공유

CHAPTER

작가: Nightshade
last update 게시일: 2026-06-02 09:16:35

DANICA FLORES POV

Sakit sa ulo. Iyon agad ang sumalubong sa akin paggising ko pa lang bago mag-alas-sais ng umaga.

May nakalatag na agad na malalaking paper bags sa paanan ng kama kung saan ako pinatulog ni Nathaniel semgabi pagkatapos ng pirmahan. Pagkabukas ko, puro branded na damit, sapatos, at kung anong klase ng kolorete ang nandoon.

"Ano 'to, gagawin akong manika?" bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan 'yong beige na tweed dress na may gintong butones.

Wala pang isang oras, bumaba na ako sa dining area. Nandoon na si Nathaniel. Naka-business suit na siya, maayos ang buhok, at seryosong nagbabasa ng tablet habang may hawak na tasa ng kape. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa nang marinig ang tunog ng suot kong mababang heels.

Bahagyang lumambot ang linya ng panga niya, pero saglit lang 'yon bago bumalik ang nakasanayan niyang blangkong mukha. "Bagay sa'yo. At least ngayon, hindi ka na mukhang magnanakaw na galing sa eskinita."

Hila ko ang upuan sa tapat niya nang medyo malakas, lumikha 'yon ng maingay na gasgas sa sahig. "Salamat sa compliment, ha? Medyo nakakapanibago lang na hindi panyong may amoy chloroform ang isinalubong mo sa akin ngayong umaga."

Ibinaba niya ang tasa niya sa platito. Walang tunog.

"May press conference sa hotel mamayang alas-diyes. Nandoon din ang pamilya ko. Doon kita opisyal na ipakikilala bilang fiancée ko."

"Alas-diyes? Agad?" Natigilan ako sa pag-abot ng tinapay. "Hindi ba pwedeng mag-ensayo muna tayo? Baka sa unang tanong pa lang ng media, madulas ako na binackmail mo lang ako."

"Hindi ka madudulas, Danica. Matalino ka, accountant ka diba?" Sumandal siya sa upuan, pinagdaop ang mga daliri. "Ang kwento natin, nagkakilala tayo sa isang private event ilang buwan na ang nakakaraan.

Secret relationship dahil ayaw natin ng iskandalo.

Ngayong engaged na tayo, handa na tayong magpakita."

"At maniniwala naman sila?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Isang hamak na ordinaryong babae, biglang papakasalan ng isang Nathaniel Cervantes? Anong plot ng kwento 'to, W*****d?"

Magaan siyang ngumiti, pero ramdam ang panunuya.

"Maniniwala sila dahil ako ang nagsabi. Sa mundong ginagalawan ko, ang katotohanan ay kung ano ang idinidikta ng pera ko."

Pagdating sa grand ballroom ng Cervantes Hotel, parang biglang sumikip ang dibdib ko. Ang daming camera, ang daming reporters na nag-aagawan ng pwesto sa harap ng stage. Ramdam ko ang pamamasa ng palad ko habang nakatayo sa backstage.

Biglang may humawak sa kamay ko. Mainit, malaki, at mahigpit. Napatingin ako kay Nathaniel.

"Huwag kang manginig," mahinang utos niya, habang nakatingin lang sa unahan. "Tumingin ka lang sa akin kapag hindi mo alam ang isasagot mo."

"Madaling sabihin," bulong ko, pero hindi ko binawi ang kamay ko. Kailangan ko ang hawak na 'yon para hindi ako matumba.

Nang maglakad kami palabas, sunod-sunod na kislap ng camera ang sumalubong sa amin. Nakakahilo.

Umupo kami sa gitna ng long table. Bago pa man makapagsalita ang PR manager ni Nathaniel, isang may edad na babae na nakasuot ng mamahaling pulang terno ang tumayo mula sa VIP seats sa gilid. Si Victoria Cervantes, ang tita ni Nathaniel. Kasunod nito ang anak niyang lalaki na si bwisit kung tumingin sa akin.

"Nathaniel, ano 'tong kalokohan na 'to?" mariing tanong ni Victoria, sapat na para marinig ng mga unang hanay ng media. "Sino ang babaeng 'yan? Saan mo siya napulot? Ni hindi man lang siya kilala sa kahit anong sirkulo ng alta lipunan."

