla siyang napahinto matapos makita ang isang naka-jacket na lalaking sapilitang hinahatak pababa ang matabang lalaking naka-business suit, mula sa trunk ng sasakyan. Kumurap-kurap siya at pinunasan ang basang mga mata para linawin ang nakikita. Hanggang sa unti-unti niyang napagtanto ang nangyayari. "Move!" Pinaluhod ang matabang lalaki saka tinutukan ng baril ng isang naka-jacket. Nanlaki ang mga mata niya, nanigas siya sa kinatatayuan at hindi malaman kung tatakbo ba palayo o tutulungan ang matabang lalaki. Noon pa man sa eskwelahan, mahilig na talaga siyang mangialam kapag nakikita niyang may inaagrabyado nang walang kalaban-laban. Ipinagtatanggol niya ang mga ito kahit pa masaktan siya. But the situation was different now. These guys were armed. Ano ba ang laban niya sa bala kapag pinaputukan siya? Sa huli ay napagdesisyunan niyang gumapang sa makapal na damuhan, palapit sa kinaruroonan ng mga ito. Malakas ang buhos ng ulan kaya hindi siya napansin ng mga lalaki. Sa gilid din siya dumaan, doon kung saan may mga nakahilerang punong-kahoy na nahaharangan ang paningin ng mga ito. Nagtago siya sa malaking puno. Sakto namang tumila ang ulan kaya mas nangingibabaw na ngayon ang boses ng mga ito. Rinig na rinig na niya ang lahat. "Please, Don Lionzo! Hear me out. This is all just a terrible misunderstanding!" Don Lionzo? Bakit tinatawag na Don ang lalaking naka-polo? Naningkit ang mga mata niyang nakatingin dito. Kung pagbabasihan niya ang ayos nito, masasabi niyang nagmula ito sa pamilyang may mataas na estado ng buhay. Matikas, mukhang mayaman, malinis tingnan, sopistikado at may pinag-aralan. Pero kakaiba ang tapang na makikita sa mga mata nito. Parang hayop na nakahandang manlapa ng kalaban. Kapag nakadaupan niya ng tingin ito, tiyak na siya ang unang bibitiw. Ito kasi ang tipong kahit nakatayo lang doon ay mangingimi kang abalahin ito. He exudes a strong presence that commands fear, respect, hesitant, much like an alpha wolf that others wouldn't want to cross. Lumapit ang matabang lalaki kay Lionzo at akmang hahawak sa polo nito pero mabilis itong nahila ng isang naka-jacket at itinulak patungo sa damuhan, sa mismong harap ng punong pinagtataguan niya. Napasinghap siya sa kaba sabay uko. Natatakot siyang makita. Pero malabo dahil napalilibutan naman siya ng matataas na damo. "Don Lionzo! Please don't do this!" Nanginginig na ang boses ng matabang lalaki. "Have mercy! Please! Forgive me! I promise, I will make things right! Just don't kill me! I have a family, please! I beg you! Forgive me!" Dahan-dahan siyang sumilip at nakita niya ang gwapong lalaki, si Don Lionzo. Sobrang lapit na nito sa kinaruroonan niya at kitang-kita niya na nang mas klaro ang bawat anggulo ng mukha nito. Mas mapula pala ang mga labi nito sa malapitan at ang ilong ay ang ganda ng kurti; manipis at patulis. Perpekto ang panga nito, lalaking-lalaki. Ang mga pilikmata naman nito ay mahahaba at makakapal. Bagay na bagay sa mga mata nito. Nakita niyang hinugot nito ang pakete ng sigarilyo mula sa bulsa ng pantalon ng matabang lalaki, kumuha ito ng isang stick at swabeng sinindihan iyon. Pagkatapos ay dahan-dahan na yumuko sa matabang lalaki saka ibinuga sa mukha ng huli ang usok. Naubo ang matabang lalaki. "Mr. Tiongzon, I'm afraid apologies won't be enough. You know the consequences." Malalim, matigas at malamig ang boses ni Lionzo. Nakakapanindig balahibo. First time niyang makarinig ng ganoong boses