Our eyes met. And I was lost of words. Tipid siyang ngumiti at hinaplos ang aking buhok na siyang kinapikit ko. Pinikit ko ang aking mga mata para namnamin ang sandaling ito. Niyakap naman niya ako ng mas mahigpit. Nakakapanibago talaga ang inaasta niya ngayon. May kaunting pagkailang ako na nararamdaman, pero ang mainit na pakiramdam mula sa kaniyang mga yakap ay nakapagbigay sa akin nang masarap na pakiramdam. Parang gusto ko tuloy isipin na boyfriend ko ang taong 'to, na gaya ng sinabi niya sa doktor na kausap niya kanina. Kaso agad ding naputol ang pangangarap ko ng gising, nang malala ko ang tungkol sa utang na binabayaran ko sa kaniya, kaya ako nandito ngayon. Well, hindi na muna mahalaga iyon sa akin. Enjoy-in ko na lang ang mga ganitong sandali sa piling niya. Mga sandaling kailangan niya ako. Mga sandaling mag-iinit kami at magsasalo sa masarap na kamunduhan. Ilang minuto kaming tahimik. Ang tanging ingay lang na maririnig ay ang aming mga paghinga at ang tibok ng aming
Iniwasan kong mag-isip ng kung ano-ano'ng bagay na kung tutuusin ay dapat wala akong pakialam, dahil wala naman akong karapatan. Pinayapa ko ang aking isip hanggang sa mahimbing akong nakatulog sa tabi ni Darius. Nang magising ako kinaumagahan, medyo maayos na ang aking pakiramdam. Though I still feel a little bit sore and a little discomfort in between my thighs. Tulog pa si Darius sa aking tabi. Ang lalim ng kaniyang pagtulog. Bumangon ako at bumaba ng kaniyang kama. I went to the bathroom to freshen up. Naghilamos ako at nag-toothbrush. Umihi ako at hinugasan ko ang aking pempem gamit ang binili ni Darius kahapon na feminine wash. "Bakit?" tanong ko nang biglang magbukas ang pintuan ng banyo. "I thought you leave..." sambit niya gamit ang inaantok na boses. "Bakit naman ako aalis nang walang paalam?" tanong ko.Sa totoo lang iyan ang nasa isip ko kagabi na gawin. But... I decided not to. Hindi ako pabebe para gawin iyon. Umiling lang siya. "Ikaw ang nagdala sa akin dito, kay
"Nabusog ako..." Hinimas ko ang aking tiyan, saka tumayo na. Uuwi na ako sa bahay at doon magpapahinga. Gusto ko lang matulog nang matulog, dahil bukas papasok na ulit ako sa trabaho. Parang tinatamad na akong maligo. Sa bahay na lang. Kukunin ko lang sa kaniyang kuwarto ang purse ko. Mag-taxi na lang akong pauwi, para hindi ko siya maabala pa. Baka may iba pa siyang gagawin ngayong araw. "Diyan ka lang?" tanong ko kay Darius nang nanatili lang siya sa kaniyang kinauupuan. Taimtim at walang imik siyang nakatingin sa akin. "Saan ka pupunta?" tanong naman niya sa halip. "Sa taas, kukunin ko lang ang gamit ko, tapos uuwi na ako." "Uuwi ka na agad?" Sa tono niya parang ayaw niya akong pauwiin. Kumunot ang aking noo. "Mag-swimming tayo," aya niya sa akin, sabay baling sa gawi ng swimming pool. Nagkamot ako ng ulo. Dapat minemenos niya din sa utang ko ang mga oras ko na sinasayang lang niya, e. Ngumuso ako at hindi agad sumagot. Gusto ko ng umuwi, e. Tapos siya naman parang naghah
Nanghihingi na naman ng pera si nanay. Kakabigay ko lang ng pera four days ago pero nanghihingi na naman ulit. Madami daw gastusin sa school ang mga kapatid ko. Nakapagtapos na ang kapatid ko na sumunod sa akin. Ang usapan namin noon ay, tulungan niya ako sa pagpapaaral ng iba pa naming mga kapatid pero ayun, nag-asawa agad. Ang sumunod naman sa kaniya, magtatapos na dapat pero may incomplete grades last sem. Bumuntong hininga ako. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Kaya ko naman silang pag-aralin. Para saan ba ang lahat ng pagsisikap ko, kundi para rin sa kanila?Ang gusto ko lang naman sana ay kumustahin man lang nila ako, hindi iyong magte-text o tatawag lang sila kapag may kailangan lang sila sa akin. Pagkatapos nilang makuha ang gusto nila, hindi man lang magpapasalamat. Wala silang magiging paramdam ng ilang araw. Parang wala akong pamilya, e. "'Nay..." "Bukas," sabi ni Nanay bago pinutol ang tawag at hindi man lang hinintay ang sagot ko. One hundred thousand lang daw. Daw...
