LOGINPUMANAOG si Aria patungong masters’ suite sa ikalawang palapag, bawat hakbang ay parang pagpasan ng napakabigat na krus. Sa loob ng malawak na dressing room, pilit niyang pinakalma ang sarili habang humaharap sa malaking vanity mirror.
Namumula ang kanyang mga mata, at may tuyong bakas ng dugo sa kanyang pisngi. Mabilis siyang kumuha ng wet wipe para linisin ang mukha, bago idinikit ang isang maliit na waterproof bandage sa nasugatan niyang daliri. Sa kabila ng hapdi, wala siyang karapatang magpahinga. Nagpalit siya ng isang pormal na navy blue cocktail dress, simple pero elegante, sapat para hindi agawin ang pansin mula kay Maris o Dianne, pero sapat din para magmukhang kaaya-aya sa harap ng mga bisita. Kumuha siya ng kapal na concealer para itago ang pamamaga ng kanyang mga mata at ang kaputlaan ng kanyang balat. Nang marinig niya ang tunog ng mga mamahaling sasakyan na pumasok sa driveway ng mansyon, huminga siya nang malalim. Tagumpay nang nakarating ang European delegation ng Sterling Group. Pababa na siya ng hagdan nang marinig ang matatag at pormal na boses ni Drake na nagsasalita sa Ingles, nakikipagpalitan ng mga biro sa dalawang banyagang nakasuot ng mamahaling mga suit. Si Maris ay nakatayo sa tabi nito, nakangiti nang napakalapad habang hawak ang isang wine glass, samantalang si Dianne naman ay abala sa pag-arteng isang refined at modernong socialite. "Ah, and here is my wife, Aria," maayos na pakilala ni Drake nang mapansin ang pagbaba niya. Awtomatikong nagbago ang mukha ni Drake. Naglaho ang matalim at malamig nitong titig kanina, napalitan ng isang mainit, maalaga, at romantikong ngiti, isang ngiting pang-camera, pang-PR stunt, at pang-front page ng business magazine. Lumapit si Drake sa kanya at maingat na humawak sa kanyang waist, hinila siya nang bahagya para maidikit sa kanyang tabi. Ang hawak nito ay tila isang sweet gesture para sa mga bisita, pero naramdaman ni Aria ang di-nakikitang diin ng mga daliri ng lalaki sa kanyang tagiliran, isang paalala na huwag siyang magkakamali. "Good evening," pilit na ngumiti si Aria, iniaabot ang kanyang kamay sa mga bisita. "Welcome to our home. It's an honor to have you here tonight." "She works tirelessly to make sure everything in this house runs smoothly," dagdag ni Drake, pinalalabas na isang responsableng katuwang sa buhay si Aria habang inilalapat ang isang mabilis at pormal na halik sa gilid ng kanyang noo. "I don't know what I'd do without her grounded presence." Lumingon si Maris at nagpakawala ng isang refined na tawa. "Yes, Aria loves taking care of the home. We always encourage her to keep things simple." Ipinagpatuloy ng pamilya Sterling ang panggagago sa buong silid. Sa bawat minutong lumilipas habang tumatagal ang dinner, mas lalong nararamdaman ni Aria ang labis na kasinungalingan sa loob ng kwartong iyon. Si Drake ay ang ideal modern CEO; si Maris ang matriarch na may pusong mamon; si Dianne ang supportive na nakababatang kapatid. At siya? Siya ang palamuti, ang ebidensya na ang Sterling family ay may "puso." Nang magsimula nang maglakad ang grupo patungo sa grand dining hall para sa appetizer, tahimik na umatras si Aria. Walang nakapansin sa kanyang pag-alis—o mas tamang sabihin, walang nag-alala na nawala siya. Hindi na niya kayang huminga sa loob ng airconditioned na silid na puno ng plastik na ngiti at mabibigat na pabango. Kailangan niya ng hangin. Kailangan niyang lumabas kahit limang minuto lang. Dahan-dahan siyang lumabas sa side exit door na patungo sa malawak na landscaped garden ng mansyon sa Forbes Park. Malamig ang hangin sa labas ngayong gabi. Ang mga modernong LED lights na nakabaon sa damuhan ay nagbibigay ng kakaibang liwanag