LOGIN"PAMELA, WHY ARE YOU DOING THIS TO ME? Bakit parang masayang-masaya kang makita akong nasasaktan?"
Hindi makagalaw mula sa kanyang kinatatayuan si Amelia, ramdam niya ang sakit na nararamdaman sa tinig ng lalaking nagsasalita. Kahit hindi maliwanag ang naaninag niyang tao habang ito ay nagsasalita, hindi siya maaring magkamali sa nag-mamay ari ng tinig na iyon. Alam niyang si Justine Jensen iyon. At sa pagkakaintindi niya, hanggang ngayon ay hinahabol pa rin nito ang dating kasintahan na si Pamela. Ayon sa kay Criselda, ilang beses nang nagpropose si Justin kay Pamela. Sa unang dalawang beses ay tinanggihan iyon ng dalaga. Ngunit ang pangatlong proposal ni Justin ay tinanggap na nito. Pero ngayon nga ay nagkakalabuan na ang dalawa at maaring hindi na matuloy ang napipintong pag-iisang dibdib ng dalawa. Sabi ng Kuya Danny niya, ito raw ang magandang pagkakataon na pumasok siya sa eksena, since nasa wastong edad na rin siya para isagawa ang kanilang mga plano.
Bumalik ang lahat ng mga alaala sa kanya. Ang mga masasakit na alaalang idinudulot sa dibdib niya habang naiisip kung bakit tinapos ng kanyang Mommy ang buhay nito.
"I did not know Danny's sister was that nosy!" Bigla ay nagulat siyang nasa harapan na pala niya si Justin. And since napakatangkad nito compare sa height niya na 5'4', kinailangan niya itong tingalain. Namula ang kanyang mukha. Bahagya siyang nataranta. Ewan ba niya kung bakit may kakaibang aura ang lalaking ito na tila nakakapagpataranta sa kanya. Mabuti na lamang at mabilis rin niyang naapuhap ang kanyang sarili.
"Wala naman akong intensyong marinig ang pakikipag-usap mo sa kung sinuman. Besides, I'm not interested," pagsisinungaling niya, "Nagkataon lang na nabo-bore ako sa loob kaya pinasya kong magpahangin dito. I did not even know that you were here. Sana nilagyan mo ng signage na bawal ang ibang tao dito para hindi ko naririnig ang mga bagay na hindi ko dapat naririnig. " Mataray na sabi niya.
Natahimik ito.
"Advice lang," sabi niyang nakangising tumingin dito. "If you are chasing her like it's a clearance sale, she's probably not buying. Chill ka muna." May sarcasm sa tonong sabi niya rito saka mabilis na itong tinalikuran. Pero ramdam niya ang matalim na mga mata nitong nakasunod sa kanya ng tingin.
Tatawa-tawa siyang dumiretso sa comfort room. She was smiling habang nakatitig sa salamin ngunit maya-maya ay unti-unting naglaho ang mga ngiti niya. Ramdam kasi niya ang sakit na nararamdaman ni Justin sa mga mata nito. Hindi ba at iyon ang klase ng lalaking pinapangarap niya one day? Iyong lalaking gagawin ang lahat para lamang sa pag-ibig nito, kasehodang lulunukin nito ang pride nito?
Sa estadong iyon ni Justin, hindi ito dapat nagmamakaawa sa babae. In fact, alam niyang maraming babae ang willing makipagpatayan para lamang makuha ang puso nito. Pero si Pamela?
Mukhang mahihirapan siya sa plano niyang makuha ang atensyon ni Justin. Mas lalo na ang mapaibig ito.
NAGTATANGIS ANG MGA BAGANG NI JUSTIN habang nakasunod ng tingin sa kapatid ni Danny. Mas lalong uminit ang ulo niya dahil hindi lamang siya napahiya dito kundi para siyang nasuntok ng isang malaking katotohanan.
Hindi lang siya nakakatawa sa ginagawa niyang paghahabol kay Pamela. Mukha pa siyang katawa-tawa. Napakuyumos ang dalawang kamao niya habang tila naririnig pa rin ang tinig ni Amelia habang pinagtatawanan siya.
