공유

CHAPTER 2

작가: Nightshade
last update 게시일: 2026-06-02 09:12:37

DANICA FLORES POV

Nanatili akong nakatayo sa tapat ng pader, habang dahan-dahang naglakad si Nathaniel papunta sa pinto. Sinundan ko lang siya ng tingin. Ang tangkad niya talaga, at kahit nakatalikod, kitang-kita sa kilos niya na sanay siyang sinusunod ng lahat.

​"Sumunod ka sa akin," maikling utos niya bago binuksan ang pinto. Hindi man lang niya ako nilingon para tingnan kung susunod ako. Sigurado siyang wala akong pagpipilian.

Tiningnan ko ang bulsa ng jacket ko. Nandoon pa rin ang kontrata. Kung tatakbo ako ngayon sa bintana, baka mabali lang ang buto ko. At kung magmamatigas ako rito, pulis ang bagsak ko. Huminga ako nang malalim, inayos ang medyo lukot kong t-shirt sa ilalim ng jacket, at sumunod sa kanya.

Pumasok kami sa isang malawak na opisina sa dulo ng hallway. Mas maliwanag dito kumpara sa kwarto niya. Umupo siya sa malaking swivel chair sa likod ng isang malaking mesa, ipinatong ang baso ng scotch sa gilid, at tumitig sa akin habang magkasalikop ang mga kamay niya.

"Maupo ka, Danica," sabi niya, sabay turo sa bakanteng leather chair sa tapat niya.

Naupo ako pero hindi ko isinandal ang likod ko. Nanatili akong tuwid, magkahawak ang mga kamay ko sa kandungan ko para itago ang bahagyang panginginig ng mga daliri ko. "Ano 'to, Mr. Cervantes? Interrogation? Kung tatawag ka ng pulis, gawin mo na. Huwag mo na akong patagalin dito."

Bahagyang nangunot ang noo niya, tila bina-basa ang reaksyon ko. "Kung gusto kitang ipakulong, kanina pa kita ipinakarga sa mga bouncer ko sa labas. At hindi kita kakausapin nang ganito."

"Edi anong kailangan mo sa akin?"

May kinuha siyang isang makapal na folder mula sa gilid ng desk niya at inihagis iyon nang banayad sa tapat ko. Nakasulat sa harap ang pangalan ko—Danica Flores.

Napatitig ako sa folder. "Ano 'yan?"

"Ang buong buhay mo sa loob ng limang pahina," simpleng sagot niya habang sumasandal sa upuan. "Danica Flores. Twenty-five years old. Dating junior accountant sa isang firm na nalugi noong isang buwan. May twelve years old na kapatid na lalaki, si Anthony. At may ex-boyfriend na si Ramil na nagtatago ngayon matapos kang iwanan ng milyong pisong utang sa mga loan shark."

Napatahimik ako. Pakiramdam ko, wala na akong naitagong sikreto sa harap niya. Ang lahat ng dumi at ang hirap na dinaranas ko araw-araw para lang mabuhay kaming magkapatid, alam na niya lahat.

"Inimbestigahan mo ako," bulong ko.

​"Kailangan ko," seryosong sabi niya. "Hindi pwedeng basta-basta na lang ako magpapasok ng magnanakaw sa bahay ko nang hindi ko alam kung sino ang kaharap ko. Pero nagulat ako. Hindi ka naman propesyonal. Desperada ka lang talaga."

​Tiningnan ko siya nang diretso, pilit na pinatatatag ang boses ko. "Oo, desperada ako. Dahil kung hindi ko nakuha ang dokumento na 'yan para ibenta sa mga pinsan mo, papatayin nila ang kapatid ko. Kaya huwag mo akong pangaralan tungkol sa tama at mali, Mr. Cervantes. Wala akong oras para dyan ngayon."

​Hindi nagbago ang ekspresyon niya, pero halatang nakuha ko ang interes niya sa sinabi ko.

