Share

Kabanata 9

Pagkatapos pa lamang ng klase niya kinabukasan ay nagmamadali na agad siyang nagtungo sa gate upang umalis, doon ay nandoon agad si Mang Raul na naghihintay.

“Doon ba ulit, ma’am?”

Tumango siya. “Daan din muna tayo sa madadaanan natin na drive-thru, bibili tayo ng kakainin natin.”

“Okay, ma’am.”

Marami ang binili niyang pagkain. Kahit walang pera ay ayaw niyang gutumin si Mang Raul habang naghihintay ito sa labas ng school nina Tobias. Halos paubos na ang pera na ibinigay ni Gideon sa kanya.

Pagkatapos niya kumain ay saktong malapit na sila sa school kaya’t mabilis niyang inayos ang sarili ko. Tinali niya ang kalahati ng buhok niya sa taas at hinayaan bumagsak sa balikat niya ang nasa ilalim, naka-uniporme pa rin siya ng school nila dahil wala na siyang oras para magpalit. At ang hindi mawawala sa kanya, ang kulay pulang lipstick.

“Nandito na tayo, ma’am.”

Bumaba agad siya ng kotse nang tumigil sila, napansin niya na malayo pa lamang ay nakatingin na sa kanya ang guard at napailing.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status