Share

Chapter Thirty-Four

Olivia

Nagpasiya akong bumaba na muna sa garden kahit gabi na. Gusto ko rin kasing makalangghap ng sariwang hangin kaya pinili kong mapag-isa muna doon. Walang masyadong nakalitaw na bituin ngayon. Siguro’y uulan.

Habang nakatingin ako sa alapaap ay naisipan kong tawagan si Daddy kaya ni-dial ko kaagad ang number niya. Sakto naman na hindi na niya ako pinaghintay dahil sinagot niya ito kaagad. Anong oras na rin so expected ko na nakauwi na si Daddy. Ngunit hindi iyon ang sa tingin ko’y nangyayari.

May maingay akong naririnig sa likod ni Daddy. Hindi ko masyadong maintindihan pero kakaiba ang ingay na ‘yon. Para bang nasa kung saang lugar si Daddy na hindi ko mawari kung saan.

“Daddy?” mahinang sambit ko.

Hindi ko sigurado kung naririnig niya ako pero isa lang ang natitiyak ko. Nasa panganib si Daddy. Ilang sandali rin na nanatili sa tainga ko ang cellphone ko. Pinapakinggan ko talaga kahit na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status