If you are chasing her like it's a clearance sale, she's probably not buying. Chill ka muna. Bumuntong hininga siya ng malalim.
Do I sound so pathetic?
Siya na rin ang sumagot sa sarili niyang tanong. Damn. Wala siyang ibang babaeng minahal na gaya ng ganitong pagmamahal na nararamdaman niya kay Pamela. At masakit sa kanyang nagmumukha na siyang gago sa panunuyo dito.
Siguro it's about time na tigilan na niya ang kalokohan niyang ito at ibaling na lamang sa ibang babae ang kanyang atensyon. Alam niyang mahirap.
Bumalik muli siya sa bulwagan at nilunod na lamang ang sarili sa pag-iinom. Napadako siya sa kinaroroonan ni Amelia, kausap nito ang pinsan niyang si Ethan na alam niyang matinik sa babae. Parang nababasa na niya ang nasa utak ng pinsan niya habang nakikipagbolahan dito. Napaismid siya. Dami ng pinaluhang mga babae si Ethan. Tiyak niyang isa si Amelia sa binabalak nitong mabiktima.
Di niya maintindihan kung anong biglang pumasok sa isip niya, feeling knight in shining armour, tumayo siya at nilapitan ang dalawa. Makahulugan ang titig niya kay Ethan nang magsalita siya, "Hey, do you mind If I steal her for a dance?" At bago pa man makasagot si Ethan ay iginiya na niya ang dalaga patungo sa dance floor.
BAGAMAT nagulat si Amelia na isinayaw siya ni Justin ay hindi siya tumanggi. Hindi ba at ito naman ang pakay niya, ang makuha ang atensyon ng lalaking ito?
"Pasasalamatan mo akong iniligtas kita sa kamay ng pinsan ko," halos paanas lamang na sabi nito sa kanya. Napakurap-kurap siya. Naamoy niya ang alak sa hininga nito ngunit tila mas nakaragdag iyon sa masculinity nito. Saka hindi naman offensive ang amoy niyon. Banayad lang na humalo sa perfume nito na lalaking-lalaki.
"I'm sorry sa. . .sa nasabi ko saiyo kanina," aniya dito.
"Shh, tapos na iyon," sagot nito sa kanya. At ng gabing iyon, hindi na siya iniwan ng company ni Justin. Napansin pa nga niyang sadya siya nitong inilalayo kay Ethan. At ewan rin niya kung bakit siya nito napapayag na umangkas sa motor nito at ginalugad nila ang Antipolo.
"I did not know that you were this fun to be with," sabi nito sa kanya.
Lango na ba siya sa alak kaya biglang nagbago ang tingin niya kay Justin ng mga sandaling ito? Malalagkit ang mga matang tinitigan niya ito, "A-ako rin Justin, hindi ko alam na ganito ka pala kasayang kasama," she was flirting with him habang sinasabi niya iyon. But this time, she was flirting hindi dahil gusto niyang maisakatuparan ang mga plano nila kundi dahil iyon ang nararamdaman niya! At ewan kung ano ang nagtulak sa kanya para halikan ito.
Ngunit parang bigla ay gusto niyang pagsisihan ang kanyang ginawa dahil hindi niya inaasahang ganuon pala ang ihahatid na pakiramdam sa kanyang buong kalamnan nang tugunin nito ang kanyang paghalik. Mainit, nagbabaga at waring nanunuot iyon sa kanyang buong katawan. . .
