Share

Kabanata 10

last update Tanggal publikasi: 2026-04-01 16:27:53

Dasha POV

“Hoy, Ryuji, hatid mo ‘yan sa bahay nila kapag ginabi kayo. Baka kung saan mo pa dalhin ang kaibigan ko!” sita ni Ivy kay Ryuji nung sunduin na ako nito sa harap ng flower shop niya.

“Yes po, madam,” magalang na sagot ni Ryuji sa kaniya.

“Ivy naman, palaging tinatakot si Ryuji, e, napakabait kaya nitong kaibigang kong ito,” pagtatanggol ko kay Ryuji. Paano kasi, palaging sinusungitan ‘yung tao sa tuwing kasama ko.

“Dasha, concern lang ako sa ‘yo,” seryoso nitong sagot. Kapag talaga si
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 34

    Dasha POVPagdating namin sa malaking bahay nila Ryuji, parking-an palang ay napanganga na agad ako. Oo, nakapunta na ako rito dati pero ang laki na agad nang pinagbago. Linggo-linggo ata ay may nababago rito.Sa parking-an, nakita ko na rin ang motor ni Ivy. Mukhang ito ang gamit nila papunta rito.“Mauna ka na sa loob, papabuhat ko na lang sa mga staff ko ang pinamili natin,” sabi sa akin ni Ryuji nung pagbuksan niya ulit ako ng pinto. Bibit ang bag ko, nauna na akong naglakad papasok sa loob ng bahay nila.Pagdating sa sala, ang ganda agad. Naka-aircon ang buong bahay, sosyal talaga.“Good morning po,” bati sa akin ng isang kasambahay. “Nasa likod po ng bahay ang swimming pool area,” sabi pa nito sa akin.“Thank you po,” sagot ko sa kaniya.Doon ako tumuloy kasi alam kong nandoon na sina Elco at Ivy. Pero pagdating ko doon, si Elco lang ang nadatnan kong nasa tubig. Wala si Ivy.Binaba ko ang bag ko sa may upuan. May mini bar din dito sa may swimming pool area, sosyal talaga.Napal

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 33

    Dasha POVWala si Elco nung lumabas na ako ulit ng kuwarto. Tapos na kasi akong mag-update ng story ko kaya ready na akong makipagbardagulan ulit sa kaniya. Kaya lang, wala, umalis daw ito at ang paalam kina Nanay at Tatay ay pupuntahan si Ivy.Sayang, ready pa naman akong manukso. Sa totoo lang kasi, masarap siyang inisin pala. Na parang mabilis siyang mapikon sa aming dalawa ngayon.“Nililigawan na ba ni Elco si Ivy, anak?” tanong bigla ni Nanay Susie habang nagdidilig ako ng halaman dito sa garden. “Kagabi kasi ay para silang nagde-date dito sa garden natin habang nagpuprusisyon kayo ni Ryuji,” dagdag pa niya.“Hindi ko pa po sure, pero baka po,” sagot ko nalang. Mukhang desidido na rin talaga si Ivy na ituloy ang pakikipaglandian sa pinsan ko. Sabagay, ganiyang lalaki rin talaga ang trip na trip niya. Lalo na’t maganda ang katawan ni Elco.Pagkatapos kong magdilig ng mga alaga kong halaman ay pumasok na rin ako sa loob dahil nagugutom na ako. Nauntol ang pagkain ko kanina ng almus

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 32

    Dasha POVAfter ng prusisyon ay pagod na pagod ako. Hinatid na rin ako ni Ryuji sa bahay namin dahil maging siya ay sumakit daw ang papa sa haba nang prusisyon. Buong baranggay Poblacion kasi ay inikot ba naman namin, kaya talagang sasakit ang mga paa. Sabagay, kaya nga sinabing panata ay kailangan may kasamang pagsasakripisyo. At iyon ang ginawa namin ngayong buong maghapon. Nag-ayos ng karo ng poon at saka nagprusisyon. Sa ginawa ko, sana naman ay mabawas-bawasan ang kasalanang nagawa ko.Lalo na ang malaking kasalanan na nagawa namin ni Elco. Kasalanang kailanman ay tila hindi ko na makakalimutan.“Salamat, Ryuji, pahinga ka na rin, pagod na pagod ang paa ko ngayon, sulit ang panata natin ngayong miyerkules santo,” sabi ko sa kaniya nung mahatid na niya ako rito sa gate ng bahay namin.“Okay, sleep well, Dasha,” sagot naman niya sa akin.Pag-alis niya ay pumasok na rin ako sa loob. Pagdating ko sa garden, nagulat ako dahil nandoon sina Ivy at Elco. “Uy, Dasha, nandito ka na pala,”