Bumitaw si Nathaniel sa kamay ko, tapos ay umayos ng upo. Ang lamig ng boses niya nang magsalita sa mic. "Tita Victoria, pinalaki ako ni Lolo na may respeto sa mga bisita. Pero kung ang unang itatanong mo ay kung saan ko 'napulot' ang mapapangasawa ko, baka gusto mong ipaalala ko sa'yo kung saang casino ko madalas binabayaran ang mga utang ng anak mo."

Narinig ko ang mahinang singhap ng mga tao sa paligid. Namula ang mukha ng matandang babae.

Tumingin naman sa akin ang pinsan ni Nathaniel, si Julian, na may nakakarimarim na ngiti. "Nathaniel, baka naman nagmamadali ka lang dahil sa huling habilin ni Lolo tungkol sa kumpanya? Sigurado ka bang hindi ka lang nagbayad ng kung sinong babae sa tabi-tabi para magpanggap?"

Tumingin ang ilang reporters sa akin. Naghihintay ng reaksyon. Nararamdaman ko ang titig nila na parang tinatimbang ang halaga ng suot kong tweed dress.

Alam kong kapag nanahimik ako rito, matatalo kami. At kapag natalo si Nathaniel, walang pambayad sa utang ko, walang proteksyon si Anthony.

Inabot ko ang mic sa tapat ko. Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang tibok ng puso ko.

"Mr. Julian Cervantes, tama po ba?" Tiningnan ko siya nang diretso, walang kurap. "Naiintindihan ko naman po kung bakit kayo nagugulat. Normal lang naman po sa mga taong sanay na ang kasal ay isang business transaction ang magtaka kapag may nakita silang nagpapakasal dahil sa... totoong nararamdaman."

Bahagyang lumingon si Nathaniel sa akin. Bahagyang nakataas ang isang kilay niya, halatang nagulat na sumagot ako.

Ipinagpatuloy ko ang pagsasalita, binalingan ko ang mga camera. "Hindi ako galing sa mayayamang pamilya, totoo po 'yon. Accountant po ako. Sanay akong magbilang ng mga bagay na may halaga. At noong makilala ko si Nathaniel, nakita ko na ang tunay na halaga niya ay wala sa pangalan o sa kumpanyang hawak niya, kundi sa kung paano niya protektahan ang mga taong mahalaga sa kanya."

Tumingin ako kay Nathaniel, pilit na ngumiti na parang tapat na tapat ako. "Kaya kung tingin niyo po ay nagmamadali kami para sa kumpanya, sa tingin ko po ay mas nagmamadali si Nathaniel na makasama ako habambuhay. Diba, hon?"

Medyo nabulunan yata si Nathaniel sa sarili niyang laway nang marinig ang "hon," pero mabilis siyang nakabawi. Inabot niya ang kamay ko sa ibabaw ng mesa, pinisil iyon nang bahagya—hindi ko alam kung babala ba 'yon o pasasalamat—at humarap muli sa media.

"I think that answers your question, Julian," malamig na pagtatapos ni Nathaniel. "Ang kasal namin ay tuloy sa susunod na linggo. At kung sino man ang may balak mag-imbestiga o manggulo sa fiancée ko, asahan ninyong personal ko kayong haharapin sa korte... o sa boardroom."

Natapos ang press conference na bulungan ang buong silid. Pagbalik namin sa holding room, agad kong binitawan ang kamay niya at napasandal ako sa pinto, halos mabuwal sa tindi ng adrenaline.

Nanggalaiti pa rin ang tita niya na sumunod pala sa amin sa kwarto. Pabalabag nitong isinara ang pinto.

"Huwag mong akalaing nanalo ka na, Nathaniel!" sigaw ni Victoria, itinuturo ako ng daliri nitong may mahahabang pekeng kuko. "Titingnan natin kung saan aabot ang kasal-kasalan niyo kapag nalaman ng board na baog ka o hindi ka kayang bigyan ng anak ng babaeng 'yan sa loob ng isang taon! Alam namin ang rules ni Lolo!"

"Lumabas ka, Tita," mahina pero mariing sabi ni Nathaniel. Hindi man lang siya gumagalaw sa pwesto niya.

"Tatandaan mo 'to, Nathaniel. Isang pagkakamali lang ng babaeng 'yan, babawiin namin ang Cervantes Group!" Huling sigaw ng matanda bago ito padarag na lumabas ng silid.

