LOGINAng sumunod na araw ay naging isang matinding pagsubok sa stamina ni Tala. Simula alas-sampu ng umaga, dinala siya ni Mama Let sa isang sikat na high-end mall sa Makati para sa isang tinatawag ng matanda na "Welcome to the Family Shopping Spree."
"Naku, Tala apo, tingnan mo itong silk dress, bagay na bagay sa balat mo! At itong diamond stud earrings, simple pero elegant," masiglang untag ni Mama Let habang sunod-sunod na itinuturo ang mga mamahaling luxury brands.
Dahil kaunti lang talaga ang dalang gamit ni Tala mula sa kaniyang lumang apartment, gusto ni Mama Let na maging "feel at home" ito at magkaroon ng sapat na wardrobe para sa kaniyang bagong buhay. Subalit, bilang isang simpleng tao na nakasanayan ang magtipid, bawat makita ni Tala na presyo sa tag ay halos magpatalon sa kaniyang puso sa gulat. Isang pirasong blusa ay katumbas na ng isang buwang pambayad sa kuryente!
"Mama Let, huwag na po, nakakahiyang magpasponsor ng ganito karaming damit," pakiusap ni Tala, sinusubukan hilaan ang matanda palayo sa isang jewelry boutique. "May mga maayos naman po akong damit sa kwarto—"
"Hush, my dear," pagputol ni Mama Let, hinawakan nang marahan ang kaniyang kamay at ngumiti nang may malalim na pagmamahal. "Itrato mo itong regalo mula sa isang lola. Kakailanganin mo rin ang mga ito balang araw kapag kasama mo si Ethan sa mga business galas. At saka, it makes me happy to see my future granddaughter-in-law looking beautiful. Tanggapin mo na ito, okay?"
Dahil sa purong intensyon at tamis ng ngiti ng matanda, hindi na nakatanggi si Tala. Pero sa loob-loob niya, ang kaniyang utak bilang isang entrepreneurship student ay mabilis nang nagbubukas ng isang mental calculator.
Pagdating ng gabi sa loob ng bachelor pad, binalot ng matinding hiya-kaba-iwasan moments ang dalawa. Katatapos lang maligo ni Tala at suot niya ang isa sa mga simpleng cotton loungewear na binili ni Mama Let. Habang naglalakad siya sa hallway patungong kusina para uminom ng tubig, sakto namang lumabas si Ethan mula sa kaniyang master bedroom na naka-preskong t-shirt at sweatpants.
Agad na napatigil ang dalawa. Nagkatitigan sila nang ilang segundo. Nang mapansin ni Tala ang basang buhok ni Ethan at ang mabangong amoy ng shower gel nito, bigla niyang naalala ang halik kagabi sa engagement party. Mabilis na uminit ang kaniyang mukha at umiwas siya ng tingin. Si Ethan naman ay bahagyang tumikhim at lumingon sa ibang direksyon, halatang naiilang din sa biglaang presensya ng isang babae sa kaniyang personal na espasyo.
Upang basagin ang nakatutulig na katahimikan, mabilis na binuksan ni Tala ang kaniyang bagong smartphone at lumapit sa kitchen island kung saan nakaupo si Ethan.
"Mr. Martinez," pormal na panimula ni Tala, pinipilit na ibalik ang kaniyang propesyonal na boses upang itago ang kaba. "Paki-check ang email mo. Nagpadala ako ng link para sa isang bagong tab sa ating master file: ang Asset Allocation and Personal Liability Spreadsheet."
Napakunot ang noo ni Ethan. Kinuha niya ang kaniyang tablet para buksan ang email. Doon ay nakita niya ang isang napaka-detalyadong Excel sheet na may dalawang magkahiwalay na column: Corporate Marketing Sponsorship at Personal Accounts Payable.
"Ano ang ibig sabihin nito, Miss Banaag?" tanong ni Ethan habang binabasa ang mga numero.
"Ipinasok ko riyan ang lahat ng pinamili namin ni Mama Let kanina," seryosong paliwanag ni Tala, itinuro ang screen gamit ang kaniyang daliri. "Ang mga mamahaling damit, relo, at alahas na ipinilit ni Mama Let para sa mga publikong okasyon, inilagay ko sa Corporate Marketing Sponsorship. Non-payable. Ituturing ko 'yan bilang investment ng Martinez Holdings para sa PR branding natin."
Huminto si Tala at itinuro ang kabilang column. "Pero ang mga personal na gamit tulad ng cotton pajamas na suot ko ngayon, ang kalahati ng kinain nating sushi kagabi, at ang utilities f*e para sa pananatili ko sa guest room mo, inilagay ko sa Personal Accounts Payable. Ibig sabihin... utang ko 'yan sa'yo. Babayaran ko ang bawat piso niyan nang may 5% interest kapag nakagraduate ako at kumita na ang consultancy firm ko."
