Share

CHAPTER 2:

Author: Michelle Vito
last update publish date: 2026-05-29 22:15:04

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay nakaharap ni Amelia si Don Ignacio, ang lalaking lumapastangan sa kanyang ina. Ang taong naging dahilan kung bakit nito tinapos ang buhay. Ramdam niya ang pangangatal ng kanyang mga kalamnan. “Amelia, what’s wrong?” Tanong ni Criselda nang mapansing tila natahimik siya. Palihim silang nagkatinginan ng Kuya Danny niya saka mabilis siyang ngumiti, “Nothing.” Pilit niyang isinantabi ang totoong nararamdaman ng mga sandaling iyon. “Happy Birthday.” Niyakap niya si Criselda at iniabot dito ang regalo niya. Ngunit ang kanyang mga mata ay muling nabalik kay Don Ignacio, naririnig niya ang halakhak nito habang kausap ang isa sa mga apo. Sixty Five years old na si Don Ignacio ngunit matikas pa rin ito at mukhang malakas pa. Ang totoo, mas mukha pang matanda ang Daddy niya gayong fifty five years old lamang ito. Sabagay, simula nang mamatay ang Mommy niya, hindi na nabalik pa sa dati ang sigla ng ama.

Pansin rin niya, madalas ay nilulunod nito ang sarili sa alak at pag-iisa. Kung siya nga lamang ang masusunod, ang gusto niya ay mag asawa na lang muli ang kanyang Daddy para hindi na ito nalulungkot. Pero mahal na mahal ng Daddy niya ang kanyang Mommy at mukhang sarado na ang puso nito para humanap pa ng babae. 

Hinila siya ni Criselda patungo sa ama nito. “Pa, this is Danny’s little sister. Si Amelia,” masayang sabi nito saka bumaling sa kanya, “Amelia, meet my gorgeous father!”

Nakatitig na nakatitig sa kanya ang matanda. Siniko ito ni Criselda, “Pa, baka naman matakot saiyo si Amelia. Alam kong maganda sya, pero masyado ka ng matanda para sa kanya, okay?” Tumatawang sabi ng dalaga saka hinila na siya palayo dito, “Pasensya ka na, matinik talaga sa mga babae si Papa,” anitong bahagya pang rumolyo ang mga mata, “Hindi yata yan nababakante.”

Napakuyom ang kanyang mga kamay. Nakita niya ang Kuya Danny niya, may kausap na isang matangkad na lalaki. Kumaway ito sa kanila.

Kaagad silang lumapit sa kinaroroonan nito. May kung anong dumagundong sa dibdib niya nang bumaling sa kanila ang lalaking kausap nito.

Si Justin Jensen. Bakit parang mas lalo itong gumagwapo habang tumatagal? Hey, saway niya sa sarili. Hindi siya dapat na nadidistract ng itsura nito.“Oh Amelia, Justin, nagkakilala na kayo before, hindi ba?"

Tumango ang lalaki at nakipagkamay sa kanya. “Yeah, I met her before, sa engagement day ninyo ni Danny.” sabi nito saka matiim na tiningnan siya. Pakiramdam niya ay nanuot iyon sa kanyang mga kalamnan. Di niya maipaliwanag ang saktong nararamdaman. Basta ang tiyak niya, nagdulot iyon ng nerbiyos.

LUMAYO si Amelia sa selebrasyon. Hindi siya sanay uminom kaya ilang drinks pa lang ay nahihilo na siya. Ayaw naman niyang istorbohin ang Kuya Danny niya na mukhang nag eenjoy pa ng husto. 

Habang pinagmamasdan nga niya ang Kuya Danny niya at si Criselda, parang nakaramdam siya ng panghihinayang. Alam naman kasi niya ang totoong kakahinatnan ng relasyon ng mga ito. Gusto pa naman sana niya si Criselda para sa Kuya Danny niya. Kaso’y anak ito ni Don Ignacio. 

Naglakad siya patungo sa terrace, kung saan tahimik at malayo sa karamihan. Ang totoo, hindi siya mahilig sa mga ganitong pagtitipon. Kung hindi nga lamang nasa plano na nila ito ng Kuya Danny niya, nunkang makikiparty siya. 