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 31

    Elco POVGumawa ng sariling lakad sina Ryuji at Dasha, hindi manlang ako inaya. Pagkatapos kasi naming mag-ayos ng karo ni Sta Maria Magdalena kanina ay kani-kaniya nang lakad.Kaya ako, heto, mag-isang nakatanga rito sa bahay.Isang oras na lang ay lalakad na ang prusisyon. Ang alam ko ay manunuod sila o baka magpuprusisyon. Ewan, hindi ko na alam ang plano nila. Pakiramdam ko, sinadya nilang isikreto ang lakad nila. Ewan ko rin kay Dasha. Ang weird niya today.“Nasaan kayo nila Dasha?” nabasa kong message sa akin ni Ivy pagtingin ko sa phone ko.“May ibang lakad sila ni Ryuji ata,” reply ko sa kaniya.Ang nangyari, kami na lang tuloy ni Ivy ang nagkasama. Ang sabi niya, magpunta raw kami sa may plasa kasi doon mag-i-start ang prusisyon. Marami rin daw mabibilhang kainan doon, kaya dinaanan niya ako rito sa bahay para sabay kaming pumunta doon.“Tara, makikita rin natin ‘yung dalawa doon,” sabi niya nung lumabas na ako gate ng bahay.Naglakad na lang kami patungo doon dahil malapit l

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 30

    Dasha POVGusto ni Madam Maria ay puro yellow ang kulay ng bulaklak ni Sta Maria Magdalena ngayong Miyerkules santo. Kaya ang mga bulaklak na nabili namin nung nakaraan sa Dangwa ay puro sunflowers, tulips, at yellow rose. Wala ngang halos dahon, puro bulaklak talaga.“Ang galing ninyo kasi kahit nung Linggo pa nabili ang mga bulaklak ay fresh na fresh pa rin ang lahat,” sabi ni Ryuji na nanunuod na sa amin sa pag-a-arrange ng bulaklak.“May technique kasing ginagawa si Ivy diyan,” sagot ko sa kaniya.“Ano nga bang ginagawa mo, Ivy, para mapanatiling fresh ang mga binili nating bulaklak sa Dangwa?” tanong rin ni Elco.“Ano lang ‘yan, kailangan ng malinis na tubig at ‘yung sikretong tinitimpla ko,” sagot niya habang nakangiti.“Ah, so may sikreto pala. Nakakaintriga naman ‘yan. Bilang mga plantito at plantita kami ni Dasha ay gusto naming malaman kung paano mo napapatagal ang mga bulaklak kahit hindi na nakatanim sa lupa?” tanong pa ni Ryuji kay Ivy. Mabuti na lang at hindi na masyadon

  • Stop Seducing Me, Pinsan    Kabanata 29

    Elco POVAlas kuwatro ng madaling-araw ako gumising. Dinala ko ang wallet ko para maagang pumunta sa palengke. Sinabay ko na rin doon ang pagte-ten step walking ko para hindi sayang ang pag-e-exercise ko.Pagdating ko sa palengke, nakita ko si Kagawad Owen. Narinig kong inaayos na nila ang daloy ng traffic. Dinig ko rin na pinapaalis muna ang ibang nagtitinda sa may mga daan o kalsada para sa paghahanda mamaya sa prusisyon ngayong Miyerkules Santo.Hindi na ako masyadong nakigulo pa, masyado lang akong naanlig sa paghahanda nilang lahat kasi ngayon ko lang talaga naranasan ang holy week sa probinsya.Nilabas ko na ang listahan na ginawa ko kagabi. Pagkatapos ay isa-isa ko na itong binili sa mga tindahan na pinuntahan ko. Nagamit ko ang kapogi-an ko kasi madalas akong nakatawad sa kanila, iyon kasi ang turo sa akin ni Tita Susie sa tuwing isasama niya ako rito sa palengke.Alas singko palang ng umaga ay nasa bahay na agad ako. Wala pang gising kaya ginawa ko na ang mga dapat kong gawin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status