​"Mabuti naman at alam mong sa mga pinsan ko sana papunta 'yang hawak mo," sabi niya.

Kumuha siya ng isa pang dokumento mula sa drawer niya—mas manipis ito—at inilapag sa tapat ko. "Kaya heto ang alok ko sa'yo."

​Tiningnan ko ang papel. May nakasulat sa pinakataas: MEMORANDUM OF AGREEMENT: MARRIAGE CONTRACT.

Napaawang ang labi ko. Tiningnan ko siya, tapos ang papel, tapos sa kanya ulit. "Ano 'to? Nababaliw ka na ba?"

​"Basahin mo muna," seryosong utos niya.

​"Ayokong basahin 'yan! Kasal? Seryoso ka ba? Bakit naman ako pakakasalan ng isang tulad mo?" Halos mapatayo ako sa sobrang gulat at inis. Akala ko kung anong seryosong kaso ang haharapin ko, pero ito pala.

​"Dahil kailangan ko ng asawa," diretsong sagot niya, walang kaduda-duda at walang pag-aalinlangan. "At higit sa lahat, kailangan ko ng anak na magmamana ng lahat."

​Natawa ako nang pilit dahil sa nerbyos. "Maraming babae sa labas, Mr. Cervantes. Mga modelo, mayayaman, mga anak ng kasosyo mo sa negosyo. Bakit isang katulad ko pa na pumasok sa bahay mo para magnakaw?"

"Dahil ang mga babaeng 'yon, may mga pamilyang mukhang pera na gustong makuha ang shares ko sa kumpanya. Ikaw? Wala kang kahit ano. Mas madali kang kontrolin," sabi niya sabay umabante nang kaunti. Ipinatong niya ang dalawang siko sa mesa, pinalalapit ang mukha niya sa akin. "Ginagamit ng mga pinsan ko ang lolo ko para alisin ako bilang CEO dahil wala pa akong pamilya o anak na magpapatuloy ng pangalan ng mga Cervantes. Kapag nagpakasal ako ngayong buwan at nagkaanak, ang buong kontrol ng kumpanya ay mananatili sa akin. Habambuhay."

Napalunok ako. "At anong mapapala ko rito?"

"Lahat ng utang mo, babayaran ko sa mismong araw na mapirmahan mo 'yan. Bibigyan ko ng maayos na buhay ang kapatid mo. Lahat ng gastusin niya sa pag-aaral, sagot ko. At pagkatapos ng isang taon, kapag maayos na ang lahat at may tagapagmana na ako, pwede na tayong mag-divorce sa ibang bansa. Pwede kang umalis, bitbit ang perang sapat na para hindi ka na magtrabaho habambuhay."

​Napatitig ako sa kasunduan. Sobrang ganda ng alok. Ito na ang pinakamadaling solusyon sa lahat ng problemang iniiyakan ko gabi-gabi habang pinapanood kong natutulog ang kapatid ko.

Pero may kapalit. Ang katawan ko at ang kalayaan ko.

​"Paano kung tumanggi ako?" tanong ko, halos pabulong na lang.

​Sumandal ulit si Nathaniel at dahan-dahang hinawakan ang telepono sa mesa. Tiningnan niya ako nang diretso sa mga mata.

"Kung tumanggi ka, pipindutin ko ang button na ito. Tatawagin ko ang mga pulis. At sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan sa kasong robbery at trespassing," malamig niyang sabi. "At habang nasa loob ka, bahala na ang mga loan shark na hanapin ang kapatid mo sa labas."

​Nanginig ako sa huling sinabi niya. Napakapit ako sa gilid ng mesa niya sa sobrang takot at galit.

​"Wala kang puso," mariin kong sabi habang pilit kong pinipigilan ang luha ko.

​Inilapag niya ang telepono at ngumiti nang nakakaasar. "Negosyo lang ito, Danica. So, ano? Pipirma ka o tatawag na ako?"

