로그인DANICA FLORES POV
Tumalikod ako. Iniwan ko si Nathaniel na mag-isang nakatayo sa tabi ng mesa niya habang bitbit ang nakakarindeng katahimikan ng opisina niya. Bahala na. Hindi ko kayang sikmurain na ibenta ang sarili ko sa ganoong klaseng lalaki. Lumabas ako ng mansyon, mabilis ang mga hakbang pababa sa mahabang sementadong daan patungo sa gate. Malaya naman akong nakalabas dahil walang utos ang amo nilang harangin ako. Marahil alam niyang babalik din ako. At tama siya. Hindi pa ako nakakalayo sa subdivision, sa isang madilim na eskinita malapit sa sakayan ng jeep, may pumaradang itim na van sa tapat ko. Bumaba ang tatlong lalaki. Sila 'yong mga naningil sa akin noong isang gabi—mga tauhan ng bumbay at loan shark na pinagkautangan ni Ramil gamit ang pirma ko. "Akala mo ba matatakasan mo kami, Danica?" Sabi ng nasa gitna, sabay hablot sa braso ko. Sumubsob ako sa semento nang itulak niya ako. Gulanit ang tuhod ng pantalon ko, naramdaman ko agad ang hapdi ng gasgas na may kasamang kaunting dugo. Hinila nila ang buhok ko, pilit akong isinasakay sa van. Nagpumiglas ako, sumisigaw, sinisipa ang kung sinong matamaan. Pero tatlo sila. "Ang kapatid mo, alam namin kung saang school nag-aaral. Kung hindi mo 'to babayaran ngayon, siya ang kukuha sa amin." Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas. Kinagat ko nang mamuong dugo ang kamay ng may hawak sa akin, saka ako mabilis na gumapang palayo, tumakbo pabalik sa direksyon ng mansyon ng mga Cervantes. Habol ko ang hininga ko, umiiyak, duguan, at basang-basa ng pawis nang makarating ulit ako sa malaking gate. Pagpasok ko sa private office niya sa ikalawang palapag, hindi man lang siya nagulat. Nakaupo pa rin siya roon, tila hinihintay talaga ang pagbabalik ko. Tumingin siya sa duguang tuhod ko, pababa sa nanginginig kong mga kamay. Walang bakas ng awa sa mukha niya. "Mabilis ka yatang nagbago ng isip." Hindi ako sumagot agad. Lumapit ako sa mesa niya, mabibigat ang bawat hakbang. Dinampot ko ang ballpen na ginto na nakalapag sa ibabaw ng kontrata. Sa sobrang panginginig ng kamay ko, nabitiwan ko pa ito bago ko muling hinawakan nang mahigpit. "Pirpirmahan ko 'to," sabi ko, gumaralgal ang boses ko pero sinalubong ko ang tingin niya. "Pero may isang kondisyon, Nathaniel." "Wala ka sa posisyong maglatag ng kondisyon, Danica," malamig niyang sagot. Inilapit ko ang dulo ng ballpen sa papel. Dahil may sugat din ang palad ko mula sa pagkakasubsob kanina, may kaunting dugo na dumanas sa dulo ng daliri ko, nag-iwan ng pulang bahid sa gilid ng kontrata bago ko isinulat ang pangalan ko. "Siguraduhin mo lang na ligtas si Luis. Isang galos lang sa kapatid ko, hinding-hindi mo mukuha ang gusto mo sa akin." Mabilis kong isinulat ang pirma ko. Pagkatapos, binitawan ko ang ballpen na gumulong sa ibabaw ng mesa. "I’m signing this contract, Mr. Cervantes," wika ko, pilit na pinatatag ang aking tindig kahit na nanghihina ang buong katawan ko. "But I will never give you my dignity." Kinuha ni Nathaniel ang papel. Tiningnan niya ang pirma ko, bago dahan-dahang nag-angat ng tingin sa akin. Lumapit siya, dumaan sa gilid ng mesa hanggang sa magkatapat na kaming dalawa. Amoy mamahaling