Share

Chapter 17

Agad akong pinigilan ni Morgan nang akmang tatalikuran ko na siya upang makabalik na ako ng ospital.

“Huwag kang gagawa ng padalos-dalos na desisyon, Andrea. At this moment, mas mabuti siguro kung mag-lie-low ka na muna sa gulo. Katatapos lang kasi ng nangyaring gulo nitong nakaraan, and as you know… sariwa pa ang tungkol sa isyu. Hindi p’wedeng susundan mo kaagad ng kasunod na isyu ‘yon kung ayaw mong magkapatong-patong ang poproblemahin mo.”

“Wala naman akong gagawin-”

“Kitang-kita ko ang panggigigil sa mukha mo, Andrea. Alam kong may plano kang sugurin si Doc Bernard ngayon that’s why I’m stopping you from here,” may pag-aalala na sambit ni Morgan as he was tightening his hold to my arm. “Nakikiusap ako sa iyo… don’t make reckless decision. Suspinde ka sa ospital ngayon for a week… and don’t make your suspension become a termination ‘pag nagpaapekto ka sa emosyon mo.”

Nagpumiglas ako mula sa hawak niya. Lumapit lang ako sa kotse ko at isinandal ko roon ang katawan kong matagal na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status