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Stealing Mr. Arrogant   CHAPTER 6

    DANICA FLORES POVHindi ako masyadong nakatulog. Paano ba naman, sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nararamdaman ko pa rin ang bigat ng katawan ni Nathaniel sa ibabaw ko at ang mariing lapat ng mga labi niya. Napahawak ako sa sarili kong bibig habang nakatitig sa kisame. Business transaction, Danica. Trabaho lang 'yon, paalala ko sa sarili ko.Lumingon ako sa tabi ko. Wala na si Nathaniel sa kama, pero amoy tabako at mint pa rin ang unan niya. Bumangon ako at dahan-dahang naglakad patungo sa banyo para maghilamos. Pagtingin ko sa salamin, medyo namumugto pa ang mga mata ko. Ang daming nangyari sa loob lang ng dalawang araw. Mula sa pagiging gipit na accountant, ngayon ay nakatali na ako sa pinakamakapangyarihang CEO sa bansa—at kasama ko siya sa isang laro na buhay at kamatayan ang nakataya.Pagkababa ko sa engrandeng dining room, ang sunod-sunod na katok sa pinto at ang pamilyar na boses mula sa sala ang bumasag sa katahimikan ng umaga."Nasaan ang bago mong manika, Nathaniel? H

  • Stealing Mr. Arrogant   CHAPTER 5

    DANICA FLORES POV "Diyan ka sa sahig." Tinitigan ko si Nathaniel habang inilalapag niya ang unan sa malawak na gray carpet sa gilid ng engkantadong king-sized bed. Kakalabas ko lang ng banyo pagkatapos magpalit ng oversized na t-shirt na hiningi ko sa maid. "Wow. Napaka-gentleman mo naman, Mr. Cervantes," sagot ko, sabay krus ng mga braso ko. "Ako na nga itong duguan ang tuhod kanina, ako pa ang patutulugin mo sa matigas na sahig?" "Sabi sa kontrata, mag-asawa tayo sa harap ng publiko. Walang nakasulat na kailangan kitang patuluyin sa kama ko," seryoso niyang sabi habang tinatanggal ang kanyang relo at isinasabit ang business suit sa hanger. "At mas malinis ang carpet na 'yan kaysa sa sahig ng dati mong apartment, Flores." Ang yabang talaga ng lalaking 'to. Napakagat-labi na lang ako. Totoo naman ang sinabi niya, pero nakakainis pa rin ang paraan ng pagsasalita niya. Parang bawat salita, may kasamang panlalait. Lalapit na sana ako para kunin ang unan nang biglang umalingaw

  • Stealing Mr. Arrogant   CHAPTER

    DANICA FLORES POVSakit sa ulo. Iyon agad ang sumalubong sa akin paggising ko pa lang bago mag-alas-sais ng umaga. May nakalatag na agad na malalaking paper bags sa paanan ng kama kung saan ako pinatulog ni Nathaniel semgabi pagkatapos ng pirmahan. Pagkabukas ko, puro branded na damit, sapatos, at kung anong klase ng kolorete ang nandoon."Ano 'to, gagawin akong manika?" bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan 'yong beige na tweed dress na may gintong butones.Wala pang isang oras, bumaba na ako sa dining area. Nandoon na si Nathaniel. Naka-business suit na siya, maayos ang buhok, at seryosong nagbabasa ng tablet habang may hawak na tasa ng kape. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa nang marinig ang tunog ng suot kong mababang heels.Bahagyang lumambot ang linya ng panga niya, pero saglit lang 'yon bago bumalik ang nakasanayan niyang blangkong mukha. "Bagay sa'yo. At least ngayon, hindi ka na mukhang magnanakaw na galing sa eskinita."Hila ko ang upuan sa tapat niya nang med