sa mga mamahaling halaman at imported na mga puno. Sa malayo, naririnig ang mahinang tunog ng mga sasakyang dumadaan sa eksklusibong kalsada ng subdivision, pero sa loob ng perimeter wall ng mga Sterling, tahimik. Huminga nang malalim si Aria, isinandal ang kanyang likod sa cold concrete wall sa gilid ng courtyard. Tiningnan niya ang kanyang daliri. May kaunting dugo na naman na tumatagos sa bandage. "Hanggang kailan..." bulong niya sa dilim, habang ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan ay muling nag-unahang pumatak. "Hanggang kailan ko kayang panindigan 'to?" Habang pinupunasan niya ang kanyang mukha, nakarinig siya ng mahinang kaluskos mula sa may gilid ng malaking hedge maze malapit sa servant's quarters. Mabilis na pinagpag ni Aria ang kanyang damit at inayos ang kanyang tayo. Ayaw niyang may makakita sa kanyang umiiyak, lalo na ang sinuman sa mga kasambahay na mabilis magsumbong kay Maris. Mula sa dilim ng garden pathways, isang matangkad na lalaki ang dahan-dahang lumabas. Nakasuot ito ng simpleng dark green utility shirt na may kunot sa manggas, kupas na maong na pantalon, at makapal na work boots na may kaunting dumi ng lupa. May hawak itong pares ng heavy-duty pruning shears at isang leather work glove sa kabilang kamay. Napatigil ang lalaki nang mapansin si Aria. Hindi ito pamilyar. Sa laki ng mansyon at sa dami ng tauhang pabalik-balik, mabilis malaman kung may bagong mukha. At ang lalaking ito, may kakaibang tindig na hindi mo karaniwang makikita sa isang karaniwang kasambahay. Malapad ang kanyang mga balikat, matipuno ang panga, at bagaman nakayuko nang kaunti, mararamdaman ang isang matatag at tahimik na presensya. Si "Zane"—ang bagong kuha na stay-in gardener na kararating lang noong nakaraang araw para ayusin ang malawak na grounds ng mansyon. Iyon ang pagkakakilanlan niya sa mga papel. Walang sinuman sa mansyong iyon ang nakakaalam na sa likod ng simpleng kasuotang iyon at sa dumi sa kanyang boots, ang lalaking nakatayo sa harap ni Aria ay walang iba kundi si Zane Thorne—ang Harvard-educated billionaire at CEO ng Thorne Enterprises na nagpanggap na utusan para pasukin ang kuta ng mga Sterling. Tumingin si Aria sa lalaki. " S-Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa oras na 'to?" Huminto si Zane ilang hakbang ang layo mula sa kanya. Sa ilalim ng malamig na liwanag ng garden lights, nagtama ang kanilang mga mata. Walang ngiti sa mga labi ni Zane. Walang gulat. Wala ring kahit anong bakas ng paggalang o takot na karaniwang ipinapakita ng mga bagong empleyado kapag nakakaharap ang "misis" ng bahay. Malamig ang kanyang mga mata, kasing lalim at kasing diling ng gabi. Titig na tila ba binabasa ang kabuuan ng pagkatao ni Aria sa loob lamang ng ilang segundo. Nakita ni Zane ang namumulang mga mata ng babae, ang munting sugat sa daliri nito, ang mamahaling damit na tila hindi nababagay sa taong mukhang basag ang kaluluwa. Para kay Zane, si Aria ay bahagi pa rin ng pamilya Sterling—ang pamilyang pumatay sa kanyang ama at nagnakaw ng kaniyang pamana. Wala siyang dahilan para maawa sa babaeng pinili ang maging asawa ng isang tulad ni Drake Sterling. Nabasag ang katahimikan nang magsalita si Zane. Ang kanyang boses ay mababa, garalgal, at walang alinlangang pormal pero may halong lamig. "Inaayos ko lang po ang mga halaman sa West Wing, Ma'am," sagot ni Zane. Walang emosyon. Walang kagalang-galang na yuko ng ulo. Deretso lang siyang nakatingin. "Pauwi na rin po ako sa quarters." Napalunok si Aria. Naramdaman niya ang pader sa pagitan nila. Bahagyang ibinaling ni Zane ang tingin sa hawak nitong shears bago muling tumingin kay Aria, isang mabilis at kwestyunableng titig bago tinalikuran