Naiwan kaming dalawa sa loob. Tahimik.

Tumingin ako kay Nathaniel na ngayon ay dahan-dahang nagluluwag ng necktie niya. Halatang may pinagdadaanan siyang matinding galit, pero pinipigilan lang niya.

"Hon, pala, ha?" basag niya sa katahimikan, habang nakatitig sa akin.

"Strategic move 'yon, Mr. Cervantes," sagot ko naman, habang inaayos ang buhok ko na medyo nagulo. "Kung hindi ako sumagot, baka hanggang ngayon ay ginigisa pa tayo ng tita mo."

Lumapit siya sa akin, huminto sa tapat ko, at tiningnan ako nang masinsinan. "Magaling ka. Mas magaling ka sa inaasahan ko."

"Sabi ko naman sa'yo, hindi ako basta-basta ordinaryong babae lang," sagot ko, sabay iwas ng tingin dahil masyadong mabigat ang presensya niya kapag malapit. "Gawin lang natin ang part natin sa kontrata."

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Stealing Mr. Arrogant   CHAPTER 6

    DANICA FLORES POVHindi ako masyadong nakatulog. Paano ba naman, sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nararamdaman ko pa rin ang bigat ng katawan ni Nathaniel sa ibabaw ko at ang mariing lapat ng mga labi niya. Napahawak ako sa sarili kong bibig habang nakatitig sa kisame. Business transaction, Danica. Trabaho lang 'yon, paalala ko sa sarili ko.Lumingon ako sa tabi ko. Wala na si Nathaniel sa kama, pero amoy tabako at mint pa rin ang unan niya. Bumangon ako at dahan-dahang naglakad patungo sa banyo para maghilamos. Pagtingin ko sa salamin, medyo namumugto pa ang mga mata ko. Ang daming nangyari sa loob lang ng dalawang araw. Mula sa pagiging gipit na accountant, ngayon ay nakatali na ako sa pinakamakapangyarihang CEO sa bansa—at kasama ko siya sa isang laro na buhay at kamatayan ang nakataya.Pagkababa ko sa engrandeng dining room, ang sunod-sunod na katok sa pinto at ang pamilyar na boses mula sa sala ang bumasag sa katahimikan ng umaga."Nasaan ang bago mong manika, Nathaniel? H

  • Stealing Mr. Arrogant   CHAPTER 5

    DANICA FLORES POV "Diyan ka sa sahig." Tinitigan ko si Nathaniel habang inilalapag niya ang unan sa malawak na gray carpet sa gilid ng engkantadong king-sized bed. Kakalabas ko lang ng banyo pagkatapos magpalit ng oversized na t-shirt na hiningi ko sa maid. "Wow. Napaka-gentleman mo naman, Mr. Cervantes," sagot ko, sabay krus ng mga braso ko. "Ako na nga itong duguan ang tuhod kanina, ako pa ang patutulugin mo sa matigas na sahig?" "Sabi sa kontrata, mag-asawa tayo sa harap ng publiko. Walang nakasulat na kailangan kitang patuluyin sa kama ko," seryoso niyang sabi habang tinatanggal ang kanyang relo at isinasabit ang business suit sa hanger. "At mas malinis ang carpet na 'yan kaysa sa sahig ng dati mong apartment, Flores." Ang yabang talaga ng lalaking 'to. Napakagat-labi na lang ako. Totoo naman ang sinabi niya, pero nakakainis pa rin ang paraan ng pagsasalita niya. Parang bawat salita, may kasamang panlalait. Lalapit na sana ako para kunin ang unan nang biglang umalingaw

  • Stealing Mr. Arrogant   CHAPTER

    DANICA FLORES POVSakit sa ulo. Iyon agad ang sumalubong sa akin paggising ko pa lang bago mag-alas-sais ng umaga. May nakalatag na agad na malalaking paper bags sa paanan ng kama kung saan ako pinatulog ni Nathaniel semgabi pagkatapos ng pirmahan. Pagkabukas ko, puro branded na damit, sapatos, at kung anong klase ng kolorete ang nandoon."Ano 'to, gagawin akong manika?" bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan 'yong beige na tweed dress na may gintong butones.Wala pang isang oras, bumaba na ako sa dining area. Nandoon na si Nathaniel. Naka-business suit na siya, maayos ang buhok, at seryosong nagbabasa ng tablet habang may hawak na tasa ng kape. Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa nang marinig ang tunog ng suot kong mababang heels.Bahagyang lumambot ang linya ng panga niya, pero saglit lang 'yon bago bumalik ang nakasanayan niyang blangkong mukha. "Bagay sa'yo. At least ngayon, hindi ka na mukhang magnanakaw na galing sa eskinita."Hila ko ang upuan sa tapat niya nang med

