Started with a Contract

Started with a Contract

last updateLast Updated : 2025-04-09
By:  Quen_VheaOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
9
1 rating. 1 review
6Chapters
130views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Jiliana Agador has spent her life enduring cruelty at the hands of her relatives, struggling to survive despite her hard-earned salary as a secretary at Delta Hotels and Resorts. Her boss, the enigmatic multimillionaire Marxon Delta, is in the middle of a family crisis—his late parents’ will demands that he marry to inherit the empire they built. On the night Jiliana escapes her oppressive home, fate leads her straight into Marxon’s arms—quite literally—when she collapses in the pouring rain. With no other choice, Marxon takes her in, offering her an unconventional deal a temporary marriage in exchange for shelter and security. Desperate and with nowhere else to go, Jiliana signs the contract, unaware that her boss has secretly harbored feelings for her for years.

View More

Chapter 1

Kabanata 01: The Boss

Jiliana’s POV

Maaga akong nagising ngayon para pumasok sa opisina dahil kailangan ko pang ipagluto sila Tita Beth at Tito Juan. Ayaw kong pagalitan na naman nila ako—marami pa akong pasa dahil sa ginawang pambubugbog sa akin ni Tita Beth.

“Jiliana! Gumising ka na… Lintik na bata ka!” sigaw ni Tita Beth. Nasa labas na ata siya ng kwarto ko, kaya dali-dali akong napabangon sa kama.

“Palabas na po, Tita Beth… Lilinisin ko lang po ang kama ko,” sabi ko sa kanya pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto ko.

Matalim ang tingin na ibinigay niya sa akin bago siya pumasok sa loob ng kwarto ko. “Ikaw, Jiliana, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na dapat mauna kang gumising?” sabi niya.

Hindi ko na natuloy ang paglilinis sa kwarto ko dahil kinaladkad na ako ni Tita Beth palabas. Labis ang sakit na nararamdaman ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

“T-Tita, sorry po… Palabas na po talaga ako… Tita, a-aray po, masakit,” pagmamakaawa ko sa kanya, pero parang hindi niya ata narinig ang sinabi ko.

“Tumahimik ka! Isang bagay na nga lang ang gagawin mo, pumalpak ka pa!” sabi niya, sabay sapak sa braso ko. Panigurado, magkakaroon na naman ng pasa ang katawan ko nito.

Lumabas naman si Tito Juan, kasunod noon ang anak nila ni Tita Beth, si Kuya Jr. Umismid lang si Tito sa akin nang makita niya akong sinasaktan ni Tita Beth.

Matapos ang pananakit sa akin kanina ni Tita Beth, nagmamadali akong pumunta sa opisina dahil malapit nang mag-alas otso. Ayaw pa naman ni Mr. Delta ng late—baka matanggal pa ako sa trabaho ko.

Saktong alas otso ng umaga nang makarating ako sa Delta Companies and Empire. Mabilis ang mga lakad ko, at sakto namang may bakanteng elevator.

Hindi na ako mahihirapang sumakay. Papasara na sana ang pinto nang biglang may mga kamay na pumagitna roon. Gulat na gulat ako nang makita kong ang mga kamay na iyon ay sa boss ko.

“Good morning po, Boss,” kinakabahang sabi ko sa kanya. Nakayuko lang ako habang binibigkas ang mga salitang iyon.

“Miss Agador, isn't it rude to look down while greeting your boss?” malamig niyang sabi, na nagpatindig ng balahibo ko.

Kaya mabilis akong napatingin sa kanya at inulit ang mga salitang binigkas ko kanina. Nakatingin lang siya sa akin—hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang mukha ko.

“What happened to your face? Bakit ang pula-pula ng mukha mo, Miss Agador?” Bakas sa boses niya ang pag-aalala, kaya mabilis kong tinakpan ang mukha ko.

“A-ah… sir, may nahulog lang sa akin na libro kagabi… hehehe,” awkward kong sabi sa kanya, hindi ko pa rin inaalis ang mga kamay ko sa aking mukha. Mahirap na—baka bigla niya pang hawakan, masakit pa naman din.

Hinawakan niya naman ang braso ko. Hindi ko maiwasang mapadaing dahil sa sakit. Napatingin ako sa kanya, at kumunot na lang ang noo niya dahil sa reaksyon ko.