ang babae nang walang anumang paalam. Naglakad ito pabalik sa madilim na bahagi ng bakuran, ang mabibigat nitong hakbang ay dahan-dahang napawi sa katahimikan ng gabi. Naiwang nakatayo si Aria sa gitna ng malamig na hangin, nakatitig sa bakanteng daan kung saan nawala ang bagong hardinero. Isang matinding kapaitan ang muling bumalot sa puso ni Aria. Bahagya siyang napatawa nang mahina at walang saya. Kahit ang bagong hardinero, ay walang pakialam sa kanya. Marahil ay nakarating na rin sa mga kasambahay ang tsismis, na siya ay isang walang kwentang asawa, isang babaeng ibinili lang gamit ang pera, at isang taong walang totoong kapangyarihan sa bahay na ito. Sa mata nina Maris at Dianne, isa siyang utusan. Sa mata ni Drake, isa siyang obligasyon at kasangkapan sa negosyo. At sa mata ng mga taong nagtatrabaho sa ilalim ng mga Sterling... isa siyang puppet na hindi nararapat igalang. Pinunasan ni Aria ang natitirang luha sa kanyang pisngi, inayos ang kanyang posture, at pilit na itinayo ang kanyang ulo. Wala siyang kakampi sa bahay na ito. Mula sa tuktok ng grand staircase hanggang sa pinakadulong sulok ng bakuran, mag-isa lang siya. Huminga siya nang malalim at humakbang pabalik patungo sa liwanag ng dining hall, pabalik sa kulungang gawa sa ginto, kung saan kailangan niyang magsuot muli ng pampublikong ngiti at magpanggap na masaya...PAGSAPIT ng alas-nuwebe ng gabi. Nabalot ng matinding katahimikan ang ikalawang palapag ng mansyon sa Forbes Park. Naglakad si Zane paakyat sa dimly lit staircase ng West Wing. Naka-suot pa rin siya ng kanyang kupas na dark green utility shirt at maong. Ang bawat hakbang niya sa makapal na rug ay mahina at kalkulado.Nang makarating sa tapat ng study room, dahan-dahang kumatok si Zane sa mabigat na pinto."Pasok," malamig na boses ni Drake mula sa loob.Nakasandal si Drake sa kanyang malaking executive desk, hawak ang isang baso ng single malt scotch habang nakatitig sa pintuan.Ibinaba ni Zane ang kanyang ulo nang pumasok. "Sir Drake. Pinapatawag niyo raw po ako."Tumayo si Drake, naglakad patungo sa pinto, at mabilis itong ini-lock. Matapos niyon ay hinarap niya si Zane na nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi."I have a proposition for you, Jay," panimula ni Drake habang dahan-dahang lumalapit sa hardinero. "Isang malaking opportunity na magbabago sa buhay mo.""Ano po 'yon, Sir?"
KINABUKASAN, maagang nagising si Drake. Sa kabila ng malamig na hangin sa loob ng kanyang study room, hindi siya mapakali. Pabalik-balik siya sa paglalakad sa tapat ng malaking salamin ng bintana habang hawak ang porselanang tasa ng kape.Nasa ibabaw ng kanyang desk ang pirma ni Aria sa confidentiality agreement. Hawak na niya ang usapan, pero naroon pa rin ang pinakamalaking problema, sino ang lalaking gagamitin niya?Ayaw niyang kumuha ng taga-agency. Ayaw niya sa mga lalaking galing sa mga kilalang klinika o luxury escort services sa BGC at Makati. Ang mga taong ganoon ay matatalino, may access sa mga abogado, at pwedeng mag-iwan ng paper trail. Kapag naamoy ng media o ng mga kalaban niya sa negosyo na hindi sa kanya ang anak na dadalhin ni Aria, bagsak ang imahe niya. Masisira ang ipinagmamalaki niyang pangalan."Kailangan ko ng taong walang laban," pabulong na sabi ni Drake sa sarili habang pinalalabas ang usok ng kanyang cigar. "Someone completely invisible. Isang taong gipit sa
