Mag-log inKakatapos ko lang mamili ng mga damit, laruan, at iba pang kagamitan na magagamit ng mga bata sa bahay-ampunan sa susunod na araw. Malapit lang din naman sa kumpanya ng Santibañez Group ang pinuntahan ko kaya naisip kong bisitahin si Tyler sa kaniyang opisina."Ma'am Sophia!" gulat pero magiliw na bati ng guard sa akin nang makita ako sa lobby. "Good morning po!""Good morning," sagot ko habang bahagyang ngumingiti.Hindi lang siya ang bumati sa akin. Halos lahat ng empleyadong nakakakilala o nakakasalubong ko sa hallway ay napapahinto at napatitingin. Hindi ko na rin kasi matandaan kung kailan ako huling bumisita rito. Sa nakalipas na limang taon, nakasanayan ko nang magkulong sa bahay at umiwas na magpakita sa ibang tao.Papasok na sana ako sa elevator nang bumukas iyon at iniluwa si Anya. Agad din siyang napangiti nang makita ako."Sophia!""Anya," nakipagbeso ako sa kaniya. "Binibisita ko lang si Tyler. Busy ba siya ngayon?""I think he's in a meeting with the new managers. Pero p
"They want us to adopt?"Kunot-noong tanong ni Tyler habang nasa hapag-kainan kami ng gabing iyon. Napahinto ang pagsubo niya at napatitig sa akin nang mariin.Marahan akong tumango habang dahan-dahang ibinababa ang aking kubyertos. Binitawan din niya ang kaniyang mga gamit sa pagkain at kinuha ang aking kamay sa ibabaw ng mesa para haplusin iyon gamit ang kaniyang hinlalaki."Kung ayaw mong mag-adopt, hindi natin gagawin 'yon," seryoso ngunit maingat niyang sabi. "I will respect your decision. Sasabihin ko kina Mom na hindi natin kailangan ang bagay na 'yan. We have our daughter. Hindi natin kailangan iba."Napatitig ako sa kaniyang mga mata. Nakikita ko roon ang labis na pag-aalala na baka nasasaktan lang ako sa imbitasyon at sa mga salitang nanggaling sa kaniyang pamilya."Pero naisip ko rin... na tama naman sila," mahina kong tugon. "Maganda rin siguro na... may bata rito sa bahay?"Napahinto siya at hindi muna agad sumagot. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha ko nang ilang sandal
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob ng nursery room ni Athena, ang kwartong kailanman ay hindi niya nagamit. Ipinagawa ito ni Tyler bago pa kami lumipad papuntang Switzerland noon.Inihakbang ko ang aking mga paa para pumasok sa loob. Puno ang silid ng mga kagamitang inihanda para kay Athena. Ang pastel pink na pintura sa kabilang dingding, ang kulay rosas na floormat sa gitna, at ang malambot na crib na may nakasabit na maliit na music box. May mga cabinet din sa gilid na naglalaman ng mga damit at sapatos na hindi man lang nasuot ng anak ko.Sa loob ng limang taong lumipas, walang araw na hindi ako pumapasok sa kwartong ito. Dito ko ginugugol ang mga oras na masakit ang dibdib ko. Iniimagine ko na narito si Athena, naglalaro sa sahig at tumatawa. Madalas ay dito na rin ako nakakatulog sa gabi habang nakayakap sa isang stuffed toy, at nagigising na lang ako sa umaga na nailipat na ako ni Tyler sa kwarto namin.Simula nang mawala si Athena, napakaraming nagbago sa akin. Bihira na ak
Napabuntong-hininga ako bago umiling sa mga pulis habang hinihingi ang statement ko hinggil sa mga pangyayari."Hindi ako sigurado kung patay na ba si Mariel," panimula ko habang nakatitig sa ambulansyang nakaparada sa gilid. "Pero base sa sinabi niya kanina ay mukhang ganoon na nga. Ang tiyak ko lang ay buhay pa ang anak namin."Yakap-yakap ko ang aking mga braso para pigilan ang panginginig ng katawan ko habang abala ang mga medic sa paglalagay ng paunang lunas at benda sa tama ng bala sa tuhod ni Tyler. Sa malayo, doon sa cliff kung saan nahulog si Rowan, ang ilang responding police ay nagsimula nang bumaba sa pamamagitan ng lubid para suyurin ang mga batuhan sa ibaba. Sa taas ng bangin na iyon, halos walang tsansang mabuhay ang sinumang bumagsak doon.Tumango nang dahan-dahan ang imbestigador na kausap ko habang ang isa pang pulis sa tabi niya ay abalang hinalukay ang cellphone ni Rowan. Ilang beses itong nag-swipe sa screen, ngunit walang makitang anuman doon na makapagtuturo kun