at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit may kakaiba itong epekto sa kaniya. Sumilip na naman siya at tinitigan ang kalmadong mukha ni Lionzo. Posible palang magsanib-pwersa ang malaanghel na kagwapuhan at ang malahalimaw na boses? "No! No, please... I have a family! I have a daughter, Don Lionzo. Please don't kill me!" Nagsimula nang humikbi si Mr. Tiongzon habang nakaluhod sa harap ni Don Lionzo. "Don't worry. I'll make your daughter an offer she can't refuse: a bright future." "No! No, please... Not my daughter! Please, Don Lionzo! Parang-awa mo na! Huwag ang pamilya ko!" hagulhol ni Tiongzon. Nagpang-abot na ang sipon at luha nito. Muling humithit ng sigarilyo si Lionzo. Naiinis siya sa mga lalaking naninigarilyo pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, gustung-gusto niyang pinapanood ito kung pa'no nito ilagay sa bibig ang stick gamit ang mahahabang mga daliri, kung paano ito humithit at swabeng bumuga ng usok. "You should have thought that before betraying me, Mr. Tiongzon." "Give me a chance! I'll do anything! Anything, Don Lionzo! Just don't harm my family... Please... Please... I'm begging you!" Muling humithit ng sigarilyo si Lionzo at ipinukol ang upos sa mukha ni Mr. Tiongzon. Pagkatapos ay inilahad nito ang kamay sa isa sa mga naka-jacket na agad namang nilapagan ng baril. Napaatras si Mr. Tiongzon sa pagkasa ni Lionzo ng hawak na baril. Pati siya ay halos hindi na rin humihinga sa tindi ng kaba. Ano'ng gagawin nito? Higit sa lahat, ano ang gagawin niya? Sisigaw ba siya para pigilan ang mga ito sa binabalak kay Mr. Tiongzon? Pero ayaw naman niyang madamay! "Don Lionzo... No! No please, have mercy!" "Beg all you want, but your fate is sealed." Itinapat nito ang dulo ng baril sa noo ni Mr. Tiongzon. Napatayo siya. Hindi pwede! May anak raw si Mr. Tiongzon. Hindi ba ito maaawa sa lalaki?! Nakahanda na siyang sumigaw pero nalunok niya ang sariling boses nang mabilis na umalingawngaw ang malakas na putok at sa harap mismo ng mga mata niya, kitang-kita niya ang pagsabog ng dugo mula sa ulo ni Mr. Tiongzon. 'Hindi!' Napatakip siya sa kaniyang bibig. Binaril talaga nito ang matabang lalaki! Mga walang awa! Walang konsensya! Lalo na ang Lionzo na iyon! Halimaw ito! Kriminal! Wala man lang bahid na pagsisisi sa mukha nito habang ibinabalik ang baril doon sa lalaking naka-jacket. Nanginginig siyang napasandal sa puno. 'Nagkamali ako. Akala ko sila na ang makatutulong sa akin. Masasamang tao pala sila! Ano pa ba ang ginagawa ko rito? Baka makita pa nila ako at ako ang isunod! Dahan-dahan siyang gumapang palayo sa pinagtaguan niya. Sinisikap niyang maibalanse ang nanginginig niyang katawan. Bigla na lang kasi siyang nanghina, naluha, natakot dahil sa nasaksihang krimen. Sana hindi na niya nakita, sana pumikit na lang siya. Sana umalis na lang siya bago nangyari ang lahat. "Andiamo." (Let's go) boses iyon ni Lionzo. Muli siyang kinilabutan, parang may maliliit na karayom ang biglang gumapang sa kaniyang balat. Tumayo siya sabay hakbang nang malaki nang hindi sinasadyang naapakan niya ang tuyong sanga. Naglikha iyon ng malutong na ingay dahilan para makuha niya ang atensyon ng tatlong lalaki. Napalingon ang isa. "Cazzo! C'è qualcuno che ci ha visti!" (Fuck! Someone saw us!) Lumingon din sa kaniya si Lionzo at nang makasalubong niya ang abuhin nitong mga mata ay tuluyan na siyang nanigas. Nagmistula siyang mahinang paru-paro na sinakop ng