LOGINMARIELTulala akong nakaupo sa likod ng bumibiyaheng taxi habang nakatingin sa kawalan. Ang gulo ng isip ko, pakiramdam ko ay tuluyan na akong mababaliw anumang oras.I killèd my own child... my child with Rowan. Ang kaisa-isa at natitira kong alas para makuha siyang muli, nawala na dahil sa sarili kong mga kamay.Akala ko kasi talaga noon ay hindi si Rowan ang ama ng dinadala ko. Buong-buo ang paniniwala ko na kay Hugo ang sanggol, dahil bukod kay Rowan ay ilang beses din akong nagpagamit sa lalaking iyon nang walang kahit anong proteksyon.Naalala ko noong nagising ako sa ospital matapos kong iuntog ang sariling ulo sa pader. Sinubukan ko pang magmakaawa, umiyak, at ipaglaban ang relasyon namin ni Rowan. Akala ko ay maaawa siya sa akin, akala ko ay babawiin niya ang desisyon niyang iwan ako dahil kakaawaan niya ako. Pero nagkamali ako. Desidido na talaga si Rowan na talikuran ako, bumalik sa dati niyang asawa, at ayusin ang kanilang nawasak na marriage.Hindi ko matanggap ang garapa
Kinabukasan, maaga kaming bumiyahe patungo sa mental facility kung saan nakakulong si Glory. Hindi naging madali ang pagpasok dahil napakahigpit ng seguridad ng pribadong institusyong ito. Pinalilibutan ito ng matataas na pader na may mga barbed wire at bantay-sarado ng mga armadong security guards sa bawat checkpoint.Mabuti na lamang at kasama namin ang isang retiradong Police General, ang isa sa mga pinakamalapit at pinagkakatiwalaang kaibigan ng Lolo ni Tyler. Dahil sa kanyang impluwensya at awtoridad, mabilis kaming pinayagang makapasok sa loob ng administration building nang walang dumaan sa mahabang proseso.Narito pa rin daw si Glory at hindi naman lumalabas. Pero paano siya nakakuha ng litrato ni Tyler? Iyon ang tanong doon. Paano?Isang lalaking naka-puting lab coat, na mukhang isa sa mga residenteng doktor at chief administrator ng pasilidad, ang personal na sumalubong at nag-asikaso sa amin. Pagkatapos basahin ang aming mga dokumento at dumaan sa isang oryentasyon tungkol
Napatingin ako sa direksyon ng pinto ng mansyon nang marinig ko ang tunog ng doorknob. Kasalukuyan kaming nakaupo sa sala, tahimik na naghihintay doon.Iniluwa ng pinto si Tyler. Bakas ang kanyang pagmamadali, halatang iniwan niya ang lahat ng importanteng dapat gawin sa kumpanya nang tawagan ko siya kanina at sabihing nakatanggap ako ng misteryosong text at tawag mula kay Glory."Tyler!" singhap kong tawag sa kanyang pangalan habang mabilis akong tumayo mula sa sofa para daluhan at salubungin siya.Hindi pa ako tuluyang nakakahakbang nang malapit ay sinalubong na niya ako. Agad niyang ipinulupot ang kanyang matitikas na braso sa aking baywang, hinila ako lapit sa kanyang dibdib habang ang kanyang mga mata ay alerto at mabilis na pinasadahan ang buo kong mukha."Are you okay, love? Are you absolutely sure it was Glory who called you?" sunod-sunod niyang tanong.Sunod-sunod akong tumango habang nakakapit sa kanyang braso. "Sigurado ako, Tyler. Si Glory yun. Hinding-hindi ko pwedeng mak
Matapos ang tatlong araw na pamamalagi ko sa ospital sa ilalim ng mahigpit na obserbasyon ni Chloe, sa wakas ay pinayagan na rin akong makalabas at makauwi sa mansyon. Ramdam ko na ang unt-unting pagbabalik ng lakas ng aking katawan, kahit na kailangan ko pa ring mag-ingat sa bawat pagkilos.Kasalukuyan kaming abala sa aming kwarto habang naririnig sa labas ang kalansing at ingay nina Manang na nagliligpit ng mga gamit na dadalhin para sa nalalapit naming paglipat sa bagong bahay."Sophia, iha. Kailangan pa ba ito ni Tyler? Ano bang laman ng wooden box na ito?"Napatigil ako sa aking ginagawa nang marinig ang mausisang tanong ni Mrs. Santibañez habang nag-aayos ng ilang gamit sa may estante. Napalingon ako sa gawi niya at nakitang hawak niya ang isang pamilyar na kahon, ang kahon kung saan ko natuklasan noon ang mga larawan ko na kinunan ni Tyler sa akin.Dali-dali akong tumayo mula sa pagkaka-upo sa kama, iniwan ang tinitiklop kong mga damit ni Tyler, at mabilis na lumapit sa kanyang