"AMELIA. . ." Paulit-ulit na sambit ni Justin, may mga alaalang nagbabalik sa kanya ngunit hanggang ngayon ay gulong-gulo pa rin ang kanyang isipan. Nang lapitan siya ni Pamela ay hinawakan niya ito nang mahigpit sa braso, "Sino si Amelia? Gusto ko siyang makita!"Nakita niyang nataranta si Pamela, hindi kaagad makasagot sa kanya."Anak, nakalimutan mo na bang seven years na kayong hiwalay ng babaeng iyon? Si Amelia ay ang dati mong asawa pero matagal na kayong hiwalay. . .pinalayas mo siya sa bahay mo, natatandaan mo ba, ha anak?" Sabi ng ina niya sa kanya.Umiling siya."Malaki ang atraso ng babaeng iyon saiyo," si Pamela, "Pinagplanuhan niyang pabagsakin ang kompanya mo. Ninakaw nilang magkapatid ang mga files mo at inagaw nila saiyo ang pinakamalaki mong kliyete then nagtayo sila ng sarili nilang kompanya, k-kasama ni Miguel," paalala ni Pamela sa kanya.Masakit na masakit ang ulo niya habang ina-absorb ang lahat ng information na sinasabi sa kanya ni Pamela. Pero wala pa rin si
NAPAATRAS SI PAMELA MULA SA KINATATAYUAN NANG MARINIG ANG PANGALANG binanggit ni Justin. Napuno ng takot ang kanyang mukha. Hindi siya makapagsalita. Maging sina Jadine, Auntie Criselda at ang ina nito ay nagkatinginan. "Amelia. . ." tila hinahanap ni Justin sa mga mukha nila kung sino si Amelia. Hindi niya alam kung naalala na nito ang lahat, pero kinakabahan siyang may maalala na ito tungkol kay Amelia. Nilapitan ito ng ina ni Justin."Anak. . .nagbabalik na ba ang lahat mong mga alaala?" Halos paanas lamang na tanong nito sa lalaki. Parang blangko ang mukha ni Justin habang nakatingin sa ina. Kahit na paano ay nakahinga siya. Hindi pa rin ganap na bumabalik ang memorya nito.Lumabas ng kuwarto nito si Auntie Criselda, sinundan ito ni Jadine. Naiwan siya sa loob ng kuwarto kasama ng ina ni Justin. Hindi siya komportable ng mga sandaling iyon. Kapag nagkaalaman, tiyak na damay siya dahil kasabwat siya ni Gabby sa lahat ng mga nangyayaring ito kay Justin. Kailangan niyan
PARANG MASISIRAAN NG BAIT SI JUSTIN. MASAKIT na masakit ang ulo niya at hindi niya maipaliwanag kung saan iyon nanggagaling. Nagpatingin na siya sa espesyalista, pumunta pa nga siya sa ibang bansa para sa hindi niya maipaliwanag na karamdaman ngunit walang makapagpaliwanag kung ano ang nangyayari sa kanya. Maging ang pagpapatakbo niya sa kompanya ay naapektuhan na dahil sa madalas niyang pagkakasakit. May mga bagay rin tungkol sa kanyang nakaraan na hindi na nya maalala. Pero ramdam niya, may mali sa pagsasama nilang ito ni Pamela. Pakiramdam niya ay may isang bagay ang kulang sa buhay niya ngunit hindi naman niya matukoy kung ano. Dalawang taon na silang kasal ni Pamela ngunit bakit ganito ang nararamdaman niya?Parang may isang bagay sa kanyang nakalipas ang nais niyang balikan. What is going on with me? Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang tungkol sa bagay na ito, aniya sa sarili sa pagitan ng pagsakit ng kanyang ulo.Tumayo siya, ni hindi niya maisubo ang
DALAWANG TAON ang matuling lumipas. Sa pagpupursige ni Gabby at sa pagiging consistent nito na patunayang mahal na mahal sila nito, naging malapit na muli ang loob ni Winter dito. Sa katunayan, naging katuwang ni Gabby si Winter sa panunuyo sa kanya.Sa huli ay napapayag na rin siyang makipagbalikan dito. At next week nga ay nakatakda na ang kanilang nalalapit na kasal. Pero may mga sandaling parang gusto niyang umatras. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin naman siya ganuon kasigurado ng nararamdaman niya para kay Gabby. Sabagay, wala naman siyang ibang minahal talaga kundi si Justin. At hanggang ngayon, sa kabila ng mga ginawa nito sa kanilang mag-ina, hindi niya ito magawang iwaksi sa puso niya.Nagagalit siya kay Justin.Nasusuklam siya dito lalo na bigla na lamang itong naglaho at pinutol ang komunikasyon kay Winter ng ganun-ganun na lang. Pero deep inside, nangungulila pa rin siya sa pagmamahal nito. Bakit nga ba hindi niya magawang tuluyang mapoot sa lalaking iyon?Bak