matalim nitong titig. "Get her!"Caliste had fulfilled her promise. And Lionzo hadn't. Tumingin si Lion sa maliit na mukha ni Belleza. Bawat sulok ng magandang mukha nito ay isa-isa niyang pinagmamasdan, pinag-aaralan. Maga ang mga mata, may bakas pa ng luha sa makinis nitong pisngi. Ang kamay naman nito ay nakakuyom pa rin sa damit nito kahit tulog na, na para bang hanggang sa panaginip ay nanggigigil ito at gusto siyang saktan. Nakatulog si Belleza sa mga bisig niya kaiiyak. Hindi niya lubos maisip ang halu-halong emosyong nararamdaman nito habang inaakala nito na pinaglalaruan lang niya ito. Malamang ay iniisip ni Belleza na handa siyang ipagpalit ito kay Caliste. Parang piniga ang puso niya sa tuwing naaalala ang mga paghihirap nito nang dahil sa kagagawan niya. Bakit ba siya nasasaktan para sa babae? "Damn it!" Kumalas sya sa pagkakayakap kay Belleza at tumihaya. Matagal na rin siyang hindi nakakaramdam nang paglambot. Ang buong akala niya ay bato na siya, pero ang totoo, nabalot lang pala ng yelo an
Biglang tumahimik si Lion pagkatapos ng mga sinabi ni Belleza. Hindi niya alam kung pumayag ba ito o hindi. He just went silent. Then he hugged her. "Rest for now. You need it," bulong nito. Umatras si Belleza. Bigla siyang natuliro. Bakit hindi ito makasagot nang direkta? Nagbago ba ang isip nito? Dahil ba sa nangyari? O dahil napagtanto nitong hindi naman talaga siya nito mahal? Dahil si Caliste... Ang babaeng iyon naman talaga ang mahal nito! Tiningnan niya si Lionzo sa mga mata at pilit na hinahanap ‘yung sagot. "Ayaw mo?" kabado niyang tanong pero sinikap niyang magmukhang matigas. Lion didn't answer. Sa halip, hinalikan lang siya nito sa sentido. Magaan. Masyadong marahan.
"You're pregnant. But the baby's gone." Natulala si Belleza. Hindi n'ya malaman ang sasabihin, ang gagawin lalo na ang mararamdaman. Inaabangan naman ni Rozz ang magiging reaksyon niya pero ilang segundo na ay nanatili pa rin siyang walang imik."Belleza," tawag ni Rozz. Hindi niya ito pinansin, ni hindi niya nilingon. "Alam kong galit ka. Kahit anong paliwanag ko, I know you wouldn't listen. Pero gusto ko pa ring malaman mo, hindi sinasadya ni Lion ang nangyari. Wala siya sa sarili nang gawin niya sa iyo iyon. May sakit siya, Belleza." Nanatili siyang nakatingin sa kawalan, sa labas ng salaming bintana ng hospital. Walang emosyon ang mukha. Walang kibo."Belle, k-kung pwede, huwag mo sanang isumbat sa kaniya ang nangyari sa anak ninyo. Hindi niya sinasadya. Please, baka lumala lang ang sakit niya." Natigilan si Rozzwell nang bigla siyang tumawa. Tawang malakas na umaalingawngaw sa loob ng silid, pero walang laman, walang emosyon. Naluluha na siya sa katatawa. Nag-aalala namang
Continuation🔞Trigger Warning: ⚠️ The following scene depicts intense physical violence, sexual assault, and non-consensual acts."I'm sorry, mom... I'm sorry... I'm sorry..."Tahimik siyang humahagulgol habang yakap ang ina. Walang ibang naririnig na ingay ng mga sandaling iyon kundi ang mga paghingos niya at ang mabibigat niyang paghinga.Mayamaya ay isang demonyong halakhak ang kumudlit sa katahimikan at bumasag sa pandinig ni Lion. Parang kutsilyong tumatarak sa utak niya ang bawat hagikgik nito. Paglingon niya ay tumambad ang leader na nanginginig ang balikat sa katatawa at kumikislap ang mga mata sa tuwa na para bang isang nakaaaliw na palabas ang nasasaksihan."Hahaha! Good job! Good job!" Pumalakpak pa ito. Mayamaya'y tumigil ito sa pagtawa at nagtatagis ang bagang na tumitig sa kaniya. "How foolish! Just like your father! Did you really think I'd let either of you walk out of here alive?" Ipinitik nito ang mga daliri, saka naman kumilos ang lalaking may hawak sa kaniyang