"Hindi ka pa ba aalis?" Kanina pa siya gising pero tila wala yata siyang planong umalis. Yakap-yakap lang niya ako habang hinahaplos ang aking buhok. Inaantok ako dahil sa ginagawa niya kaya muli kong pinikit ang aking mga mata. Hanggang sa nakatulog ulit ako. Nagising ako ulit bandang alas-otso na ng umaga. Nandito pa din siya. Ngayon problema ko kung paano siya aalis o lalabas ng bahay na walang nakakakita sa kaniya. Baka mamaya makarating kina Amanda at Camila na may inuwi akong lalake, matinding interogasyon na naman ang mangyayari kapag nagkataon. "Dapat kasi umalis ka na kanina pang madaling araw, e." Sumilip ako sa balcony, pagkatapos ay sumilip ako sa may pintuan ng aking kuwarto. Umiling-iling naman si Darius. Medyo inaantok pa ang kaniyang itsura. "Kinakahiya mo ba ako?" Hindi ko inaasahang tanong niya. Kinakahiya? Para saan? At saka ang ganiyang linyahan ay para lang sa may mga relasyon. Wala naman kaming relasyon, a. "Ewan ko sa'yo," sa dami ng mga salita iyan lang
"Ate!" Agad akong dinaluhan ng aking mga kapatid nang bigla akong manghina at halos bumagsak ang aking katawan sa sahig. Ang pakiramdam ko ay para akong nauupos na kandila. Nanghihina ako. Nanlalata. Hindi ako makapaniwala sa natuklasan ko. Sa sinabi ng mga kapatid ko. "Kumuha ka ng tubig!" "Huwag mong harangan ang electricfan!" Napatulala ako. Naiiyak. Hindi ko maintindihan ang aking sarili. "Ate, uminom ka muna." Binuka ko nang kaunti ang aking bibig at uminom ng kaunting tubig. Ang iba sa mga kapatid ko ay pinipisil-pisil ang aking mga braso at daliri. Tinutulungan nila akong kumalma. Lumipas ang ilang mga minuto, naging maayos na ng kaunti ang pakiramdam ko. Baka nag-over react lang ako. Baka nag-bingo lang si Nanay. Baka may lamay doon at ngayon lang naman. Huminga ako nang malalim. Pero hindi pa din maganda ang ginagawa niya. Sana man lang iniwanan niya ang mga kapatid ko ng makakain. Buti sana kung malalaki na sila. Nang mabawi ko ang aking lakas nagpunta ako ng kusina
Ilang araw na ang lumipas mula nang magpunta ako sa mansyon ng mga Antonio. Ilang araw na din na hindi kami nagkita ni Darius. Ilang araw na din mula nang magpalit ako ng number, para iwasan siya kung sakali man at para na din hindi ako makontak nina nanay. Am I stress free? I can't tell. Nakakapanlata ang bumangon kada araw para maghanap buhay pero ganunpaman, kailangang lumaban. Napag-isip-isip ko na sumubok din sa negosyo. Iyong malayo sa linya ng business ni Camila dahil wala naman akong plano na kalabanin siya. Hindi ko pa naman ngayon sisimulan, dahil wala naman akong pang-capital. Nasimot na talaga ang savings ko. Ayaw ko namang ibenta pati ang sasakyan ko dahil magtataka na talaga sina Amanda at Camila. "Bakit mo binebenta ang mga gamit mo?" tanong ni Camila. Malalaman at malalaman talaga niya ang ginawa ko lalo at friends kami sa mga social media account namin. "Naisipan ko lang na mangolekta ng iba.""Sure ka? Hindi ka naman ba gipit? Iyong totoo?" Malakas talaga ang pa
"Ako na po ang bahala dito, 'Tay..." Alas-singko ng umaga, kailangan nang umuwi ni Tatay sa bahay, upang mag-asikaso para sa kaniyang pagpasok sa trabaho. "Pakibilinan na lang po si Onad na asikasuhin ang mga bata doon. Baka kasi pabayaan. Baka makikipaglampungan lang na naman sa nobya niya maghapon," hindi ko maiwasang maging masungit. Nalaman ko na ilang araw na daw itong hindi pumapasok sa eskwelahan. Kung hindi lang ako kailangan ng kapatid ko dito, uuwi ako doon para kaladkarin siya papasok ng eskwelahan. Kung ayaw niyang mag-aral, mas maigi pa na lumayas na sila ng bahay. Buhayin niya ang kaniyang nobya, hindi iyong uunahin ang pakikipaglandian kaysa ang pag-aaral. Malandi naman ako, pero alam ko namang ilugar iyon. Hindi gaya na lalandi pero aasa pa din sa akin at kay Tatay. Imbes na ginagabayan at dinidisiplina kasi siya ni Nanay, hindi. Mas abala ito sa pagsusugal, kaysa gampanan ang pagiging ina sa mga kapatid ko at pagiging mabuting asawa kay Tatay. Ang bigat ng paki