ログインHindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa naging reaksyon ni Mommy matapos ang biro ni Terrence. Sa gitna ng takot at tensyon, nagawa pa rin niyang pagaanin ang sitwasyon, na para bang wala kami sa gitna ng isang delikadong sitwasyon. Nakita ko kung paano bahagyang nag-relax ang mukha ni Mommy, at kahit sandali lang iyon, sapat na para kumalma ang dibdib ko.Hinuli ni Terrence ang kamay ko matapos ko siyang hampasin, saka iyon marahang pinisil. Walang salita, pero malinaw ang mensahe—nandito siya, at hindi niya ako pababayaan.Napailing na lang ako, pero hindi ko maitatanggi na sa kabila ng lahat, mas lumalakas ang loob ko dahil sa kanya.Gayunpaman, hindi pwedeng manatili kami sa ganoong estado. Hindi pwedeng magpaka-komportable sa isang lugar na malinaw nang hindi ligtas.Muling bumalik ang seryosong ekspresyon sa mukha ko habang nakatingin kay Terrence. “We need to move her,” mahinahon kong sabi, pero may bigat ang bawat salita. “As soon as possible.”Hindi siya nag-atubiling
Hindi ko gustong umalis.Kahit ilang araw na akong halos hindi natutulog, kahit paulit-ulit na akong kinakausap ni Terrence na magpahinga, may parte sa akin na tumatanggi. Parang may kung anong mali na naghihintay na mangyari sa sandaling iwan ko ang silid ni Mommy.Tahimik siyang natutulog nang mga oras na iyon, payapa ang mukha, malayo sa takot na nakita ko sa kanya ilang araw na ang nakalipas. Pero kahit ganon, hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko.“Baby…”Marahan akong napalingon kay Terrence na nakatayo sa likod ko. Ramdam ko ang init ng kanyang kamay nang ipatong niya iyon sa balikat ko.“Kailangan mong magpahinga,” mahinahon niyang sabi. “Hindi ka na nakakabawi.”Hindi agad ako sumagot, napatingin lang ako ulit kay Mommy.“May mga tao sa labas,” dagdag niya. “Naka-brief na ang lahat. Walang makakalapit sa kanya.”Saglit akong napapikit.Dalawang bodyguard ang nakapwesto sa labas ng silid. May naka-assign din sa hallway. Alam kong hindi siya nagkulang sa pag-iingat.At hi
Isang linggo ang lumipas.Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming araw ng kaba at paghihintay, unti-unti nang bumabalik ang sigla ni Mommy.Hindi pa rin siya ganap na malakas, pero kitang-kita ang malaking pagbabago sa kanyang kalagayan. Mas malinaw na ang kanyang mga mata, mas maayos na ang kanyang paghinga, at nagagawa na niyang makipag-usap nang hindi agad napapagod.Sa mga nakaraang araw, sinigurado ni Terrence na hindi kami mawawalan ng proteksyon.May dalawang bodyguards na palaging nakapwesto sa labas ng silid. May isa pang nakabantay sa dulo ng hallway. At ayon kay Terrence, may isa pang team na palihim na nagmo-monitor sa paligid ng hospital.Hindi niya sinasabi nang detalyado ang lahat, pero alam kong ginagawa niya ang lahat para sa kaligtasan naming mag-ina.Ngayong gabi, tahimik ang hospital room.Ako ay nakaupo sa tabi ng kama ni Mommy habang hawak ang kanyang kamay. Sa kabilang side naman ng kama ay nakaupo si Terrence, nakasandal nang bahagya sa upuan habang pinag
Lumipas ang ilang araw na halos pare-pareho ang takbo.Tahimik. Maingat. At puno ng paghihintay.Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napatingin sa pintuan ng hospital room, parang may inaasahang biglang papasok na hindi ko naman alam kung sino.Simula nang sabihin ni Terrence na may posibilidad na may taong gustong patahimikin si Mommy, hindi na nawala sa isip ko ang posibilidad na may nagmamasid sa amin.Kaya naman kahit hindi ko nakikita, alam kong may mga tao sa labas ng silid.Mga bodyguard na ipinadala ni Terrence.Hindi niya iyon ipinagmamalaki, pero nararamdaman ko ang pag-aalala niya sa bawat maliit na detalye. Mula sa pag-check ng CCTV sa hallway hanggang sa pagtiyak na iisa lang ang nurse na papasok sa room ni Mommy.At higit sa lahat, patuloy niyang pinapanatili ang lihim na nagising na si Mommy.Sa lahat ng tao sa hospital, tanging si Dr. Guerrero at ang dalawang nurse na pinagkakatiwalaan nito ang may alam ng totoo.Sa paningin ng lahat ay nasa coma pa rin ang aki
Hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng mga kamay ko kahit makalipas ang ilang minuto mula nang muling mawalan ng malay si Mommy.Tahimik ang silid, pero pakiramdam ko ang lakas ng ingay sa loob ng ulo ko na parang may sirang speaker na paulit-ulit ang tugtog.Your step-uncle.Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon. Kahit pilitin kong huwag isipin, kusang bumabalik.Hindi puwede, hindi tama, at mas lalong hindi kapani-paniwala.Pero ang sarili ko ng ina ang may sabi. At kumpara sa iba ang salita niya ang talagang may bigat sa akin at higit sa lahat ang tangi kong papaniwalaan.“Baby… breathe.”Napansin kong hawak na pala ni Terrence ang magkabilang balikat ko. Hindi ko man lang namalayang lumalalim na pala ang paghinga ko at parang nahihilo na ako sa dami ng iniisip.Marahan niya akong inupo sa couch sa gilid ng silid habang pinipilit kong kumalma.“Hinga ka muna,” bulong niya, marahang hinahaplos ang likod ko. “One step at a time. Nandito lang ako.”Pinikit
Hindi ako iniwanan ni Terrence. Hindi na rin siya pumasok muna sa trabaho kahit anong pilit ko na bumalik na siya sa office.“Gusto ko na magkasama tayong makikita ni Mommy when she wakes up again,” sabi niya habang nakayapos pa rin sa akin. “Ayaw kong isipin niya na mag-isa ka sa mga oras na ‘to. Aba, bigyan mo naman ng chance ang asawa mo na ‘to para magka-points sa aking mother-in-law.”Natawa ako nang mahina, saka ko siya tinitigan nang matagal—yung tipong ayokong kumurap dahil gusto kong tandaan ang moment na ito.“Baka naman matunaw na ako niyan, baby…” tukso niya nang mapansin ang titig ko.“Masaya lang ako,” sagot ko, halos pabulong. “Hindi pa rin ako makapaniwala na talagang nandito ka sa tabi ko. Terrence… thank you for taking care of my mother.”Sumilay ang totoong ngiti sa mga labi niya—yung ngiting hindi pilit, hindi scripted. Ramdam na ramdam. Dahan-dahan niyang pinisil ang pisngi ko, parang gusto niyang burahin ang lungkot na matagal nang naka-ukit doon.“You don’t need
Nagmamadali akong naglakad papasok ng ospital matapos kong magbayad sa sasakyan. Wala na akong oras para lumingon pa. Hindi ko na rin iniinda ang mga taong kasalubong ko o ang malamig na hangin sa lobby. Ang utak ko, may iisang direksyon lang—ang silid ni Mommy.Parang kabisado na ng katawan ko ang
Naging sobrang busy na si Terrence. Hindi lang sa kumpanya, kundi pati sa personal kong issue. At dahil doon, ako naman ‘tong hindi mapakali. Ang hirap mag-focus kapag alam mong may kinikimkim na delikadong bagay ang isang taong mahalaga sayo. Lalo na at sinabi niya pa mismo sa’kin na ayaw niya ako
Ilang araw pa ang lumipas at hindi pa kami muling nagkausap ni Terrence tungkol sa hiniling ko. Hindi ko na rin siya kinulit, kahit gustong-gusto ko sanang magtanong. Pero alam ko at ramdam ko na hindi niya iyon kakalimutan. I trust him, lalo na at sinabi na rin niyang pati ang mga magulang niya ang
“Please, Terrence…” sabi ko, halos pabulong pero may halong pakiusap sa boses. Nakatayo ako sa harap ng office table niya, hawak-hawak pa ang gilid ng mesa na parang ‘yon na lang ang kakapitan ko.Kakasabi ko lang na gusto kong alamin ang totoo tungkol sa nangyari noon—pero heto siya, nakatingin lan