ISANG PAGKAKATAON PA, sabi ni Amelia sa kanyang sarili habang kinakabahan siyang pumunta sa opisina ni Justin. Nagbabakasakali na magkakausap sila ng maayos ni Justin. Kung siya lang sana, hindi na niya ito hahanapin pa. Ngunit nagkakasakit na si Winter dahil sa labis na pag-iisip sa ama. Gustong-gusto na nga niyang umalis, muling magpakalayo-layo silang mag-ina at hindi na bumalik pa dito sa Pilipinas.Ngunit ayaw ng pumayag pa ni Winter. Hindi naman maaring siya lang ang magdesisyon para sa kanilang dalawa. Nirerespeto niya ang kanyang anak. "Mommy, kinakabahan po ako." Bulong ni Winter sa kanya habang naghihintay sila sa loob ng opisina ni Justin.Maging siya ay kinakabahan rin. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction ni Justin ngunit hindi na niya iyon isinatinig sa anak. Ilang sandali pa ay lumabas na ang sekretarya nito, "I'm sorry Ma'am pero hindi papasok sa opisina ngayon si Sir. Ipinaalam ko na rin po na andito kayo pero sorry daw, marami siyang kailangang a
"SABI KO NAMAN SAIYO, walang ibang magmamahal saiyo ng kagaya ng pagmamahal na ibinibigay ko saiyo, Amelia." Sabi ni Gabby sa kanya nang pasyalan siya nito sa bahay. May dala itong mga bulaklak at chocolates para sa kanya, mga laruan naman para kay Winter. Hindi na gaya ng dati, malayo na ang loob ni Winter kay Gabby. Hindi naman niya ito pipilitin na maging close muli kay Gabby kaya hinahayaan lang niya ang anak. Ngunit kinausap na niya ito nang maayos na huwag nang umasa pang magpapakitang muli si Justin sa kanila.Ang lakas nga ng iyak ni Winter. Ngunit mas mainam ng tapatin niya ito kaysa naman umaasa lang ito sa wala. Mas lalo lamang itong masasaktan."I was right when I told you na ginagamit lang niya ang bata para makaganti saiyo. See, pinaasa lang kayong mag-ina ng lalaking iyon?""Gabby, pwede bang huwag na lang natin siyang pag-usapan." Sabi niya rito."I'm sorry," sabi nitong ginagap ang mga kamay niya, "Sana naman, narealize mo ng ako ang kailangan mo, Amelia. . ."H
"GUSTO ko lang ipaalala sa iyo ang lahat ng mga plano natin, Amelia. Huwag ka sanang mawawala o malilito sa totoong pakay mo kaya mo pinakasalan ang lalaking yan!" Paalala ng Kuya Danny niya nang tawagan siya nito sa telepono para humingi ng update."Kuya, one week pa lang kaming ikinakasal. Give m
MATAGAL niyang pinaghandaan ang araw na ito. Sampong taon rin niyang hinintay ito. Last month, nang sumapit ang kanyang eighteenth birthday, binigyan na siya ng basbas ng Kuya Danny niya para sa kanyang plano. Alam na niya kung sino ang pakay niya. Ilang years na niyang inaaral ang pagkatao ng subj
TAKANG TAKA SIYA nang pagdating niya mula sa eskwelahan ay madatnang may commotion na nagaganap, may mga nakikiusyusong mga kapitbahay, mga pulis at ilang mga kamag-anak. Tumakbo siya sa sentro ng kaguluhan. Napatingala siya sa kanyang ina na nakalambitin sa kwarto, lawit ang dila."Diyos ko," na
PARA SIYANG NAISTWATWA mula sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya alam kung saan ipapaling ang mga mata para sana makaiwas ngunit alam niyang huli na ang lahat. Hindi na siya makakapagtago pa. Heto at nasa kanyang harapan ngayon ang lalaking ayaw na sana niyang makita pa. God knows







