LOGINMALAMIG at tuyo ang hanging nagmumula sa mga ceiling-mounted aircon ng grand dining room. Sa ibabaw ng mahabang narra table na natatakpan ng imported French linen, nagniningning ang mga silver cutlery at crystal stemware. Naka-set up na ang lahat para sa main course.
Bahagyang inayos ni Aria ang collar ng kanyang navy blue dress bago pumasok nang tahimik sa silid. "Ah, there she is," nakatutuwang pahayag ni Drake nang mapansin ang kanyang pagpasok. Agad itong tumayo at inalalayan si Aria sa bakanteng upuan sa kanyang kabi-kabila. Ang hawak ni Drake sa kanyang balikat ay mabilis at tila pormal, pero ang mga daliri nito ay may sapat na diin para mag-iwan ng tahimik na babala. ‘Behave.’ "Aria was just checking on the dessert menu," pautal-utal na pagsisinungaling ni Maris na may kasamang eleganteng tawa habang nakatingin sa dalawang foreign investors mula sa Europa. "She’s very hands-on when it comes to hospitality. Right, dear?" "Yes, Mama," pilit na ngumiti si Aria at tumango sa dalawang banyaga. "I hope you are enjoying the evening, Mr. Weber, Mr. Lee.” "The wine selection is exquisite, Mrs. Sterling," tugon ng mas nakatatandang investor na si Mr. Lee habang itinataas ang kanyang baso. "Drake mentioned that Sterling Group is expanding its commercial footprint in Taguig. It takes a stable home to manage such aggressive corporate growth." "Family is everything to us, Mr. Lee," seryosong sagot ni Drake habang dahan-dahang hinahawakan ang kamay ni Aria sa ibabaw ng mesa. Warm ang hawak nito sa paningin ng iba, pero nararamdaman ni Aria ang lamig at kawalan ng emosyon sa balat ng kanyang asawa. "My wife keeps me grounded. Without her, I wouldn't have the clarity to lead our high-stakes acquisitions." Tahimik na napainom ng iced water si Dianne na nakaupo sa kabilang dulo ng mesa. Nagpakawala ito ng isang maikling, halos di-marinig na panunuya bago ibinaling ang tingin sa kanyang phone. "Oh, Drake is too humble," singit ni Maris, mabilis na kinukuha ang atensyon ng lahat. "He works eighteen hours a day. Aria simply ensures that he comes home to a peaceful space. That’s her main contribution." Ang bawat salita ni Maris ay parang balot sa kadena ng pelus, sopistikada pakinggan, pero punung-puno ng pangmaliit. Pinagmumukha nitong walang ibang kakayahan si Aria kundi ang maging isang dekorasyon sa buhay ng kanyang anak. Umayos ng upo si Aria. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa ilalim ng mesa at itinuon ang pansin sa dulo ng kanyang panyo, pilit na iniiwasan ang mahapding kirot sa kanyang nasugatang daliri. Sanay na siya. Sa loob ng dalawang taon, ito ang paboritong laro ng pamilya Sterling—ang itaas si Drake sa pedestal habang dahan-dahang ipinapaalala kay Aria kung gaano siya kababa sa pamamagitan ng mga pino at pasaring na pananalita. Sa labas ng malalaking floor-to-ceiling glass panel ng dining hall, madilim at tahimik ang courtyard. Nakatayo si Zane sa gilid ng mga matataas na ornamental shrubs, sakop ng lilim ng malaking Balete tree. Hawak pa rin niya ang heavy-duty pruning shears, pero nakatigil ang kanyang mga kamay. Sa posisyon niyang iyon, kitang-kita niya ang kabuuan ng dining hall dahil sa maliwanag na ilaw mula sa loob. Malamig ang kanyang mga mata habang pinapanood ang eksena. Nakalagay sa profile file na ibinigay sa kanya ng kanyang confidential team sa Thorne Enterprises na si Aria ay isang "ambitious middle-class woman who hit the jackpot." Ayon sa background check na ginawa nila bago siya pumasok sa mansyong ito bilang hardinero, pumayag si Aria sa isang sudden marriage deal kay Drake Sterling kapalit ng pagbabayad sa milyun-milyong