“And what do you want me to do, ha Pamela?” Narinig niyang sabi ng isang lalaki mula sa dilim. May kausap ito sa telepono. Kahit kaunting liwanag lamang mula sa lampost ang nakikita niya, hindi maipagkakaila sa tindig at sa boses nito na si Justin Jensen ang lalaking iyon. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 81

    "AMELIA. . ." Paulit-ulit na sambit ni Justin, may mga alaalang nagbabalik sa kanya ngunit hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin ang kanyang isipan. Nang lapitan siya ni Pamela ay hinawakan niya ito nang mahigpit sa braso, "Sino si Amelia? Gusto ko siyang makita!"Nakita niyang nataranta si Pamela, hindi kaagad makasagot sa kanya."Anak, nakalimutan mo na bang seven years na kayong hiwalay ng babaeng iyon? Si Amelia ay ang dati mong asawa pero matagal na kayong hiwalay. . .pinalayas mo siya sa bahay mo, natatandaan mo ba, ha anak?" Sabi ng ina niya sa kanya.Umiling siya."Malaki ang atraso ng babaeng iyon saiyo," si Pamela, "Pinagplanuhan niyang pabagsakin ang kompanya mo. Ninakaw nilang magkapatid ang mga files mo at inagaw nila saiyo ang pinakamalaki mong kliyete then nagtayo sila ng sarili nilang kompanya, k-kasama ni Miguel," paalala ni Pamela sa kanya.Masakit na masakit ang ulo niya habang ina-absorb ang lahat ng information na sinasabi sa kanya ni Pamela. Pero wala pa rin si

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 80

    NAPAATRAS SI PAMELA MULA SA KINATATAYUAN NANG MARINIG ANG PANGALANG binanggit ni Justin. Napuno ng takot ang kanyang mukha. Hindi siya makapagsalita. Maging sina Jadine, Auntie Criselda at ang ina nito ay nagkatinginan. "Amelia. . ." tila hinahanap ni Justin sa mga mukha nila kung sino si Amelia. Hindi niya alam kung naalala na nito ang lahat, pero kinakabahan siyang may maalala na ito tungkol kay Amelia. Nilapitan ito ng ina ni Justin."Anak. . .nagbabalik na ba ang lahat mong mga alaala?" Halos paanas lamang na tanong nito sa lalaki. Parang blangko ang mukha ni Justin habang nakatingin sa ina. Kahit na paano ay nakahinga siya. Hindi pa rin ganap na bumabalik ang memorya nito.Lumabas ng kuwarto nito si Auntie Criselda, sinundan ito ni Jadine. Naiwan siya sa loob ng kuwarto kasama ng ina ni Justin. Hindi siya komportable ng mga sandaling iyon. Kapag nagkaalaman, tiyak na damay siya dahil kasabwat siya ni Gabby sa lahat ng mga nangyayaring ito kay Justin. Kailangan niyan

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 79

    PARANG MASISIRAAN NG BAIT SI JUSTIN. MASAKIT na masakit ang ulo niya at hindi niya maipaliwanag kung saan iyon nanggagaling. Nagpatingin na siya sa espesyalista, pumunta pa nga siya sa ibang bansa para sa hindi niya maipaliwanag na karamdaman ngunit walang makapagpaliwanag kung ano ang nangyayari sa kanya. Maging ang pagpapatakbo niya sa kompanya ay naapektuhan na dahil sa madalas niyang pagkakasakit. May mga bagay rin tungkol sa kanyang nakaraan na hindi na nya maalala. Pero ramdam niya, may mali sa pagsasama nilang ito ni Pamela. Pakiramdam niya ay may isang bagay ang kulang sa buhay niya ngunit hindi naman niya matukoy kung ano. Dalawang taon na silang kasal ni Pamela ngunit bakit ganito ang nararamdaman niya?Parang may isang bagay sa kanyang nakalipas ang nais niyang balikan. What is going on with me? Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang tungkol sa bagay na ito, aniya sa sarili sa pagitan ng pagsakit ng kanyang ulo.Tumayo siya, ni hindi niya maisubo ang

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 78

    DALAWANG TAON ang matuling lumipas. Sa pagpupursige ni Gabby at sa pagiging consistent nito na patunayang mahal na mahal sila nito, naging malapit na muli ang loob ni Winter dito. Sa katunayan, naging katuwang ni Gabby si Winter sa panunuyo sa kanya.Sa huli ay napapayag na rin siyang makipagbalikan dito. At next week nga ay nakatakda na ang kanilang nalalapit na kasal. Pero may mga sandaling parang gusto niyang umatras. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin naman siya ganuon kasigurado ng nararamdaman niya para kay Gabby. Sabagay, wala naman siyang ibang minahal talaga kundi si Justin. At hanggang ngayon, sa kabila ng mga ginawa nito sa kanilang mag-ina, hindi niya ito magawang iwaksi sa puso niya.Nagagalit siya kay Justin.Nasusuklam siya dito lalo na bigla na lamang itong naglaho at pinutol ang komunikasyon kay Winter ng ganun-ganun na lang. Pero deep inside, nangungulila pa rin siya sa pagmamahal nito. Bakit nga ba hindi niya magawang tuluyang mapoot sa lalaking iyon?Bak