Napatitig si Ethan sa spreadsheet, pagkatapos ay kay Tala. Ang kaniyang boses ay naging malamig at seryoso. "You don't need to do this, Miss Banaag. Pera lang ito. I can pay for everything without even checking the bill."
Humarap nang diretso si Tala kay Ethan, ang kaniyang mga mata ay puno ng dignidad at katatagan. Ang konting kilig at lambing na namumuo sa pagitan nila simula pa kaninang umaga ay biglang naglaho, pinalitan ng isang malinaw at malamig na linya.
"Maaaring maliit na barya lang ang halagang ito sa'yo, Mr. Martinez, pero para sa akin, ito ang katunayan ng aking integridad," diretsong sabi ni Tala. "Gusto kong malaman mo na hindi pera ang habol ko sa pamilya mo. Tinanggap ko ang trabahong ito dahil desperado ako sa tuition at utang sa apartment, pero hanggang doon lang 'yon.
Ipinapakita ng spreadsheet na ito na pinanghahawakan ko na Strictly Business lang ang estado nating dalawa. Walang personalan, walang emosyon, at walang totoong relasyon."
Napatitig si Ethan kay Tala. Ang mga salita ng babae ay parang isang malamig na pader na biglang itinayo sa pagitan nilang dalawa. Ang kaunting paghanga at pakiramdam ng "home" na nagsisimula sanang mamuo sa kaniyang dibdib ay biglang napigilan. Naalala niya muli ang katotohanan—isang kontrata lang ang nagpapanatili sa kanila sa iisang bubong.
Ibinaba ni Ethan ang tablet at ibinalik ang kaniyang blanko at walang emosyong mukha ng isang ruthless CEO.
"I see," malamig na tugon ni Ethan. "You're right, Miss Banaag. A contract is a contract. Isang taon lang ito. It’s good that you are keeping your emotional boundaries clear."
"Mabuti na ang malinaw, Client," sagot ni Tala, bagamat nakaramdam siya ng isang hindi maipaliwanag na bahagyang kirot sa kaniyang dibdib nang marinig ang pormal na pagtawag muli ni Ethan sa kaniya bilang 'Miss Banaag.'
Tinalikuran niya si Ethan at naglakad nang mabilis pabalik sa kaniyang guest room. Habang isinasara ang p***o, binalot ng katahimikan ang bachelor pad—isang malinaw na paalala na sa likod ng mga ngiti sa harap ng media, sila pa rin ay dalawang magkaibang tao na nakakulong sa isang pirasong papel.
Eksaktong alas-dose na ng tanghali, natapos na rin ni Tala ang pinapagawa sa kanya ni Mr. Martinez. Tumayo siya at lumapit sa mesa ng binata hawak ang flashdrive kung saan nakasave ang kanyang report.“Excuse me, Mr. Martinez, I already sent the audit report to your work email and here’s a back-up copy for your perusal,” pilit na tinataboy ni Tala ang kabang nararamdaman.“Put it on my desk. I’ll review them shortly. It’s lunch time. Do you have a plan right now?” Casual na sabi ng binata.“No, sir,” mabilis na sagot ni Tala.Tinigil na ng binata ang anumang ginagawa at mabilis na naglakad papalapit sa dalaga.“Then, let’s go out. Eat with me, hon."Napatigagal sa narinig ang dalaga at napaatras siya ng hakbang.“Mr. Martinez, with all due respect, don’t be delusional. I’m not your honey. Moreover, we’re at work. Can we maintain our professional boundaries?” Matapang na sagot ni Tala.“We’re in my office, Hon. Tayong dalawa lang dito. Above all else, I’m the CEO of this company.” Mulin
Isinantabi ni Tala ang kung anumang agam-agam na nararamdaman niya. Nasa loob sila ng training room ni Hazel kasama ang HR supervisor upang i-orient sila tungkol sa kanilang on-the-job training sa kumpanya. Binigyan muli sila ng tig-isang kopya ng kanilang memorandum of agreement at tinalakay ito upang siguruhin na nauunawaan nila ang rules, training hours, at ang responsibilidad nila sa kumpanta, at ang expectation ng kumpanya sa kanila.Matapos ang dalawang oras, isa-isa nang tinawag ang mga pangalan ng interns upang i-deploy sa kanilang mga designated departments."Miss Hazel De Vera, here’s your internship ID card. You are assigned to the Executive Secretary's Office under Mr. Mark Gallego," anunsyo ng supervisor na nagpabaling sa tuwa ni Hazel."Here’s yours, Miss Tala Banaag..." binalingan siya ng supervisor. "Please follow me. Your designated station is at the top floor, direkta sa loob ng Chief Executive Suite."Nanlalaki ang mga mata ni Tala sa narinig. "I’m sorry, Miss. I co