utang ng pamilya nito sa ospital. Para kay Zane, malinaw ang kwento—panibagong social climber na nagbenta ng sarili sa pamilyang nagnakaw at pumatay sa kanyang ama. Subalit, habang nakatayo siya sa dilim ngayong gabi, iba ang nakikita ng kanyang mga mata. Nakita ni Zane kung paano hawakan ni Drake ang kamay ng babae, hindi tulad ng isang nagmamahal na asawa, kundi tulad ng isang taong humahawak sa isang pag-aari na kailangan lang idisplay. Nakita rin niya ang bahagyang pag-atras ng mga balikat ni Aria tuwing magsisimulang magsalita si Maris, ang maingat at takot na mga galaw ng babae tuwing titingin ito sa pamilya Sterling. Higit sa lahat, nakita niya ang maliliit na bakas ng dugo na bahagyang tumagos sa bandage ng daliri ni Aria habang pinipisil nito ang sariling kandungan sa ilalim ng mesa. ‘Is she really an accomplice, or just another collateral damage?’ tanong ni Zane sa kanyang sarili. Naiyukom niya ang kanyang palad sa loob ng leather work glove. Galit siya sa mga Sterling. Ang pamilyang iyon ang dahilan kung bakit nawala ang shipping fleet ng pamilya Thorne, kung bakit pinatay ang kanyang ama nang tumanggi ito sa iligal na kasunduan, at kung bakit kinailangan niyang mag-aral sa Harvard Business School sa ilalim ng matinding galit at paghihiganti. Narito siya para sirain ang Sterling Group mula sa loob. Walang lugar ang awa sa kanyang plano. Pero habang tinititigan niya si Aria, isang babaeng nakasuot ng mamahaling damit pero mukhang bilanggo sa sarili nitong mesa, nakaramdam si Zane ng isang kakaibang disgusto. Hindi para kay Aria, kundi para sa paimbabaw na palabas ng pamilya Sterling. "So, Mrs. Sterling," tanong ni Mr. Weber habang nakatingin kay Aria. "Drake mentioned that you came from a modest background before joining the family business ecosystem. How are you adapting to this scale of corporate lifestyle?" Napatingin si Aria sa investor. Bago pa man siya makapagsalita, agad nang sumingit si Dianne nang may patagong ngiti. "Oh, Aria handles it by staying out of the corporate side completely, Mr. Weber," wika ni Dianne sa kanyang pinakamasayang boses. "We prefer her focusing on... home management. Business decisions can get too complex, you know? Kuya handles the heavy thinking." Bahagyang natawa ang dalawang investor, inaakalang isang simpleng biro lamang iyon ng pamilya. Nanatiling tahimik si Drake. Wala man lang itong ginawang pagtatanggol o paglilinaw. Hinayaan nito ang kanyang kapatid na ipamukha sa harap ng mga foreign business partners na walang utak ang kanyang asawa. "Yes," mahinang sagot ni Aria, pilit na ipinapanatili ang pormal na tono ng kanyang boses habang nakatingin sa kanyang plato. "My role is simply to support Drake." "And she does it adequately," dagdag ni Drake sa malamig at pormal na boses, bago mabilis na inilipat ang paksa. "Speaking of our Taguig project, Mr. Vance, the board has already cleared the environmental compliance certificates for the commercial towers..." Nagpatuloy ang kwentuhan tungkol sa milyon-milyong investment, real estate developments, at corporate acquisitions. Nagmukhag totoong palamuti si Aria sa tabi ng kanyang asawa, isang taong naroon lang para punan ang bakanteng upuan at magbigay ng tamang imahe sa mga bisita. Hindi na kumain si Aria. Nakaipon lang ang pagkain sa kanyang plato habang pilit niyang tinitiis ang matinding sikip sa kanyang dibdib. Ang bawat tawa nina Maris at Dianne ay parang sampal sa kanyang mukha, at ang malamig na balikat ni Drake sa kanyang tabi ay paalala kung gaano siya kababa sa bahay na ito. Sa labas ng salamin, hindi inalis ni Zane ang kanyang tingin. Nakita niya ang dahan-dahang