tabako at alak pa rin siya, kabaligtaran ng amoy ng kalye at dugo na dala ko. Inabot ng mahahaba niyang daliri ang panga ko, marahan pero mahigpit na itinaas ang mukha ko para mapilitan akong tumingin sa kanya. "I don't need your dignity, sweetheart," bulong niya, sobrang lamig ng boses na parang humahaplos sa balat ko. "I just need your womb."DANICA FLORES POVHindi ako masyadong nakatulog. Paano ba naman, sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nararamdaman ko pa rin ang bigat ng katawan ni Nathaniel sa ibabaw ko at ang mariing lapat ng mga labi niya. Napahawak ako sa sarili kong bibig habang nakatitig sa kisame. Business transaction, Danica. Trabaho lang 'yon, paalala ko sa sarili ko.Lumingon ako sa tabi ko. Wala na si Nathaniel sa kama, pero amoy tabako at mint pa rin ang unan niya. Bumangon ako at dahan-dahang naglakad patungo sa banyo para maghilamos. Pagtingin ko sa salamin, medyo namumugto pa ang mga mata ko. Ang daming nangyari sa loob lang ng dalawang araw. Mula sa pagiging gipit na accountant, ngayon ay nakatali na ako sa pinakamakapangyarihang CEO sa bansa—at kasama ko siya sa isang laro na buhay at kamatayan ang nakataya.Pagkababa ko sa engrandeng dining room, ang sunod-sunod na katok sa pinto at ang pamilyar na boses mula sa sala ang bumasag sa katahimikan ng umaga."Nasaan ang bago mong manika, Nathaniel? H
DANICA FLORES POV "Diyan ka sa sahig." Tinitigan ko si Nathaniel habang inilalapag niya ang unan sa malawak na gray carpet sa gilid ng engkantadong king-sized bed. Kakalabas ko lang ng banyo pagkatapos magpalit ng oversized na t-shirt na hiningi ko sa maid. "Wow. Napaka-gentleman mo naman, Mr. Cervantes," sagot ko, sabay krus ng mga braso ko. "Ako na nga itong duguan ang tuhod kanina, ako pa ang patutulugin mo sa matigas na sahig?" "Sabi sa kontrata, mag-asawa tayo sa harap ng publiko. Walang nakasulat na kailangan kitang patuluyin sa kama ko," seryoso niyang sabi habang tinatanggal ang kanyang relo at isinasabit ang business suit sa hanger. "At mas malinis ang carpet na 'yan kaysa sa sahig ng dati mong apartment, Flores." Ang yabang talaga ng lalaking 'to. Napakagat-labi na lang ako. Totoo naman ang sinabi niya, pero nakakainis pa rin ang paraan ng pagsasalita niya. Parang bawat salita, may kasamang panlalait. Lalapit na sana ako para kunin ang unan nang biglang umalingaw
DANICA FLORES POVSakit sa ulo. Iyon agad ang sumalubong sa akin paggising ko pa lang bago mag-alas-sais ng umaga. May nakalatag na agad na malalaking paper bags sa paanan ng kama kung saan ako pinatulog ni Nathaniel semgabi pagkatapos ng pirmahan. Pagkabukas ko, puro branded na damit, sapatos, at kung anong klase ng kolorete ang nandoon."Ano 'to, gagawin akong manika?" bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan 'yong beige na tweed dress na may gintong butones.Wala pang isang oras, bumaba na ako sa dining area. Nandoon na si Nathaniel. Naka-business suit na siya, maayos ang buhok, at seryosong nagbabasa ng tablet habang may hawak na tasa ng kape. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa nang marinig ang tunog ng suot kong mababang heels.Bahagyang lumambot ang linya ng panga niya, pero saglit lang 'yon bago bumalik ang nakasanayan niyang blangkong mukha. "Bagay sa'yo. At least ngayon, hindi ka na mukhang magnanakaw na galing sa eskinita."Hila ko ang upuan sa tapat niya nang med
