ログインSa sandaling iyon, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Cameron, isang maikling linya lamang ang nakalagay.[Teacher Sullivan, kumusta ang pakiramdam mo kagabi?]Namula nang husto si Mallory at kinagat ang kanyang labi bago sumagot.【Mabuti naman.】Kakatapos lang niyang ipadala nang mag-vibrate muli ang kanyang telepono; nagpadala ulit ng mensahe si Cameron.[That's good to hear! May reunion tayo sa sabado, uuwi na ba tayo nang maaga?]Hindi alam ni Mallory kung paano mag-reply. Sinambot ni Diana ang telepono niya, at talaga namang hindi nakayanan ni Diana ang nabasa! Hindi niya aakalaing bulgar pala ang lalaking iyon! Ang sexy!Matapos ang mahabang katahimikan, nakapagsalita rin sa wakas si Diana. "Attorney Gavinson's quiet playful, huh?" Nakangisi niyang komento.Medyo mahinhin si Mallory kaya namula ito habang binabawi ang kanyang telepono.Kahit anong pangungulit ni Diana, wala itong makuhang tiyak na sagot.Masyadong nahihiya si Mallory na aminin iyon. Ginawa na nila iyon kagabi
Nagising si Mallory ng madaling-araw.Nagtatali ng kurbata si Cameron sa tabi ng kama at nang makita nitong gising na siya, yumuko ito at hinalikan siya bilang pagbati sa umaga.Sumagot si Mallory nang may pag-aatubili.Pagkatapos ng halik, medyo namula ang kanyang mukha; hindi pa siya nakakapagsipilyo.Mahinahong sinabi ni Cameron, "I have early meeting. Sleep some more. Anyway, walang pasok si Aling Linda ngayong araw."Gusto sanang bumangon ni Mallory para maghanda ng almusal para rito.Marahan siyang itinulak pababa ni Cameron, malalim ang kanyang tingin. "Ipapabili ko na lang kay Zeno."Tumugon si Mallory nang mahina, "O-Okay."Pagkatapos ng nangyari kagabi, pareho pa rin silang hindi lubos na nasiyahan at naghalikan nang matagal.Napagtanto ni Mallory na suot nito ang damit na ibinigay niya.Nakasuot ito ng kulay kape na kasuotan na kapares ng kulay abong pantalon.Manipis na kurbatang kulay ube na may guhit.Mas mukha itong bata, gwapo at maamong tignan!Sa ganoong kagwapuhan,
Gawing magaan ang pakiramdam niya?Sobrang hiya ni Mallory na aminin na wala siyang karanasan at hindi pa talaga naging ganoon kay Cameron.Hindi ito pinansin ni Diana at mariing sinabi, "Lory, makinig ka: kailangan mong makuha ang loob ni Cameron!"Namula si Mallory nang marinig ito.Kahit ilang panahon na silang magkasama ni Cameron, nakakaramdam pa rin siya ng hiya at kaba sa tuwing kailangan siyang mauna sa mga bagay na may kinalaman sa damdamin.Bukod pa rito, wala naman itong oras umuwi.Hindi naman niya ito basta-basta maipapadala...Sa pag-iisip pa lang ay labis na nahihiya na si Mallory.Totoo ngang abala si Cameron kaya tatlong araw na itong hindi umuuwi sa apartment nila.Paano niya ito aabalahin pa sa kanyang sariling mga gusot?Ang ginagawa na lang niya ay maghatid ng almusal at pamalit na damit araw-araw, at wala naman itong sinasabi!...Noong Miyerkules, buong araw na kasama ni Mallory ang ama.Nang gabing iyon, gumawa siya ng home made siomai sa bahay nila, balak niya
"Tingnan mo naman si Mallory, nakatira na sa bahay ng lalaki. Masisira lang ang pangalan niyan sa huli. Paano tatanggapin ng pamilya Soriano ang ganyang manugang?"Mabibigat ang mga salita ni Mrs. Soriano.Nakakunot ang noo na malamig na sumagot si Kenneth, "Hindi naman siya ang naghahangad na makasama ako." Pagkasabi nito, kinuha niya ang kanyang amerikana na tila aalis na.Sinundan siya ng ina at sumigaw, "Saan ka pupunta?""Babalik sa kumpanya."Sumakay si Kenneth sa kanyang Lotus sports car, ngunit hindi agad pinaandar ito.Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinag-isipan ang mga sinabi ng ina, lalo na ang linyang 'nakatira na ngayon si Mallory sa bahay ng lalaki' mas masakit pa kaysa namatayan.IMay parte sa kanya na sinisisi ang sarili, kung hindi lang sana niya ito itinaboy noon, hindi sana magkukrus ang landas nila ni Cameron.Hindi sana ito makakasama kay Cameron!Umuwi si Mallory sa apartment bago mag-alas-singko.Karaniwang umuuwi si Cameron ng alas-siyete, at dahil alam