  • Stealing Mr. Arrogant   CHAPTER 3

    DANICA FLORES POV Tumalikod ako. Iniwan ko si Nathaniel na mag-isang nakatayo sa tabi ng mesa niya habang bitbit ang nakakarindeng katahimikan ng opisina niya. Bahala na. Hindi ko kayang sikmurain na ibenta ang sarili ko sa ganoong klaseng lalaki. Lumabas ako ng mansyon, mabilis ang mga hakbang pababa sa mahabang sementadong daan patungo sa gate. Malaya naman akong nakalabas dahil walang utos ang amo nilang harangin ako. Marahil alam niyang babalik din ako. At tama siya. Hindi pa ako nakakalayo sa subdivision, sa isang madilim na eskinita malapit sa sakayan ng jeep, may pumaradang itim na van sa tapat ko. Bumaba ang tatlong lalaki. Sila 'yong mga naningil sa akin noong isang gabi—mga tauhan ng bumbay at loan shark na pinagkautangan ni Ramil gamit ang pirma ko. "Akala mo ba matatakasan mo kami, Danica?" Sabi ng nasa gitna, sabay hablot sa braso ko. Sumubsob ako sa semento nang itulak niya ako. Gulanit ang tuhod ng pantalon ko, naramdaman ko agad ang hapdi ng gasgas na may kasamang

  • Stealing Mr. Arrogant   CHAPTER 2

    DANICA FLORES POV Nanatili akong nakatayo sa tapat ng pader, habang dahan-dahang naglakad si Nathaniel papunta sa pinto. Sinundan ko lang siya ng tingin. Ang tangkad niya talaga, at kahit nakatalikod, kitang-kita sa kilos niya na sanay siyang sinusunod ng lahat. ​"Sumunod ka sa akin," maikling utos niya bago binuksan ang pinto. Hindi man lang niya ako nilingon para tingnan kung susunod ako. Sigurado siyang wala akong pagpipilian. Tiningnan ko ang bulsa ng jacket ko. Nandoon pa rin ang kontrata. Kung tatakbo ako ngayon sa bintana, baka mabali lang ang buto ko. At kung magmamatigas ako rito, pulis ang bagsak ko. Huminga ako nang malalim, inayos ang medyo lukot kong t-shirt sa ilalim ng jacket, at sumunod sa kanya. Pumasok kami sa isang malawak na opisina sa dulo ng hallway. Mas maliwanag dito kumpara sa kwarto niya. Umupo siya sa malaking swivel chair sa likod ng isang malaking mesa, ipinatong ang baso ng scotch sa gilid, at tumitig sa akin habang magkasalikop ang mga kamay niya

  • Stealing Mr. Arrogant   CHAPTER 1

    DANICA FLORES POV ​Malamig. Iyon ang una kong naramdaman pagkagising ko. Ang huling naalala ko, gumagapang ako sa hallway ng penthouse na 'to habang nakatago sa jacket ko ang isang maliit na velvet pouch. Pero ngayon, nakahiga na ako sa isang napakalambot na kama, at amoy na amoy sa kwarto ang pabango ng isang lalaki. ​Dahan-dahan kong kinapa ang bulsa ko. Nandoon pa rin ang pouch. Napahinga ako nang malalim. Ligtas ang hard drive at ang lumang kontrata na kailangan ko. Ito na lang ang tanging paraan para matigil ang mga nagbabanta sa buhay ng kapatid ko. Naaalala ko pa kung paano ako humantong sa ganito. Isang linggo lang ang nakalipas, maayos naman ang lahat—may trabaho ako sa isang maliit na accounting firm. Pero biglang ninakaw ng ex-boyfriend ko ang lahat ng ipon ko, pati ang perang pampagamot at pang-matrikula ng kapatid ko. ​At ang mas malala, bago tumakas ang walanghiyang 'yon, ginamit pa niya ang pangalan ng pamilya ko para mangutang sa mga loan shark. Mga taong walan

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status