"Nakabalik ka na pala," marahang sambit ng ina ni Tyler nang maalimpungatan ito mula sa sofa.Sabay kaming napalingon ni Tyler sa gawi niya. Mukhang nagising siya sa pagtatawanan namin. Bahagya siyang bumangon, inayos ang kumot na nakatalukbong sa kanya, at naupo nang tuwid habang pinapasadahan ng kamay ang nagulo niyang buhok. Halatang antok na antok pa ang kanyang mga mata at medyo nangangapa sa liwanag."Bakit naman inabot ka na ng hatinggabi bago bumalik? Saan ka ba nagtungo, Tyler?" tanong niya habang humihikab nang bahagya."May inasikaso lang akong importante sa labas," kaswal at maikling sagot ni Tyler. "Thanks for accompanying Sophia, Mom. Umuwi ka na muna para makapagpahinga ka nang maayos. Halatang antok na antok ka na. Nasa labas pa si Axel sa lobby, magpahatid ka na sa kanya sa mansyon."Bumuntong-hininga si Mrs. Santibañez ago dahan-dahang tumayo mula sa sofa at bitbitin ang kanyang leather bag. "Mabuti pa nga. Matanda na talaga ang katawan ko at mahina na ako pagdating
Kanina pa ako walang kurap na nakatitig sa screen ng cellphone ko. Nakailang ulit na akong nagtipa ng mensahe para kay Tyler, pero sa huli, natatakot akong isend kaya muli ko rin itong binubura.Mag-aalas-onse na ng gabi pero hindi pa rin siya bumabalik dito sa VIP room. Alam kong labis siyang disappointed sa naging desisyon kong ilihim ang mga nangyaring kaganapan sa amin ni Rowan. Pero sana naman... pakiusap, huwag naman siyang tuluyang umiwas o maging cold sa akin. Hindi ako sanay na ganyan siya. Pakiramdam ko ay unt-unting hinuhukay at pinipiga ang dibdib ko sa tindi ng bigat.Muli akong napabuntong-hininga sa ikatlong pagkakataon, bago binalingan ng tingin si Mrs. Santibañez na tuluyan nang nakatulog sa sofa sa paghihintay. Ang sabi ni Tyler kanina ay babalik siya sa loob ng dalawang oras, pero mahigit tatlong oras na ang lumipas.Ibinaba ko na ang cellphone sa ibabaw ng bedside table at dahan-dahang ipinikit ang aking mga mata upang piliting matulog. Kabilin-bilinan sa akin ni C
"Mariel!"Isang pamilyar na boses ang dumagundong mula sa men's wear section. Agad akong napalingon at doon ay nakita ko si Rowan na galit na galit habang malalaki ang mga hakbang na papalapit sa amin. Dali-dali niyang dinaluhan si Mariel at ingat na ingat na itinayo ito na tila ba isang mamahaling
"Get everything you want," seryosong sabi ni Tyler habang nakatingin sa akin.Napaangat ako ng tingin sa kanya, tila hindi makapaniwala sa narinig. "Kahit ano?""Anything," sagot niya na para bang wala sa kanya ang pera kung magkano man ang gastusin ko.Inabot ni Tyler ang isang black card sa akin.
"Aren't you going inside?" tanong ni Tyler sa akin. "Kailangan pa ba kita buhatin papasok dito sa loob?"Napalunok ako at dahan-dahang sumakay sa sasakyan. Naupo ako sa tabi niya pero tila may malaking pader sa pagitan namin dahil ilang dangkal ang layo ko sa kanya. Hindi ko magawang tumingin nang
EIGHT YEARS AGO.Akala ko ang pagiging bankrupt ng kumpanya namin ang pinakamasaklap na balitang matatanggap ko. Pero kagabi lang nang sabihin ni Daddy na bata pa lang ako ay naipagkasundo na akong ipakasal sa isang lalaking nagngangalang Tyler Santibañez. Apo siya ng isa sa mga pinakakilalang busin