Pinisil niya ang kanyang pisngi, pagkatapos ay isinuot ang kanyang mamahaling relo: "Gaano kalaki ang magagastos mo sa mga damit? Para kang asawang nag-uulat sa asawang empleyado... Oo nga pala, kulang pa ako ng ilang damit. Maaari ka bang mamili ng ilan para sa akin?"Alam ni Mallory na dahilan lamang iyon; daan-daan ang damit nito sa walk-in closet!Ngunit ang mga babae ay likas na mahilig mamili ng damit.Mahinang nagpasalamat si Mallory.Yumuko si Cameron at hinalikan sa labi. "Masyado kang magalang, Teacher Sullivan."Gustong-gusto talaga ni Mallory na mapasaya ito.Niyakap niya ang leeg nito at malambing na tumawag ng "Daddy."Sa una ay nagulat si Cameron.Ngunit pagkatapos, may kakaibang damdaming gumising sa kanyang puso.Ang positibong damdaming iyon ay dala niya hanggang sa opisina; pati ang sekretaryang si Zeno ay napansin na pambihira ang magandang mood ni attorney Gavinson, at mas lalo pa itong gumwapo.Alas-diyes ng umaga, kumatok si Zeno at pumasok.Ngumiti ito at nagsa
Sa tingin ni Mallory ay naroon siya upang maglingkod dito, kaya kusa siyang naghanda ng mangkok ng sabaw at inilagay ito sa harapan ng lalaki.Tumingala si Cameron.Bumulong si Mallory, "Mukhang masarap naman."Hindi agad hinigop ni Cameron ang sabaw, sa halip ay may malalim na sinabi, "I'll be more happier if you give that dedication when we're kissing."Biglang naging nakakailang ang paligid, at pareho nilang naalala ang nangyaring halik sa loob ng sasakyan.Hindi lang iyon basta halik.Namula nang husto si Mallory. Bakit ba pati sa pagkain ay nagpapahiwatig pa ito ng ganyan!Pagkatapos kumain, nilinis ni Mallory ang mga pinagkainan at binuksan ang kanyang telepono upang tingnan ang naitalang usapan.Ngayong malinaw na ang kanyang isip, napagtanto niyang mahihirapan siyang magsampa ng kaso laban kay Charlene. Napakaingat na kumilos nito, at marami itong ginamit na mga salitang nagtatanong sa kanyang mga sinabi—hindi ito maituturing na krimen.Nakakagalit!Namutla si Mallory; hindi p
Hindi sana niya ito papansinin, ngunit nang makita ang paparating sa kanto, mahina ngunit mariing sumagot. “Huwag po kayong mag-alala, Tita, hinding-hindi ko ilalagay ang lahat ng aking pag-asa sa iisang bagay lang.”Ngumiti ang ginang at sinabi. “Nakagagaan naman ng loob na marinig iyan.”Lumingon
Nakauwi na si Mallory.Nagsisindi ng insenso si Tita Ruth nang makita itong dumating, at muling sumigla ang pag-asa sa kanyang mga mata.Umiling si Mallory, namumutla ang mukha.Nadismaya si Tita Ruth at gusto sana itong pagalitan, pero sa huli ay lumambot din ang kanyang puso at sinabi na lang, "B
Diretsahan ang tanong ni Cameron, pinamulahan ng mukha si Mallory sa kahihiyan.Dahil sa totoo lang, hindi pa niya iyon ginagawa kasama si Kenneth!Noong sila pa ni Kenneth, ang pinakahigit na nabigay niya rito ay tanging mababaw na mga halik lang. Bukod doon, wala na!Matagal bago nagsalita si Mal
Sakal-sakal ni Kenneth si Mallory, ang tanging ginawa lamang niya ay tingnan ito sa mga mata na puno ng galit at poot. Mula noon hanggang ngayon, wala siyang lakas na ipagtanggol ang kanyang sarili. Katulad na ng nasira nilang relasyon. Pabato siyang binitawan ni Kenneth. Mapang-asar itong tumawa.