"Tyler, sa likod mo!"Nanlalaki ang mga mata ko nang makitang nakabangon na si Rowan at tangan ang isang sirang upuan para ihampas sa ulo ni Tyler. Mabilis akong tinulak ni Tyler palayo habang mabilis siyang gumulong sa sahig para iwasan ang paghampas. Tumama ang upuan sa semento at tuluyang nawasak.Galit na galit si Rowan, litid sa leeg ang bumabakat habang muling sumusugod para sipain si Tyler. Pero mabilis na nakaiwas si Tyler para tumayo, at sa pagkakataong ito, siya na ang unang bumanat. Sinalubong niya si Rowan ng isang matinding suntok sa mukha.Wala akong mapaglagyan ng kaba. Patingin-tingin ako sa pintuan ng rest house, nagbabakasakaling may mga pulis na kasama si Tyler. Pero sa tingin ko ay wala. Mukhang paglabas ko pa lang ng VIP room sa ospital ay sumunod na rin siya kaagad.Muli kong ibinalik ang paningin sa kanilang dalawa. Nasuntok ni Rowan ang tagiliran ni Tyler kaya napaatras ito. Nang sumugod muli si Rowan, mabilis siyang hinawakan ni Tyler sa braso at buong-lakas n
Halos dalawampung minuto na kaming bumabyahe pero hindi pa rin kami nakakarating sa kinaroroonan ni Athena. Pangiti-ngiti lang si Rowan habang nagmamaneho, tila ba nasa isang masayang road trip lang kami para i-enjoy ang hangin ng madaling araw."Malayo pa ba tayo?" malakas kong sigaw para marinig niya ang boses ko sa gitna ng hangin at ingay ng makina habang umaandar ang motorsiklo. Kanina pa niya ako pinipilit na yumakap sa kaniya. Inilagay niya ang kamay ko sa kaniyang bewang pero agad ko iyong inalis. Sa halip, mas pinili kong kumapit nang mahigpit sa likurang bahagi ng motor."Malapit na tayo. Huwag kang mainip. Magkikita rin kayo ng anak mo," tugon niya bago mas binilisan pa ang pagpapatakbo.Binali ko na naman ang pangako ko kay Tyler na hindi kami maglilihim sa isa't-isa. At nagu-guilty ako dahil kahit anong rason pa ang sabihin ko sa kanya, papatawarin at iintindihin pa rin niya ako. Pero ngayong gabi, hindi ko alam kung ano ang mangyayari.Halos sampung minuto pa ang binayba
TYLERKatatapos lang ng meeting ko kay Mr. Saldivar sa isang restaurant. Kaaalis lang din niya, at balak ko na sanang tumayo para bumalik sa opisina nang mahagip ng paningin ko ang pagpasok ng isang pamilyar na bulto. Isang babaeng nakasuot ng puting bistida, nakayuko ang ulo, at tila nahihiya sa b
"Ma'am Sophia, mas mabuti pa sigurong umuwi ka na muna," singit ni Kevin sabay hawak sa kamay ko para igiya ako palabas."Bitawan mo ako!" Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Napaatras siya at napayuko, hindi makatingin sa akin nang diretso. Muli kong hinarap ang asawa ko at ang kabit
Nanlambot ang mga tuhod ko kasabay ng pagtalikod ni Tyler para umalis. Tuluyan na akong napaupo sa sahig at napahawak sa aking dibdib dahil sa sobrang sikip nito. Unti-unting tumulo ang aking mga luha, halos hindi ko matanggap ang lahat ng nalaman ko. Ayaw kong tanggapin. Ayaw kong paniwalaan na na
Tahimik akong nakaupo sa veranda, hawak ang tasa ng kape na ipinaabot ng isa sa mga kasambahay kanina. Umalis si Mariel kasama si Rowan papunta sa company.Tinitigan ko ang mga halaman sa hardin, sinusubukang kalmahin ang utak kong paulit-ulit na bumabalik sa mga sinabi ni Rowan kanina. Gusto na ni







![MISTER, YOU MESSED WITH THE WRONG GIRL [SHE'S A SOLDIER]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)