DANICA FLORES POV Tumalikod ako. Iniwan ko si Nathaniel na mag-isang nakatayo sa tabi ng mesa niya habang bitbit ang nakakarindeng katahimikan ng opisina niya. Bahala na. Hindi ko kayang sikmurain na ibenta ang sarili ko sa ganoong klaseng lalaki. Lumabas ako ng mansyon, mabilis ang mga hakbang pababa sa mahabang sementadong daan patungo sa gate. Malaya naman akong nakalabas dahil walang utos ang amo nilang harangin ako. Marahil alam niyang babalik din ako. At tama siya. Hindi pa ako nakakalayo sa subdivision, sa isang madilim na eskinita malapit sa sakayan ng jeep, may pumaradang itim na van sa tapat ko. Bumaba ang tatlong lalaki. Sila 'yong mga naningil sa akin noong isang gabi—mga tauhan ng bumbay at loan shark na pinagkautangan ni Ramil gamit ang pirma ko. "Akala mo ba matatakasan mo kami, Danica?" Sabi ng nasa gitna, sabay hablot sa braso ko. Sumubsob ako sa semento nang itulak niya ako. Gulanit ang tuhod ng pantalon ko, naramdaman ko agad ang hapdi ng gasgas na may kasamang
DANICA FLORES POV Nanatili akong nakatayo sa tapat ng pader, habang dahan-dahang naglakad si Nathaniel papunta sa pinto. Sinundan ko lang siya ng tingin. Ang tangkad niya talaga, at kahit nakatalikod, kitang-kita sa kilos niya na sanay siyang sinusunod ng lahat. "Sumunod ka sa akin," maikling utos niya bago binuksan ang pinto. Hindi man lang niya ako nilingon para tingnan kung susunod ako. Sigurado siyang wala akong pagpipilian. Tiningnan ko ang bulsa ng jacket ko. Nandoon pa rin ang kontrata. Kung tatakbo ako ngayon sa bintana, baka mabali lang ang buto ko. At kung magmamatigas ako rito, pulis ang bagsak ko. Huminga ako nang malalim, inayos ang medyo lukot kong t-shirt sa ilalim ng jacket, at sumunod sa kanya. Pumasok kami sa isang malawak na opisina sa dulo ng hallway. Mas maliwanag dito kumpara sa kwarto niya. Umupo siya sa malaking swivel chair sa likod ng isang malaking mesa, ipinatong ang baso ng scotch sa gilid, at tumitig sa akin habang magkasalikop ang mga kamay niya
DANICA FLORES POV Malamig. Iyon ang una kong naramdaman pagkagising ko. Ang huling naalala ko, gumagapang ako sa hallway ng penthouse na 'to habang nakatago sa jacket ko ang isang maliit na velvet pouch. Pero ngayon, nakahiga na ako sa isang napakalambot na kama, at amoy na amoy sa kwarto ang pabango ng isang lalaki. Dahan-dahan kong kinapa ang bulsa ko. Nandoon pa rin ang pouch. Napahinga ako nang malalim. Ligtas ang hard drive at ang lumang kontrata na kailangan ko. Ito na lang ang tanging paraan para matigil ang mga nagbabanta sa buhay ng kapatid ko. Naaalala ko pa kung paano ako humantong sa ganito. Isang linggo lang ang nakalipas, maayos naman ang lahat—may trabaho ako sa isang maliit na accounting firm. Pero biglang ninakaw ng ex-boyfriend ko ang lahat ng ipon ko, pati ang perang pampagamot at pang-matrikula ng kapatid ko. At ang mas malala, bago tumakas ang walanghiyang 'yon, ginamit pa niya ang pangalan ng pamilya ko para mangutang sa mga loan shark. Mga taong walan