pagpikit ni Aria, ang mabilis nitong paghinga para pigilin ang panibagong luha, at ang paraan ng pagyuko nito para hindi mapansin ng mga bisita ang kanyang pagdurusa. ‘You're letting them crush you,’ naisip ni Zane habang nakatitig sa babae mula sa dilim. May matinding galit na dumaan sa mga mata ni Zane. Galit sa kakapal ng mukha ng mga Sterling na magpanggap na malinis at perpekto, habang itinuturing na basura ang mga taong nasa ilalim nila. Bahagyang gumatol ang boses ni Zane sa sarili nitong pag-iisip. Pumasok siya sa mansyong ito para hanapin ang mga dokumentong mag-uugnay sa ama ni Drake sa pagkamatay ng kanyang daddy at sa ilegal na pag-agaw sa mga pantalan ng Thorne fleet. Hindi siya naparito para maging bayani ng isang nasasaktan na asawa. Subalit, habang tinitingnan niya si Aria na patuloy na nagtitiis sa gitna ng mga plastik na ngiti sa loob ng maliwanag na silid, naramdaman ni Zane ang unang pagdududa sa kanyang pansariling paniniwala. Dahan-dahan niyang itinago ang pruning shears sa kanyang gilid at pinalipas ang ilang segundo bago tinalikuran ang bintana. Naglakad siya pabalik sa servant’s quarters sa kabilang dulo ng bakuran, iniwan ang malamig na liwanag ng dining hall at ang babaeng nakakulong sa loob nito...PAGSAPIT ng alas-nuwebe ng gabi. Nabalot ng matinding katahimikan ang ikalawang palapag ng mansyon sa Forbes Park. Naglakad si Zane paakyat sa dimly lit staircase ng West Wing. Naka-suot pa rin siya ng kanyang kupas na dark green utility shirt at maong. Ang bawat hakbang niya sa makapal na rug ay mahina at kalkulado.Nang makarating sa tapat ng study room, dahan-dahang kumatok si Zane sa mabigat na pinto."Pasok," malamig na boses ni Drake mula sa loob.Nakasandal si Drake sa kanyang malaking executive desk, hawak ang isang baso ng single malt scotch habang nakatitig sa pintuan.Ibinaba ni Zane ang kanyang ulo nang pumasok. "Sir Drake. Pinapatawag niyo raw po ako."Tumayo si Drake, naglakad patungo sa pinto, at mabilis itong ini-lock. Matapos niyon ay hinarap niya si Zane na nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi."I have a proposition for you, Jay," panimula ni Drake habang dahan-dahang lumalapit sa hardinero. "Isang malaking opportunity na magbabago sa buhay mo.""Ano po 'yon, Sir?"
KINABUKASAN, maagang nagising si Drake. Sa kabila ng malamig na hangin sa loob ng kanyang study room, hindi siya mapakali. Pabalik-balik siya sa paglalakad sa tapat ng malaking salamin ng bintana habang hawak ang porselanang tasa ng kape.Nasa ibabaw ng kanyang desk ang pirma ni Aria sa confidentiality agreement. Hawak na niya ang usapan, pero naroon pa rin ang pinakamalaking problema, sino ang lalaking gagamitin niya?Ayaw niyang kumuha ng taga-agency. Ayaw niya sa mga lalaking galing sa mga kilalang klinika o luxury escort services sa BGC at Makati. Ang mga taong ganoon ay matatalino, may access sa mga abogado, at pwedeng mag-iwan ng paper trail. Kapag naamoy ng media o ng mga kalaban niya sa negosyo na hindi sa kanya ang anak na dadalhin ni Aria, bagsak ang imahe niya. Masisira ang ipinagmamalaki niyang pangalan."Kailangan ko ng taong walang laban," pabulong na sabi ni Drake sa sarili habang pinalalabas ang usok ng kanyang cigar. "Someone completely invisible. Isang taong gipit sa