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 77

    ISANG PAGKAKATAON PA, sabi ni Amelia sa kanyang sarili habang kinakabahan siyang pumunta sa opisina ni Justin. Nagbabakasakali na magkakausap sila ng maayos ni Justin. Kung siya lang sana, hindi na niya ito hahanapin pa. Ngunit nagkakasakit na si Winter dahil sa labis na pag-iisip sa ama. Gustong-gusto na nga niyang umalis, muling magpakalayo-layo silang mag-ina at hindi na bumalik pa dito sa Pilipinas.Ngunit ayaw ng pumayag pa ni Winter. Hindi naman maaring siya lang ang magdesisyon para sa kanilang dalawa. Nirerespeto niya ang kanyang anak. "Mommy, kinakabahan po ako." Bulong ni Winter sa kanya habang naghihintay sila sa loob ng opisina ni Justin.Maging siya ay kinakabahan rin. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction ni Justin ngunit hindi na niya iyon isinatinig sa anak. Ilang sandali pa ay lumabas na ang sekretarya nito, "I'm sorry Ma'am pero hindi papasok sa opisina ngayon si Sir. Ipinaalam ko na rin po na andito kayo pero sorry daw, marami siyang kailangang a

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 76

    "SABI KO NAMAN SAIYO, walang ibang magmamahal saiyo ng kagaya ng pagmamahal na ibinibigay ko saiyo, Amelia." Sabi ni Gabby sa kanya nang pasyalan siya nito sa bahay. May dala itong mga bulaklak at chocolates para sa kanya, mga laruan naman para kay Winter. Hindi na gaya ng dati, malayo na ang loob ni Winter kay Gabby. Hindi naman niya ito pipilitin na maging close muli kay Gabby kaya hinahayaan lang niya ang anak. Ngunit kinausap na niya ito nang maayos na huwag nang umasa pang magpapakitang muli si Justin sa kanila.Ang lakas nga ng iyak ni Winter. Ngunit mas mainam ng tapatin niya ito kaysa naman umaasa lang ito sa wala. Mas lalo lamang itong masasaktan."I was right when I told you na ginagamit lang niya ang bata para makaganti saiyo. See, pinaasa lang kayong mag-ina ng lalaking iyon?""Gabby, pwede bang huwag na lang natin siyang pag-usapan." Sabi niya rito."I'm sorry," sabi nitong ginagap ang mga kamay niya, "Sana naman, narealize mo ng ako ang kailangan mo, Amelia. . ."H

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 1:

    MATAGAL niyang pinaghandaan ang araw na ito. Sampong taon rin niyang hinintay ito. Last month, nang sumapit ang kanyang eighteenth birthday, binigyan na siya ng basbas ng Kuya Danny niya para sa kanyang plano. Alam na niya kung sino ang pakay niya. Ilang years na niyang inaaral ang pagkatao ng subj

  • Still In Love With My Ex Husband   PROLOGUE:

    TAKANG TAKA SIYA nang pagdating niya mula sa eskwelahan ay madatnang may commotion na nagaganap, may mga nakikiusyusong mga kapitbahay, mga pulis at ilang mga kamag-anak. Tumakbo siya sa sentro ng kaguluhan. Napatingala siya sa kanyang ina na nakalambitin sa kwarto, lawit ang dila."Diyos ko," na

  • Still In Love With My Ex Husband   TEASER

    PARA SIYANG NAISTWATWA mula sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam kung saan ipapaling ang mga mata para sana makaiwas ngunit alam niyang huli na ang lahat. Hindi na siya makakapagtago pa. Heto at nasa kanyang harapan ngayon ang lalaking ayaw na sana niyang makita pa. God knows

  • Still In Love With My Ex Husband   CHAPTER 14:

    "GUSTO ko lang ipaalala sa iyo ang lahat ng mga plano natin, Amelia. Huwag ka sanang mawawala o malilito sa totoong pakay mo kaya mo pinakasalan ang lalaking yan!" Paalala ng Kuya Danny niya nang tawagan siya nito sa telepono para humingi ng update."Kuya, one week pa lang kaming ikinakasal. Give m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status