  • Stealing Mr. Arrogant   CHAPTER 3

    DANICA FLORES POV Tumalikod ako. Iniwan ko si Nathaniel na mag-isang nakatayo sa tabi ng mesa niya habang bitbit ang nakakarindeng katahimikan ng opisina niya. Bahala na. Hindi ko kayang sikmurain na ibenta ang sarili ko sa ganoong klaseng lalaki. Lumabas ako ng mansyon, mabilis ang mga hakbang pababa sa mahabang sementadong daan patungo sa gate. Malaya naman akong nakalabas dahil walang utos ang amo nilang harangin ako. Marahil alam niyang babalik din ako. At tama siya. Hindi pa ako nakakalayo sa subdivision, sa isang madilim na eskinita malapit sa sakayan ng jeep, may pumaradang itim na van sa tapat ko. Bumaba ang tatlong lalaki. Sila 'yong mga naningil sa akin noong isang gabi—mga tauhan ng bumbay at loan shark na pinagkautangan ni Ramil gamit ang pirma ko. "Akala mo ba matatakasan mo kami, Danica?" Sabi ng nasa gitna, sabay hablot sa braso ko. Sumubsob ako sa semento nang itulak niya ako. Gulanit ang tuhod ng pantalon ko, naramdaman ko agad ang hapdi ng gasgas na may kasamang

  • Stealing Mr. Arrogant   CHAPTER 2

    DANICA FLORES POV Nanatili akong nakatayo sa tapat ng pader, habang dahan-dahang naglakad si Nathaniel papunta sa pinto. Sinundan ko lang siya ng tingin. Ang tangkad niya talaga, at kahit nakatalikod, kitang-kita sa kilos niya na sanay siyang sinusunod ng lahat. ​"Sumunod ka sa akin," maikling utos niya bago binuksan ang pinto. Hindi man lang niya ako nilingon para tingnan kung susunod ako. Sigurado siyang wala akong pagpipilian. Tiningnan ko ang bulsa ng jacket ko. Nandoon pa rin ang kontrata. Kung tatakbo ako ngayon sa bintana, baka mabali lang ang buto ko. At kung magmamatigas ako rito, pulis ang bagsak ko. Huminga ako nang malalim, inayos ang medyo lukot kong t-shirt sa ilalim ng jacket, at sumunod sa kanya. Pumasok kami sa isang malawak na opisina sa dulo ng hallway. Mas maliwanag dito kumpara sa kwarto niya. Umupo siya sa malaking swivel chair sa likod ng isang malaking mesa, ipinatong ang baso ng scotch sa gilid, at tumitig sa akin habang magkasalikop ang mga kamay niya

  • Stealing Mr. Arrogant   CHAPTER 1

    DANICA FLORES POV ​Malamig. Iyon ang una kong naramdaman pagkagising ko. Ang huling naalala ko, gumagapang ako sa hallway ng penthouse na 'to habang nakatago sa jacket ko ang isang maliit na velvet pouch. Pero ngayon, nakahiga na ako sa isang napakalambot na kama, at amoy na amoy sa kwarto ang pabango ng isang lalaki. ​Dahan-dahan kong kinapa ang bulsa ko. Nandoon pa rin ang pouch. Napahinga ako nang malalim. Ligtas ang hard drive at ang lumang kontrata na kailangan ko. Ito na lang ang tanging paraan para matigil ang mga nagbabanta sa buhay ng kapatid ko. Naaalala ko pa kung paano ako humantong sa ganito. Isang linggo lang ang nakalipas, maayos naman ang lahat—may trabaho ako sa isang maliit na accounting firm. Pero biglang ninakaw ng ex-boyfriend ko ang lahat ng ipon ko, pati ang perang pampagamot at pang-matrikula ng kapatid ko. ​At ang mas malala, bago tumakas ang walanghiyang 'yon, ginamit pa niya ang pangalan ng pamilya ko para mangutang sa mga loan shark. Mga taong walan

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status