ALAS-NUWEBE na ng gabi. Nasa loob ng study si Drake at nakaupo sa paborito nitong swivel chair, habang nakatayo naman si Aria sa tapat ng mahogany desk. Naka-simpleng pambahay na damit siya, habang ang kanyang mga kamay ay nakakuyom sa kanyang gilid. Sa ibabaw ng mesa, nakalapag ang tatlong pahina ng isang legal document, ang Surrogate Confidentiality Agreement. Nakasandal si Drake sa kanyang swivel chair, may hawak na ballpen habang malamig na nakatitig sa kanya."Pumirma ka na, Aria," pormal at walang emosyong utos ni Drake. "Huwag mo nang patagalin pa 'to."Tumingin si Aria sa huling pahina ng kontrata. Nakaturo roon ang maliit na linya kung saan nakasulat ang kanyang buong pangalan na Aria Vance-Sterling."Drake..." mahinang pakiusap ni Aria, ang kanyang boses ay nanginginig pa rin mula sa takot at kapaguran. "Sigurado ka ba rito? Pwede naman tayong mag-adopt na lang. Pwede nating sabihin sa media at sa pamilya mo na—""Adopt?!" galit na putol ni Drake, sabay hampas ng kanyang p
KINABUKASAN...Mabigat ang bawat hakbang ni Aria habang binabagtas ang mahabang pasilyo ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City. Maaga siyang nagpaalam kay Maris pagkatapos niyang maihain ang almusal. Kahit may kasamang irap at panlalait mula sa biyenan, pinayagan din siyang umalis nang dalawang oras para bisitahin ang kanyang ina.Naka-simpleng maong at cardigan lang si Aria. May suot siyang face mask na bahagyang tumatakip sa namumula at kumikirot niyang pisngi, ang bakas ng marahas na sampal ni Drake kagabi.Pagtapat niya sa pinto ng Room 612, huminto muna si Aria. Huminga siya nang malalim at pilit na pinatag ang kanyang puso bago dahan-dahang itinulak ang pinto.Amoy ng disinfectant, alcohol, at malamig na hangin mula sa aircon ang agad na sumalubong sa kanya. Sa gitna ng maayos ngunit tahimik na kwarto, nakahiga ang kanyang ina na si Elena. Nakapikit ito, payat na payat, at napapalibutan ng iba't ibang medical monitor. Ang tuluy-tuloy na tunog ng heart monito ang t
LAGANIT ng mga gulong sa basang semento ng driveway ang nagpabalik sa wisyo ni Aria nang huminto ang sasakyan sa tapat ng porch ng mansyon sa Forbes Park. Walang imik si Drake sa buong biyahe mula BGC, pero ang paraan ng pagpisil nito sa steering wheel, ay sapat na para mag-iwan ng matinding kaba sa dibdib ni Aria.Pagkababa ng sasakyan, hindi man lang siya hinintay ni Drake. Kaladkad nito ang kanyang braso habang mabilis na binabaybay ang grand staircase patungo sa ikalawang palapag, dinala siya diretso sa loob ng masters' suite at pabalagbag na isinarado ang mabigat na pinto.Ini-lock ni Drake ang pinto at inihagis ang kanyang suit jacket sa ibabaw ng kitang-kitang king-sized bed. Sa ibabaw ng glass nightstand, dahan-dahan niyang inilapag ang kulay itim na envelope mula sa St. Luke’s Medical Center."Drake... anong nangyayari sa 'yo?" nanginginig na tanong ni Aria, nakahawak sa kanyang braso na may pulang marka dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng asawa. "Ano ba 'yang papel na 'yan?
NAGKIKISLAPAN ang malaking chandelier ng Shanghai Saloon sa Bonifacio Global City. Ang mamahaling Chinese fine-dining restaurant ay eksklusibong inarkila ng Sterling Group ngayong gabi ng 2026 para sa kanilang victory at expansion dinner. Amoy ng mamahaling wine, roasted duck, at mga imported na pabango ang pumupuno sa malamig na silid.Nakatayo si Aria sa tabi ng malaking banquet table, nakasuot ng elegante at simpleng cream-colored Silk gown na pinili ni Maris.Nakaayos nang maayos ang kanyang buhok, at ang kapal ng makeup sa kanyang mukha ay sapat para itago ang pamamaga ng kanyang mga mata at ang kaputlaan ng kanyang balat mula sa pang-aabuso kagabi."Smile, Aria," pabulong at malamig na utos ni Drake habang pinalilibutan ang beywang ng asawa ng kanyang braso para sa mga nakatapat na camera ng mga business journalists. "Look like a happy wife."Pilit na ngumiti si Aria. Inilagay niya ang kanyang kamay sa braso ni Drake, ibinibigay ang tamang postura na hinihingi ng lipunan."Mr. S