“Maiba naman tayo. Ano naman ang drama ninyo ni Kyle?”Napatigil si Tala sa pagsinga sa tissue nang marinig ang tanong ng kaniyang chismosang kaibigan. Nagpakawala siya ng isang malalim na bunting-hininga bago sagutin ang tungkol sa blockmate nila.“Kay Kyle? Naku, friend, kung alam mo lang,” kumuha muli siya ng tissue upang ipahid naman sa kanyang mukha na basa pa rin ng luha. “Naalala mo yung isang Biyernes na nagpresent tayo?” Tanong niya sa kaibigan.“Oo, two weeks ago na yun ah. Ano ang hindi ko nalalaman? Sige ikwento mo.” Mataman itong nakikinig sa kanya.“Noong araw na yun, hinabol ako ni Kyle sa may drop-off zone. Nagtapat siya ng feelings sa akin… gusto niya raw ako. Syempre, first time ko na makarinig ng confession tapos nasa school pa kaya sandali akong natameme. Bago pa man ako makakilos, ang lolo mo bigla na lang iniyuko ang mukha at tinangkang halikan ako sa mismong mga labi.”“Oh my gosh! Tala! Tinangka ka niyang tukain?!” Parang nasisilihan sa pwet si Hazel sa tindi ng
“Friend, super cozy naman ng unit mo! Napakabango at napaka-relaxing dito! Para akong nasa staycation. Ang shala! Tapos may swimming pool pa sa baba.” Papuri ni Hazel habang inilalapag ang kanyang gamit sa tabi ng sofa.“Feel at home, friend.” Sabay bato niya ng isang rolyo ng tissue sa kaibigan nang makaupo ito sa sofa.“Wow ha! Uumpisahan na ba natin agad-agad? Di ba pwedeng magrelax muna tayo sandali?” Reklamo nito sa kanya nang masalo nito ang tissue.“Gagi, itabi mo lang yan sa iyo. Gagamitin natin yan mamaya, tig-isang rolyo tayo.” Sarcastic remarks niya rito.“O-kay! Pasilip sa balcony mo ah!” Pagpapaalam ni Hazel.“Kakasabi ko lang kanina, feel at home. Do as you please, friend.” Nakangiti si Tala.“Sheeeeeeeettt! Ang ganda naman ng sunset view mo rito! Palong-palo!”Tama naman talaga si Hazel. Isa iyon sa dahilan kung bakit niya pinili itong unit kaysa sa iba. Ito lang kasi yung bukod tangi na may magandang view ng sunset ng Manila Bay.“Halika muna sa sala. May plano akong i
“Cleared ka na, Ms. Banaag. You have completed your onboarding requirements,” nakangiting wika ng coordinator matapos nitong i-check ang kanyang envelope. “Please wait for the memorandum of agreement within this week para sa deployment ninyo.”“Thank you, Miss,” magalang na tugon niya rito.Nakahinga ng maluwag si Tala. Maaga siyang pumasok kanina para mapanotaryo ang kanyang consent form. Hindi na kasi siya nakaabot kagabi dahil inabot lang naman siya ng ilang oras sa biyahe sa tindi ng traffic. Sa dulo ng hallway sakto namang naghihintay si Hazel. Magiliw na ngiti ang pinakita nito sa kanya.“Ano, friend, sa tingin mo kaya may pag-asa tayo makapag-OJT sa kumpanya ng jowa mo?” Excited na excited ang tono ng pagkakasabi nito sa kanya.Kung anong dalangin ko na huwag na sana magkrus pa muli ang landas namin ni Ethan, ay siya namang kabalintunaan na hiling ng aking butihing kaibigan.“Ah, malay mo. Marami namang naglalakihang kumpanya dito sa malapit lang. Laking tipid din yun para sa a
CHAPTER 27Dumating ang Sabado ng umaga. Kinailangan ni Tala na lumuwas sa kanilang probinsya sa Quezon. Ilang oras din ang kaniyang naging biyahe. Bitbit ang kaniyang backpack na may lamang documents na kailangan papirmahan sa kanyang ina. Pagbaba niya sa bus terminal, sumakay pa siya ng jeepney upang makarating sa kanilang baryo. Sariwang hangin ang nalalanghap niya sa mga oras na yon, taliwas sa nakagawian niya sa Maynila.I miss my hometown. Naisip niya sa mga oras na iyon habang nasa biyahe. Sa bakuran ng kanilang lupa, nakatayo ang kanyang ina. Nagwawalis ito ng mga tuyong dahon. Bagamat nakayuko, hindi nito napansin ang kanyang pagdating.“Nay…” sambit niya rito. Her tone carried a trace of longing. Nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.“Tala, anak!” Nabitawan nito ang walis tingting na hawak at mabilis na tinungo siya para yakapin. “Halika, pumasok tayo sa loob. Alam kong pagod ka sa biyahe.”“Miss na miss kita, Nay.” Yakap pa rin niya ang ina bago sila gumayak paloob n