***"Belleza! What have you done?!" "S-sabi mo akin ka lang. Kaya akin ka lang dapat, Lion... Hanggang kamatayan!" Napaawang ang mga labi ni Lion at marahas na tinulak si Belleza palayo sa kaniya. Bumagsak ang babae na kaagad na bumaluktot sa sahig habang hawak ang sariling leeg at tiyan. Hindi na niya ito pinagtuunan ng pansin at kaagad na dinaluhan si Caliste."Caliste!" "L-Lion..." Niyakap niya ito nang mahigpit. Nang dumaloy sa kaniyang kamay ang sariwang dugo mula sa sugat nito sa tiyan ay unti-unting nagbago ang expression ng kaniyang mukha. Biglang nanginig ang mga kamay niya."Aiuto!" Humigpit ang paghinga ni Caliste habang nakakapit sa roba ni Lion. "Lion, aiutami, per favore! Help me!" Help...'Help...''Help! Lion, aiutami, per favore!'Umalingawngaw sa tainga niya ang daing nito, paulit-ulit na parang sirang plaka. Napapikit siya at sa isang iglap ay tila bigla na lamang siyang nilunod sa kawalan at hinila ng malakas na pwersa patungo sa bangungot ng kaniyang nakaraa
MALALIM na ang gabi, tahimik at madilim. Mahimbing na ang tulog ni Belleza nang maulinigan niya ang ingay mula sa ibaba. Pupungas-pungas siyang bumangon. Wala si Lionzo sa kaniyang tabi at bukas ang pinto ng silid. Nasaan na naman kaya ito? Kinuha niya ang kaniyang manipis na roba at isinuot bago lumabas. Sa hagdan pa lang ay sumalubong na sa kaniya ang boses ng babae na tila lasing na nagwawala. "Lionzo, you promised me! You swore you'd only marry me! And now you're suddenly engaged to someone else?! Sabi mo, lalayo ka lang saglit at aayusin ang sarili mo, and I believed you! But why did you replace me?! Sei un bugiardo! Bugiardo!" (You're a liar! Liar!) Kumunot ang kaniyang noo. Kaagad na binalot ng katanungan ang kaniyang isip kung sino ang babaeng maingay na iyon. Bukod sa kaniya at sa kaniyang personal maid, wala nang ibang babaeng nakakapasok doon. Baka naman drama lang iyon sa TV. Baka nanonood si Salvatore. Pero tinawag nito ang pangalan ni Lion! Dahan-dahan siyang nag
"Kneel, Belleza," maawtoridad na utos ng matangkad na lalaking nakatayo sa harap niya. Nasa loob na sila ng silid. Sa pagpasok pa lang ay nabalot na agad iyon ng tensyon sa pagitan nila. Bakas sa gwapong mukha nito ang pagkadismaya nang husto sa ginawa niya kanina sa harap ng ibang tao kaya gusto
Bukas na ang kasal, at sa bisperas ay nagpahanda ng malaking party si Lion. Dumalo ang ilang kasusyo nito sa negosyo at ilang malalapit na Doctor sa hospital na pag-aari nito. Naroon din ang lahat ng mga kasamahan nito sa isang organization. Mga maimpluwensyang tao, kilala sa larangan ng mga nego
Patay-malisya siyang umupo sa tapat ng dalawang lalaki at tumitig kay Rozz na ngayon ay abala na sa kaharap na laptop, as if he's really focused pero ang totoo'y nakikiramdam lang. Sumulyap ito sa kaniya. Kitang-kita niya ang paghigpit ng mga panga nito nang malamang nakatitig siya. She's amused
NATULOG lang buong maghapon si Belleza sa kwarto ni Lionzo. Wala siyang ganang bumangon. Mabigat ang pakiramdam niya, sa tuwing pinipilipit niya ang sarili ang nanlalabo ang paningin niya at nahihilo. Ilang araw na nga bang siyang ganoon. Hindi niya matandaan kung kailan nagsimula ang ganoon, basta