ALAS-NUWEBE na ng gabi. Nasa loob ng study si Drake at nakaupo sa paborito nitong swivel chair, habang nakatayo naman si Aria sa tapat ng mahogany desk. Naka-simpleng pambahay na damit siya, habang ang kanyang mga kamay ay nakakuyom sa kanyang gilid. Sa ibabaw ng mesa, nakalapag ang tatlong pahina ng isang legal document, ang Surrogate Confidentiality Agreement. Nakasandal si Drake sa kanyang swivel chair, may hawak na ballpen habang malamig na nakatitig sa kanya."Pumirma ka na, Aria," pormal at walang emosyong utos ni Drake. "Huwag mo nang patagalin pa 'to."Tumingin si Aria sa huling pahina ng kontrata. Nakaturo roon ang maliit na linya kung saan nakasulat ang kanyang buong pangalan na Aria Vance-Sterling."Drake..." mahinang pakiusap ni Aria, ang kanyang boses ay nanginginig pa rin mula sa takot at kapaguran. "Sigurado ka ba rito? Pwede naman tayong mag-adopt na lang. Pwede nating sabihin sa media at sa pamilya mo na—""Adopt?!" galit na putol ni Drake, sabay hampas ng kanyang p
KINABUKASAN...Mabigat ang bawat hakbang ni Aria habang binabagtas ang mahabang pasilyo ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City. Maaga siyang nagpaalam kay Maris pagkatapos niyang maihain ang almusal. Kahit may kasamang irap at panlalait mula sa biyenan, pinayagan din siyang umalis nang dalawang oras para bisitahin ang kanyang ina.Naka-simpleng maong at cardigan lang si Aria. May suot siyang face mask na bahagyang tumatakip sa namumula at kumikirot niyang pisngi, ang bakas ng marahas na sampal ni Drake kagabi.Pagtapat niya sa pinto ng Room 612, huminto muna si Aria. Huminga siya nang malalim at pilit na pinatag ang kanyang puso bago dahan-dahang itinulak ang pinto.Amoy ng disinfectant, alcohol, at malamig na hangin mula sa aircon ang agad na sumalubong sa kanya. Sa gitna ng maayos ngunit tahimik na kwarto, nakahiga ang kanyang ina na si Elena. Nakapikit ito, payat na payat, at napapalibutan ng iba't ibang medical monitor. Ang tuluy-tuloy na tunog ng heart monito ang t
LAGANIT ng mga gulong sa basang semento ng driveway ang nagpabalik sa wisyo ni Aria nang huminto ang sasakyan sa tapat ng porch ng mansyon sa Forbes Park. Walang imik si Drake sa buong biyahe mula BGC, pero ang paraan ng pagpisil nito sa steering wheel, ay sapat na para mag-iwan ng matinding kaba sa dibdib ni Aria.Pagkababa ng sasakyan, hindi man lang siya hinintay ni Drake. Kaladkad nito ang kanyang braso habang mabilis na binabaybay ang grand staircase patungo sa ikalawang palapag, dinala siya diretso sa loob ng masters' suite at pabalagbag na isinarado ang mabigat na pinto.Ini-lock ni Drake ang pinto at inihagis ang kanyang suit jacket sa ibabaw ng kitang-kitang king-sized bed. Sa ibabaw ng glass nightstand, dahan-dahan niyang inilapag ang kulay itim na envelope mula sa St. Luke’s Medical Center."Drake... anong nangyayari sa 'yo?" nanginginig na tanong ni Aria, nakahawak sa kanyang braso na may pulang marka dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng asawa. "Ano ba 'yang papel na 'yan?
NAGKIKISLAPAN ang malaking chandelier ng Shanghai Saloon sa Bonifacio Global City. Ang mamahaling Chinese fine-dining restaurant ay eksklusibong inarkila ng Sterling Group ngayong gabi ng 2026 para sa kanilang victory at expansion dinner. Amoy ng mamahaling wine, roasted duck, at mga imported na pabango ang pumupuno sa malamig na silid.Nakatayo si Aria sa tabi ng malaking banquet table, nakasuot ng elegante at simpleng cream-colored Silk gown na pinili ni Maris.Nakaayos nang maayos ang kanyang buhok, at ang kapal ng makeup sa kanyang mukha ay sapat para itago ang pamamaga ng kanyang mga mata at ang kaputlaan ng kanyang balat mula sa pang-aabuso kagabi."Smile, Aria," pabulong at malamig na utos ni Drake habang pinalilibutan ang beywang ng asawa ng kanyang braso para sa mga nakatapat na camera ng mga business journalists. "Look like a happy wife."Pilit na ngumiti si Aria. Inilagay niya ang kanyang kamay sa braso ni Drake, ibinibigay ang tamang postura na hinihingi ng lipunan."Mr. S