“Are you sure nahulugan ka lang ng libro? Pati ba braso mo, Miss Agador, ay nahulugan rin?” mariing sabi niya. Kita ko sa mga mata niya na galit siya.

‘Bakit naman siya magagalit? Gaga ka ba, Jiliana? Siyempre, amo mo siya… Nag-aalala siya kasi secretary ka niya,’ sabi ko sa aking isipan. Meron namang point.

“Naku, Boss, wala po iyon. Ganyan lang talaga ako—minsan may pagkatanga… hahahaha,” sabi ko sa kanya habang pilit na tumatawa.

Binawi ko na lang ang braso ko mula sa mga kamay niya. Mabuti na lang at naka-long sleeves ako ngayon—hindi makikita ang mga pasa ko dahil sa ginagawang pambubugbog ni Tita Beth sa akin. Buti na lang at nasa 20th floor na kami—kung hindi, kanina pa ako na-suffocate dahil sa mga tinging binibigay sa akin ni Boss.

Hindi pa pala ako nakapagpakilala sa inyo. I'm Jiliana Agador. Matagal na akong naulila—namatay ang mga magulang ko sa isang car accident noon. Sa pagkakaalala ko, limang taong gulang pa lang ako noon, kaya napunta ako sa poder nina Tita Beth at Tito Juan.

Doon na rin nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko. Kapag nakaipon na talaga ako, aalis ako sa bahay na iyon—kahit masakit umalis sa bahay na iniwan sa akin ng mga magulang ko.

“Miss Agador, come to my office,” sabi ni Bossing sa akin. Pinindot ko naman ang intercom.

“Boss, gusto niyo po ng kape?” tanong ko rito. Umoo naman siya sa akin, kaya nagpunta na ako sa coffee counter. Matapos kong pagtimplahan si Boss, pumasok na ako sa loob ng opisina niya.

Nakita ko siyang nakaupo sa sofa, kaya nagtaka ako. Dapat nasa office table niya siya ngayon. Tumingin naman siya sa akin at sinenyasan akong umupo sa tabi niya.

Wala akong nagawa kundi umupo sa tabi niya. Naguguluhan ako sa inaasta ni Boss sa akin ngayon—hindi naman siya ganito noong bago pa lang ako nagtatrabaho sa kanya.

“Boss, bakit po?” tanong ko sa kanya. Tumayo naman siya at may kinuha sa isang kabinet.

“What happened, Jiliana? Bakit putok ang labi mo? I know it’s not the book that slapped you,” sabi niya sa akin, puno ng pag-aalala.

Hindi ko man lang napansin na dumudugo pala ang labi ko dahil sa ginawa ni Tita. Napakagat na lang ako sa labi ko. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang nangyari ngayong umaga.

“Baka po natamaan lang po ng dulo ng libro,” pagsisinungaling ko pa sa kanya. He just glared at me calmly. Hindi ko mapigilang mapatingin sa mata niyang kulay abo.

Biglang dumaan sa isip ko ang mga katagang ‘Ang gwapo talaga ni Boss… Sobrang yummy niya tignan.’

“I hate it when someone lies to me, Miss Agador. It's my duty to make my people safe in this company. Ano na lang ang sasabihin ng kalaban natin? Na ang amo ng Delta Companies and Empire ay pinapabayaan lang ang mga empleyado niya?” sabi niya sa akin.

“Sir, I assure you po, wala po talagang nangyari sa akin. It’s just a book accident—maliit na gasgas lang po ito,” sabi ko habang nakangiti sa kanya.

“If you say so, Miss Agador,” sagot niya sa akin. Tumayo na siya at bumalik sa lamesa niya. Hindi ko maiwasang pagmasdan si Boss, kaya nang lumingon siya ay napatayo ako bigla.

“Oo nga pala, Boss, meron po kayong meeting today with Mr. Abonsado… Related daw po sa upcoming event ng hotel ninyo,” sabi ko pa sa kanya. Tanging tango lang ang sagot niya.

Nagpaalam na lang ako bago ko matapos sabihin ang schedule niya ngayong araw. Bumalik na ako sa quarters ko para asikasuhin ang mga papeles na ipinasa ng HR department.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
FourStars
Bago lang pero may potention ... keep up the good work, waiting for newer chapters
2025-04-10 11:10:25
0
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status