LOGINGAYA ng ipinangako ni Danny kay Justin, kinabukasan nga ay inihatid na nito si Amelia sa bahay at ewan kung bakit sobrang excited siya sa pagbabalik nito. As if napakatagal nitong nawala."Subukan mo lang na bigyang muli ng sama ng loob ang kapatid ko, malilintikan ka na sakin!" Parang nakikipag usap sa batang sabi sa kanya ni Danny. Hindi na lamang niya pinansin ang galit nito. Mas masaya siyang nagbabalik na si Amelia sa tahanan niya. Nang makaalis nga si Danny ay kinausap niya ng maayos si Amelia."Sorry sa mga nasabi ko," Di niya maintindihan kung bakit hindi siya makatingin ng diretso dito. Hindi pa rin siya kinakausap ng maayos ni Amelia. "Galit ka pa basakin?" May halong panunuyo ang tono ng boses niya.Sa halip na sumagot ay umiyak lang sa harapan niya si Amelia."Hey. What's wrong?" Nag aalalang tanong niya dito.HINDI masabi ni Amelia kung ano talaga ang nararamdaman niya. Ngunit kagabi, habang malayo siya sa piling ni Justin ay mas lalo niyang napagtanto kung gaano niya ito
"PASENSYA ka na kung pati ikaw nadadamay sa nararamdaman ko ngayon. Sa halip na nanahimik ka na sa bahay, heto at naiistorbo pa kita," humihikbing sabi ni Amelia kay Gabby. Tapos na silang magdinner at nagpapalipas oras na lamang naman sila sa baybaying dagat. "Wala iyon. Para ano pang naging magkaibigan tayo. Saka siguro kapag may problema ako, nandyan ka rin naman para makinig sakin, right?" sabi nito sa kanya saka ngumiti, "Cheer up, wag mong sayangin ang ganda mo sa taong hindi ka naman kayang ipaglaban.""Wala naman kasing dahilan para ipaglaban nya ako. Sa umpisa pa lang naman, tinapat na nya ako. Sabi ko nga saiyo, hinihintay na lang namin iyong six months para maghiwalay kami." matamlay na kwento niya dito."Ewan ko pero para siyang tanga kapag pinakawalan ka pa nya," sabi nitong napabuntong hininga ng malalim, "Pero hindi naman kasi ako sya. . ." Malungkot na sabi nito saka tumingin ng matiim sa kanya, "Bibitaw ka na lang ba kapag gusto na nyang bumitaw? Hindi mo ipa
"TEKA NGA, MAGLINAWAN NGA TAYO KUNG ANO ba tayo sa isa't-isa."Si Amelia naman ang natigilan. Oo nga, ano bang karapatan niyang magalit ng ganito kay Justin. At bakit hindi niya mapigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha?Napahikbi siya, "Oo nga, wala naman tayong relasyon," may pait sa mga labing sabi niya, "Pampalipalipas oras mo nga lang pala ako. Panakip butas kapag nangungulila ka kay Pamela. Tagapawi ng init mo kapag nalilibugan ka. . .wala nga lang pala ako saiyo," Mapakla ang tawa niya, "Sorry naman!" Pagkasabi niyon ay mabilis na siyang tumakbo papunta sa loob ng kanyang kuwarto."Amelia. . ."Tiniyak niyang naka-lock ang kanyang kuwarto para hindi na ito makapasok pa sa loob ng kuwarto niya."Amelia. . ."Tawag ito ng tawag ngunit hindi niya ito pinagbubuksan ng pinto. Umiiyak na dumapa siya sa kama. Bakit ako itong kinakarma sa ginagawa kong ito? Kailangang tigilan ko na ang lahat ng ito."AMELIA PLEASE," nakikiusap na sabi niya, "Mag-usap tayo," ngunit tila matindi a
SUMAPIT ANG DINNER PARTY sa mansion ng mga Jensen, naroroon ang buong pamilya ni Don Ignacio at ibang malalapit na mga kaibigan. Gandang-ganda siya sa kanyang sarili lalo pa at mamahaling stylist ang kinuha ni Justin para ayusan siya at bihisan. Lima yata ang glam team na nagpaganda sa kanya. Feeling tuloy nya ay isa siyang prinsesa habang inaayusan siya. "God, mukha kang holywood celebrity," anang sikat na stylist habang pinagmamasdan siya, "Naku, di na ako magtataka kung bakit hibang na hibang saiyo ang asawa mo at pinakasalan ka kaagad!" Kinikilig pang bulong nito sa kanya. May pait sa mga labing napangiti na lamang siya. Kung alam lang nito ang totoo. Kahit gaano yata siya kaganda ngayong gabing ito ay balewala lang iyon kay Justin. Ngunit napansin niyang waring natulala si Justin nang makita siya. O baka ilusyon lang niya iyon sa sobrang GGSS niya. Ang ganda-ganda rin ni Criselda, kasama ang Kuya Danny niya. Napapaisip tuloy siya. Hindi ba tinatalaban ang kanyang kapat
TILA WALANG kapaguran si Justin habang ninanamnam ang sarap na dinudulot ng ibinibigay sa kanya ni Amelia habang naglalabas masok siya sa basang-basa nitong kuweba. Hindi siguro niya pagsasawaang samsamin ang tamis nito kaya kahit paulit-ulit ay hindi pa rin siya nauubusan ng kanyang lakas. Damn, never niya itong naramdaman sa ibang babae."Justin," sambit ni Amelia sa pangalan niya. Animo'y boses iyon ng isang anghel sa kanyang pandinig. Muling ginalugad ng kanyang mga labi ang maseselang parte ng katawan nito. Gustong-gusto niyang marinig ang mahihinang halinghing nito na waring kumikiliti sa kanya at nakakapagpadagdag ng init na nararamdaman niya.Kung tutuusin ay hindi naman magaling sa kama si Amelia, halata ngang wala itong karanasan. Hindi paris ni Pamela na kayang mag-akrobat sa kama. And yet, mas nag-eenjoy siya sa pakikipagniig niya sa babaeng ito. There is something in her na di niya mapangalanan. Or siguro dahil alam niyang siya ang nagbibigay dito ng bagong expe
"FOR ME?" Gulat na tanong ni Amelia kay Justin nang dumating itong may dalang bouquet of red roses, "Himala. . ." sabi pa niya ngunit ang kanyang puso ay parang lumulundag sa tuwa, "Ano bang nakain mo at dinalhan mo ako ng bulaklak?""Naisip ko lang na tama ka. Habang magkasama tayo dito, mas mabuti nang hindi tayo nag-aaway." anito sa kanya.Nagkibit balikat siya."By the way, gusto mo bang sa labas na tayo kumain ngayon?" Masiglang tanong nito sa kanya. Napakurap-kurap siya. Kakaiba ang vibe nito ngayon. Malayo sa dating Justin na nakilala niya. "Balak ko sanang magluto ng adobo but since nagtanong ka, yeah why not," aniya dito, "Pwede bang sa Italian restaurant naman tayo? Parang nagke-craving ako sa pizza at pasta," request niya dito habang inaamoy-amoy ang mga rosas na binigay nito."Hmm. . .sige.""Thank you for these flowers," aniya."You're welcome." sabi nitong tumalikod na at nagtungo sa kwarto. Siya naman ay pumasok na rin sa kanyang kuwarto para gumayak. Masayang-







